logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 3: “Pananaw ng Kamatayan”

Sa taong 2075:
Eve:
Paulit-ulit kong iniisip ang aking panaginip. Kung gaano katindi ang galit na nararamdaman nila nang dahil sa akin. Kung gaano sila nag-aalala para sa akin.
Ramdam ko ang pagbilis ng aking paghinga at biglaan nalang nang hindi na ako makahinga.
‘Ito na ba ang parusa para sa akin? Ito na ba ang katapusan ng aking buhay nang dahil sa kapalaran na hindi ko naman ginusto?’
Binalewala ko ang sakit na aking nadama at napasigaw nang dahil sa sakit na aking nararamdaman ngayon.
Biglang kumirot ang aking dibdib na para bang hinahawakan lang sa mga palad ang aking puso at bilang nahigpitan ang hawak, sa kadahilanang ito ay nadurog.
“Ma-mama! Huminga ka ng malalim!” hinawakan ni Corazon ang kaliwa kong braso at minamasahe ito.
‘Hindi na talaga kaya. Patawad, aking mga anak.’ naramdaman ko ang pagpikit ng aking mga mata at ang mabagal kong paghinga. Na para bang kinuha na ako mula sa mundong ito.
“M-mama!” rining kong bulyaw ng aking mga anak bago ako nawalan ng malay.
May-akda:
Mabilis na kumilos ang magkapatid at dinala agad ang kanilang ina sa malapit na ospital. Hindi nila naiintindihan kung bakit nagkaganito ang kanilang ina. Maayos naman ang kalagayan nito sa mga nakaraang buwan, at hindi naman nanghihina, kaya bakit nagkaganito ang kanilang ina?
Ramdam na ramdam ng magkapatid ang kaba habang sila ay bumabyahe patungong ospital, at iniwan si Corazon sa bahay kasama ang limang batang magpinsan.
“B-baka tungkol na naman ito kay itay? Malusog kasi si mama sa mga nakaraang araw,eh, at simula noong nagkwento siya sa mga bata, noon lamang siya nanghina.”
Napatingin silang lahat kay Maria at napagtanto na baka nga dahil sa kanilang ama, ito ay nangyari.
Lumipas ang sampung minuto at sa wakas ay narating na nila sa ospital ang kanilang ina.
Mabilis na dinala ito sa pribadong silid at nag-antay naman ang limang magkapatid sa labas.
“Bon, ano nga iyung sinasabi ni mama sa atin noon?” tawag ni Betty sa kanyang kapatid at lumapit naman ito agad.
“Wala naman masyado, ate. Kaya nga lang, dahil daw sa kay mama ay may nangyari sa kanyang mga kaibigan. Kasama na si papa doon.”
Pagpaliwanag ni Bon.
“Oo, iyan. Ano raw ang nangyari? Parang rinig ko kasi palagi si mama habang natutulog siya, na kasalanan niya ang lahat.”
napasabunot si Betty sa sarili niyang buhok at biglang nagmura. Hinaplos-haplos naman ni Bon ang kanyang kapatid sa likuran at ipinasandal sa kanyang balikat.
Napatayo silang lahat nang bumukas ang pintuan sa silid kung asan ang kanilang ina ngayon, at lumabas doon ang doktor.
“Kumusta ho ang aming ina?”
Bumibilis ang pagtibok ng kanilang puso habang inantay kung ano ang sasabihin ng doktor.
“Mabuti naman at madali niyo siyang nairating dito. Hindi naman inatake sa puso, pero mukhang nababalisa ang inyong ina. May mga iniisip ba siyang problema, o ano?”
Napahinga sila ng maluwag at napangiti.
“W-wala naman ho,Dok. Bakit ho?”
Tumango ang doktor at ngumiti sa kanila upang sila ay makasigurado na ayos lang ang kanilang ina.
“Wag na kayong mag-aalala. Ayos naman ang lahat. Iwasan lang na mapagod ang nanay ha? Babalik nalang ako mamaya para suriin siya ulit.”
Lumakad ang doktor palayo at agad naman silang pumasok sa silid ng kanilang inay, at doon nila ito nakita na mahimbing itong natutulog.
Sa taong 14th B.C.:
Madilim, malamig at sobrang nakakapangilabot ang katahimikan sa buong kagubatan. Tanging ang maliwanag na buwan lamang ang nagbigay ilaw sa lahat ng parte ng gubat. Malakas ang simoy ng hangin, ngunit sa halip na magbigay ng enerhiya, parang nauubusan ka nito.
Sa isang parte ng kagubatan, doon da pinakadulo, may isang babaeng nahimatay, nanghihina, at duguan ang katawan. Walang nakaalam na kahit sino kung buhay o patay na nga ba ang nasabing dalaga.
Eve:
‘B-bakit parang ang bigat ng aking katawan?’ tanong ko sa aking sarili. ‘Ang lamig din!’
totoo, ang lamig kaya sobra. ‘Asan ba iyung kumot ko?!’
Binuksan ko ang aking mg amata, at nabigla tsaka tinakpan ang aking mga mata gamit ang aking mga palad dahil sa liwanag na nanggaling sa bilog na buwan, sapagkat nakatuon sa akin lamang. At dahil doon, hindi ako makasigurado kung asan ako o ano ang nakapaligid sa akin. Napatingin ako sa aking hinigaan, at napatanong ulit sa aking sarili kung bakit ako humiga at bakit ako natutulog dito sa damohan.
“Ahhhh!” sigaw ko nang makita ko ang aking katawan, kulay pula na para ba itong dugo. Ngayon ko lang nararamdaman ang sakit na dumaloy sa buong katawan ko, pero halos lahat ng sakit ay na sa aking tagiliran. At ano ba itong suot ko? Parang tinakpan lamang ang aking katawan gamit ang bunot tsaka may mga dahon na nagtakip din sa bunot. Halos makita na ang aking puson sapagkat ang natakpan lamang sa ang pang-itaas ay hanggang sa aking buto-buto lamang. Mabuti rin naman at hanggang tuhod ko ang aking pang-ibaba. ‘Bahala na nga!’
Napatigil ako sa pag titig sa aking sugat, na mukhang sinaksak gamit ang isang matalim or matulis na bagay. Takot na nga ako, dinagdagan pa nang tumaas lahat ang aking mga balahibo sa katawan, sapagkat ang aking boses ay umaalingawngaw sa buong kagubatan.‘Asan ba ako? Ba’t ba ako may sugat?’
“A-adam, a-a-asan ka? A-asan ako?!” napaiyak na ako ng tuluyan at niyakap ko ang aking sarili, upang maibsan ang kaba at takot na aking nararamdaman. Pero hindi ko pa rin alam kung paano ako nandito, bakit ako nagkaganito, o nasaan man ako. ‘Na holdap ba ako, at papatayin?!’

Komentar Buku (25)

  • avatar
    Atti Itta

    nice

    22d

      0
  • avatar
    Jordan Mones

    jiju

    26/06

      0
  • avatar
    g Niks

    good

    05/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru