logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 1

"Hala, tumakbo na tayo nandyan na si Halley-Maw, baka mamaya mahawa tayo ng kapangitan nya!"
Pagpasok ko pa lang sa gate ng school na pinapasukan ko "Carrison University" ay ayan na agad ang bungad sakin.
Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos palagi na lang ganito.
"Dapat lang talaga tayong matakot na maging kamukha ang panget na yan!"
"Sino ba naman kasing hindi matatakot kapag nagkaroon ng ganyang pagmumukha?"
"Sabagay, pati nga yung salitang panget nahiya na dahil sa sobrang kapangitan nya!"
"Hahahahahahahah" tawanan pa ng ibang estudyante.
Hindi ko na sila pinansin pa at nakayukong nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pero agad din akong napahinto ng may kung sinong lalaki ang humarang sa dinadaanan ko.
Inangatan ko ito ng tingin at ng makita ko ang mukha nito ay hindi ko napigilang mapatulala at mapahanga sa angkin nitong kagwapuhan.
At mukhang bago lang siyang estudyante dito. Ngayon ko lang kasi sya nakita dito.
"I can't believe na may halimaw pa lang nag-aaral dito" ani nito sa seryosong boses,habang titig na titig sakin.
Hindi ko na ito pinansin pa, dahil tiyak na gulo na naman ito kapag nagkataon. At siguradong ako lang din yung magiging kawawa sa huli. Tangkang lalagpasan ko na ito ng mabilis nitong nahawakan ang braso ko.
"Oh, saan ka pupunta?" tanong nito sa seryoso pa rin na boses.
"B-Bitawan mo ako." ani ko gamit ang maliit na tinig.
"Paano kung ayaw ko?" balik nitong tanong sakin gamit ang malamig na boses.
"Bitawan mo ko." ulit ko pa, habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nito. Pero parang wala ata itong balak na bitawan ako. Sa halip ay mataman lang itong nakatingin sakin.
"Bitawan mo sabi ako e!" mariing kong sabi sabay haltak sa braso ko dahilan para mabitawan ito nito. At wala na akong inaksaya pang sandali. Agad akong tumakbo ng mabilis palayo dito. At do'n ko lang napansin na ang dami na pa lang estudyante ang nanonood samin kanina.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa classroom ko. Agad akong pumasok pero hindi pa man ako nakakadalawang hakbang papasok ay pinagbabato ng ako ng itlog ng mga kaklase ko.
Dahil sa sobrang lakas ng pagbato nila sakin ay nabasag na yung itlog sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko yung sakit sa bawat itlog na tumatama sa iba't-ibang parte ng katawan ko.
"Dapat lang sayo yan! Ang panget-panget mo kasi!"
"Pagmumukha pa bang matatawag yan?"
"Tang-inang mukha yan, saan ba gawa yan?"
"Bakit hindi ka na lang mag drop out? Hindi ka naman kasi bagay sa paaralang ito!"
"Tama na please!" umiiyak ng ani ko.
"Narinig nyo yon? Tama na daw sabi ni Halley-Maw. Tignan nyo oh, naiiyak na sya oh."
"HAHAHAHAHAHA!" tawanan pa nila
Hindi ko na nakayanan pa, agad akong tumakbo palabas ng classroom.
Tumakbo, yan naman palagi yung ginagawa ko. Kasi yo'n lang din yung alam kong gawin.
Ano ba naman kasing laban ko sa kanila?
Ang dami-dami nila, samantalang ako mag-isa lang.
Ano ba kasing problema o masama sa pagiging panget?
Kasalanan ko ba na ganito ako pinanganak?
Kasalanan ko ba na panget ako?
Sa tingin ba nila ginusto kong maging panget?
Patuloy lang ako sa pagtakbo. Ni-hindi ko na rin makita pa yung dinadaanan ko dahil hilam na yung mata ko sa luha. Hanggang sa maramadaman ko na lang na may nabangga ako dahilan para mapa-upo ako sa sahig. Iningat ko yung tingin ko para makita ko kung sino ba yung nabanga ko. At laking gulat ko na mabungaran ko yung lalaki kanina. Na ngayon ay nakatingin sakin gamit ang matatalim nitong tingin. Nakakapaso yung uri ng tingin na binabato nito sakin na para bang anytime bigla nya na lang akong sasakalin.
"Fuck!... Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaan mo!?" galit nitong tanong. "Look,what have you done! Dinumihan mo yung damit ko!"
"Pasensya na. Hindi kasi kita nakita" agad na hingi ko ng paumanhin. Kinakain na din ako ng takot at kaba. Ang dilim kasi ng ekspresiyon ng mukha nito.
"I don't care kung nakita mo ako o hindi." ..."Kasi hindi naman na mababago yung katotohanan na nadumihan mo yung damit ko! Do you even know how much is this?"
"Pasensya na talaga, hindi ko talaga sinasadya. Kung gusto mo lalabhan ko na lang." tarantang sabi ko.
"Hubarin mo yang damit mo." utos nito na ikinalaki na mga mata ko.
"Huh?" tanging nasambit ko na para bang hindi ko narinig yung sinabi nito. Pero ang totoo malinaw na malinaw ko itong narinig. Gusto niyang hubaran ko itong suot ko?
"I said hubarin mo yung damit mo! Hindi mo ba narinig?" anito gamit ang malamig na boses.
"Pero... kasi-"
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil pinutol ito nito.
"Huhubarin mo o akong ang maghuhubad sayo?" mariing ani nito. Habang ang mga mata naman nito ay nanlilisik sa galit.
"Pero kasi, hindi pwede." bulong ko.
"In the count of three, dapat nahubad mo na yang damit mo. Kasi kung hindi..." bahagya itong yumuko at inilapit ang bibig sa tenga ko. "....ako mismo ang maghuhubad sayo. At hindi lang yang damit mo ang huhubarin ko kundi lahat ng suot mo." may babalang dagdag nito. Mahina lang yung pagkakasabi nito, sapat lang para marinig ko.
Mukhang wala na akong pagpipilian pa. Kahit na pipiltan ay dahan-dahan kong binaklas yung butones ng suot kong uniform, at kasabay no'n ang walang tigil na pagtulo ng luha ko. Pero bago ko pa iyon gawin ay nilibot ko muna yung tingin ko sa palagid ko. Kung saan maraming estudyante ang nanonood samin. Yung iba ay tumatawa yung iba naman ay may hawak na cellphone at kinukuhan kami ng video.
"One!" paguumpisa nito sa pagbibilang.
Muli kong binalik ang atensyon ko sa butones ng damit ko at ipinagpatuloy ang pagbaklas ng natitirang butones.
"Two!" patuloy nito.
Nang mabaklas ko na yung lahat ng butones ng uniform ko ay dahan-dahan ko ito hinubad. At nang tuluyan ko na itong nahubad ay agad kong pinag-ekis yung dalwang braso ko sa dibdib ko. Tanging bra lang kasi ang suot ko.
May naririnig akong mga sumisipol.
"Woah, sexy ka rin naman pala Halley-Maw. Ang kinis-kinis at ang puti mo pwede ng pagtiyagaan tatakpan na lang yung mukha" sigaw ng kung sinong lalaking estudyante.
Kinuha ng lalaking yung damit ko sa paraang paghablot. At tsaka niya ito itinapon sa malapit na basurahan. Pagkatapos ay muli itong lumapit sakin.
"Now, were even" nakangising bulong nito. Pagkatapos ay tinalikuran na ako nito at naglakad na palayo.

Komentar Buku (299)

  • avatar
    Moma Ni Ethan

    Napaka ganda ng story natu

    8d

      0
  • avatar
    OfficialChoulian

    Its so good reader

    11d

      0
  • avatar
    SottoLucky lyn

    good

    17d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru