logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

At nakita ko ang mga mata na namumula at mas bumigat ang pakiramdam ko nang makita kong may kadenang nakakabit sa paanan ko. Tinatakpan ko ang mata ng lalaking ito nang kunin niya ang mukha ko at tumitig rito.
"Te-teka anong ginagawa mo?" Pagtatanong ko na may halong pagkabigla.
Nakita ko ang pamumutla niya pero sa isang banda naging matapang ito na makita kung ano ang nasa likuran ko. Nakita niya rin na may kadenang nakatali sa paanan ko.
Isang pangyayari ang mas nagpataas ng balahibo at nagpabigla sa akin. Hindi ko nakita ang ginawa niya pero itinapat niya palad niya sa multong nasa likuran ko.
"Pumikit ka!" Pagsasabi nito na halatang nangungumbinsi.
Pagkaharap ko ay nawala ang multo at ang kadenang nakatali ay unti-unting naglaho pero kasabay nito ang panghihina ko. Pakiramdam ko may malaking nawala sa pagkatao ko.
"Ms. Gumising ka! Wake up!" Pagsasabi ng lalaki.
Nagising ako sa isang lugar na sobrang pamilyar sa akin. Ang Mansion na tinitirhan namin ay nababalutan ng maitim na ulap at ang mga kidlat ay sobrang matatalim.
Isang babaeng nakaitim ang ngumiti sa akin. Naglakad siya papaloob ng Mansion at nakitang kumaway ito upang anyayahan na pumasok rito. Pinilit kong maglakad papalayo sa Mansion dahil pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Ngunit pagkatalikod ko naging palayan ang tinatapakan kong lupa.
Ang mga scarecrow naman ay sobrang nakakatakot dahil sobrang lalaki at ang pagkakagawa ay hindi ang panakot sa mga uwak kung hindi para itong pumapatay ng buhay.
Napilitan akong pumasok sa loob ng Mansion at nakita ko ang labis na kagandahan nito. Ang kagandahan na nasa isang kuwentong pantasya. Maya-maya pa ay napapansin kong umiikot ang buong paligid.
Pagkamulat ng mga mata ko ay isang guwapong lalaki ang nakita kong nakahawak sa kamay ko habang nakaupo. Tila yata sa kanya ako'y labis na mahalaga.
"Nasaan ako?" Pagsasabi ko sa mahinang boses at mukhang naramdaman niya.
"You are awake! Anong nararamdaman mo? May masakit ba? Tell me, tatawagin ko ang Doctor." Pagsasabi niya na batid ko ang pag-aalala.
"Who are you?" I asked.
"For the meantime, anong nararamdaman mo? It is not the right time para makilala mo'ko!" Pagsasabi nito.
Ako naman muntikan nang pumiglassa pagkakahawak niya pero ramdam ko ang pag-aalala niya maging sa mga mata niya. Sa isipan ko "Kung hindi ka lang talaga guwapo."
"Oo alam kong guwapo ako!" Pagsasabi nito habang nakahawak sa kamay ko.
"May sa maligno ka ba? At pati ang naiisip ko ay naririnig o nababasa mo." Pagkuha ko sa kamay at pagtaas ng kilay sa kanya.
"Ahhahaha..," pagtawa nito.
".., anyway I called your mom to come here para naman di ka mag-isip ng masama sa akin." Pagwiwika nito na nasa aspetong pagbibiro.
Babatukan ko sana nang dumating si Mama.
"Thank you, darling for saving my daughter!"
Napansin kong may kakaiba sa kilos ni Mama dahil bigla niya niyakap ang lalaki. Samantalang hindi naman iyon gawain.
"Its my pleasure!" Pagwiwika ng lalaki.
Kinamusta ako ni Mama at kung anu-anong pangaral ang narinig ko.
"Uhm... excuse me I'll go a head na rin po." Pagsasabi ng lalaki kay Mama na nakangiti.
"No, darling stay here and wait for her dad to come." Pagsasabi ni Mama na halatang-halata ang mga ngiting minsan ko lang makita.
"But..."
Kokonrahin sana ng lalaki ang nanay ni Arstein nang humingi ito ng favor.
"Can you please, stay here for a while lalabas lang ako at tatanungin ko lang sa kalagayan niya?" Pangingiusap ni Mama sa lalaki.
"Mom!" Pagsasabi ko sa padabog na paraan.
Lumabas nga si Mama at nakita kong may tumawag sa lalaki. Nakatalikod siya sa akin habang kinakausap ang tao sa kabilang linya. But, I wonder why he had a mark on his right hand. Tumgin ito sa akin at umiwax naman ako.
Muli kong tinitigan ang marka na sobrang pamilyar rin sa akin. Naalala ko na may ganun marka rin si Pugot ulo. Isang marka na kulay itim na parang hiwa.
Hinayaan ko lang siya hanggang sa matapos ang pag-uusap ng kausap niya. Tatanungin ko sana siya kung saan niya makuha ang marka biglang dumating sina Mama at Papa.
"Darling, here we are!"
Napapansin kong kakaiba na talaga ang galaw at kilos ng mga magulang ko. Para silang mga baliw hindi ko alam kung bakit. Si Papa nakita kong masaya siyang makausap ang lalaki ma siyang tulad kay Mama.
Napapailing nalang talaga ako sa mga nangyayari nang tumingim sa akin ang lalaki at kumindat. Tinaasan ko naman ng kilay.
Sa araw ring 'yun nakalabas ako na halos mababaliw na sa ingay ni Mama kakakuwento ng tungkol sa akin. Para akong ibinubugaw ni Mama sa datinb nito sa akin.
"By the way, Ill go a head na po take care po sa pag-uwi Tita!" Pagsasabi ng lalaki kay Mama at pag ngiti naman kay Papa.
"Just call me, Mama!"
Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama sa lalaki. Mama na agad samantalang hindi naman kaano-ano o miski na kakilala.
Tumayo ang balahibo ko nang marinig ko ang boses ng lalaki sa pamamagitan ng hangin.
"Soon you will know me."
Sumasakit lang talaga ang ulo ko. Minabuti kong kalimutan ang mga nangyari dahil baka guni-guni ko lang ang mga ito.
Pumasok ako kuwarto ko nang makita ko si Pugot ulo na nakangiti sa akin.
"Ayan, mas guwapo ka kapag nakakabit 'yang ulo mo." Pabiro kong sabi.
Ngumiti ito sa akin at bukod pa roon. Nakita ko nga ang marka na katulad ng sa lalaki.
"Huwag mo muna alalahanin 'yan. May gusto akong malaman mula sa'yo..,"
Tumango ako bilang pagpayag na magtanong siya.
".., nakakarinig ka na ba sa hangin?" Pagtatanong nito.
At naalala ko ngang kinagat nga niya ako at nakarinig ako ng boses sa hangin.
"Oo, naalala ko nakakarinig nga ako gamit ang hangin pero paano?"
"Kung gayon gumana nga." Pagwiwika ni Pugot ulo.
Pinagtatakhan ko ang ngiting ibinibigay nito sa akin. Isang ngiti na halos katulad nang ngiti ng lalaking nakaharap ko kanina. Napansin ko na ang mga mata nila ay magkaparehas. Nagkaiba lamang sa ningning nito ang sa kanya ay ningning ng kagalakan at sa lalaki ay kalungkutan.
Napahawak ako ulo ko dahil gulong-gulo na ako sa nangyayari.
Isang kataga ang mas lalong nagpahina sa akin.
"Mamaalam na muna ako ngayon at babalik kung kinakailangan mo."
Niyakap ako ni Pugot ulo at unti-unting naglaho gamit ang liwanag ng buwan.
"Ba't ngayon pa? Bakit?" Pagtatanong ko sa sarili ko kung bakit maraming nangyayari na di ko maipaliwanag.

Komentar Buku (182)

  • avatar
    c******0@gmail.com

    nice story and may napupulot na lessons sa story na eto ❤️.

    23/07/2024

      0
  • avatar
    BernosBenjie

    nice g lods

    29/12/2023

      1
  • avatar
    Miriam Pallanan

    ang ganda ng story at naka pag reedem nako ng 25k dahil sa story na ito

    09/12/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru