logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 13

Love conquers everything, love eases pain, love can give happiness. So as long as I can, I will love you with all my heart.
~~~~~
Ramdam ko ang bigat ng talukap ko kasabay ng pagsakit ng katawan ko pero pilit akong dumilat.
Ano ba ang nangyari at pakiramdam ko ay matagal akong nakatulog?
Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong saakin, bumungad saakin ang isang pamilyar na kwarto, bakit ako nasa ospital?
Dumapo ang paningin k okay Helen na prenteng nakaupo sa sofa malapit sa lamesa habang hawak ang cellphone at nakataas pa ang dalawang tuhod sa upuan. Noon pa man sinasabi kong magbago na siya sa ugali niyang yan pero madalas niya parin namang gawin. Parang kung kumilos pag mag-isa parang hindi babae, wala man lang kaartehan sa katawan.
Maganda nga ang ugali niya na walang arte at walang pili, pero kung hindi lang siya nakasuot ng masyadong pangbabaeng damit ay mapagkakamalan ko siyang tomboy.
Sa paraan niya ng pagkilos at pagsasalita, iisipin kong lalaki siya—kung hindi lang siya maganda.
“Araw, alam kong maganda ako pero wag mo akong titigan ng ganyan, babae parin ako pero baka biglang maging tibo dahil sayo.” Natatawang ani nito na nginiwian ko naman. Ano nanaman kayang masamang espiritu ang sumapi sakanya at kung ano ano nanaman ang lumalabas sa walang preno niyang bunganga.
Napaayos ako ng higa ng magbukas bigla ang pintuan ng kwarto. Natawa pa ako sa naging reksyon ni Helen dahil animo’y ginulat talaga siya.
Mahinhin siyang umupo sa sofa bago nagkutkot sa cellphone, nag cross legs pa ang gaga ng tumabi sakanya si ouranos.
“Hey baby, you’re finally awake.” Napatingin ako sag awing kanan ko at nakita si Nyx na may dalang tray ng pagkain. Nginitian ko siya na kaagad niya namang sinuklian.
“Ba’t kayo nandito?” nagtatakang tanong ko sabay pinangunutan sila ng noo.
Naguguluhan parin ako kung paanong napunta ako sa ospital gayong wala naman akong maalala na nawalan ako ng malay.
Lahat sila ay napabaling saakin ang tingin na makikita rin ang pagtataka. Naguguluhan na ako sa mga inaakto nila, bakit hindi nila magawang magsalita?
“Ahm, labas muna tayo para magpahangin pag kaya mo na maglakad.” Sabi ni Ouranos na siyang mas ipinagtaka ko. Bakit hindi na lang nila ako diretsuhin at may nalalaman pa silang paglabas para magpahangin? Ano ang magandang maidudulot noon saakin kung puno nan g napakaraming tanong ang utak ko?
“Baby, stop frowning.” Lumingon ako ulit at napadako ang tingin ng dalawa kong kaibigan kay Nyx. Parehong nagtataka ang itsura.
“Baby?—“
“The heck—“
Halos sabay nilang sabi at nagkatinginan pa pagkatapos. Maging ako ay natawa dahil ang cute nilang tignan na parehong naiinis sa isa’t isa.
“What’s wrong with it?” kunot noong tanong ni Nyx na siyang dahilan ng paghagalpak ko. Hindi ko alam kung pano naging mababaw ang kaligayahan ko. Pero mas mmabuti na rin siguro yon kesa ma depress ako kakaisip ng mga tanong na hindi naman nila magawang sagutin a t walang balak ipaalam saakin.
“May bipolar ata akong kaibigan.” Natatawang saad ni Helen na nakapagpatigil saakin. Matagal bago ko naiproseso sa utak ko ang sinabi niya kasabay ng unan na ibinato ko sa mukha niya. Pinaningkitan niya ako ng noo at itinabi ang hawak nyang cellphone bago pinulot ang unan na ibinato ko kaninang eksaktong nasapol ang mukha niya.
Napalinga linga ako at naghanap ng pang salag sa paniguradong malalakas na hampas niya. Umupo ako ng tuwid at kinuha mula sa likuran ang malaking unan na inilagay kanina ni Nyx.
Maakas akong sumigaw kasabay ng isnag tawa ng maramdaman ang impact ng pagkakahampas niya. Hindi ko namalayang nagawa niya pa talagang umakyat sa higaan at ngayon ay nakaupo sa tuhod ko na natatakpan ng kumot.
Sinubukan siyang pigilan ni Nyx at saka lang ako nakaramdam na tinigilan na niya ang paghampas ng unan. Saktong pagbabako ng takip sa ulo ko ay kitang kita ko kung paano tumama ng malakas sa ulo ni Nyx ang hawak ni Helen na unan. Napangiwi ako maging si Helen. Alam kong hindi niya inaasahang mapapalakas kaya siguro siya nagulat.
Napanganga si Nyx dahil sa ginawang iyon ni Helen, dahil siguro sa takot ng bruha ay bigla siyang umatras sa pagkakaupo sa tuhod ko at na out balance sa gilid ng kama.
Sisigaw na san ako sa takot ng mahulog si Helen sa higaan pero buti na lang ay mabilis si Ouranos na umalalay at nasalo niya kaagad si Helen  bago ito tuluyang bumagsak sa kama.
Napangiti ako dahil sa ginawa ng aking butihing kaibigan. Akalain mo nga namang pwede ka palang maging si superman dahil sa adrenaline rush o dahil gusto niya lang talagang protektahan si Helen upang hindi ito masaktan.
Hindi ko man lang namalayan na ilang segundo na pala ang nakalipas dahil nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nasa bisig ni Ouranos si Helen. Akala ko sa teleserye lang ako makakaramdam at makakakita ng ganitong nakakakilig na eksena.
“Nyx, popcorn.” Wala sa sarili at nakangisi na sabi ko. Kita ko ang pagtataka niya na nakatingin saakin sa peripheral vision ko. Tumingin ako sakanya at halos magkalapit na pala ang mga mukha namin dahil nakaupo siya sa tabi ko sa kama. Nanigas ako at hindi kaagad nakagalaw sa kinauupuan habang malalim na napatitig sa mga mata niya.
Bumalik ang lahat sa normal nang sumigaw si Helen, “Bitawan mo nga ako, Bakla!” malakas na aniya kasabay ng isang tunog ng pagbagsak. Narinig ko ang pagsasalita ni Helen pero hindi k naiintindihan, wari mo’y nagbabasa ng orasyon pang kulam at dahil na rin sa masasamang titig na ipinukol niya kay Ouranos. Hawak niya ang balakang niyang bumagsak sa sahig.
Hindi ko magawang magalit kay Ouranos, bagkus ay natawa pa ako dahil kung hindi niya iniisip ang kaligtasan ni Helen, hindi niya uunahing bitawan ang likod nito, dahil kung ulo ang binitawan niya, tiyak mababgok ng wala sa oras si Helen dahil sa sariling katangahan.
Akmang hahampasin pa lang ni Helen si ouranos nang maiwan sa ere ang kamay niya kasabay ng pagbukas ng pinto. Laat kami ay napabaling doon ang atensyon at napagtantong si maam nanny lang pala.
Pero halos mapahagalpak ako ng sabihing ang ingay namin, nakakabulabog sa ibang pasyente. Paglabas ng nurse na nangangalaga saaming lahat dito ang sabay sabay naming tawa at nag turuan pa kung sino ba talaga ang kasalanan kung bakit kami napaglitan.
“Lagot kayo, hindi pa kumakain si Sandya.” nananakot na sabi ni Helen sa dalawa pa naming kasama. Sabay silang napalingon saakin at nag kibitz balikat ako bago bumangon at inalalayan ako ni Nyx.
Nagtataka nga ako kung bakit hindi ako gaanong kinakausap ngayon ni Ouranos pero ipinagsawalang bahala ko na lang ng biglang kumalam ang sikmura ko. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng gutom isang oras na makalipas ng tanggihan ko ang lugaw na binili nila kanina sa labas para ssaakin.
“So lets go out first, Leana?” sabi ni Nyx at hindi na ako nagdalawang isip pa na tumango. Hindi ko na magawang tumutol dahil medyo mahapdi na ang sikmura ko na wala ng laman.
Nauna na akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa maliit na bilihan ng pagkain dito sa loo ng ospital. Ramdam kong nakasunod saakin si Nyx kaya hinayaan ko lang at nagpatuloy.
Napangiwi ako ng makita ang mga pagkaing naka display sa menu kunwari ng tindahan. Parang umurong yung dila ko dahil halos lahat ng nakikita ko ay siya ring araw araw na kinakain namin noon, wala na bang iba?
Nagulat ako at napatingin sa likuran ng hawakan ni Nyx ang kamay ko at binigyan ng makahulugang tingin.
Nagpatianod na lang ako ng marahan niyang hilahina ang kamay ko  at sumunod sakanya papalabas ng ospital. Nakita ko kaagad na nakaparada sa gilid ng garden sa may tagong parte an gaming bisikleta.
Napangisi ako, “Pinaghandaan mo talaga?” natatawa-tawang sabi ko habang parehas kaming nagtutulak ng bike papunta sa likod ng garden upang walang makapansin sa pag-alis namin. Sigurado kasing hindi kami papayagang lumabas.
“I know what makes you happy, so as long as I can, these little things will do. Am I right baby?” nakangiting aniya bago umangkas sa bike at kinindatan pa ako bago magsimulang magpedal. Agad ko siang hinabol ng may ngiti sa mga labi. Hinayaan ko lang na ilipad ng hangin ang buhok ko at hindi na ako nag abalang magtali.
Palinga linga ako sa mga karinderyang nadadaanan namin s abayan. Nang mapako ang tingin ko sa isang sari-sari store at lumapad ang ngiti ko bag iniliko ang bike papunta doon.
Nakasunod lang saakin si Nyx dahil alam ko na hindi naman siya pamilyar dito.
Pagkababang pagkababa ko ay agad kong tinawag at kinuha ang atensyon ng isang may edad na babae. “Nanay Mameng!” masiglang tawag ko sa pangalan niya.
Kita ko ang paglaki ng mga mata niya bago tumakbo sa kinaroroonan ko.
“Ikaw na ba iyan sandya, anak?” tumango ako bilang tugon bago siya niyakap ng mahigpit. Matagal na mula ng huli kaming pumunta ito kaya siguro ganoon na lang ang gulat niya ng makita ako sa hindi inaasahan. Tumingin siya sa likod ko at nangunot ang noo niya.
“Sino yan, nak? Gwapo ah! Boypren mo?” natawa ako dahil sa sinabi niya at agad na umiling.
“Nanay Mameng, si Nyx po, kaibigan ko.” Sabi ko at tumingn kay Nyx na nahihiyang ngumiti. “Nyx, si Nanay Mameng. Auntie ko, pinsan ni mama.” Pakilala ko na kaagad naman siyang naglahad ng kamay.
Manghang kinuha iyon ni nanay at inimbitahan kaming pumasok sa tindahan.
Ito na ang nagsilbi nilang bahay na dinugtungan lang ng tindahan na unti unti naman ng lumalago.
“Kay tagal mo ng hindi napadalaw dito, anak. Nabubulok na ang mga sangkap ko sa pagluluto ng paborito mong ginisang sitaw.” Natawa ako dahil alam ko naman na nagbibiro lang siya.
“Kaya nga po ako nandito, sawa nap o ako sa lugaw at kaning nasobrahan sa tubig. Pinaresan pa ng matabang na sinabawang manok.” Sabi ko sabay irap na ikinatawa niya, maging si Nyx ay mahina ring napahagikhik.
“Oh siya, maupo muna kayo ni Nyx, magluluto lang ako.” Sabi niya bago kami iniwan sa tindahan.
Tahimik lang kaming nakaupo ni Nyx sa kahoy na upuan na nasa loob. Medyo nahihiya pa ako dahil baka sanay siya sa malambot na sofa at hindi sa mga ganito.
Ilang sandali pa ay may mga grupo ng dalagita ang balak yatang bumili. Tumingin ako sa loob ng bahay nila nay at ng mapagtanto na nagluluto pa sigur siya ay malalim akong napabuntong hiniga at pumunta sa harap ng tindahan para tanungin kung ano ang bibilhin nila.
Pigil ko ang paghinga ko pagkalapit ko pa lang at napapikit ng mariin ng magsalita ang magandang babae na nasa harapan.
“Oh, ikaw pala yan, sandya? Buhay ka pa pala?” sabi ko na nga ba, hindi magiging maganda ang bungad nito saakin na sinabayan pa ng pagtawa ng mga kasama niya na parang hindi estudyante kung pumorma.
Pinanliitan ko siya ng mata kasabay ng paghawak ni Nyx sa kamay ko. Hndi ko man lang namalayan na nasa likuran ko na pala siya. Lahat ng kasama niya ay napalingon kay Nyx bago sabay sabay na pasimpleng inayos ang sarili at ngumiti kay Nyx na animo’y nag aakit. Napangiwi na lang ako dahil sa inakto nila.
“You girls should stop laughing at my baby, beaytiful girl like her doesn’t deserve to be treated that way by ugly ducklings.”
Maging ako ay napanganga dahil sa sinabi ni Nyx.
Halos malaglag ang panga ng mga babaeng nasa harap namin na halatang kaedaran ko lang rin. Inis siyang nagpapapadyak bago nagsalita. “Let’s go girls, baka mahawaan pa tayo ng sakit ng babaeng iyan!” sabi niya sabay irap saaming dalawa ni Nyx na parang bata—immature.
Natawa ako matapos ng pag alis ng grupo ng babaeng iyon na una naming nakilala ni Helen noong mga bata pa kami. Sila ang dating bullies na naging dahilan kung bakit kinailangang tumigil ni Helen sa pag aaral. At dahil ayokong mag-isa siya na mamuhay sa ospital ay tumigil na rin ako sa pag pasok ng paaralan.
Pag harap k okay Nyx ay nakangiti rin siya saakin ng malapad bago ko nakita si Nanay  sa likod na papalapit saamin dala ang tasa ng ulam na kaluluto niya lang.
“Ano nanaman ang problema ng mga batang ‘yon?” nagtatakang tanong ni nanay na kaagad ko namang sinagot ng pagsisinungaling na wala naman, dumaan lang. mas mabuti pa iyon kesa magalit si Nanay, abala na nga ang pagpunta ko rito tapos bibigyan ko pa siya ng alalahanin.
“Kumain na kayong dalawa at baka pagalitan ka ng mama mo. Nasabi niya saakin na bawal kang lumabas dahil baka kung mapano ka. Pero wala na akong magagawa, pasaway at nandito ka na rin naman, edi pagsilbihan.” Mahabang paliwanang niya na nginitian ko na lang.
“Thank you so much po.” Sabi ni Nyx na tinanguan ni Nanay.
“Walang anuman hijo, basta bantayan mo lang ng mabuti itong pasaway na pamangkin ko. Mahalin mo siya gaya ng kung anong nararapat.” Hindi ko naituloy ang pagsubo ko at malalaki ang tingin na pinukol si nanay.
“Nay!” asik ko na mas ikinatawa niya. Lumapit siya saakin at bumulong. “Halata naman na hindi mo lang siya basta kaibigan, nakita ko kung paano ka ipagtanggol kanina mula sa mga batang nang-aaway saiyo kanina. Doon pa lang, hala na gusto ka niya at ayaw niya na masasaktan ka o ang damdamin mo. Bibihira ang ganiyang lalake, anak. Masuwerte at may Nyx ka.”
“Tandaan mo ang sinabi ko, Anak. Ikaw hijo, dapat mo ring tandaan na karapat dapat mahalin ng puro itong batang ito. Napakabait niya para lokohin mo lang. halata naman na gusto mo siya kaya pasayahin at mahalin mo siya.” Halos emosyonal na pahayag ni nanay bago humigpit ang hawak sa kamay ko.
Tumingin siya saakin ng makahulugan bago mapabaling ang atensyon naming dalawa kay Nyx dahil sa mga binitawan nitong salita.
“Yes maam, as long as I can, I will.”
***
Mabilis kaming nakabalik ng ospital matapos naming kumain at mag paalam kay nanay.
Kasalukuyan kaming nasa garden ngayon habang hawak ko sa kamay ko ang libro na ginawa ko at may dala rin akong dalawang ballpen kasama pa ang sticky noyte.
Maganda at kitang kita ngayon dito ang araw na unti unti g lumulubog. Nanatili akong nakangiti bago iniabot sakanya ang isang ballpen at papel. Naupo kaming pareho sa damuhan sa ilalim ng punong kahoy. Hindi man namin magawang pumunta sa tambayan ngayon pero sapat na rin naman siguro dito dahil parang pareho lang ang ambience.
Napakapayapa ng lugar at may mangilan ngilan ding pasyente na nasa labas at katulad namin ay nanonood ng paglubog ng araw.
Sinabihan ko siyang isulat na ang pangako na nasa isip nia dahil malapit na ang 6:20 ng hapon.
Panibagong araw na naman ang natapos. Panibagong araw na ipinagpapasalamat kong napuno ng kasiyahan kahit marami parin ang nasa isip ko na katanungan.
Pumikit ako ng mariin at dinama ang sikat ng araw na tumama sa mukha ko nang pagtingala ko.
May mga luhang nagbadyang tumulo pero pinigilan koi to sa abot ng makakaya ko. Pagdilat ko ay saka ako ngumiti ng malapad bago ngumiti at isinulat ang mga katagang,
“I promise to treasure every moment that I spend with my loved ones. I promise to take care of myself and as long as I’m alive, I’ll do everything to make the people around me happy.”
Pagkatapos ko na magsulat ay napalingon ako kay Nyx na kayabi ko at seryosong nakatitig saakin. Napawi ang ngiti ko at nakipag titigan ng malalim sa mga mata niya. Sa mga oras na ito, parang pakiramdam ko tumigil ang pag ikot ng mundo. Lumabo ang paningin ko at parang si Nyx lang ang nakikita ko.
Nagtataka man sa nararamdaman ko ay hiningi ko sakanya ang papel na may pirma na niya.
Hindi na ako nag-abalang basahin iyon dahil sinabi niya na rin naman at ramdam ko ang sinseridad sa mga salitang binitawan niya.
“6:20 PM, as a promise to love you, I’ll always visualize you even I don’t know if I can still see you.”
~~~~~

Komentar Buku (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru