logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter Six

Chapter Six
LUMIPAS PA ANG ILANG LINGGO, unti-unti nang nakakalakad si Mayo ng tuwid na hindi na niyang kinakailangan ng tungkod. Kitang-kita sa mukha ng kanyang Lolo Danilo at Lola Esperanza ang tuwa dahil sa mabilis niyang pagrecover. Lalo nang sabihin ng kaniyang doktor na pwede na siyang lumabas ng hospital. 
"O, bakit hindi ka masaya?" sita ng kanyang Lola Esperanza sa kanya. 
Umiling si Mayo. Aaminin kasi niya sa kanyang sarili na may takot na gumagapang sa kanyang kalooban. Parang hindi pa siya handang harapin ang mundo sa labas ng hospital. Hindi pa siya handang harapin ang mundong nangutya at nagpahiya sa kanyang pagkatao. 
Binuksan na lang niya ang flat screen TV. Eksakto naman na palabas ang isang sikat na fairy tale story na kung tawagin ay 'Little Red Hiding Hood!' Automatikong nagrewind sa kanyang gunita ang naging bansag sa kanya ng mga tao sa social media.
'Babaeng Lobo.'
Hindi niya alam pero bakit bigla na ring pumasok sa kanyang isipan ang lalaking pumasok sa kanyang kuwarto noong nakaraang linggo? Ang suot nitong hoodie jacket na kulay itim. 
"Lola, gusto ko po ng ga'nun!" namamanghang tinuro ni Mayo ang screen ng TV, "Gusto ko po ng kapang katulad niyon pero gusto ko kulay itim!"
"P-Pero..." napakunot ang noo nito.
"Sa totoo lang po Lola, natatakot pa po akong makita ng ibang tao!" pag-amin niya, "Natatakot akong humarap sa kanila! Kaya parang ayokong ko pang lumabas ng hospital!" 
Natigilan ang Lola Esperanza niya. 
"Please, Lola!" Paki-usap niya rito at seryoso niyang tinitigan ito, "Papayag na rin po akong bumalik sa eskwelahan kung gagawan n'yo po ako ng ganung kapa!" 
Hindi na kumibo si Lola Esperanza niya. 
Pero ang hiling niyang iyon ay umabot hanggang sa kanyang Psychiatrist Doctor. Kaya nagawa siyang kausapin nito. Nang sabihin niya ang kanyang mga dahilan ay nagawa siyang payagan nito. 
Bago siya lumabas ng hospital ay ginawan na siya ng kanyang Lola Esperanza ng limang pares ng kapa. Hindi niya maipaliwanag ang sayang naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Nagawa pa nga niyang yakapin ito sa sobrang tuwa niya.
"Kahit anuman ang dahilan mo, masaya akong makita kita muling masaya!" nakangiting komento ni Lolo Danilo.
"Tama ka," pagsang-ayon naman ni Lola Esperanza. 
Dumating ang araw ng paglabas ni Mayo sa hospital. Halos pitong buwan siyang hindi nakita ang totoong mundo. Pero nakakapagtatakang wala na siyang nararamdamang kaba. Pakiramdam niya, nagsisilbing baluti niya ang itim na kapa niya laban sa mga mapanghusgang tingin ng mga taong nakakakita sa kanya. Wala rin siyang pakealam kung anuman ang isipin ng ibang tao sa kanya. Kung anuman ang bagong bansag sa kanya. Ang mahalaga sa kanya, ang nararamdaman niyang proteksyon kapag suot niya ang kanyang kapa. 
"Ayan na ang black lady!!!" sigaw ng mga batang nasasalubong niya. 
Pero wala siyang pakealam. Maski kapag nakakarinig na rin siya ng mga masasamang komento mula sa mga tsismosa niyang kapitbahay ay nagagawa na niyang dedmahin ang mga iyon.
At tulad ng pinangako ni Mayo sa kanyang lolo at lola, bumalik na rin siya sa kanyang pag-aaral. Pagtungtong palang ng kanyang mga paa sa kanilang eskwelahan ay naagaw na kaagad niya ang atensyon ng ibang estudyanteng naroroon. 
Lahat ay natitigilan. At gulat na napapatingin sa kanya. 
May iba naman ay nakadama ng kilabot. 
"Nakakatakot siya!" 
Dinig pa ni Mayo ang ilang komento ng estudyanteng nakakasabay niya sa pagpasok. 
Ang iba naman ay sadyang pinangingilagan na siya. Walang gustong makasabay siya sa daan. 
Kasalukuyang papasok si Mayo sa Music and Arts Building nang may biglang gumulong na pamilyar na prutas sa kanyang harapan. 
Tangerine. 
Wala siyang ideya kung saan galing ang prutas na iyon pero nagawa pa rin niyang pulutin ito. Nag-angat siya ng tingin para tignan kung sino sa mga estudyante sa paligid ang nakalaglag ng prutas na iyon. 
Napakunot ang noo niya nang mapansin niya ang isang binatang halos kasing edad lang niya ang napalingon sa kanyang kinaroroonan. Sa pagkakataong iyon, hindi sinasadyang magtama ang kanilang mga tingin. Hindi alam ni Mayo pero pakiramdam niya ay biglang huminto ang oras sa pagitan nilang dalawa. 
"Ang weird!" halos sabay nilang sambit ng naturang lalaki. 
At nakita ni Mayo kung paano siya tignan ng lalaking ito mula ulo hanggang paa. Pero nakakapagtatakang naramdaman niyang kumabog ang dibdib niya sa uri ng pagkakatitig nito sa kanya. 
Naglakad ito papalapit sa kanya. 
"Akin 'yan, Miss!" anito saka naglahad ng palad sa kanyang harapan.
Pero para namang na-istatwa si Mayo at hindi niya magawang makakilos, o maibuka man lang ang kanyang mga bibig. Pati kasi ang boses nito ay pamilyar sa kanya. 
"Hoy, Little Black Riding Hood! Akin 'yan!" ulit nito. 
Doon na natauhan si Mayo, at dali-dali niyang nilapag ang naturang prutas sa palad nito. 
"Nagkamali ka yata ng pinuntahang lugar! Para ka kasing aattend ng cosplay?" natatawang komento nito.
Napakuyom ang kamao ni Mayo.
"But nice outfit! Awooo!" natatawang sabi pa nito na parang ginaya ang tunog ng isang lobo sa naturang fairy tale ng Little Red Riding Hood. 
Hindi na pinansin ni Mayo ang lalaki. Nagtuloy na lang siya sa Faculty Room kung saan nag hihintay na roon ang dati niyang adviser. Marahil ay kinausap ito kanyang Lolo at Lola kaya hindi na nito nagawang sitahin ang pagsusuot niya ng kapa. Iyon nga lang, kapansin-pansin pa rin ang mapanghusga nitong tingin sa kanya. Maski ang mga tingin ng ibang gurong naroroon. Pero hindi na rin niya pinansin ang mga ito. Sa ngayon panatag ang kalooban niya habang suot-suot niya ang itim niyang kapa.
Weird na kung weird. Pero iyon ang nararamdaman niya. 
Sumunod na siya sa kanyang Advicer patungo dati niyang classroom. At hindi niya maiwasan ang mapakuyom ang kamao nang masilayan niyang muli ang mukha ng mga dati niyang kaibigan. Lalo na ang mukha ni Dominic, ang nag-iisang anak ni Joseph Sison. 
Hindi na rin nakawala sa kanyang paningin ang bagong mukha ng istudyanteng lalaking nakaupo sa kaliwang sulok classroom. Kung hindi siya nagkakamali, ito iyong lalaking nakasalubong niya kanina sa hallway. Iyong nakalaglag ng tangerine. Iyong nang-asar sa kanya. 
Nakakunot ang noo nitong napatingin sa kanya.
"Pwede ka nang bumalik sa dati mong upuan, Miss Miranda!" utos sa kanya ng advicer nila.
Tumalima naman siya. Pero habang papalakad siya sa kanyang dating upuan sa bandang kanan, sa tabi ng bintana, napansin niya ang bahagyang pag-iwas sa kanya ng mga katabi niya. 
Napangisi siya. 
At least wala nang mang-aasar at mangungulit sa kanya. Mapayapang umupo na siya sa kanyang desk, at tumingin sa labas ng bintana. 
Ilang saglit pa ay muli siyang tumayo na siyang kinagulat ng lahat. Nagawa niyang takpan ng kurtina ang bintana dahil parang nasisilaw siya sa sinag ng araw. 
Napatingin siya sa mga reaksyon ng kanyang kaklase. Lihim siyang natawa dahil nakita niya ang gulat at takot sa mukha ng mga ito. Pero nang napatingin siya sa bago niyang kaklase, nakakunot ang noo nitong nakatitig sa kanya. 
Wala ideya si Maya kung ano ang tumakbo isip nito hanggang sa biglang pumasok sa isip niya ang lalaking pumasok sa kuwarto niya sa hospital. 
Mukhang iisa lang din yata ang tumatakbo sa utak nila ng mga sandaling iyon dahil bigla rin itong napatayo, at gulat na gulat na napatingin sa kanya.
"Ikaw?!" halos sabay nilang sabi sa isa't isa. 
Gulat ding napatingin sa kanila ang lahat. Maski ang kanilang adviser. 
🍊🍊🍊🍊🍊🍊🍊

Komentar Buku (91)

  • avatar
    Ro Da

    ❤️❤️❤️

    24d

      0
  • avatar
    CadornaCharity

    ang Ganda ng story

    25d

      0
  • avatar
    Re Jean Floro

    Ganda… bitin po when po yung book 4???☺️

    22/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru