logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 7

"Class, gusto ko nga pa lang ipaalala sa inyo na next week na yung Prom, at required na umattended ang lahat since graduating na kayo." anunsyo ni Ma'am Tonyales.
Pero wala do'n ang atensyon kundi sa braso ni Grego na nakapataong sa desk ko. Kaya naman heto ako parang tuod na hindi makagalaw. At hindi ko rin maiwasang makaramdam ng pagka-ilang dito.
Hindi naman kasi siya ganito dati. Kasi kung dati ay mayroong malaking espasyo sa pagitan ng mga upuan namin, ngayon ay wala na, as in magkadikit na magkadikit na yung mga upuan namin. At si Grego mismo ang may gawa no'n. Kung dati palagi lang itong naka-earphone ngayon hindi na at paminsan-minsan kinakausap na rin ako nito. At hindi lang iyon, dahil minsan madalas ko rin itong nahuhuling nakatingin sakin.
"Ok, class dismiss," ani ni Ma'am Tonyales dahilan para magbalik ako sa huwisyo. Habang si Ma'am Tonyales naman ay lumabas na ng room.
"Hay, for sure na ako naman ang magiging face slash queen of the night" maarteng ani ni Marsha.
"Sinabi mo pa Marsha, wala naman kasing makakatalo sa kagandahan mo." pagsang-ayon naman dito ni Trasey.
"Wala na talaga, at sure din ako na si Grego ang mananalong king of the night. Bagay na bagay talaga kami." kinkilig na ani ni Marsha.
Gusto ko pa sanang makinig sa usapan nila ng bigla na lang na.... humarang si Grego sa harapan ko.
"Tara." biglang ani nito, habang ang isa naman nitong kamay ay nakahawak balikat ko.
"T-Tara s-saan?" utal at naguguluhan kong tanong dito.
Hindi ako nito sinagot, imbes ay hinawakan nito ang palapulsuhan ko at hinatak akong palabas ng room.
"Grego, saan ba tayo pupunta?" tanong ko,habang ito naman ay patuloy lang sa paghatak sakin.
"Grego, ano ba? Saan ba talaga tayo pupunta?" ulit ko pang tanong.
"Ihahatid kita sa inyo." sagot nito.
Teka, Ihahatid nya ko?
Ako ihahatid nya?
Hindi nga? Totoo ba? Tama ba yung dinig ko?
Ihahatid nya talaga ako?
Siguro mabuting tanungin ko na lang ulit siya. Baka kasi mamaya mali lang yung dinig ko. Ayaw ko namang mag assume.
Habang binabaybay namin ang daan palabas ng school ay marami kaming nakakasalubong na estudyante at lahat sila ay iisang lang ang reaksyon ng mukha, gulat,pagtataka at galit.
Gulat, kasi siguro hindi sila makapaniwalang magkasama kami ni Grego.
Pagtataka, kasi impisible nga namang lapitan at pansinin ako ng Grego.
Galit, kasi for sure iniisip nila na nilalandi ko si Grego.
Nang tuluyan na kaming makarating sa parking lot ay agad naming tinungo ang kulay dark blue na sasakyan.
At habang pinagmamasdan ko ito ay hindi ko naiwasang mapahanga at the same time mapanganga. Hindi ko alam kung ano ba ang tawag sa saksakyan na iyan, pero for sure sobrang mahal nito.
"Ahm Grego, seryoso ka ba talaga na ihahatid mo ako?" tanong ko dito gamit ang maliit na tinig.
"Bakit mukha ba akong nagbibiro?" balik na tanong nito sakin sa seryosong tinig.
"Sasakay ba tayo diyan?" tukoy ko sa sasakyan nito.
"Of course, alangan namang maglakad tayo." sarkastikong ani nito.
"Baka kasi madumihan o kaya naman magasgasan ko lang yung sasakyan mo," bulong ko.
"Wala akong pake. Sasakay ka sa sasakyan ko at ihahatid kita." pinal nitong ani sabay bukas sa pinto ng sasakyan nito sa front seat katabi ng driver seat.
Hindi na ako nag-inarte pa at dahan-dahan akong pumasok sa sasakyan nito. Hinintay niya muna akong tuluyang makapasok bago nito sinara ang pinto. Pagkatapos ay umikot na ito at agad na pumasok sa sasakyan. Binuhay na nito ang makena sasakyang at pinaharurot palabas ng parking lot ng school.
Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kami pereho. Tinuro ko lang yung address ko pagkatapos no'n ay wala na, tahimik na kami sa buong byehe hanggang sa makarating kami sa kanto malapit sa bahay namin.
"Salamat sa paghatid" hindi makatinging ani ko dito.
Tanging tango lang ang sinagot nito sakin.
Pasimple akong bumaba sa sasakyan nito, kasi mahirap na baka may makakita sakin na kakilala ko at magsumbong kay Mamang. Nang tuluyan na akong makakaba ay dire-diretso na akong naglakad at hindi na nilingon pa ang direksyon ng sasakyan ni Grego.
"Halley akala mo ba hindi ko malalaman?" biglang ani ni Mamang dahilan para kabahan ako.
Hala, baka may nakakita sakin na bumaba sa sasakyan ni Grego tapos sinabi sa kanya. Lagot ako nito! Ang OA pa naman ni Mamang baka isipin nun may sugar daddy ako.
"A-Ahm, malalaman po ang alin?" maang-maangan ko pa.
"Yung tungkol sa prom nyo, aber" ani nito habang nakapamewang.
"Huh? Iyon po ba yung tinutukoy nyo?" nakahinga ako ng maluwag do'n.
"Bakit ano bang akala mo?"
"Ahm, wala po Mamang" agad akong sagot.
"Ah, gano'n ba. Pero, don't worry Halley kasi akong bahala sa gown mo."
"Mama, hindi na po kailangan kasi hindi naman po ako aatend."
"At bakit hindi ka aattend, aber?"
"Hindi naman po kasi ako nababagay sa gano'n. Tignan nyo nga po yung itsura ko. Tiyak na pagtatawan lang po ako do'n kapag nagkataon." matabang na sabi ko.
"Pero Halley-"
"Hindi na po magbabago yung desisyon ko. Hindi po ako aattend." pagkasabi ko no'n ay iniwan ko na ito at nagtungo sa aking kawarto.
Kasalukyan akong nakahiga ngayon sa kama ko.
Sa totoo lang gustong gusto kong umattend ng prom, kaso tulad ng sinabi ko kanina. Hindi ako nababagay at lalong walang lugar ang isang katulad ko sa ganoong uri ng kasiyahan. Kung maganda lang siguro baka pwede pa. Kaso hindi, pinanganak akong panget kaya mamamatay din akong panget.
Pero, ano kayang pakiramdam na maisayaw, no?
Ano kayang pakiramdam ang magsuot ng gown, no?
Kasi mukhang kailanman hindi ko na mararanasan iyan.

Komentar Buku (299)

  • avatar
    Moma Ni Ethan

    Napaka ganda ng story natu

    8d

      0
  • avatar
    OfficialChoulian

    Its so good reader

    11d

      0
  • avatar
    SottoLucky lyn

    good

    17d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru