logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 02

02
Don't judge a book by its cover, everything depends on the content and the character itself.
*****
"Ano ba kasing nangyayari sa'yo?!" hindi mapakaling sabi ko habang kagat ang daliri at palakad lakad sa paanan ng lalaking ngayon ay nakahiga sa damuhan.
Hindi ko naman alam ang gagawin dahil wala naman akong masyadong experience sa mga ganito. Kanina ko pa siya ginigising pero wala pa rin.
Inaamin ko na kasalanan ko 'to, malay ko bang mahihimatay siya sahil lang sa pagtanggal ko ng salamin sakanya.
Mabilis ang tibok ng puso ko kaya nilapitan ko siya at nag aalalang tumitig sakanya.
Sa mga oras na 'to, kahit na hindi ko alam ang gagawin ay nababaling parin ang atensyon ko sa itsura niya. Hindi maipagkakailang pogi at paniguradong habulin ng mga dalaga. Dumagdag pa na mayaman siya kaya maganda ang kutis at kulay ng balat niya. Kakaiba mula sa mga lalakeng parati ko na lang nakikita dito sa subdivision namin.
Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung ano ba ang dapat kong gawin nang may makita akong dalawang lalaking papalapit sa aming direksyon.
Bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa wakas ay may nakita na akong maaaring hingan ng tulong dahil sa katangahang nagawa ko.
Itinaas ko ang kamay ko para makuha ko ang atensyon nila na kaagad ko namang pinagsisihan.
Halatang lasing ang mga ito at may dala pa ngang bote ang isa. Bigla naman silang napangisi ng makita ako.
Masama ang kutob ko sa unti unti nilang paglapit saakin. Nagsimula na akong kabahan dahil kung ano man ang katarantaduhan na nasa isip ng mga adik na 'to ay siguradong wala akong laban. Base sa mapupula nitong mga mata ay halatang gumagamit ito ng illegal na droga.
Unti unti silang lumapit saakin kaya napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. Lumingon ako sa paligid para makahanap ng kung anumang bagay na magagamit ko kung sakali mang may balak nga silang gawing masama saakin.
Nanghihina akong napaatras ng ilang dipa na lang ang layo nila. Hindi ko man lang maigalaw ang mga paa ko na sobra kong ikinainis.
Napatingin ako ulit sa nakahigang lalaki na nahimatay kanina at kita ko parin na tila mahimbing siyang natutulog. Napapikit ako ng mariin ng balak ko sanang tumakbo ay kaharap ko na pala ang puno ng narra.
Wala na akong matatakbuhan at wala na akong kawala.
"Kuya, h-hindi ko na po kailangan ng tulong. Nakatulog lang po ata yang lalaking yan." kinakabahan at nauutal kong sabi ng dumukwang ang isang lalaki saakin habang ang isa naman ay nakatayo sa paanan ng binata na nakabunggo ko kanina at nakatingin sa direksyon namin.
"Ah gano'n ba?" nakangising ani ng lalaki na nasa harap ko habang marahang hinahaplos ang mahaba kong buhok.
Lalong umuusbong ang takot sa dibdib ko at ilang sandali pa ay para na itong sasabog. Napapikit na lang ako at napaatras. Naramdaman ko ang marahas na pagtama ng likod ko sa punong kahoy at ang pagbagsak ng mga luha ko ng mariin niyang hawakan ang baba ko. Pilit ko mang inilalayo ang mukha ko pero mas idinidiin niya pa lalo ang kamay niya at pakiramdam ko ay masusugat ito dahil sa diin ng kuko niya sa pisngi ko.
Tuloy tuloy na dumausdos ang luha ko at ipinikit ang mata ng lumapit pa siya lalo at pinilit na iniharap ang mukha ko sakanya.
Ilang sandali pa ay biglang lumuwag ang kamay na nakahawak sa baba ko at napamulat.
Nakita kong nakabulagta na ang lalaki sa harapan ko. Bigla naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil may pagkakataon na akong makatakas.
Bago pa man ako makapagsalita ay may kamay na humablot sa braso ko at nagkulong saakin sa mga bisig niya.
Naramdaman ko na lang na umiiyak na pala ako sa balikat ng lalaking nagligtas saakin. Ang lalaking nahimatay dahil sa kagagawan ko kanina.
Nang humiwalay ako sa yakap ay pilit akong ngumiti. Nakita kong binitawan niya ang sanga ng punong kahoy na hawak niya na sigurong ginamit upang mailigtas ako.
Lumayo ako ng bahagya dahil sa hiyang nararamdaman. May kung ano sa loob ko na gustong humingi ng tawad pero hindi ko magawang maibuka ang bibig ko.
Pag angat ko ng tingin ay nakita kong nakalahad ang kamay niya saakin bago nagsalita,
"Nyx." simpleng aniya na nagpakunot sa noo ko.
Kalaunan ay napagtanto ko rin na nagpapakilala pala siya kaya inabot ko ang kamay niya. Pero bago ko pa man masabi ang pangalan ko ay nagulat ako dahil sa bigla niyang pagsalita.
"Hospital, I need to go to the hospital." sa sinabi niyang iyon ay hindi na ako nag atubili pa at kaagad ko ng iniakbay ang braso niya sa balikat ko.
Kaya naman siguro naming lakarin dahil malapit lang naman ang ospital na alam ko, ospital kung saan din ako namalagi noon.
Hindi naman na siya tumutol pa at naramdaman ko ang pagbigat ng pagkakaakbay niya, senyales na nahihirapan siya sa paglalakad.
"Guide my way please, m-my eyes.. It's getting b-blurry," bulong niya saakin.
"Fine, close your eyes. I'll serve as your sight."
Sinunod niya naman ang sinabi ko kaya dire-diretso na kaming naglakad papunta sa ospital.
Malayo pa lang ay tila bumibigat na ang hakbang ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Parang may kung anong bigat sa pakiramdam ang unti unting nabuhay at bumalik sa isip ko.
Pagtapak pa lamang sa pinto ay nanlamig na ako. Ramdam ko rin ang pamumuong muli ng mga luha sa mata ko.
Nakita ko naman ang punong tagabantay na katulad ko rin ay nakatingin siya saakin ng hindi makapaniwala.
Lumingon ako sa paligid at tila naging sariwa saakin lahat ng pinagdaanan ko noong nasa kasagsagan ako ng pagpapagaling. Nandoon yung takot na baka mas lumala ang sakit at mamatay na lang bigla, at ang panalangin na sana makatakas na sa selda ng paghihirap.
Nahagip ng mata ko ang isang malaking litrato na nakasabit sa dingding ng bahay ospital. Litrato iyon ng mga bata na may iba't ibang karamdaman at kasali na ako doon. Naalala ko parin ang unti unti naming panghihina at ang iba pa ay namatay dahil hindi na kinaya ng katawan.
Buhay na buhay parin ang bahay ospital na tinatawag na "Rainheart Paradise" at naaalala ko pa ang alamat ng titulo ng ospital na ito batay na rin kay Ma'am Nanny, ang punong tagapangalaga.
"This hospital is called paradise, where a lot of tears shed and fall like a rain from the sky, a rain that make every heart melt. The hospital of hope, the hospital of cure, the hospital where love conquers the most. This is our Paradise. Our "Rainheart Paradise""
Nasa paligid parin ang palaruan at ang sapa na gawa ng tao na nilalagyan lang ng tubig para magmukhang totoo. Kakaiba ang ospital na ito sa iba dahil hindi puti ang dingding, bagkus punong puno ito ng ibat ibang kulay at mga paintings ng magagandang view dito sa lugar namin. Para bang gusto nilang iparanas na nasa labas lamang ang nandito.
Nagsilbi na din itong tunay na bahay dahil ang bawat nandito ay nagtuturingang isang buong pamilya.
Hindi ko man lang namalayan na pinupunasan na pala ng lalaking nakaakbay saakin ang luhang dumadausdos sa pisngi ko gamit ang panyo.
Ilang sandali pa ay nabitawan niya ang panyo kasabay ng pagkawala niya ulit ng malay. Buti na lang ay may umalalay kaagad na mga nurse kaya nadala kaagad siya sa isang silid. Tinanong pa nila ako kung bakit dito ko dinala pero wala man lang akong naisagot at nakatitig lang sa kawalan.
Nanatili akong nakatayo at pinagmamasdan ang paligid ng makarinig ako ng pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.
"Sandya! Araw!" parang natunaw ang puso ko ng makita ang isang petite na babae na tumatakbo papalapit sa kinatatayuan ko.
"H-helen?" naiiyak at mahina kong sabi at sinalubong ang yakap niya.
"Ang tagal na kitang hindi nakita. I'm so happy for you." sincere na sabi niya pero halata ang lungkot sa tono nito.
"Bakit, Helen? Ikaw kamusta ang kalagayan mo?" pilit ko na lang siniglahan ang boses ko para makatulong sa pagpapagaan ng paligid.
"Halika, tambay muna tayo sa garden? Na miss kita, Araw ko." napangiti ako bago sumama sakanya papunta sa garden kung saan kami madalas noon.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang bench habang nakalingkis ang braso niya saakin na palagi niyang ginagawa.
Na miss ko na rin ang babaeng ito dahil sa katagalan. At masaya akong nagkita ulit kami.
"Alam mo, malapit na akong mamatay." plastic siyang tumawa habang pinunasan ang luha na siyang nakapagpalamig sa buong sistema ko. Napatingin ako sakanya ng hindi makapaniwala. Hindi ko alam ang sasabihin dahil walang salitang pumapasok sa utak ko.
Kusa ko na lang siyang niyakap at nakisabay sa paghagulhol niya.
Halos magkasabay kaming pumasok dito sa ospital at palagi rin kaming magkasabay sa lahat, kaming dalawa ang sabay na lumaban at sa kasamaang palad ay ako ang nakalabas samantalang siya ay naririto parin.
Parang gusto ko na lang sapakin ang sarili ko dahil hindi ko man lang naisip na masyado akong maswerte dahil gumaling pa ako, kumpara sa mga nandito, nananatili paring nabubuhay ng walang kasiguraduhan kung magtatagal pa ba sa mundo.
"'Wag kang mawalan ng pagasa, gagaling ka pa no!" pilit kong pinagagaan ang pakiramdam niya pero sadyang mababaw ang mga luha ko at niyakap ko siya ulit.
Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito. Sa puntong kailangan naming magpaalam sa isa't isa.
Ang nakakalungkot lang ay kahit na buhay pa naman ang isang tao pero nililimitahan na kaagad nila ang mga pagkakataon na makapamuhay ito ng normal.
Bakit ba ganito ang tadhana, kung sino pa ang siyang mabubuti, sila pa ang nahihirapan.
Bakit pa kailangan na mangyari ang lahat ng ito? Bakit ang kaibigan ko pa?
"Helen naman eh, tutuparin pa nga natin ang mga pangarap natin di'ba? Makakahanap ka rin ng heart donor. Tiwala lang." hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya kasabay ng muling pagagos ng luha sa mga mata ko.
"Helen, isa ka sa taong nagbigay saakin ng lakas dati. Alam kong matatag ka at hindi kaagad na sumusuko, malalampasan mo rin 'to, nandito lang ako palagi. Basta lagi mong tatandaan na hindi ka nag iisa, palagi mong nasa tabi ang diyos, magdasal lang tayo at panigurado na tutuparin niya ang hiling natin at may darating na pag asa. Malakas tayong pareho hindi ba?"
"Naalala mo pa ba, noong una tayong nagkita dito. Inaway mo pa nga ako noon kasi sabi mo, ang weak ko kasi ang bilis kong sumuko. Sabi mo saakin dati na pray lang parati at tutuparin ni god ang wish natin, hindi ba?"
"Naaalala ko rin nu'ng mga panahon na nalagay sa alanganin ang buhay ko, palagi kang nasa tabi ko."
"Ikaw ang taong sumusuporta saakin sa lahat. Ikaw yung taong pinagkakatiwalaan ko ng lubos."
"Ikaw yung nagsilbing liwanag ko sa dilim. Ikaw yung nagbigay saakin ng tali para makaangat muli."
"Ikaw yung bestfriend ko na hindi ako hinahayaan na maging malungkot. Yung bestfriend na kilalang kilala ko na hindi kaagad sumusuko."
"Ang bestfriend ko na pinakamamahal ko." niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit.
"You'll always be my partner in crime. My lovely sunset." mahinang sambit ko sa gitna ng yakap namin.
Tiningnan ko siya ng diretso at hinawakan ang magkabilang pisngi habang pinupunasan ang mga luha sa mukha niya.
Labing anim na taon pa lamang ang kaibigan ko at napakaganda niya. Taglay niya ang mga katangiang sobra kong hinahangaan.
Ilang sandali pa ay kumalma na siya at natanaw ko sa likuran niya si Nyx. Ang lalaking dinala ko dito kani kanina lang.
Binitawan ko si Helen at kagaya ko ay tumingin siya sa likuran niya.
Binigyan ako ni Helen ng isang makahulugang tingin at ngumiti ng malapad sabay pisil sa palad ko na kaagad niya namang binitawan. Niyakap niya pa ulit ako bago umalis.
Nanatili lang akong tahimik habang papalapit si Nyx at umupo sa bakanteng upuan sa katabi ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako makahinga ng maayos. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa kaba, hiya o guilt.
"Thank you for bringing me here," panimula niya.
"Sorry din pala." alanganin kong dugtong bago lumingon sakanya at kaagad ding nag iwas dahil nakatitig din siya saakin ng seryoso.
"It's okay. Ahm, what's your name?"
"Sandya Leana. You can call me whatever you want. It depends kung magugustuhan ko."
"Silly, I'm just asking for a small answer." napairap na lang ako bago palihim na ngumiti.
"Maybe you still need my handkerchief? You can use it to wipe your tears. Don't worry I don't mind."
Ngumiti na lang ako bago umiling. Sapat na ang ginawa niya kanina para maibsan yung pag iyak ko.
"Ahm, maari ko bang matanong kung bakit ka nahimatay kanina?" alanganing tanong ko.
"Ahm, I don't know." kibit balikat na sagot niya kaya napatango tango na lang ako.
Pero nagulat ako at nakaramdam na lang din ng awa ng marinig ang mga sumunod na sinabi niya.
"I have an eye cancer also called as Retinoblastoma, and it's getting worse."
***

Komentar Buku (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru