logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 4: “Enchancia”

Sa taong 14th B.C.:
Eve:
“A-adam, a-a-asan ka? A-asan ako?!” napaiyak na ako ng tuluyan at niyakap ko ang aking sarili, upang maibsan ang kaba at takot na aking nararamdaman. Pero hindi ko pa rin alam kung paano ako nandito, bakit ako nagkaganito, o nasaan man ako. ‘Na holdap ba ako, at papatayin?!’
Mas nagtaka ako lalo nang hindi na masyado masakit ang sugat, malalim pa naman masyado ito. Pero—
“Aray!” mali pala ako. Napasinghap ako sa sakit at umiyak lalo. Ganito kasi ako pag maiwan mag-isa. Matakutin at magiging bata kung mawawala, lalo na ngayon na hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkaganito. Tumingin ako sa aking kanan at nagtaka kung ano iyung narinig ko, pero wala pa rin akong makita, sa kadahilanan ng ilaw na nanggaling sa buwan na hanggang ngayon, ay nakatuon parin sa akin. Nang narinig ko ulit ang ingay, bumilis bigla ang tibok ng aking puso. Na para bang may naglalakad patungo kung asan ako at habang naglalakad, pinuputol niya ang mga damohan o maliliit na sanga ng mga puno, at mas lalo bumilis ang paglakad nito.
Bumilis ang tibok ng aking puso at hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman, takot na takot na ako. Bumilis ang aking paghinga. Hinihingal na ako at sa aking palagay, malapit na talaga ako maubusan ng hininga.
Sinubukan kong tumayo para magtago sa likod ng isang puno, pero parang imposible, dahilan sa kumikirot na sugat sa aking tagiliran. ‘Ang sakit!’
Gumapang ako hangga’t sa aking makakaya at tila bang sumusunod sa akin ang ilaw na nanggaling sa bilog na buwan, at nung malapit na sana ako makatago, napansin kong may tumitig sa akin mula sa aking likuran. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at pinigilan ang sarili na umiyak. Hindi ako kumportable sa kanyang titig, hindi ako mapalagay.
Lumingon ako sa aking likuran at nabigla. Pumikit ako at pinakalma ang sarili. Huminga ako ng malalim at sinubukan na makalimutan ang mga mata na aking nakita. Dilaw ang kulay ng mata, at malapusa pa kung makatitig. Maitim ang panig sa kanyang mga mata. Idinulat ko ang aking mga mata, at ngayon ay tumindig na siya kung asan ang ilaw at kaharap ko siya. Nagtitigan kami. Habang ako ay tumititig sa kanyang mga mata, humawak ako sa puno ng kahoy at sinuportahan ang sarili upang makatayo.
“Aaahhh!” hindi ko talaga kaya. Natakot pa rin ako, kaya tinalikuran ko siya. Nanginginig ang aking katwan at bumilis lalo ang tibok ng aking puso.
Hindi ko alam kung totoo ba talaga ang mga mata na nakita ko o namamalikmata lang ba ako? Hindi ko rin alam kung asa tao o hayop ba nanggaling ang mga mata na nakikipagtitigan sa akin. Nakakapangilabot sapagkat ang mga dilaw na mata niya lamang ang nakita ko kanina sa dilim. Gusto ko ulit titigan pero nangingibabaw ang takot na aking nararamdaman.
Napakalma ko ang aking sarili at sinubukan ulit na tumitig sa mga mata na king kinatatakutan. Dahan-dahan akong humarap sa kanya, at tinutukan ang kanyang mga mata, pero tumutok din siya sa akin. Napatitig ako.
Napangiti ako at sigurado ako ngayon, na nalaglag ang aking panga. Lumakit ang aking mga mata, Hindi nga ako sigurado sa aking sarili kung totoo ba itong nakikita ko. Ngayon, ang aking kaharap ay isang babae, mahaba ang buhok hanggang tuhod, pula ang pisngi at labi, at matangos ang ilong. Pero ang mas nakakabighani sa kanya? Ay ang maputi niyang kutis, mahaba na piloka, at ang kanyang mga dilaw na mata. Ang ganda niya, sobra. Para siyang walang pintas.
Lumakad siya kaunti para mas makalapit sa akin, at bigla-bigla lang na ang liwanag ng buwan na hanggang ngayon ay nakatuon sa akin, ay kumalat na sa lahat ng parte ng gubat.
Napatitig ako sa kanya lalo. Pero ang mas nakakaganda? Ay ang kagubatan. Para bang inaalagaan parati araw-araw, at ang mga bulaklak ay buhay na buhay, na ang mga kulay nito ay nagbigay ilaw din. At ang kanilang mga puno, kulay berde na berde talaga. Buhay na buhay ang kagubatan, ang ganda tingnan. At e dagdag pa ang mga bituin sa langit.
“Ashley.” Hindi ako mapakali. Ang lambot ng kanyang boses, at masarap ito sa tainga kung pakinggan. Nawala lahat ang aking takot pero hindi ko na kaya tumitig pa sa kanyang mga mata. Nakakahilo kasi, eh.
“H-ho?” sa aking pagsagot, namalayan ko na ang taas niya pala. Kung ako man ay ikumpara sa kanyang kataasan, na sa beywang niya lang siguro ako. Napahanga niya ako lalo kahit na wala siyang ginawa. Tinitigan ko ang kanyang mukha, pero hindi ang kanyang mga mata.
‘Woah!’ parang may guhit ng maliit na aklat sa gitna ng kanyang noo, kulay asul na may pilak bilang balangkas.
“Bakit ka duguan? Ayos ka lang ba?” nag-aalala. Nag-aalala siya para sa akin.
“A-ashley, po? Hi-hindi ho ako si Ashley. Ako si Eve.” ngumiti ako sa kanya. Magsalita pa sana ako kaso bila siyang nawala. Tanungin ko pa naman siya kung asan ako. Ginala ko ang aking mga mata, at hindi ko na talaga siya nakita.
Napasimangot ako. Ang saya ko pa naman na may kasama na ako dito, pero bigla lang din nawala. Pansamantalang kasiyahan. Kaya nakapag-isip ako na maghanap nalang ng pwedeng kalabasan sa gubat na ito. Kaya lumingon ako sa aking likuran at napansin na halos kulay itim na ang kagubatan. Itim na itim. Walang ilaw o anuman. Walang kabuhay-buhay.
‘Lumayo ka diyan!’ nabigla ako sapagkat may isang boses na bigla-bigla nalang sumigaw sa aking isipan. At parang nanggaling ang boses na iyun sa babaeng nakausap ko kanina. Magkapareho kasi ang boses nila. ‘Ba-bakit ako lalayo? Talaga naman, nakakatakot din dito.’
Sa aking pag-atras, may nabangga ako. Saglit muna akong napahinto at pa dahan-dahan na tumingin sa kun sino man ang aking nabangga. Sa oras na napatitig ako sa kanyang mga mata, sabay kaming sumigaw.
“Eyaahh!” sigaw ko habang nakapikit ang mata.
“Ashleyyy!” sigaw din niya. Niyakap niya ako.
“A-aray!” nako naman ho. Yumakap na nga, hahawakan pa ang sugat ko. Sa aking pagsigaw, bumitaw siya agad sa pagkayakap akin.
“Bakit ka may sugat? At bakit ka…” hindi niya itinuloy ang kanyang tanong at tumingin muna sa aking likuran na para bang may malaking galit siya doon. Na para bang may kalaban siya. Tumingin siya ulit sa akin. “Bakit ka nandito malapit sa kanilang kaharian?”
“Halika, iuwi na kita. Kailangan magamot na iyang sugat mo. Malapit na rin mag-araw.” Hinawakan niyaniya ako sa aking btaso at hinila palayo, kung asan man ako, at asan niya kaya ako dadalhin? Ayos lang para sa akin, malayo lang ako sa lugar na ito.
“Lahat kami ay nag-aalala sa’yo, Ashley. Halos tatlong araw ka na nawala. Akala namin kung napano ka. Buti nalang at hindi ka tuluyang pumasok sa mundo nila!”
Napabuntong-hininga siya, ang lalake na naghila sa akin. Huminto siya sa paglakad at humarap sa akin ulit. Sa kanyang pagharap sa akin, lumaki ang kanyang mga mata sa pagtitig sa akin, at halat na nag-aalala at natulala.
“Ba-bakit ka um-umiiyak?” nag-aalala niyang tanong.
“S-sino ka? A-asan ak-ako?” lakas loob kong tanong. Pero hindi ko maiwasang hindi namalyang ang panginginig ng boses ko. Alam ko naman na mas mabuti para sa akin gang makalabas dito, pero hindi ko siya kilala. At hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Ni hindi nga ako sigurado kung malapit lang ba ito sa bahay naming. ‘At bakit ba tinatawag nila akong Ashley?!’
“Hindi mo ako maalala? Ako to, Ashley, si Fernan. Kaibigan mo ako. At nandito ka, nandito tayo sa Enchancia. Hindi mo talaga maalala? Ni kahit ang ‘Celestial’?
Paliwanag ni Fernando sa akin. Wala akong nasabi. Hindi ako makapagsalita. Nanginginig ang tuhod ko sa kadahilang napaupo ako bigla.
“Ashy, ayos ka lang? Buhatin nalang kita para mas mabilis tayo. Kailangan na nating ipagamot iyang sugat mo.”
Fernando:
‘Mag-antay kayo, Abbadonians!’

Komentar Buku (25)

  • avatar
    Atti Itta

    nice

    22d

      0
  • avatar
    Jordan Mones

    jiju

    26/06

      0
  • avatar
    g Niks

    good

    05/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru