logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 12 GOC- KTCK 7

Nagising si Ashley na parang lumulutang. Isiniksik niya ang sarili sa malambot at mainit na kutson habang hinapit naman ang makapal na kumot sa katawan. Ipinaghehele siya ng jazz music na paborito ng kanyang ama na patugtugin.
Wala siya sa apartment niya sa New York. Wala din siya sa luma nilang bahay sa Olongapo kung saan niya madalas marinig ang naturang musika. Unti-unting bumalik sa kanya ang alaala. Nasa condo siya ng ama at hinihintay niya ang pagbabalik nito.
At nakatulog siya. Nahigit niya ang hininga. Nakatulog siya. Di siya makapaniwala na nakatulog siya. Ang plano niya ay manatiling dilat ang mga mata hanggang makabalik ang ama niya sa condo.
Siguro dahil sa pinaghalong pagod at emotional stress nang di niya maabutan sa condo ang ama ay nakadagdag sa masamang pakiramdam niya.
Natagpuan niya ang sarili na nakahiga nang maayos sa sofa, may unan at nakakumot. Sino ang gumawa niyon sa kanya? Saka niya naalala ang kabataan niya. Madalas niyang abangan ang ama niya na umuwi mula sa trabaho at lagi niyang nakakatulugan ang paghihintay dito sa sofa. Nagigising na lang siya na binubuhat siya nito at dinadala sa kuwarto niya. Nang di na siya nito kayang buhatin ay kinukumutan na lang siya nito. At patutugtugin nito ang paborito nitong jazz music.
Posible kaya na dumating na ang daddy niya at ito ang nag-ayos sa kanya sa sofa?
Sumikdo ang dibdib niya at tuluyan siyang nagising. Dumating na ang ama niya. Makakabalik na sila sa States!
Bumangon siya at tinawag ang ama. “Dad? Dad!” sigaw niya at naglakad sa bahay.
Isinuot niya ang stilettos at tumunog iyon nang naglakad siya sa marmol na sahig. Di niya inalintana ang magulo niyang buhok o kung di pa siya nagmumumog. Gusto niyang makita agad ang ama.
Walang sumagot sa kanya. Ang tanging naririnig niya ay ang ugong ng washing machine. May kahalong boses iyon ng isang lalaki na kumakanta... Livin’ La Vida Loca? Hindi naman boses ni Ricky Martin. Live ang boses na iyon.
Natitiyak niyang hindi iyon ang ama niya. Wala sa tono ang ama kahit pa nga hilig nito na mag-videoke. And the voice was younger and sultry. Parang kayang makatunaw ng iceberg sa North Pole.
Sinundan niya ang nanghahalinang boses hanggang makarating siya sa pinto na palabas ng laundry room. Sinilip niya ito sa screen ng aluminum door. Si Robinson ang nakatayo sa laundry area nakita na umiindak ito habang sinasabayan ang pag-ikot ng washing machine. Ito pala ang kumakanta. Nakaharap ito sa mga gusali at sa guwang ng kalsada ay nakita niya ang papalubog na araw.
Halos lumuwa ang mata niya sa well-defined back nito pababa sa perfect butt nito na nakahulma sa gula-gulanit nitong washed jeans. She never really thought that a man in jeans could be this sexy. To think that she was more fixated to intellectual types and she was not easy to impress with a hot body. Habang ang lalaking ito giling pa lang ng balakang ay tumutulo na ang laway niya.
Sinapo niya ang dibdib dahil pakiramdam niya ay biglang bumagsak ang puso niya. Livin’ La Vida Loca. Ako ang naloloka. Ginawa talaga niyang concert ang laundry area habang naglalaba.
Naaninag niya ang kabilang building na mukhang residential area din at nakaharap sa balkonahe. What? Huwag nitong sabihin na nagpo-provide ito ng free entertainment sa mga tao sa kabila. Sinasadya ba niya iyon? Para makaakit?
He was trying to seduce me without him knowing. And I am being seduced.
Ipinilig ni Ashley ang ulo at bahagyang inangat ang pinto. Hindi siya nandito para magpaakit. Nagsasayang lang siya ng oras sa katititig sa performance nito.
Tumikhim siya. “Excuse me!” Nang di pa rin siya nito narinig ay binuksan niya ito at akmang kakalabitin nang dumulas ang stilettos niya sa basang sahig.
“Eeeee!” tili niya at nanlaki ang mata nang lalagpak na siya sa sahig. Ihinanda na niya ang sarili sa sakit ng katawan pero di siya tuluyang bumagsak sa lupa dahil may may matitipunong bisig na sumalo sa kanya.
“Mag-ingat ka. Basa ang sahig,” sabi nito habang sobrang lapit ang mukha sa kanya.
“Your warning is too late,” angal niya.
“Hindi ko naman alam na gising ka,” anito at inalalayan siyang tumayo.
Napakapit siya sa matipuno nitong braso at nang makatayo na siya ay nagkadikit ang mga katawan niya. She felt his bare and warm body brush against hers. He was sticky with sweat but he didn’t smell bad. He was actually manly and musky. Ganito dapat ang amoy ng isang lalaki.
And his muscles... Parang napakalakas nito. It reminded her even of Superman. Kapag kailangan ng sasalo sa kanya ay laging nandiyan. Superman na nakahubad. Iyan ang costume niya.
Kumunot ang noo niya. And seriously, bakit ka ba laging nakahubad? Wala ka bang ibang damit?
“May itinatanong ka?” tanong ni Robinson sa kanya.
Umiling si Ashley. “W-Wala. Wala naman akong sinasabi. Ano... Tinanong ko kung dumating na si Dad.”
Pumalatak ito at nanunuksong ngumiti. “Hindi iyon ang itinanong mo. Tinanong mo ako kung bakit wala lagi akong suot na damit.”
“Tinanong ko ba iyon?”
“Oo. Narinig ko.”
Di maiwasang tumirik ang mga mata niya. Narinig mo naman pala, itatanong mo pa sa akin.
“Nasa labahan kasi lahat ng damit ko. Namantsahan kasi ng pintura. Pasensiya na rin pala kung nadulas ka. Natapon kasi ang pinagsabunan ko kanina. Hindi ko pa ata tuluyang natuyo. Ayos ka na ba?”
“O-Oo,” aniya at bumitaw dito saka humakbang paurong.
Kailangan niyang dumistansiya dito. Bukod sa naiilang siya sa hubad nitong katawan, nanlilimahid din siya at halos dalawang araw na siyang di naliligo.
Nagsalubong ang kilay nito nang tingnan ang paa niya. “Bakit nakasuot ka pa ng may takong dito sa bahay? Kaya naman pala nadulas ka. Hindi mo isinuot ang tsinelas na nasa may sofa? Para sa iyo iyon.”
Tumaas ang kilay niya at akmang sasabihin na di niya napansin dahil baka may bacteria pa iyon at di niya alam kung saang paa galing pero ipininid niya ang bibig. “H-Hindi ko napansin. Saka mas sanay ako na nakasapatos.”
“Kahit sa bahay?” tanong ng binata.
“Well, I...” Paano ba niya ipapaliwanag dito na para sa kanya ay simbolo ng kapangyarihan. She felt empowered with it. Lalo na ngayon na wala naman siya sa sariling teritoryo kundi sa teritoryo ng kalaban. She came here for war.
Nanlaki ang mata niya nang bigla siya nitong buhatin. “S-Sandali. Anong ginagawa mo sa akin?”
“Doon ka muna sa sala. Gusto ko lang tiyakin na di ka maglalakad nang iyan na naman ang suot mo at madulas ka naman,” sabi ng binata.
Ikinawag niya ang paa. “Kaya ko naman ang sarili ko. Ibaba mo na ako.”
“Kapag pumalag ka, pareho pa tayong madidisgrasya.”
Tumigil siya sa paggalaw at humawak sa balikat nito. Wow! His muscles were firm. Parang sanay din itong magbuhat ng mabibigat na bagay. Just like romantic novels where heroes will sweep you off your feet. She tried to feel indifferent to him. Hindi siya bida sa romance novels. Hindi siya mahina pagdating sa lalaki.

Komentar Buku (25)

  • avatar
    TeanoDaisy

    Ang Ganda Ng story 💚

    05/07

      0
  • avatar
    Ken Ken

    Good

    23/06

      0
  • avatar
    HernandezJoshwell

    😘😘😘😘😘

    15/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru