logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 47

Chapter 47
β€”
"So, how's your flight?" Tanong sa akin ni Andrea ng makahiga kaming dalawa sa higaan ko.
Siya ang sumalubong sa amin sa airport. Nagulat nga ako ng makita siya. Agad kaming dumeretso rito sa kwarto ko ng makarating kami sa Mansion. Pagod pa ako sa mahabang byahe at parang gusto ko na lang na matulog magdamag.
"Nakakapagod." Pagkatapos kong sumagot sa tanong niya napahikab ako. Mahinang natawa si Andrea ng makita 'yon.
"You should rest. Sasamahan na kita." Nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako. "Na-miss kita eh."
"Iniwan mo ako eh."
Sinimangutan naman niya ako sa sinabi ko kaya tinawanan ko lang siya. "At least mag kasama na ulit tayo." Masayang sabi niya at saka lumapit sa akin saka niya ako niyakap. "Ang tagal mo namang manganak, excited na akong makita ang inaanak koβ€”aww!" Napadaing si Andrea ng makatikim ng batok sa akin.
"H'wag ka ngang excited!" Natatawang sabi ko pagkatapos ko siyang batukan. Pasaway talaga!
Niyakap ko rin si Andrea hanggang sa maramdaman ko na ang pagod ko. Hinayaan kong dalawin ako ng tuluyan ng antok.
Alas syete na ng gabi ng magising ako. Wala na si Andrea sa tabi ko ng magising ako. Bago ako bumaba, nag-body wash muna ako saglit. Pagbaba ko naabutan ko sa kusina si Andrea. Napangiti ako ng makitang nagbe-bake siya ng cake.
"Wow!"
Nakangiting napatingin sa akin si Andrea. "Gising kana pala. Halika, pinagbe-bake kita ng cake."
Aww. Ang sweet naman ng bestfriend ko. Mukhang tutuparin nga niya ang sinabi niya sa aking aalagaan niya ako at ang inaanak niya.
Naglakad ako palapit sa kanya at saka ako naupo sa bakanteng upuan. Nakangiti akong pinapanood ang ginagawang pagbi-bake ni Andrea.
"Wala sila Tita and Tito. Tayo lang ng mga katulong ang nandito."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Andrea. "Umalis sila?"
"Yep. You know, business."
Malalim akong napabuntonghininga. Nakapagpahinga na ba sila? Nagpahinga na muna sana sila bago umalis. Mukhang nag-travel na naman sila eh.
Sa isang sikat na hotel tumutuloy ngayon Andrea. Pero dahil wala na naman sila Mom and Dad, dito na muna raw siya pansamantala titira sa bahay para samahan ako. Mas okay sa akin 'yon.
"How's your sleep? Ang haba ng tulog mo. Gutom kana ba?" Sunod-sunod na tanong ni Andrea sa akin.
Minsan ang awkward na ng pagiging concern nila sa akin. Ganito ba talaga sila kasi buntis ako?
"Manang, pahanda naman ng pagkain si Red." Utos ni Red sa isang katulong na kasama namin ngayon dito sa bahay. Puro Pilipino ang kinuha nila Mommy and Daddy na katulong dito sa Mansion. Mas mabuti na 'yon dahil masisipag sila.
"Sige po, Ma'am."
"Matagal pa kasi 'to. Kaya kumain kana. Baka bukas pa natin 'to makain." Ang cake ang tinutukoy ni Andrea. Tumango naman ako.
"Kumain kana?"
She nodded. "Yep."
"Okay."
Nang maibigay na ang pagkain ko, nagsimula na rin akong kumain. Si Andrea naman ay tahimik na pinagpatuloy ang ginagawa.
Napatingin ako sa cellphone ni Andrea na nasa lamesa ng bigla itong tumunog. Napakunot ang noo ko ng makitang video call 'yon at ang ikinalaki ng mata ko ay ng makita ang mukha at pangalan ni Melvin mula roon.
Napaamang ang labi ko ng dali-daling pinatay ni Andrea ang tawag ni Melvin. Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nang magtama ang tingin namin, agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
"Sabihin mo nga sa akin, okay na kayo?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Of course not! Makulit lang talaga siya!"
Nanliit ang mga mata kong tumitig sa kanya. "Talaga?"
"Oo. Hindi pa kami okay kaya kung pwede kumain kana lang."
Nakangisi akong tumango-tango. "Okay po."
Inirapan ako ni Andrea ng makitang nakangisi ako. Tinawanan ko lang naman siya.
Nagpatuloy na ako sa pagkain. Natigil lang ng muling tumunog ang cellphone ni Andrea. Palihim ko siyang tinignan. Lalo akong napangisi ng makitang agad na pinatay ni Andrea ang cellphone niya para hindi na muling matawagan ni Melvin.
"Sagutin mo kasi." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Shut up!"
I laughed out loud. My gosh!
Pagkatapos kong kumain, pinapunta na muna ako ni Andrea sa living room. Doon ko na lang daw siya hintayin. Sumang-ayon naman ako.
"Sige, mag-usap na muna kayo ni Melvin." Nakangising sabi ko at saka ko siya kinindatan.
"Red!" She shouted.
"Bye!" I said and laughed.
Dali-dali na akong naglakad na palabas ng kusina. Imbis na maupo sa living room at manood ng movie, naisipan kong maglibot na lang muna sa buong Mansion. Taon na rin ang lumipas simula ng tumira kami ditong magkakapatid.
Na-miss ko ang Mansion na 'to. Matagal na ang bahay na 'to pero parang bago pa rin. Huminto ako sa paglalakad ng nasa tapat na ako ng isang pamilyar na pintuan ng isang kwarto rito sa first floor ng Mansion.
Dahan-dahan kong inilagay ang kamay ko sa doorknob ng pintuan. Napangiti ako ng malamang hindi naka-lock ang pinto.
Madilim ang kwarto pagbukas ko ng pinto. Agad kong sinindi ang ilaw.
Tila bumalik ako sa kabataan ng tuluyang muling masilayan ang painting room ni Fritz. Hindi ko mapigilang maging emosyonal ng para akong naibalik sa nakaraan.
Nakikita ko ngayon ang apat na masasayang batang naglalaro sa loob ng kwartong ito. Hanggang sa naisipan ng batang Fritz na i-paint ang batang si Red.
Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob ng painting room. Napangiti ako ng madako ang tingin ko sa isang painting kung saan naroon naka-paint ang mukha ng batang ako na na-paint ni Fritz. Hindi man maayos ang pagkaka-paint, makikilala mo naman kung sino ang batang naroon.
Nakangiti kong nilapitan ang painting. Hindi ko pala talaga 'to naidala ng umuwi kami ng Pilipinas.
Napakaraming paintings dito sa loob ng kwarto at puro kay Fritz gawa 'yon. I'm sure matutuwa si Fritz pag makita niyang hanggang ngayon, buhay pa rin ang mga paintings niya no'ng bata kami.
Bitbit ang painting ko na ginawa ni Fritz, naglakad na ako palabas ng kwarto.
Nagulat pa ang isang katulong ng makita akong lumabas ng kwarto.
"Ma'am."
I smiled at her. "Pwede po bang pakisuyo ito? Pakilagay naman po sa kwarto ko. Kayo na po bahala kung saan magandang i-display."
"Sige po, Ma'am."
"Salamat po."
Nang makaalis ang katulong, nagpatuloy na rin ako sa paglalakad. Ngayon, gusto ko naman puntahan ang music room. Kung saan dati, maririnig mong nagkakantahan kaming magkakapatid.
Ang Mansion ito, ay punong-puno ng masasayang alaala naming magkakapatid.
Excited na akong makapasyal ang tatlo rito at sabay-sabay naming muling balikan ang mga masasayang alaala namin dito.

Komentar Buku (84)

  • avatar
    Shierlyn Joyce Paloyo - Matias

    napaka ganda πŸ₯° sana po may part 2 please. sobrang nakaka bitin kasi 😭 ano ba talaga ang totoo ngyare

    07/03/2022

    Β Β 5
  • avatar
    JagorinJess-zer

    soss nice

    17d

    Β Β 0
  • avatar
    John Russel E. Matuto

    plss jajjainanaiajnajajajajjajjajajjajajjajajahahahhahahahhahahhahahahhahahhahahhahahhahahahhahahhhjjjjjjjjjjjjjjajajjajajajjajajjajqjjaisnjdjdndidndndjdudndj@marianne_nicole:β•±β–”β–”β–”β–”β•² ▏▂╲╱▂▕ ▏▇▏▕▇▕ ╲▔▕▍▔╱ ..▕╋╋╋▏.. β˜…β•²β–‚β–‚β•±β˜… kakajnaianaajhahahhahahahhahahhahahahhahahhahgghahahhahahhahajajjajahahhahahahhahahahhahahhahahahahahahhahahahhahhahhhahhhhhhahahahahhahahahhahahhahahahahhahahhahahahhahahahhahhahahahahhahahahhahahhahahhahahhahahahhahaahhahahahhahahhahahhahahahahahhahahahhahahahahhahahahhahahahha

    20d

    Β Β 0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru