logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 09

Smile is the best teraphy to cure everyone and everything. So keep smiling, whatever the reason is, smile.
*****
Sa araw araw na ginawa ng diyos, meron pa bang ikabibigat ng pakiramdam ko sa umaga na pag gising ko ay ang mga nakakatakot na posibilidad ang sumalubong saakin?
“Hey, baby you’re frowning again.” Nagising ang diwa ko ng marinig ang boses ni Nyx sa tabi ko. Bakit ba kapag tumitingin ako sakanya, pawang lahat nagiging perpekto? Epekto ba ‘to ng panghihina ko dahil sa sakit o sadyang napalakas ang pagkakahulog ng damdamin ko sakanya?
“Wala. Ano palang balak mo? Maghapon ka na lang ulit na magbabantay dito saakin sa ospital? Ba’t hindi ka mamasyal? Maraming magagandang lugar dito.” Sabi ko sakanya na ikinakunot niya ng noo.
“How can I?” ako naman ang naguluhan dahil sa isinagot niya. Bakit ayaw niyang umalis mag isa?
“I don’t want to enjoy my life without you. I better gets bored than leaving you alone. Right, baby?”
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, hindi ko alam kung saang direksyon ako lilingon dahil ang lalim ng titig niya saakin. God! Ano ba ang nangyayari saakin?
“Why not let’ take a vacation together? Isn’t it fun and exciting?” napaisip naman ako sa sinabi niya. Nginitian ko na lang siya ng pilit dahil; hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Dapat ba akong matuwa dahil ayaw niyang iwan ako o dapat akong maawa dahil baka hindi ako payagang lumabas ng kasama siya dahil sa pesteng kondisyon ko na ‘to.
Magsasalita pa sana ako ng nagsipasukan na sila mama at si Helen. Nagulat nga ako dahil ang kasama rin ang mama ni Nyx. Anong meron?
May dalang backpack si mama habang lumapit naman sakin si Helen sa may kaliwa ko at hinawakan ang kamay ko.
Eto nanaman yung nakakainis na feeling na kinaaawaan ka ng mga tao sa paligid mo. Kahit ilang saglit man lang, pwede ba nilang tanggalin ang ekspresyon nay an? Baka yan pa mismo ang makapatay saakin ng maaga.
“Yang manliligaw mo, gusto ka daw i-pasyal. Ang taray ah? May pa beach? Sana lahat!” sigaw niya habang nakatingin saakin animoy nandidiri bago ilipat ang tingin kay Nyx na mapupunit na ang labi kakangiti.
“Beach?” taking tanong ko na kaagad namang sinagot ng mama ni Nyx.
“Nyx told me that he wants you to be happy. I don’t know how can I help but maybe this will do. I book a ticket for the both of you. Spend your time together but know your limitations. You’re still both young, okay?” ewan ko pero ramdam kong nagsilaglagan ang luha ko dahil sa sinabi ng mom niya. Sa kabila ng lahat ng nangyayari saakin, masaya parin ako dahil may mga taong patuloy parin akong binibigyan ng dahilan para ngumiti.
Lumingon ako kay Nyx ng hawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil. Sinalubong ako ng nagniningning niyang mata at animo’y nangungusap na pumayag ako. Tatanggi pa ba ako?
“Kahit ‘wag ka ng sumagot, dala na ni Tita ang mga gamit mo. Mama mo nga siguro ang excited dahil sa dami ng pinadala niyang damit eh!” asik nanaman ni Helen na siyang ikinatawa ko bago ibinaling ang atensyon ki mama na maluha luhang nagmamasid lag saakin. Ng ngitian ko siya ay agad siyang lumapit at niyakap ako ng sobrang higpit. Yung tipong parang aaw niya na akong pakawalan at natatakot na hindi niya na ako mayakap ulit.
Patuloy ang pag daloy ng luha ko pero alam kong hindi na kalungkutan ang dala niyon kundi matinding tuwa, na silang mga mahal ko sa buhay ang pinagmumulan.
“So, let’s go? We’re all set.” Masiglang ani ni Nyx na ikinataas ko ng kilay. Aalis agad? Halatang pinagplanuhan. Paano kaya kung hindi ako pumayag?
“Hindi ako sasama.” Malamig na sabi ko kasabay ng pagtalukbong ng kumot.
Rinig ko ang bulungan nila ng kung ano ano pero hindi ko naman maintindihan. Siguro nagtataka sia kung bakit iyon ang naging desisyon ko, gayong planado na ang lahat.
Ilang sagit pa ay narinig ko ang nangungusap na boses ni Nyx, pabulong lang iyon pero ramdam ko na nasaktan siya dahil sa hindi ko pag sang ayon.
Agad kong tinanggal ang talukbong ko at sinalubong sila ng isang malakas na tawa.
“Hindi naman kayo mabiro! Asan na ba ang mga gamit ko at mauuna na ako?” parang nabunutan sila ng tinik dahil sa sinabi ko. Ilang sandal pa ay naramdaman ko ang higpit ng hawak ni Nyx sa mga kamay ko, napangiti naman ako dahil do’n.
Sa mahigit kalahating oras ay handa na kaming umalis. Kita ko ang saya sa mga mukha nila habang nakatingin saaming dalawa ni Nyx.
Kung ano ano pa ang bilin na sinabi nila saamin bago kami dumiretso sa airport.
Ang saya ko ay nag uumapaw habang pinanonood si Nyx na mabagal na nagmamaneho. Hinayaan ko na lang dahil baka kung magpabilis siya ng takbo eh parehas pa kaming malagay sa alanganin. Kahit naman alam kong mamamatay na ako ay mas gusto ko pa ring magtagal, wag muna ngayon.
Ilang oras ang naging byahe at ramdam ko ang pagod ko. Dala na rin siguro ng unang beses kong pagsakay sa eroplano.
Sumakay pa ulit kami ng bus at pagkatapos ay narrating namin ang beach na sinasabi niya.
Namangha ako dahil sa ganda ng lugar. Literal akong napanganga ng makita ang maputing buhanginan at ang kulay asul na karagatan. Malamig din ang sioy ng hangin na sumabay sa mainit na klima at ang tirik na tirik na si haring araw. Mag babandang tanghali na rin kasi kaya matindi talaga ang init at masakit sa balat.
Sa bawat paghampas ng alon sa dalampasigan ay nagbibigay saakin ng kakaibang pakiramdam, tuwa at kung ano ano pa. iniisip ko na nasa isa akong paraiso kung saan walang ibang nararamdaman kundi purong kasiyahan lang. walang paghihirap at sakit. Walang pag aalala at higit sa lahat puro pagmamahal lamang ang maghahari—maaaring ihalintulad sa langit.
Ramdam ko ang pag akbay saakin ni Nyx kasabay ng malalim niyang pag buntong hininga na siguro katulad ko rin ay namamangha sa kagandahan at katahimikang taglay ng lugar.
“Are we just going to stand here? Don’t you want to join me?” nagising ang diwa ko dahil sa pagsasalita niya sa katabi ko na wala naman akong ibang nagawang tugon kundi ang isang matamis na ngiti, at ang pag tango na senyales ng pag sang ayon.
“Salamat.” Sinserong ani ko habang inaayos ang mga dala naming bag sa lilim ng isang puno ng niyog. Hindi rin karamihan ang tao kaya mararamdaman mo talaga ang kapayapaan.
“We can take a walk.” Suhestiyon niya na kaagad ko namang sinangayunan.
Magbabandang hapon na at naghihintay na lang kaming panoorin ang paglubog ng araw na natitiyak kong napakaganda dahil nasa tamang lugar kaming dalawa.
“Sure do. Pero paano itong mga gamit natin?” nag tataka kong sagot dahil mahirap na kung iiwan na lang namin ‘to basta dito dahil narito arin ang mahahalagang kagamitan namin.
“Don’t worry, there are lot of guards out there. They surely won’t let what you’re thinking happen.” Salaysay niya na nakapag panatag sa loob ko. Narealize ko rin na medyo malalayo rin ang pwesto ng ibang tao na nandito kaya wala naman dapat akong ikabahala.
Patakbo akong lumapit sa dalampasigan at parang batang masayang naghintay sa alon na tamaan ang paa ko. Iniwan ko rin sa mga gamit namin ang tsinelas ko para madali akong makatakbo at kung sakali mang anurin iyon ng tubig.
“Hey, careful!” narinig kong sigaw ni Nyx sa likuran ko na halatang tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Pero hinayaan ko lang ang sinasabi niya at nagpatuloy sa pagtakbo.
Nabigla ako ng bigla niyang ipulupot sa bewang ko ang braso niya kasabay ng pagbaon niya ng mukha niya sa leeg ko. May kung anong kiliti ang hatid niyon saakin pero mas nanaig ang kilig dahil sa paraan kung paano siya makitungo saakin.
“Gotcha!” sigaw niya na pareho namig ikinatawa.
Doble dobleng tuwa ang nararamdaman ko, hindi lang dahil nasa isang mapayapang lugar ako kundi dahil na rin kasama ko ang taong nakapagbibigay saakin ng saya. Wala na akong ibang mahihiling pa kundi maging masaya sa mga nalalabing oras ko na kasama ang mga taong mahal ko at mahal ako.
Unti unti ng nagiging kulay kahel ang langit at iyon ang mas lalo pang nakadagdag ng tuwa saakin. Sinusulit ko ang bawat oras sa paraan ng pagngiti at pagiging masaya, ayokong masayang ang oras na inilaan para saakin.
“The sunset is indeed beautiful, right baby?”
“Yes, it is.” Mahinang sabi ko.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa buhanginan at pinagmamasdan ang papalubog na araw. Napakasarap titigan lalo na at napakaganda ng panahon ngayon. Nakikisabay sa kung anong nararamdaman ko.
“Look at this.” Napatingin ako sakanya na katabi ko ng may ipakita siyang isang maliit na shell na nakuha niya siguro sa pagkalkal ng buhangin. Nakamamangha at maganda ang hugis niyon at may butas talaga siya na parang pwedeng pang pendant sa kwintas.
“Ayun, tignan mo! Meron pang isang kapareho!” masiglang sabi o ng dumako ang paningin ko sa may tabi niya kung saan naka tukod ang kamay niya.
“Look like we’re destined to be partners. What do you think?” inirapan ko na lang siya bago inabot ang isa pang maliit na bato.
Pareho talaga ang hugis ng dalawang bat na animo’y inukit talaga iyon ng sabay.
“Why not let’s make it as a couple pendant?” napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. Pwede nga naman kaso…
“Couple ba tayo?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Aren’t we look like one?” kibit balikat niyang sagot na tinawanan ko na lang.
Parang gusto kong sabihin na wag niya na akong mahalin kahit na pinasasaya niya ako ng lubos. Natatakot ako na maiwan ko lang din naman siya sa bandang huli. At ayokong masaktan siya kapag nagkataon. Masyado na akong napalapit sakanya at kahit na gaano ko siya kamahal ay ayokong sabihin ang salitang oo na magpapatunay na isang tunay na kaming magkasintahan, wala namang ibang patutunguhan kung ganito ang sitwasyon ko.
Bakit ba kasi ako pa ang tinamaan ng pesteng sakit ‘to. Naniniwala akong lahat ng nagyayari sa isnag tao ay may dahilan. Pero hindi ba’t sobra sobra naman yata na feeling ko, tino-torture hindi lang pisikal, emosyonal kundi buong pagkatao ko?
Namuhay na ako sa ospital simula bata pa lang ako, pati ba naman pagkamatay ko, sa ospital parin ang bagsak ko?
Gusto kong I enjoy ang bawat sandaling may panahon pa. pero bakit ganito, hindi ko man lang maiwaglit sa isip ko na pagkatapos ng lahat ng kasiyahan. Lahat, hindi lang ako ang masasaktan?
Bakit ba hindi patas ang mundo, bakit palaging may taong nasa ilalim? Hindi ba pwedeng lahat na lang ay pantay pantay, yung tipong wala kang ibang iisipin kundi gawing masaya ang buhay mo?
Ang unfair ng mundo, lalo na sa mga taong kagaya ko. Mayroon naman taong karapat dapat na parusahan pero bakit ang mga inosenteng katulad ko pa?
Katulad na lang ng araw, pagkatapos ng isang napakaliwanag at nakakasilaw na mga oras nito sa itaas ay sa ibaba parin ang bagsak nito kasabay ng pagkain sakanya ng kadiliman.
Hanggang ngayon taka parin ako kung bakit may mga tao sa mundo, iniisip ko ang purpose ng mga tao. Mahal ko ang diyos,sobrang mahal ko pero tao rin ako. Nandito parin sa loob ko ang mga pagsisisi na bakit pa ako inilalang kung higit ang din naman pala ang sakit na aking mararamdaman?
Minsan iniisip ko, paano kaya kung wala akong sakit? Katulad din ba ako ng ibang dalaga na walang ibang inisip kundi maging masaya sa buhay nila? Pumasok sa eskwela, makakilala ng napakaraming kaibigan. Makipag away sa mga walang kwentang dahilan. Gusto ko rin mamuhay ng normal kagaya nila pero wala rin naman akong magagawa. Kung eto ang kapalaran ko, siguro dapat ko na lang na tanggapin.
Magpapasalamat na lang ako kapag may nangyaring milagro na matagal ko ng ipinagdarasal. Ang sakit lang sa parte ko na pinaasa nila akong gumaling na ako sa sakit ko pero hindi naman pala totoo. Minsan talaga kahit kaano pa kaganda o kabuti ang dahilan ng pagsisinungaling, iyon pa ang mga sikretong mas makakapalala ng sitwasyon. Katulad ko, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko kapag naiisip na bait hindi man lang nila magawang sabihin saakin ang due date ko?
Aasa na lang ba ako sa mga walang kasiguraduhan nilang “Dapat maging masaya ka lang. magbabago rin naman ‘yon kaya kapit lang.”
Nagmumukha lang akong tanga habang naghihintay ng meron sa kawalan, Liwanag sa kadiliman at pag-asa sa walang kasiguraduhan.
“You look sad again. Would you mind telling me why? Baby, I’m always here to listen.” Dahil sa sinabi niya ay unti unti nanamang nagsibagsakan ang luha ko.
Kasabay ng tuluyang paglubog ng araw ang siyang pagkalunod ko sa sarili kong emosyon at luha. Niyakap ko si Nyx ng napakahigpit sabay sabing,
“Nyx, natatakot ako. Ayokong mamatay.”
Ang mga salita niya na pilit akong itinataas mula sa pagkalugmok ay wala paring magawa upang gumaan ang pakiramdam ko. Hihintayin ko na lang ba ang pagkabura ko sa mundong ‘to? Katulad ng pag lubog ng araw, walang makakapigil pa.
“Don’t be sad, as long as we’re both alive. Why don’t we just enjoy every nanoseconds of life?” sabi niya na unti unting nagpalusaw sa puso ko.
Inakbayan niya ako at iginiya ang ulo ko pasandal sa balikat niya. Dahandahan nanamang namuo ang luha ko pero hinayaan ko lang at tinitigan ang kalangitang unti unti ng binabalot ng dilim.
Napasulyap ako sa suot niyang relo at napangiti ng makitang six- twenty nanaman ulit ng hapon.
“Thank you for being with me every end of the sunset. Thank you for staying by my side until twilight and also, holding my hand in the darkness.”
Sinserong sabi ko kasabay ng pagpikit ng mata at pag higpit ng hawak ko sakanya. Nasasaktan nanaman ako, paulit ulit na lang. Pero pilit akong lumalaban, may mga tao pa akong dapat na samahan at pasayahin kagaya ng ginagawa nila saakin.
“What if I die?” Wala sa sarili kong tanong habang nakapikit parin. Hindi siya nakasagot kaagad at ramdam kong hirap siya sa paghugot ng hininga.
Alam kong marami akong masasaktan kapag sumuko kaagad ako, ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko.
Hindi madaling lumaban, hindi madaling maging masaya, hndi madaling magparaya, at hindi rin madaling magpalaya ng isang taong nakuha na ang malaking parte sa buhay ng isang tao.
Hahayaan na lang na tangayin ng hangin ang mga pangamba at gawing memorable ang bawat sandali dahil hindi alam kung mauulit pa ba itong muli.
Oras na mabagal sa pag-andar, senyales lamang na marami pang dahilan upang maging masaya, sa simple man o malaking bagay.
“When I die, I want you to be happy even without me, okay?” masakit man pero hinayaan kong lumabas ang mga salitang ‘yon mula sa bibig ko.
“Continue pursuing your dreams. Siguradong napakaswerte ng pakakasalan mo.” Sabi ko sabay mapaklang natawa. Hindi ko magawang isipin na iiwan ko ang taong ito na minahal ko na ng sobra kahit sa murang edad.
Age is really just a number, no one knows that we’ll fall for each other this hard even we’re still young, love is really powerful.
“What if I say that I want you to be the one whom I’ll marry?” dahil sa sinabi niya ay mas lalo lang akong nasaktan. Gusto niya akong pakasalan? Hindi pwede dahil madali ko naman na lang rin siyang maiwan.
“Wag mong sabihin ‘yan dahil hindi tayo sigurado kung magtatagal pa ba ako.” Peke akong ngumiti sakanya.
“Minsan nga gusto ko na lang umiyak ng umiyak kasi wala naman ng patutunguhan ang lahat. Ang sakit eh, dahil pagkatapos ng malapit ng mapunit na ngiti, ang kapalit ay lungkot. Palagi na lang. proven and tested yan.” Mahabang litanya ko na sinabayan pa ng nasasaktang tawa.
Pumikit ako at iniyakap sakanya ang braso ko. Pinakiramdaman kong mabuti ang puso ko na walang humpay sa pagtibok. Tingnan mo nga namn, kahit na sa mga ganitong sitwasyon, nagawa paring ngumiti ng puso ko.
Napangiti na lang din ulit ako kasabay ng muling pag agos ng luha na diretso sa damit niya, habang pinakikinggan ang bawat salitang binibitawan niya.
“Be happy, let’s be both happy. Smile, smile for me baby.”
*****

Komentar Buku (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru