logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 4

"Aray!" daing ko, ginagamot kasi ni Mamang yung mga pasa at sugat na natamo ko dahil sa pambabato sakin kanina.
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko sayo Halley! Tignan mo yung ginawa nila sayo! Dapat talaga siguro na magsumbong na tayo para naman magsitigil na ang mga yan!"
"Mamang, diba sabi ko naman po sa inyo na haayaan na lang po natin sila?"
"Hayaan? Baka sa susunod mapatay ka na ng mga iyan!"
"Hindi naman po siguro." nakayuko kong sabi.
"Kung ako lang Halley, matagal na akong sumugod sa school nyo. Pero dahil nirerespeto yung kagustuhan mo, sige mananahimik ako. Pero oras na may mangayari sayong masama ng dahil sa kanila humanda sila sakin" seryosong ani ni Mamang sabay walk out.
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko, at bigla kong naalala ko yung nangyari kanina.
May tinatago din pa lang kabaitan si Grego. Nang dahil sa kanya tumigil na yung mga nambabato sakin. At pagkatapos no'n ay umuwi na rin agad ako. Hindi ko na pinasukan pa yung mga natitira ko pang klase. Masakit kasi yung buong katawan ko.
Ano kayang pumasok sa utak ng Grego na iyon? Bakit nya ko tinulungan? O tulong nga bang mamatawag iyon? Pero kahit na, para sakin isang tulong na iyon. Isang napakalaking tulong.
Siguro dapat lang na magpasalamat ako sa kanya bukas. Alam ko na, ipagluluto ko na lang sya bilang pasasalamat.
KINABUKASAN...
"Ano yan?" tanong ni Grego matapos kong iaabot sa kanya yung niluto kong adobo.
Kami pa lang yung tao dito sa room kaya kinuha ko yung pagkakataong iaabot sa kanya yung niluto kong adobo bilang pasasalamat sa ginawa nya kahapon.
"A-Ahm, pinagluto kasi kita bilang pasasalamat." mahina at nahihiyang kong sabi.
"Pasasalamat? For what?" kunot noong tanong nito.
"S-Sa ginawa mong pagtulong sakin kahapon" ani ko sa maliit na boses.
Pagkasabi ko no'n ay tsaka ito biglang tumawa ng malakas. Habang ako naman ay napatitig sa mukha nito. Mas bagay sa kanya kapag tumatawa sya, kaysa sa palaging seryoso ang mukha.
Nang makarecover na ito sa pagtawa tsaka ito nagsalita. "Sa tingin mo ba pagtulong na yung ginawa ko sayo kahapon? Hindi pa pwdeng ayaw ko lang maistorbo yung pagkain ko kasi sa totoo lang ang iingay niyo kahapon." anito sabay tayo at tangkang aalis ng muli itong tumungin sakin.
"Huwag mo na ulit akong kausapin na parang close tayo...." he paused for a while para tinignan ako mula ulo hanggang paa sabay ngisi, "...kasi hinding-hindi mangyayari iyon. Never akong makikipag kaibigan sa isang halimaw." dagdag nito gamit ang malamig na tinig bago ako tuluyang tinalikuran at iwan. Habang ako naman ay napatulala dahil sa sinabi nito.
HALIMAW, bakit no'ng sa kanya na nanggaling, bakit ang sakit-sakit? Samantalang lagi ko namang naririnig yung salita na iyon.
Nagkamali ako sa sinabi ko na may tinatagong kabaitan si Grego. Kasi pare-pareho lang silang masasama yung ugali.
Oo nga't ang gaganda at ang gagwapo nila, pero saksakan naman ng panget yung pag-uugali nila!
Oo nga't mga mukha silang mga anghel pero yung mga ugali naman nila ay maihahambing sa demonyo! O baka nga mas masahol pa e.
Kung nasusuka sila sa kapangitan ko, mas nakakasuka naman yung pag-uugali nila!
*****
"Class dismiss." ani Ma'am Casago na naging hudyat na tapos na ang klase kaya naman nagsilabasan na yung iba kong kaklase.
Ambang lalabas na rin ako ng room ng...
"Hoy! Halley-Maw saan ka pupunta?" biglang sigaw sakin ni Casho.
"U-Uuwi na." mahinang sagot ko.
"Hindi ka uuwi. Maglilinis ka pa ng room!" ani nito sabay bato sakin ng walis. At hindi pa ito nakuntento kasi lumapit pa ito sa basurahan sabay buhos sa sahig. "'Yan, maglinis ka para naman may pakinabang ka sa school na ito!"
Sa huli ay sinunod ko na lang yung utos nito para wala ng gulo pa.
Kasalukuyan akong nagwawalis ngayon. Ako na lang din yung tao dito sa room. Pero sobra akong kinain ng kaba at takot ng bigla na lang namatay yung ilaw at may kung sinong nagsara at nag-lock ng pinto.
"Tulong!... Buksan nyo ito! May tao pa dito!" sigaw ko habang kinakalmapag ko yung pinto.
Ilang beses pa akong sumigaw, at halos matuyo na nga yung lalamunan ko kakasigaw pero wala pa rin dumating na tulong.
Siguro dahil halos nag-uwian na rin yung mga tao dito. Medyo late na rin kasi.
Tiyak ako na sinadya talaga ng kung sino na ilock ako dito.
Sa totoo lang ayos lang naman sa'kin na nandito ako. Sanay na rin naman ako sa dilim. Sa dilim makakapagtago ako. Sa dilim walang makakakita sakin at sa magmumukha kong ito. Sa dilim nararamdaman kong malaya at komportable ako.
Mukhang aabutin pa yata ng bukas bago ako makalabas dito, kaya naman naupo muna ako sa isang tabi.
Siguro nasa dalawang oras akong nagmumuni-muni ng marinig kong bumukas ang pinto. Buti naman naawa pa sila sakin.
Kahit alam kong bukas na ang pinto ay nanatili pa rin akong nakaupo sa kinauupuan ko.
Hanggang marinig ko ang mga yapak na papalapit sakin. Hindi na akong nag-abalang tapunan ito ng tingin.
"Ano uupo ka na lang dyan?" boses iyon Grego.
"Buti naman naisipan niyong buksan pa yung pinto. Akala ko kasi bukas na ako mamakauwi." peke akong natawa. "Ayos din yung trip niyo, no? Pero okay na rin ito, mas mabuti na ito kaysa naman saktan nyo ko at ipahiya harap ng maraming tao. Sana nga ganito na lang palagi yung gawin nyong pangtitrip sakin, para naman kahit papaano pabor sakin."
Pagkatpos kong sabihin iyon ay tumayo na ako sa pakakaupo ko at iniwan na ito.

Komentar Buku (299)

  • avatar
    Moma Ni Ethan

    Napaka ganda ng story natu

    8d

      0
  • avatar
    OfficialChoulian

    Its so good reader

    11d

      0
  • avatar
    SottoLucky lyn

    good

    17d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru