logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 10

Killing yourself is not the only thing you can do to make things better, sometimes you can’t just see lots of hope that sorrounds you.
*****
Isang maghapong nakakapagod pero hindi ko akalaing magiging memorable sa buong buhay ko. Ang akala kong simpleng pamamasyal lamang ay siya palang makapagpaparamdam saakin at makapaglilikha ng mga ala ala na madadala ko hanggang sa kamatayan.
“Saan tayo magtatayo ng tent?” taking tanong ko habang nakahiga kaming pareho sa buhanginan at nanonood sa mga bituin. Bilog na bilog ang buwan kaya maliwanag ang paligid, dumagdag pa ang ingay ng mga kuliglig dahil napapalibutan ito ng kakahuyan. Parang isang tagong paraiso para sa mga tulad kong naghahanap ng magandang lugar upang makapagpahinga.
“Let’s just place it near where we are.” Mahinang aniya at ng tingnan ko ay nakapikit, dinadama ang ganda sa pakiramdam ng kalikasan.
Wala naman na lang akong ibang ginawa kundi gayahin ang posisyon niya na ginawang unan ang mga braso at pumikit. Medyo nahirapan pa akong ayusin ang magulo kong buhok pero mabuti at nagawa ko namang iyong itali kahit na sa bandang gilid ko lang.
Napadilat na lang ako ng maramdamang iniangat ni Nyx ang ulo ko at ipinatong iyon sa mga braso niya. Hindi ko alam pero hindi ko magawang tumutol. Siguro nga kailangan ko na lang sulitin lahat para wala akong pagsisihan. Hinayaan ko siyang ayusin ang buhok ko habang nagsilbi ko paring unan ang braso niya.
Dahil medyo nilalamig ako ay inalok ko muna siyang lumayo sa dagat at mag bon fire. Kaya ngayon magkatabi kaming dalawa kaharap ng nagbabagang apoy na sumasayaw sa hangin.
Nakakamangha talaga ang bawat bagay sa mundo. May iba’t ibang purpose pero iisa lang ang ipinapahiwatig kundi kagandahan.
Oo, may ibang makapaminsala ngunit kung titingnan iyon sa positibong paraan, hindi ba’t nakakabilib dahil naiiba ito sa lahat?
Katulad na lang ng apoy at tubig, lupa at hangin, hindi ba’t may pgkakaiba pero kailangan natin ang mga iyon upang mabuhay?
Katulad ko at ng iba pang tao, magkakaiba ang purpose sa buhay pero iisa lang ang layunin kundi pangalagaan ang mundong ‘to at magbigay ng kagandahan.
“Hindi pa kita naririnig na magsalita ng tagalog, ang totoo? Pilipino ka ba talaga?” pag iiba ko ng usapan dahil nababalot na kami ng katahimikan at sa tingin ko ay wala naman siyang balak magpanimula ng pag uusapan.
“Mahal kita,”
Bigla akong kinapos ng hininga dahil sa sinabi niya, hindi ako nakagalaw at nanatiling nakaawang ang bibig ko, Ano raw?
Ilang segundo akong natigilan at hindi ko man lang nagawang lumingon sakanya. Pakiramdam ko ay napako ang katawan ko sa buhangin at kasabay ng alon ang siyang pagbago bago ng emosyon ko, naiiyak, natutuwa, nabibigla at kung ano ano pa na siyang dahilan kung bakit hindi ako mapakali.
Hindi ko nga rin magawang igalaw kahit dulo ng mga daliri ko. Kaunti na lang ay papasukan na rin ng langaw ang nakaawang kong bibig, mahal niya ako? Bakit? Paano?
Narinig ko siyang mahinang natawa kaya bigla ako sakanyang napalingon at nagtama ang mga tingin naming pareho. Ilang segundo kaming nagkatitigan at wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako dahil baka kung ano na lang ang isipin niya kapag narinig niya ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Mahal ko na rin ba siya pabalik?
Gustong gusto ko mang sagutin ang iwinika niya pero walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.
Siya ang unang nag iwas ng tingin kaya nagawa kong makagalaw, natatawa ako sa reaksyon ko. Maaari palang masemento ang isang tao kapag nagugulat at iba iba ang ekspresyong nabubuo sa dibdib. Dumagdag pa na sobra akong kinikilig.
“Narinig mo na akong nagtagalog, ayos na?” nang uuyam na sabi niya na animo’y pinagtatawanan ako dahil sa naging reaksyon ko.
Tama, sinabi niya lang ‘yon para patunayang kaya niya rin mag salita ng tagalog. Sinabi niya lang ‘yon dahil do’n. Wala ng iba.
Pero bakit mayroon sa loob ko na umaasang sinabi niya iyon dahil ‘yon ang kanyang nararamdaman?
“In fact, I can compose a tagalog song too.” Hindi na ako nagtaka dahil sa sinabi niya. Iisipin kong magiging magaling na song composer siya pagdating ng panahon dahil sa ganda ng mga lyrics na naiisip niya. Tagos na tagos sa puso.
“Sa unang, pagkikita,” panimula niya kasabay ng pag hum niya ng isang hindi pamilyar na tono. Siguradong nag co-compose nanaman siya.
“Ngiti sa pagitan ay namayapa.” Nanatili lang akong tahimik bago lihim na napangiti. Ibang iba ang ginagawa niyang kanta ngayon kesa sa unang kanta na kaming dalawa ang gumawa. May pagka slang pa siya sa tagalog na mas bumagay sa bawat pagbitiw niya ng salita.
“Unang sulyap, ikaw na nga,
Ang matagal ng hiniling kay bathala.”
Napapikit ako habang pinakikinggan siya na mahinang kumakanta.
“Ikaw, Ikaw na nga. Ang saakin ay nakatadhana.”
Sana ganun na lang kadaling sabihin kung ang isang tao ang nakatadhana para satin, hindi ba? Dahil ang diyos lamang ang may alam, siya ang may control sa lahat. Kung ano ang kapalaran mo, walang nakakaalam, hindi mo maaring diktahan ang puso mo sa kung sino ba ang dapat mahalin at ang hindi.
“Liwanag sa dilim, tanglaw ko sa tuwina.
Pusong walang humpay sa pagtibok,
Mundo’y tumitigil sa pag-ikot,
Mahal kita, giliw mahal kita.”
Para akong idinuduyan sa paraan ng pagkanta niya. Katulad noong una, parang napakagaan sa pakiramdam na marinig siyang kumanta. Literal na musika sa pandinig ko ang tonong inilapat niya.
Akala ko noon ay mamamatay ako ng walang kabuluhan, noong bata pa ako, simula nung malaman ko na may ganito akong sakit hindi ko na inisip ang magmahal sa isang tao maliban sa pamilya at mga kaibigan ko.
Pero mapagbiro ang tadhana, sino ba ang mag aakala na kung kalian malapit na akong mawalan ng buhay, bilang na lang ang araw ko, ay doon ko pa makikilala ang isang taong katulad ni Nyx.
Pero natatakot ako, natatakot ako na kung sabihin kong mahal ko rin siya pabalik ay mas lumalim ang pagsasama namin, mas ayaw ko siyang iwan at alam kong lalo ko lang siyang masasaktan kung magkataon mang bawiin na ang buhay ko ng maykapal.
Kahit anong pilit kong hindi mahulog ay puso ko na mismo ang kusang tumitibok. Ano ba ang magagawa ng isang katulad kong dalaga na walang ibang hiniling kundi ang mabuhay pa ng mas matagal?
Kung ang oras nga ay hindi ko mapigilan sa pagtakbo, ang araw sa paglubog, damdamin ko pa kaya na unti unti na sakanya ay nahuhulog?
Sino ba kasi ang hindi mabibiktima ng kanyang karisma na hindi lang kagwapuhan ang taglay kundi pati na rin ang kabutihan na walang makakapantay?
Maraming tanong ang nabubuo sa isip ko, mga tanong na maiiwang lahat na walang sagot.
Dahil sakanya, iniisip ko na sana ay kaya ko na lang pabagalin ang oras, gusto kong sulitin bawat minuto at ayokong tumigil ang paghinga ko. Nakakatakot, wag muna ngayon. Wag muna ngayong masaya na ako sa kung anong meron ako.
Narinig ko pa siyang kumakanta pero dahil na rin sa bigat ng talukap ng mata ko, nakatulog ako habang paulit ulit na nag p-play sa utak ko ang mga salitang bitiwan niya kanina, ang mga katagang, Mahal kita.
***
I let her sleep beside me while her head is on my shoulder. I never knew I would met a girl like her. A girl with flaws, but for me she’s perfect.
Everytime she’s beside me, my heart keeps on thumping like crazy, feels like a monster inside a cage who wanted to get out.
I slowly carried her towards her tent. My mother bought two tents for us, and I can’t disagree. It’s enough being with her all day because were still teens after all.
I stared at her while she’s asleep. She’s really beautiful with her long hair. But whatever it is, with or without hair, I love her and I will always love her until our hairs both turn gray.
I removed my glasses and felt a sudden urge to shout because of pain caused by my eye. Why does it have to be this worse? Everytime I blink my eyes, I feel like there’s a knife piercing it.
I don’t want to be blind. I want to see her beauty for the rest of my life as long as we’re both alive.
Minutes passed and I decided to take a walk in the seashore. It’s been a while since we had a vacation with my mom. I never blamed her for that because she want to protect me from any harm. They said that it might worsen my situation once my eyes got infected because of sand in the beach.
I looked at the sky. How I wish to have a miracle that Leana can be cured. I don’t want to see her suffer this way. Everytime I see her crying, my heart is breaking into pieces. And the saddest part is, I can’t even do anything to help her.
After walking for a while, I decided to sleep but something caught my attention—a book.
My head creased in curiosity while looking at it’s first blank page. What is this thing for? It looks like a diary, I guess?
I slowly flipped the pages and my eyes grew bigger in amusement. This is Leana’s diary?
I really like her handwriting it’s clean and understandable. I didn’t plan to read it for her privacy but the wind flipped the pages until it reach  the middle part.
~~~~~
Dear papel,
Hindi ko akalaing makakakilala ako ng taong magpapatibok ng napakabilis sa puso ko. Akalain mo? Nagkita kami sa hindi magandang paraan pero bakit hindi ko man lang siya magawang kagalitan?
~~~~~
I smiled at that thought. Even though I don’t want to read the next pages, my curiosity do.
I found out that she likes me too. I know this is illegal reading someone’s diary but it feels like my hands has it’s own mind flipping every pages after reading every part of it.
I nearly reached the end part that surprises me. My heart thumps so fast and my mind suddenly went black. My body felt numb and I don’t know if it’s still functioning. My jaw dropped and I can’t even say anything.
Because of worriedness I ran as fast as I could to her tent. I regretted leaving her there alone. I hope she won’t do what she wrote in her diary. Because I wont let that happen.
My hands are shaking, I don’t know what to do as the words I’ve read repeatedly comes out from my mind.
~~~~~
Maybe I’m not prepared to die, but this signs keep telling me that the end is near. The pain is torturing me, why do I have to suffer? Do I deserve this?
Should I just kill myself than to die because of this darn disease then?
~~~~~
*****

Komentar Buku (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru