logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 6: William Lee

ADELYN'S POV
"Thank you, Sir."
Nagkamay kaming dalawa nang mapagkasunduang mag-iinvest siya sa kumpanya namin.
"Wala 'yun, pinahanga mo ako kaya naman pumayag ako. Sana ay lumago pa ang Nahshon Apparel," he replied so I smiled and nodded. Nagpaalam na kami sa isa't isa at naglakad na ito palabas ng restaurant, nakahinga naman ako ng maluwag. Pang-ilang appointment na ba 'yun? Tatlo? Apat?
"Mayroon pa ba akong meeting na pupuntahan?" tanong ko kay Chuck nang makalapit na ito sa akin, ngunit hindi gaanong malapit dahil sa sinabi ko sa kaniya kaninang dumistansya sa akin.
"Wala na po, Ma'am. Pwede na po kayong umuwi at magpahinga," sagot niya kaya naman nilingon ko siya, pero agaran naman siyang nag-iwas ng tingin.
"Kung gayon ay tayo naman ang mag-usap," wika ko at itinuro ang bakanteng upuan na nasa harapan ko. Tumango naman ito at naglakad patungo roon sabay naupo. Matalim akong nakatingin sa kaniya habang ito ay nakayuko lang at hindi magawang makatingin ng diretso sa akin.
"Why did you kissed me?" diretsahan kong tanong sa kaniya na nginiwian niya at mariing napalunok.
"A-ah, Ma'am—"
"Umayos ka ng pagsagot. Ayoko ng uutal-utal dahil mas lalo lang ako naiinis!" sigaw ko sa kaniya kaya may ilang napatingin sa direksyon namin dahil sa lakas ng boses ko.
Binalot ng katahimikan ang mesa namin hanggang sa mag-angat ito ng mukha at umuwang ang bibig, pero kapwa kami natigilan ng tumunog ang cellphone niya. Ngumiwi ito at inilabas iyon sabay balik ng tingin sa akin.
"Excuse me," he said politely. He was about to leave when I spoke.
"Diyan ka lang," ma-awtoridad kong wika kaya naman bumalik ito sa pagkaka-upo niya at sinagot ang tawag.
"Hello, this is Chuck DeVille."
Kinuha ko ang juice ko at uminom roon pero natigilan ako nang mapansing nakatingin si Chuck sa akin. Ah mali, hindi lang siya nakatingin dahil nakatulala siya.
"Ah! I'm sorry. Ano nga po ulit iyon? Ah opo, opo," anito.
Ibinaba ko ang juice ko at pinaningkitan siya ng mata. There's something really strange about this guy. Una, nang maghubad ako sa harapan niya ay bigla nalang itong nailang at hindi na makatingin ng maayos sa akin. Pangalawa, bigla niya na lang akong hinalikan. Ngayon naman ay nakatingin siya sa akin na para bang naaakit siya.
Hindi kaya...
"Miss President," pagtatawag nito sa akin kaya naman umayos ako ng pagkakaupo. "Tumawag po si Mr CEO at pinapasabi na kailangan mong hanapin si Mr William Lee, and convince him to sell his shares to Sir Nahshon."
"Mr William Lee?" tanong ko sa kaniya na tinanguan niya. "How old is he?" Natigilan ito at tinaasan ako ng dalawang kilay na para bang nagtataka kung bakit ko tinatanong ang bagay na 'yun.
"I don't know yet but I'll do some research about him later. Bukas ay aalis tayo ng syudad at pupuntahan ang probinsya kung saan siya naroroon. Mr CEO said that within three days, Mr William Lee should call him and he should agree to sell his shares to Mr CEO," mahaba naman nitong sagot.
Tumango-tango nalang ako habang tinatapik ang mesa.
Three days? That was too long. Mukhang mahirap na trabaho iyon kaya binigyan niya ako ng tatlong araw. Hindi niya ako minamaliit dahil alam kong alam niya ang kakayahan ko.
"William Lee," pagbibigkas ko sa pangalan niya at ngumisi. Sana lang ay kaedaran lang kita upang hindi maging kabagot-bagot ang pagpunta ko sa probinsya at upang ganahan akong kumbinsihin ka.
•|||•
"Nandito na po tayo!" masiglang anunsyo ni Chuck.
Isinarado ko na ang librong binabasa ko at napatingin sa labas. Wala akong ibang makita kundi ang malawak na kapatagang puno ng kung ano-anong tanim.
Pinagbuksan ako ni Chuck ng pinto ng sasakyan kaya naman lumabas na ako. Pagkalabas ko pa lang ay agad na dumampi sa balat ko ang napakasarap na simoy ng hangin kaya naman pumikit ako at dinama ito. Wala akong maamoy ni katiting na polusyong nagmumula sa mga sasakyan, utot nga lang ata ang tanging polusyong humahalo sa hangin rito.
"Masarap talaga ang hangin sa probinsya, hindi tulad sa syudad na nagkalat ang mga usok," hayag ni Chuck habang abala sa paglalabas ng mga gamit namin.
May dumating namang tatlong lalaki at tinulungan si Chuck sa pagbubuhat ng gamit namin. Dinala ng mga ito ang gamit namin sa isang mansyong nasa gitna ng malawak na sakahang ito.
"Bakit nga pala tayo nandito? Wala man lang ibang bahay dito kaya paano natin mahahanap si William Lee rito?" tanong ko kay Chuck habang sabay kaming naglalakad at pinagmamasdan ang paligid.
"Napag-alaman ko na nagtutungo siya rito upang tumulong sa pag-aalaga ng mga pananim at hayop  kaya naman narito tayo." Tumango-tango na lang ako sa nalaman ko.
I also did a research about him and I found out that he was two years older than me, not bad.
Naglakad-lakad lang kami at lahat ng nakakasalubong namin ay binabati kami. Lahat sila ay magalang at masayahin. Puno ng sigla ang sakahan na ito. Dinala ako ni Chuck sa magiging kwarto ko habang sa kabilang kwarto naman ito. Hindi ko na siya hinintay, at lumabas na agad ako ng mansion upang hanapin si William Lee, mas mabuti pa kung sisimulan ko na ang trabaho ko.
"Magandang umaga, binibini!" bati sa akin ng isang lalaking mukhang ka-edaran ko lang at may hawak na taling nakakabit sa kabayo. Magkasingtangkad lang sila ni Chuck, medyo may kaitiman pero maganda ang hugis ng katawan, hindi din pahuhuli ang hitsura nito. "Mukhang isa kang bisita rito. Gusto mo bang matuto kung paano mag-alaga ng kabayo?" tanong nito ng nakangiti kaya lumilitaw ang maputi niyang ngipin.
Hindi pa lang ako nakakapag-isip ng isasagot ko nang bigla niya na lang akong hinila at dinala sa kung saan. "Bago ang lahat, marunong ka bang mangabayo?" tanong nito sa akin habang naglalakad kami.
"Hindi," agaran ko namang sagot. Nasubukan ko ng sumakay ng kabayo pero bata pa ako nu'n. Nakasakay ako sa kabayo habang nasa likuran ko si Papa Samuel na siyang gumagabay sa akin.
"Kung ganu'n ay tuturuan kita," turan niya na ikinataas ng kilay ko pero bigla niya na lang akong binuhat at pinaupo sa likuran ng isang kulay itim na kabayo.
Nagsimula ito sa pagtuturo kung paano ang tamang paghawak sa lubid at kung ano-ano pa. Pakiramdam ko ay para lang akong tinuturuang magmaneho ng kotse dahil napakarami ring dapat intindihin at gawin bago ito mapatakbo.
"Like this?" tanong ko at napalakas ang paghampas ng tali sa katawan ng kabayo dahilan upang bigla na lang itong umangat at mabilis na tumakbo. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman mahigpit lang akong nakahawak sa tali upang mapanatili ang balanse ng aking katawan, habang nakaupo sa likuran nito. Hindi ko na alam kung saan na ako napadpad, pero bigla nalang lumitaw sa harapan si Chuck dahilan upang mabilis na huminto ang kabayo.
Humakbang ito palapit sa kabayo at hinaplos ang mukha nito kaya naman kumalma na ang kabayo, tinignan naman ako ni Chuck.
"Miss President, ayos ka lang po ba?" nag-aalala nitong tanong na tinanguan ko at bumuntong-hininga. "Si Renz talaga," bulalas niya at nagtungo sa gilid.
Tumaas ito hanggang sa makasakay na rin siya. "Ibabalik ko na po kayo." Kinuha niya mula sa akin ang tali pero hindi ko naman iyon binitawan sabay nilingon siya.
"Isang metro," pagpapa-alala ko sa kaniya na nginiwian nito at umusog pero wala pa rin iyong isang metro. Umirap na lang ako at tumingin sa harapan. "Gusto kong matuto kaya pabayaan mo ako."
Kaunting galaw ko lang sa tali ay muli na namang tumakbo ang kabayo at agarang napakapit sa katawan ko si Chuck na muntik nang mahulog.
"Ma'am! Ako na po!" presinta nito pero hindi ko siya pinansin at mas lalo pang pinabilis ang pagtakbo ng kabayo. Noong simula ay nahirapan pa akong kontrolin ito kung saan liliko pero hindi naman nagtagal ay agad din akong natuto. Kung saan-saan na kami napadpad dahil nasisiyahan ako sa pagsakay rito.
Mula sa kung saan ay bigla na lang may lumitaw na lalaki sa harapan at hindi ko alam kung paano ito papahintuin. Mabilis na hinawakan ni Chuck ang tali at hinila iyon dahilan upang umangat ang kabayo at kami naman ang bumagsak sa lupa. Kapwa kami napaungol sa sakit ng pagkakabagsak namin.
"Ayos lang ba kayo?"
Nag-angat ako ng mukha at tumambad sa akin ang magandang mukha ng isang lalaki. Kilala ko ito. Siya na nga! Siya si William Lee.
Dali-dali akong tumayo at pinagpagan ang katawan ko, sabay balik ng tingin sa kaniya. "Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Pasensya na kung hindi ko napahinto, baguhan lang kasi ako," sunod-sunod kong lintana.
"Ayos lang ako," sagot naman niya ng nakangiti kaya nakahinga ako ng maluwag. Kung may nangyaring masama sa kaniya ay paniguradong tanggal na agad ako sa posisyon ko.
"Siya nga pala, Adelyn Nahshon," pagpapakilala ko at inilahad ang aking palad sa kaniya.
"William Lee," sagot naman nito at nakipagkamay sa akin. Agaran nitong iniangat ang palad ko at hinalikan ang likod nito na ikinatigil ko dulot ng pagkagulat.
"Nice to meet you, Miss Adelyn Nahshon." Unti-unti namang kumurba ng ngiti ang labi ko, halatang interesado siya sa akin at gayundin ako sa kaniya. Not bad. "Nga pala, Nahshon? Kaano-ano mo si Drake Nahshon?" tanong nito sa akin na ikinatigil ko.
Si Dad.
Kumurap-kurap ako at ngumiti. "Drake Nahshon? Siya ang boss ko," sagot ko na ikinapawi ng ngiti sa labi nito. "Ang totoo ay pinadala niya ako rito upang hanapin ka, pero parang gusto kong manatili na lang rito kasama ka."
Muling sumilay sa labi nito ang ngiti kaya naman patago akong ngumisi. Bukod sa mga gamit ko, dinala ko rin ang pagiging playgirl ko.

Komentar Buku (146)

  • avatar
    Nixon Allen Bernacer

    so fun

    27/07

      0
  • avatar
    John Winzel Urgelles

    wow

    23/07

      0
  • avatar
    Airalyn Jawaddil

    ggghi

    22/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru