logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

The Playgirl's Revenge

The Playgirl's Revenge

AkoSiIttal


START

ADELYN'S POV
"Ahh, ma'am."
I heard him moaned as I kissed his neck, halatang nakikiliti ito sa ginagawa ko. Kasalukuyan itong nakaupo sa aking swivel chair habang ako naman ay nakaupo sa ibabaw ng kaniyang hita. I immediately stopped and pulled my lip away from his neck.
"Do I have anything else to do tonight?" I asked him, so he immediately picked up his phone and looked at it.
"Uhm, may date kayo ni Mr Morris mamayang 9 pm," sagot naman nito at agad ring ibinaba ang phone niya sabay hapit sa baywang ko, dahilan upang mas lalo akong mapalapit sa kaniya. "Pero sa akin ka muna," aniya at hinalikan ako sa labi na agad ko namang ginantihan.
Nagpatuloy lang iyon hanggang sa magsawa na ako at lumayo na sa kaniya, sabay punas sa aking labi.
"I have something to tell you," seryoso kong saad at tumayo sa harapan niya. Pinagpagan ko ang nalukot kong damit upang magmukha pa ding presentable, kailangang segu-segundong mukha akong presentable, well I'm the President of this company, I should always look presentable.
Agaran namang kumislap ang mga mata nito, "ano 'yun? Papayag ka nang maging boyfriend ako at hindi lang secretary mo?" aniya sa sabik na boses na inilingan ko.
Hinawakan ko ang baba nito at yumuko upang magkalapit ang aming mukha.
"You're fired."
Agarang nanlaki ang mata nito sa sinabi ko na halos hindi niya ikinagalaw sa kaniyang pagkakaupo sa aking upuan.
"W-what?!" tangi nitong bulalas at suminghap.
"Sawa na ako. Makaka alis ka na," malamig kong turan at kinamot ang aking kanang kilay sabay tumayo ng tuwid. Napansin kong hindi ito gumagalaw sa kaniyang pagkakaupo sa aking swivel chair kaya naman tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.
Annoyance appeared on his face. Tumayo na ito at suminghal ng sobrang lalim, para siyang suminghal ng kasing lalim ng balon. "Wala kang kwenta," bulalas pa nito at naglakad na paalis dala-dala ang iritable niyang pagmumukha. Sumunod naman akong umupo sa kaninang inuupuan nito.
I just yawned and leaned my back from my seat. Wala na akong ibang ginawa kundi ang magtrabaho. Tama, hindi nga ako mabuting presidente ng kumpanyang ito pero napapatakbo ko ito ng maayos. Pabago-bago man ako ng sekretarya, subalit hindi iyon nakakaapekto sa sarili ko at sa kakayahan ko.
Kaya kong patakbuhin ang kumpanyang ito gamit lang ang ang mga daliri ko at hindi na kailangan ng sinoman.
I grinned at my own arrogance, subalit agad naman akong natigilan ng marinig ang pagkatok mula sa pintuan ng aking opisina at nakita si Gaile na nakatayo sa pintuan... nakayuko ito na animo'y itinatago ang kaniyang mukha.
Agad naman akong napatayo nang makita ang hitsura nito, at naglakad palapit sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabila nitong balikat at pinagmasdan siya ng mabuti.
"Hey, are you okay? Bakit ka malungkot? Hindi mo na naman ba nabili 'yung gusto mong bag sa auction?" sunod-sunod kong tanong na puno ng pag-aalala pero umiling ito at nagsimulang umiyak na parang bata.
I was stunned and watched her tears trickle down to her cheeks. Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak. Isa siyang mapagmataas na babae na laging ipinagyayabang ang buhay na mayroon siya, hindi ko naman siya inaawat dahil wala naman akong nakikitang masama doon, o baka dahil magkapareho lang kami— nang dahil doon ay walang nagmamaliit sa kaniya at walang may lakas ng loob na labanan siya.
Hinawakan ko ang baba nito at iniangat ang kaniyang mukha, kaya naman nakaramdam ako ng kirot sa puso ng makita ng buo ang mukha nitong puno ng lungkot. "Bakit umiiyak ang prinsesa ko?" tanong ko sa malambing na boses at pinunasan ang basa nitong pisngi pero agaran rin naman iyong nabasa dahil sa tuloy-tuloy na pagdaloy ng kaniyang luha.
"Ate," bulalas nito at suminghot. "Niloko niya ako. Pinagpalit niya ako sa iba, Ate," pagpapatuloy nito at humagulgol.
Agad na nagtiim ang bagang ko sa sinabi nito. Ang lalaking iyon. Anong karapatan niya para paiyakin ang kapatid ko? Ni minsan ay hindi ko hinayaang may tumulong luha mula sa kaniyang mga mata, pero siya naman ang magpapaiyak rito?!
"Anong pangalan niya?" I asked her coldly.
"Chuck DeVille. Ate, gusto kong pahirapan mo siya. Ipaghiganti mo ako, Ate. Make his life like a living hell!!" anito at nakita ko ang panlilisik ng kaniyang mga kulay itim na mata.
Madalas ay nakikita ko siyang naiinis kapag hindi nabili ang bagay na gusto niya, pero ngayon ko lang nakitang nanlisik ang mga mata niya nang dahil lang sa isang lalaki.
At sa unang pagkakataon rin ay binigyan niya ako ng permisong gawing impyerno ang buhay ng lalaking iyon. Matagal ko ng gustong gawing impyerno ang buhay niya para lang lumayo siya sa kapatid ko, pero hindi hinahayaan ni Gaile na malaman ko ang pangalan niya at pinagbabantaan niya rin ako na iiwan niya daw ako kapag may gagawin akong masama sa kasintahan niya.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Gaile at iniangat iyon upang magkapantay kami ng mukha, at nginitian siya.
"Don't worry, Ate will take care of it," saad ko na tinanguan naman nito at tipid na ngumiti. Binitawan ko na ang pisngi niya habang pinunasan niya naman ang kaniyang basang pisngi. "Ano namang balak mo ngayon?" tanong ko rito habang pinapanood siyang naglalagay ng kung ano-ano sa kaniyang mukha.
"I want to visit our parents in Canada and fulfill my dream. There's no reason for me to stay here so, yeah," sagot niya at sinulyapan ako. "Ate, may tiwala ako sa'yo. Gusto kong pagbalik ko ay makikita ko siyang umiiyak sa sobrang paghihirap na halos hilingin niya na ang pagkamatay niya. You can do that, can't you?"
Ngumisi ako at inayos ang magulo nitong buhok. "Siyempre kaya kong gawin iyon. I can do anything just for you," I answered and kissed her forehead.
"So, kita nalang ulit tayo? Nagpabook na ako kanina ng flight kaya diretso na ako sa airport. Alam kong may trabaho ka pa kaya ipokus mo nalang ang atensyon mo riyan," wika nito at hinalikan naman ko sa pisngi. "Babye, Ate," pamamaalam niya.
Pinanood ko itong maglakad palayo sa kinatatayuan ko hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Suminghap naman ako at nameywang. "Chuck DeVille," bulalas ko at natawa ng pilit. "You dare to hurt my princess, huh? Damn you!"
Naglakad ako pabalik sa swivel chair ko at naupo doon. "Mr Secretary!" sigaw ko pero nakabibinging katahimikan ang tumugon sa akin. I took a deep breath at hinilot ang aking sentido nang mapagtantong tinanggal ko na pala sa trabaho ang secretary ko.
"Grey—"
"Oo na, oo na. Heto na," iritable nitong saad at naglakad papasok sa malawak kong opisina. Huminto ito sa tapat ng desk ko at inilapag ang sandamakmak na papeles sa harapan ko. "There. Mamili ka na lang sa kanila ng gusto mong maging secretary."
Tinaasan ko ito ng kilay na ikinakunot naman ng kaniyang noo. Umayos ako sa aking pagkakaupo at sinamaan siya ng tingin. "Inuutusan mo ba akong magbasa?" Awtomatikong napakamot sa kaniyang batok si Grey dahil sa sinabi ko.
"Oo na. Nakakainis ka na," reklamo nito at kumuha ng isa sa mga folder at binuklat iyon. "Name: Arman—"
"Ayoko," agaran kong sagot kahit na hindi pa lang natatapos ang pagbabasa niya kaya nagbuklat ulit siya ng iba.
"Har—"
Umiling ako kaya naman sumama ang tingin nito sa akin at muli na namang nagbuklat.
"Chu—"
Umiling ulit ako kaya suminghap ito at akmang pupulot ulit pero pinigilan ko siya.
"Wait, go back to the last one." hayag ko.
"Alam mo, hanggang ngayon ay siraulo ka pa rin," he complained, at pinulot ang huling folder na nahawakan niya. "Chuck DeVille," basa nito kaya naman naihampas ko ang aking palad sa desk ko at napatayo.
Mabilisan kong inagaw sa kaniya ang resume at binasa iyon. Chuck DeVille nga ang nakasulat.
I closed it and handed it to Grey. "Siya. Siya ang gusto kong maging secretary ko," sambit ko na ikinakunot ng noo nito at tinanggap ang folder.
"Sigurado ka? Pero hindi naman ito mukhang gwapo at halatang patpatin... ang malala ay mukhang sakitin. Akala ko ba guwapong lalaki na may magagandang katawan lang ang gusto mong maging secretary dahil gusto mong makipaglaro sa kanila at ayaw mong madapuan ng kahit na anong sakit?" taka namang tanong ni Grey.
"I don't care. I want him so call him immediately. Tell him that he'll start tomorrow so better fix his damn ass." Tumango-tango naman ito at binitbit na ang mga resume sabay naglakad paalis.
Muli ay nabalot ng katahimikan ang kwarto kaya naman natawa ako at bumalik sa aking pagkakaupo. Walang kahirap-hirap. Kusa siyang itinulak sa akin ng tadhana kaya malas niya.
Chuck DeVille. You should get your ass ready to get your punishments, because this is The Playgirl's Revenge.

Komentar Buku (146)

  • avatar
    Nixon Allen Bernacer

    so fun

    27/07

      0
  • avatar
    John Winzel Urgelles

    wow

    23/07

      0
  • avatar
    Airalyn Jawaddil

    ggghi

    22/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru