logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

IOL 6

“Ate? Ang lakas ng loob mo na tawagin akong ate samantalang hindi mo pinahalagahan ang pagiging magkapatid natin. Marami akong isinakripisyo para sa bigyan ka ng magandang buhay. Hindi ako nakapag-aral para matupad mo ang pangarap mo at di ka na maghirap. Pinahalagahan mo ba iyon? Hindi! Pati si Phil sinadya mo pang akitin para makuha mo sa akin.”
Parang sinaksak siya ng mga ito sa likuran. Kung sana ay aksidente lang ang lahat, maiintindihan pa niya. Mapapatawad pa niya ang mga ito. Pero di niya mapapatawad na sinadya ni Aya na lokohin siya. Sinadya nitong saktan siya. Dahil kung siya ang nasa sitwasyon nito, hindi niya maaatim na kunin ang mahal ng kapatid niya. Magsasakripisyo siya para dito. Dahil sa pagitan ng pag-ibig at pamilya, pamilya ang pipiliin niya.
“Toni, ako na lang ang saktan mo,” sabi ni Phil. “Huwag na si Aya.”
“Sasaktan din kita. I just want to get my hands on that bitch.” Gusto niyang maiparamdam kay Aya kung gaano kasakit ang ginawa nitong pagtraidor sa kanya. Kahit isang sampal lang. Kahit isang sabunot lang.
“Please don’t hurt her. She’s pregnant.”
TUMIGIL ang mundo ni Toni sa sinabi ni Phil at maang na napatitig dito. “B-Buntis si Aya? Ikaw ba ang ama?” nanginginig ang boses niyang tanong.
Yumuko si Phil. “Oo.”
Sa pagkakataong ito ay di na niya pinigilan pa ang emosyon at napahiyaw sa galit. Sunud-sunod na bayo ang ginawa niya sa dibdib nito at hinayaan lang siya nito. “Dati pa pala ninyo ako niloloko pero araw-araw ninyong sinasabing mahal ninyo ako. Mga manloloko kayo. Anong kasalanan ko sa inyo at ginawa ninyo ito sa akin? Sumagot ka sa akin, Phil.”
“Wala. I know you don’t have much time for me but this is wrong. Pero nandiyan na iyan. Buntis na si Aya. I am sorry.”
Ubod lakas niya itong sinampal na halos magpabiling sa mukha nito. “Sorry? Sorry lang ang masasabi mo? Then I am also sorry. Hindi ko kayo mapapatawad.” Sinibat niya ng matalim na tingin ang umiiyak pa ring si Aya. “I will make sure that you will pay for this.”
Nakalupasay na si Aya sa sahig habang humahagulgol ng iyak nang umalis siya. Wala siyang pakialam kung may luha man sa mata niya. Puno ng galit at kalituhan ang puso niya para intindihin pa ang nakikita ng iba.
Tinawagan niya si Dianne para sunduin siya sa entrada ng condo building. Nagulat ito nang makita ang itsura niya pag-akyat ng sasakyan. “Ate, ano pong nangyari sa inyo?” natataranta nitong tanong at kumuha ng Kleenex para punasan ang luha niya. “Nasaan po pala si Direk Phil?”
“Huwag mo nang mabanggit-banggit ang pangalan ng lalaking iyon.” Tumawag siya sa bahay. Ang kawaksing si Aling Mameng ang nakasagot. “Aling Mameng, iempake po ninyo ang lahat ng mga gamit ni Aya. Kung kailangang pagkasyahin ninyo sa karton, gawin po ninyo.”
“Bakit po, Ma’am?”
“Wala na pong tanong-tanong pa. Gusto ko nakaempake na ‘yan pagdating ko.”
Hindi na siya ang talunang babaeng umiiyak na umalis condo ni Phil. Lalaban na siya ngayon. Lintik lang ang walang ganti.
Sinalubong siya ng nanay niya pagdating ng villa. “Anak, bakit mo ipinaempake ang mga gamit ni Aya? Sa Dumaguete na ba siya titira?”
“Wala po akong pakialam kung saan man siya tumira basta huwag na siyang babalik dito sa bahay ko,” matigas niyang wika.
“Ano bang nangyari?” tanong nito at mukhang lalong naguluhan.
“Buntis ang magaling ninyong anak.”
Napanganga ito sa labis na pagkagulat at nasapo ang dibdib. “Ano? Sino ang ama?”
“Si Phil! Inakit niya ang boyfriend ko.”
Umiling ito na hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Imposible iyon. Hindi iyon magagawa ng kapatid mo sa iyo. Hindi ka rin kayang pagtaksilan ni Phil. Mahal na mahal ka niya.”
“Nagawa na nila akong pagtaksilan, Nay. Nahuli ko po sila sa condo ni Phil. Inamin pa niya sa akin na sinadya niyang akitin si Phil. Ahas siya! At wala akong kapatid na ahas.”
“Diyos ko!” Parang mauupos na kandila itong umupo ng sofa. “Ang anak ko!”
“Dianne, ikuha mo ng tubig si Nanay,” utos niya kay Dianne na dali-dali namang sumunod.
“Ma’am, saan ko po ilalagay ang mga maleta?” tanong ni Aling Mameng.
“Sa tabi po ng pinto.” Pero ang gusto talaga niya ay pulutin na lang iyon ni Aya sa labas ng bahay. Ayaw na niyang tumapak pa ito sa pamamahay niya o makita ang mukha nito.
Pumunta siya sa kuwarto niya at inipon sa kahon ang regalo nito sa kanya. Noong una ay mahalaga sa kanya ang mga iyon. Aya knows what kind of gift suits a person. At ito lang ang nagbigay ng regalo sa kanya na nagustuhan niya nang todo. Pero ngayon ay wala na iyong halaga sa kanya. Basura na lang sa paningin niya. Ayaw na niyang makakita pa ng basura sa pamamahay niya.
Nakarinig niya ng ugong ng paparating na sasakyan at alam niyang kotse iyon ni Phil. “Aling Mameng, ibaba po ninyo ang mga ‘yan,” sabi niya.
Nang bumaba siya ay magkayakap sa sala ang nanay niya at si Aya. Habang nakatayo naman sa isang tabi ni Phil at nakamasid sa mga ito. “Nanay, huwag po kayong magalit sa akin. Kasalanan ko lang naman po ay nagmahal ako.”
“Katwiran ba ‘yan para makasakit ka?” malakas niyang tanong at lumapit sa mga ito. “Huwag nga ninyo akong paandaran ng mga ganyang drama. Nandiyan na ang mga gamit mo. Makakaalis ka na ng bahay ko.”
“Toni, pag-usapan naman natin ito ng maayos.”
“Tita Pinky, alam ko pong malaki ang kasalanan ko sa inyo at kay Toni. Pero sana naman po huwag naman ninyong kamuhian si Aya. Maselan po ang kondisyon niya,” pakiusap ni Phil. “At gagawin ko po ang tama.”
“Walang dapat ayusin o pag-usapan. Makakaalis na kayo,” utos niya.
“Ate, huwag namang ganito. Kung itaboy mo kami parang hayop,” pakiusap nito.
“Aya, mabait pa nga ako sa iyo. Ipinaempake ko nang maayos ang gamit mo. Huwag ka nang magpaawa na parang ikaw ang biktima dito. Ako ang niloko ninyo. Dapat nga magpasalamat ka dahil hindi ako naghahabol sa boyfriend ko. Sa iyo na siya.”
Hinawakan ni Aling Pinky ang braso niya. “Anak, huwag ganyan. Maayos naman sana natin itong pag-usapan.”
“Kayo na lang po ang kumausap sa kanila, Nanay. I will give them fifteen minutes. Kailangan na nilang umalis sa bahay ko pagkatapos,” aniya at kumawala sa pagkakahawak nito. Hindi man lang siya nag-abalang lingunin ang mga ito nang pumunta siya sa kuwarto niya at nagkulong.
Sa pag-iisa niya ay hindi na niya nagawang umiyak. Ayaw na niyang magmukhang kaawa-awa. Pagdating talaga sa pagmamahal ay walang mapagkakatiwalaan. Kahit pa ang sariling kapatid ay nagawa siyang saksakin sa likod niya.
Mula ngayon ay wala na siyang kapatid.

Komentar Buku (41)

  • avatar
    DequitoShahani

    napaka ganda ng story na ito dalang dala ako sa kwento...

    18/01/2022

      0
  • avatar
    Candy Claire Calba

    nice

    22d

      0
  • avatar
    Jing Castro

    Ang ganda ng novel

    23/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru