logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 5

Chapter 5
Jenny's Point of View
Tinginan ang lahat sa deriksyon naming dalawa at ang nahimatay na secretary 'kuno' ay nakatayo narin at halatang ang sama ng tingin saakin.
Bigla nalang akong nagulat ng akbayan ako ng mokong sabay ngiti saakin at sa mga nakatingin saamin.
"Ikaw talaga mahal grabe naman iyang sorpresa mo" sabay kurot ng marahan ng ilong ko at ako naman ay hindi makagalaw dahil sa pagkabigla.
"Syota mo sir?" Tanong ng isang empleyado kaya medyo nakabawi na ako at itutulak ko na sana siya kaso bigla itong nagsalita sabay kuha ng mga kamay ko...
"Fiancee ko na siya siya" kaya nagulat ako sabay tingin sa daliri ko na may singsing na ngayon.
What!!! Paanong nagkaroon ng singsing rito kaya tinitigan ko siya pero binigyan lang ako nito ng isang nakakalokong wink...
"Pero Boss ngayon ko lang siya nakita" reklamo naman ng secretary niya na halatang nagseselos kaya kinalabit ko naman ang mokong sa bewang sabay pahiga ng bahagya ng aking ulo sa dibdib niya na mas lalong nagpagalit sa selosang palaka.
Nakita kong palihim namang nag thumbs up ang mokong kaya nakaramdam ako ng pagkairita... Ano sa tingin niya na nadala na ako ng charm niya... Phew!!! Lakas naman ng confidence ng isang 'to...
"Well, hindi naman kase ako mahilig sa mga ganito. I want my girl to have privacy" namula ako sa sinabi niya kaya tinakpan ko kaagad ang aking mukha dahil mahirap na, mukha pa namang assumera ang mokong na ito.
"He's right" malandi ko namang tugon kaya tumalikod nalang ang secretary niya na galit na galit na ngayon...
"Okay, Miss Selvanna, please cancel all my meetings and appointments dahil mag ce celebrate muna kami ni mahal ko" narinig ko namang nag tilian ang mga nasa loob maliban kay secretary bago kami lumabas.
Nagulat nga ako ng hindi ako nito hilain ng malakas tulad ng mga nababasa ko sa mga kwento na kinakaladkad nila ang mga babae kapag pinapahiya sila sa lahat. Parang may kakaiba sa isang 'to! Ah basta manyak parin siya kahit anong mangyari...
Inaalalayan ako nito pababa ng hagdan kaya pinagalitan ko ito... Ano siya swerte...
"Mukhang nasasarapan ka na sa paghahawak sa kamay ko Manyak!" Sigaw ko kaya bumitaw naman ito at nauna ng bumaba...
"Ganyan ba dapat ang pakikipag usap mo sa iyong Fiancee?" Loko talaga ito...
Binigyan ko ito ng isang malakas na batok at sipa naman sa paa...
"Anog Fiancee mo ha?!".
"Aray ang sakit naman" reklamo nito sabay haplos sa mga tinamaan ko at palihim naman akong tumawa habang pinagmamasdan siya.
"Kulang pa nga iyan".
"Pasok ka nalang sa kotse at pag usapan natin ang bagay na ito malayo rito" ramdam ko ang pag iba niya sa kanyang tono kaya umayos narin ako. Pero halata namang hindi siya galit dahil sa kalmado niyang boses. Ngayon alam kong seryoso siya kaya hindi ko na dapat pa siyang bwisitin... Tsaka dapat lang namang tanggapin niya lahat ng iyon dahil buntis ako hahaha... Matching flip ng hair ang ate niyo... Hahahahaha!!! ( Evil smile 'yan )...
"Kuya, pahingi naman po" nagulat nalang ako ng may magsalita kaya hindi muna ako kaagad na pumasok. Tiningnan kung sino ang nagsalita dahil base kase sa boses at tono ay isang bata iyon.
"Heto na, ang sabi ko naman kaseng sumama nalang kayo sa bahay eh" masigla namang sabi ni mokong sabay abot ng pera sa bata na may mga kasamahan pa pala... Mga batang kalye ito ah at dahil sa dungis ng mga damit at mukha nila.
"Alam mo namang kuya na dito na kami lumaki eh" kinuha naman nung bata sabay yuko. "Maraming salamat po talaga kuya".
"Wala iyon, basta huwag kayong gagawa ng masama okay. Punta nalang kayo rito kapag may kailangan kayo" hinawakan niya ang bawat isa sa ulo bago tuluyang umalis ang mga bata...
Base sa tangkad nila at pangangatawan ay nasa edad 8 hanggang 11 ang mga iyon... At nagulat talaga ako ng makita ko ang perang ibinigay ni mokong dahil mga isang libo ang mga iyon... Swerte naman nila....
"Aalis na tayo" hindi ko napansing nakatulala na pala ako.
"Sige" agad ko namang sagot.
Siya ang nagbukas ng pinto para saakin pero sa likod ako pumasok. Akala mo siguro tatabi ako saiyo noh! Do you think I forgot how perverted you are? Tinaasan ko ito ng kilay at nag smirk lang ito saakin.... Arghhh!!! Sarap batukan eh... Ginigigil ako.
Itinigil niya ang sasakyan sa isang coffe shop sabay baba at pinagbuksan ako ng pinto. Magpapaka gentleman ka pa ah!...
Pumasok kami at umupo sa pinakahuling upuan na wala masyadong tao matapos niyang mag order.
Natahimik kami ng ilang minuto at siya ni mismo ang bumasag sa katahimikan...
"Ikaw ba talaga iyon?" Takang tanong nito kaya uminit kaagad ang ulo ko. Ano akala niya saakin nang bubudol!!!
"Hoy! Anong akala mo—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nitong takpan ang bibig ko at napansin kong nakatingin na pala saamin ang lahat at pati yung coffee na order namin ay nahulog ni kuyang waiter...
"Lakas naman ng boses mo parang lindol" ginigigil mo talaga ako ah!!!
"Bastos ka rin noh!".
"Joke lang, gusto ko lang mawala iyang nerbyos mo" napatingin ako nito habang kunot an noo. Anong nerbyos mo jan! At bigla kong napansin na pinagpapawisan ako kahit air conditioned ang lugar at nanginginig rin ang mga kamay ko na nasa ilalim ng table namin...
"Ano naman?" Mataray kong tanong para maitago ang kaba ko kaya ngumiti naman ito.
"Huwag kang kabahan sa harap ko... Ako lang 'to".
"At wow! Feeling close ka?".
"Nevermind, let's continue with our discussion" .
"Sige" malamig kong tugon.
"So ikaw nga talaga ito" sabi nito sabay abot saakin ng mga larawan na kuha ng mga CCTV footages ng hotel na iyon...
"Bakit mayroon ka nito?" Bigla kong tanong.
"Hiningi ko iyan sa hotel ng araw na iyon dahil gusto kitang hanapin kaso palaging nakatalikod at kung hindi naman ay natatakpan ng buhok mo ang mukha mo kaya wala ring nangyari" nabigla ako sa sinabi niyang hinanap niya ako...
"Bakit?".
"Syempre may kasalanan ako saiyo eh" tugon nito sabay inom ng inoreder niyang kape.
"Mabuti naman at alam mo" mabuti naman at hindi na ako mahihirapan pang makipag usap sakanya.
"Oo naman noh, ano akala mo masama akong tao?".
"Oo" kaagad ko namang tugon.
"Bakit?" Nakaramdam ako ng kaunting galit sa tanong niyang iyon. Bakit nasasabi niya pa ang mga salitang iyan na halatang halata naman kung ano ang ginawa niya saakin. Dahil sakanya ay nawala lahat ng pangarap ko. Hindi man lang niya ba naisip iyon bago niya ako ginalawa... Arggghhh pa victim ang walang hiya...
"Dahil kasalanan mo kung bakit nawala saakin lahat" pinipigilan ko ang sarili ko na hindi sumabog rito. Akmang tatayo na ako dahil wala namang patutunguhan ang usapan na ito ng bigla niya akong pigilan.
"I'm very sorry about that night. Please let me help you dahil nahihirapan narin kase ako dahil sa guilt dito oh" sabay turo sa puso niya at kita ko sa mga mata niyang nag sisi siya kaya umupo na ako.
"So anong gusto mong mangyari? You can pay me nalang para tapos na ang lahat. I'll live by my own" walang pagaalinlangan kong sagot pero halatang hindi niya ito gusto.
"Titira ka saakin".
"What!!!" Gulat kong sabi, mabuti nalang at hindi ko iyon nalakasan...
"Oo, saakin ka na muna titira, dahil hindi ako papayag na iwan ka nalang kung saan ngayong alam kong ipinagbubuntis mo ang anak natin" napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinabi niya. What the heck! Titira sakanya na kaming dalawa lang! Ano siya swerte alam ko pa namang manyak siya.
"No!" Agad kong tanggi.
"Please! Hindi ko naman iyon uulitin eh. I just want to help you. Kahit hanggang manganak ka lang and susuporta nalang ako kapag nakalabas na si baby" okay fine, hindi narin masama ang deal niya...
"Okay fine pero gusto ko munang masiguro ang lugar" bigla nalang na nagliwanag ang mukha nito.
"Walang problema" excited na sabi nito kaya nagmukha tuloy siyang ewan rito.
Bumalik na kami ng kotse at ibinalik ko narin sakanya ang I.D na makuha ko...
"Ito na pala 'yung I.D" sabay abot ko sakanya...
"Mabuti naman at natulungan ka nito" bigla tuloy akong naguluhan sa sinabi niya.
"Anong natulungan?".
"Sinadya ko talagang ilagay ito sa gamit mo dahil may masama akong kutob eh".
"Ano?".
"Kase ganito yun eh" sabi niya sabay abot saakin ng phone niya na may video.
Pinanood ko ito at nagulat ako sa aaking nakita, ako iyong babae pero hindi kita ang mukha dahil madilim habang umiinom ng alak at siya naman ay nasa kabilang parte ng kama...
"Nung gabing iyan, hindi ako lasing and nakita kita sa bar. Inuwi kita sa hotel pero hindi ka parin tumigil sa kaka inom".
Kitang kita ko sa video kung gaano ako kalakas inom na halos hindi ko nga maabot maisip na magagawa ko eh...
"Then, inaya mo ako ng s*x pero tumanggi ako pero mapilit ka. Hindi ako pumayag dahil hindi naman kita kilala and wala naman tayong relasyon kaso imbes na tigilan mo ako ay pinilit mo nalang akong uminom".
Totoo nga lahat ng sinabi niya... At nahihiya na tuloy ako para sa kagagawan ng  sarili ko...
"Dahil narin sa pilit at kulit mo dala narin siguro ng alak ay uminom narin ako. Pero ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na matandaan" sabi niya at natigil narin ang video.
"Sa madaling salita, responsibilidad parin kita dahil pumayag naman ako ng gabing iyon" malungkot na sabi niya. Pero sa nakita ko mukhang ako pa nga dapat ang mahiya sa ginawa ko eh...
End of #TNWMLC -Chapter 05-

Komentar Buku (152)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    ganda nag storya

    6d

      0
  • avatar
    Maria Teresa Tanatan

    loveit

    9d

      0
  • avatar
    Arnold Oliva

    aisihshsbsussisbaoaksnskeoelskdssplsnsytwpywyehehdockvjfngngnfkeksgdveejgweusgewhwjekrororhrurkrpdjdndozjajsgduduusgfftft diff yee kk you have a great day I'm off to siya I'm going to siya to siya to get the results ate a whole lot man Ina road to siya to get the house cleaned up and to be honest I'm not a whole new world translation of a whole lot to get to get the kids out of a car to get a car loan calculator to find the values and to get to get the kids out to get the kids in their house cle

    13d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru