logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 6: “Mama? “

Sa taong 2016:
“Adam, ano na? May balita na ba tungkol kay Eve?” mahinahong tanong ni Nyla tsaka umupo sa tabi ni Adam. Sa kasalukuyan, nakaupo ang dalawa sa damohan na nasa harapan lang ng bahay ni Jaime.
Tatlong oras na ang lumipas simula noong nawala lang bigla si Eve. Tumawag agad sina Adam ng mga pulis, ngunit wala rin palang silbi. Tinawanan pa nga ang binate nang sinabi niya na naglaho lang bigla ang dalaga. Na naglaho lang bigla si Eve sa kanyang harapan, naglaho na parang bula. Kaya ni kahit isang maliit na detalye, walang nahanap ang mga pulis. Hindi na nga sana ipagpatuloy ang pagsisiyasat kung hindi nila palaging ginugulo ang mga pulis.
Ala una nan g hapon at ang apat na magkaibigan ay hindi na tuluyang pumasok sa kanilang mga klase na pananghalian, kaya heto sila ngayon sa bahay ni Jaime nagpapalipas ng oras.
Napabuntong hininga si Nyla nang hindi siya sinagot ni Adam. Napatitig ang dalaga sa isang puno na nasa kanyang harapan.
“Adam, mas mabuti siguro kung ipaalam na natin ang mga magulang ni Eve tungkol sa kanyang pagkawala. Hindi rin naman kasi pwede na ilihim natin ito kay tita Desa. Mas may karapatan sila kaysa sa atin, Adam. Mga magulang sila ni Eve.”
nilingon ni Nyla si Adam at napansin na nakatulala pa rin ang binata. Hindi ito umumik. Tinapik ng dalaga si Adam sa balikat at tumayo tsaka hinampas-hampas ang kanyang puwit. Tumingin siya kay Adam at nagsalita.
“At sabi nga pala ni Jaime na pauwi na daw ang mga magulang niya. Kaya habang alas tres lang tayo dito. Basta, pag-isipan mo ang sinabi ko, Adam. Kami rin ay nag-aalala para kay Eve. Tandaan mo iyan.”
naglakad na pabalk si Nyla sa loob ng bahay ni Jaime. Nang binuksan niya ang pinto, nilingon niya si Adam at nakita na umiiyak na pala ito. Malungkot na napangita ang dalaga at tuluyan ng pumasok.
“Nyla! Kamusta si Adam?” nang napansin ni Carmen na bumukas ang pinto at tumuloy dito si Nyla, agad na sinalubong ng dalaga ang kaibigan at hinawakan ang kamay tsaka hinila patngo sa sopa at umupo, kaharap si Jaime.
Tumayo bigla ang binata, sa kadahilanang napalingon ang dalawang dalaga sa kanya.
“Kuha lang ako ng tubig.” pagpaalam nito sa dalawa tsaka umalis at nagtungo sa kusina. Tumango naman sina Carmen at Nyla bilang ganti.
“Ayon, nakatulala pa din. Kinakausap ko siya, ngunit hindi niya ako sinasagot.” Yumakap si Nyla kay Carmen at napaluha. Hinaplos-haplos naman ng dalaga ang umiiyak na kaibigan niya. Pati rin siya, napaiiyak.
“Hindi man pinapakita ni Adam sa atin, alam ko na siya ang sobrang nag-aalala para kay Eve. Kaya hayaan muna natin siya sa ngayon.”
nagpahid ng luha si Carmen at humiwalay sa yakap. Tumitig ang dalaga sa mga mata ni Nyla at ngumiti, na para bang nagsasabi na maaayos rin ang lahat.
“Tahan na, ha? Mahahanap rin natin si Eve at siya ay babalik rin sa atin. Kaya magpapatatag tayo at kayanin natin ‘to.”
tumango si Nyla at nagpahid rin ng luha. Ngumiti ang dalaga at napatitig sa itaas.
Sa taong 14th B.C.:
May-akda:
“A-ashley. ‘Wag mo kaming iwan. Lumaban ka, pakiusap.” bulong ni Fernando sa dalaga sabay hinga ng malalim.
Halos mag dadalawang minuto na ang lumipas simula noong binibigyan niya ng hangin si Ashley sa pamamagitan ng paghalik. Ngunit hindi pa rin bumalik ang pulso ng dalaga.
Nang ipagpatuloy sana ng binata ang pagbigay ng hangin kay Ashley, biglang bumukas ang pinutan at dito pumasok sina Kenellio at Arcy, kasama ang tatlong tao.
Agad na bumaba si Fernando sa pagkapatong kay Ashley at napalingon sa mga tao na pumasok. Tumakbo naman si Maria patungo kay Arcy at yumakap tsaka napaiyak.
“P-papay, Ma-mamay. S-si Ashleyho, hindi na siya humihinga.” Humihikbing sabi ni Fernando sabay yuko ng kanyang ulo nang hindi makita ang kanyang tumutulo na mga luha.
Sa taong 2016:
Eve:
‘Aray!’ ang sakit ng aking ulo, sobra! Ramdam ko ang pagbaba at pagtaas ng aking dibdib habang ako ay humihinga. Hindi ko kayang imulat ang aking mga mata, na para bang sobrang bigat ng aking mga talukap. Habang ako ay nakapikit, bumilis bigla ang aking paghinga sapagkat ako ay nakakaramdam ng takot. Bigla kasi akong napaisip na tila ba ako ay unti=unting lumiliit habang papalayo nang papalayo ang dapat kong abutin. Napamulat ako.
Napabalikwas ako at hinahabol ko ang aking hininga. Nilibot ko ang aking paningin at napansin na nandito ako sa aking silid. Para akong bata na bagong gising.
“Ano ang nangyari sa akin? Bakit ako nandito?” ang pagkakatanda ko kasi, nasa eskwelahan pa ako, kasama sila Adam. Hindi ko nga alam kung paano ako napunta dito. Ni hindi ko nga alam kung kalian lang ako nakatulog. Parang ang himbing pa nga ng aking tulog na ako ay nanaginip pa. Napatawa ako.
Iniwakli ko ang aking kumot at napatingin sa aking kasuotan at napasimangot. Ito pa din kasi ang suot ko kahapon. Puti ang aking pang-itaas at naka pantalon. Napahilamos ako sa aking mukha. ‘Kahit pagbihis man lang, Everene, ‘di mo magawa?!’ pagsaway ko sa aking sarili.
Nang binaba ko ang aking mga paa at tumapik ito sa sahig, patayo n asana ako nang nakaramdam ako ng pagkahilo. ‘Ano ba ang nangyayari sa akin?’
Hindi ako gumalaw at nanatiling nakaupo sa gilid ng kama habang nakapikit, umasa at nag-hhintay na mawala ang sakit sa aking ulo.
Minulat ko ang aking mga mata at dahan-dahan akong tumayo at napangiti nang nawala na ang sakit. Ngumiti ako at agad na tumakbo papuntang palikuran. Ang baho ko na kasi!
May-akda:
Lumipas ang apatnapu’t pitong oras nang natapos nan i Eve ang pag-ayos sa kanyang sarili.
Ngiting tagumpay ang biniga ng dalaga sa kanyang sarili nang siya ay tumingin sa salamin at nakita ang kanyang sarili. Preskong-presko!
Eve:
Binuksan ko ang pinto ng aking silid at lumabas. Habang bitbit-bitbit ang aking telepono, lumakad ako pababa sa hagdanan, at nagtungo sa kusina upang mag almusal. Nagugutom na kasi ako.
Nang ako ay naababa, diretso akong lumiko ng kanan, sapagkat walang ni kahit isang taong bumungad sa akin sa sala.
“Asan ba ang mga nakatira dito? Wala ba sila mama?” nang bumungad sa akin ang kusina, tsaka ko lang nakita ang aking ina. Nakatingin siya sa akin, ang telepono niya ay nasa tainga niya.Nagtitigan kami ni mama, at tsaka niya lang binaba ang kanyang telepono.
“Oh, mama. Nandito lang ho pala kayo. Si papa, asan?” ngumiti ako sa aking ina bilang bati at naglakad patungo sa kanya, ngunit hindi pa rin siya nagsalita at tanging nakatitig lamang sa akin, sinusundan ang bawat kilos ko.
Napahinto ako ng tumayo si mama at naglakad siya papunta sa akin. Napatitig lang ako sa kanyang mga mata, at pansin ko na ang mga mata niya ay para bang nag-aalab ng galit. Bigla akong kinabahan. May nagawa ba akong mali?
“A-ano ho nangyari, ma? May problema ba?” nag-aalangan kong tanong. Magsasalita na sana ako nang nanlaki bigla ang aking mga mata. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at napahawak sa aking kaliwang pisnig. ‘Ang sakit!’
Hindi ko inaasahan na sampalin ako ni mama. Napatingin ako sa kanya at pinigilang umiyak. Ayaw kong makita niya akong umiiyak.
“M-ma, ba-baki—?” hindi ko naituloy ang aking pagtanong sapagkat pinutol at inunahan ako ni mama.
“Asan ka nanggaling sa mga nakaraang tatlong araw?” mariin niyang tanong sa’kin. Ano sabi niya? Asan daw ako galing? Eh, nandito lang ako sa bahay simula noong miyerkules. Ganito na ba talaga at tila walang paki-alam sila mama sa akin? Ni kahit kinalalagyan ko, hindi nila alam! Kung sila nga ay nandito sa bahay, hindi nila ako kinakausap! Sasagot n asana ako nang naunahan na naman ako ng aking inay.
“Grabe ka naman, Everene! Talagang sa iba ko pa talaga nalaman na halos tatlong araw ka nawala?! At ngayon ko lang nalaman! Wala kang kwentang anak!”
nang sumigaw si mama, hindi ko napigilan ang aking sarili at umiyak.
Hindi ako napansin ng aking inay at naglakad lamang siya pabalik sa upuan at hinampas ang lamesa tsaka umupo. Nang nilingon ako ni mama, akala ko magtatanong siya kung bakit ako umiiyak. O ayus lang ba ako. Ngunit walang nagsasalita sa amin. Talagang tinitigan niya lang ako habang ako ay umiiyak sa kanyang harapan. Kumirot ang aking dibdib at napahikbi ako.
“M-mama, alam mo ba ni kahit isa ay hindi mo ako tinatanong kung ayos lang ba ang aking eskwela. Maayos lang ba ang lagay ko. Parang hindi na nga kita ina, ma!”
nang hindi ko napigilan ang aking sarili, sumigaw ako at halos hindi na huminto ang pagbuhos ng aking mga luha. Huminga ako nang malalim at umiwas sa mga titig ni mama. Hindi siya nagsalita.
“Kaya ba’t napatanong ka sa akin dahil natatakot kang ikaw ay mapahiya? Na baka ipagkalat nila Adam na ikaw ay walang pake sa akin? Na ikaw ay walang kaalam-alam na ako pala ay nawawala na?”
tumawa ako. Kung ganito rin man lang, sana noon ko pa ito ginawa. Sana noon pa ako nagreklamo kay mama.
“Everene!” ramdam ko ang galit ni mama. Alam kong mali, ngunit dapat rin na malaman ni mama na ito ang aking nararamdaman.
“A-alam ko naman na nagtrabaho kayo para sa kinabukasan natin, ma! Ngunit ni kahit kailan, hindi niyo ako kinamusta. Parang sa isang taon nga, limang beses lang tayo magkasamang kumain. Kung nandito naman kayo sa bahay, hindi niyo ako kinakausap”
Napailing-iling ako at nagpahid ng aking luha. Napalingon ako kay mama at tumitig sa kanyang mga mata. Mapait akong ngumiti.
“Ayos lang ako ma, naiintindihan ko ho. Kung gusto mong malaman, sa mga nakaraang araw, nandito lang ho ako sa bahay nagpapalipas ng oras. Mag-isa!”
nang hindi umimik si mama, agad akong naglakad palabas ng bahay. Nawalan na ako ng ganang kumain.
“Baka ikaw ay mahihiya naman, ma, nasa eskwelahan lang ako.” nilingon ko saglit ang kinaroroonan ni mama at tuluyan nang lumabas.
Nang sinira ko ang pinto, nakaramdam naman ako ng pagkahilo kaya napapikit ako bigla at nanatili muna akong nakatayo. Sumandal ako sa pintuan at huminga ng malalim. Mas lalo kasing sumakit ang aking ulo. Ano na ba ang nangyayari sa akin?
Nang nawala na ang sakit, tuluyan na akong umalis at nagtungong eskwelahan. Kahit sabado kasi, makakapasok pa rin kami kung may dala lang kaming I.D. Kaya doon nalang ako sa librerya magpapalipas ng oras.
Adam:
“O-oo po, tita. Mag-ingat ka, ho. Tatawagan nalang ho kita ulit kung may bagong balita na ang mga pulis tungkol kay Eve. Pasensya na rin ho kung ngayon ka lang namin nasabihan tungkol dito, tita. Hindi kasi namin alam kung paano ito sasabihin sa inyo. Paalam, po.”
napabuntong hininga ako nang binaba ko na ang telepono.
Lumipas na ang tatlong araw simula noong byernes, at hindi pa rin bumalik si Eve. Kahit ang mga pulis, wala silang nakita.
Nandito kasi ako ngayon sa kantina, nag-aantay na darating sina Jaime at ang iba. Lunes kasi ngayon, may iskedyul kami kay Propesor Sanchez upang masabihan niya kami tungkol sa tesis namin kung ayos na ba o may baguhin pa ba.
Tatawagan ko na sana si Jaime nang may tumawag sa aking pangalan. Napalingon-lingon ako at nakita sina Carmen, Nyla, at Jaime. Nakangiti pa ang mga kupal!
Agad akong tumayo at humarap sa kanila.
“Asan ba kayo galing at ang tagal ninyo, ha?!” sinamaan ko sila ng tingin at naglakad papunta sa kanila. At ang mga kupal, tumawa!
“Pasensya na, Adam! Eh, may trapiko kasi, kaya ayun.” napailing-iling na lamang ako.
“Siya nga pala, p’re, kamusta ang usapan ninyo ni tita?” umakbay ako kay Jaime at ngumiti. Habang naglakad kami patungo sa opisina ni Propesor Sanchez, sinabi ko sa kanila kung ano ang pinag-uusapan namin ni tita Desa, ang nanay ni Eve.

Komentar Buku (25)

  • avatar
    Atti Itta

    nice

    22d

      0
  • avatar
    Jordan Mones

    jiju

    26/06

      0
  • avatar
    g Niks

    good

    05/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru