logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 24: Break Up

"Ayan, dahan-dahan lang."
Unti-unting binitawan ni Nikolai ang kamay ko kaya naman binalanse ko ang aking katawan. Iniangat ko ang aking kanang paa at maingat iyong ihinakbang. Tuwang-tuwa siya dahil kahit papano ay nagagalaw ko na ang paa ko, pero ilang segundo lang ay bumagsak ang katawan ko sa sahig. Bawat araw ay bumabagsak ang katawan ko sa sahig. Nanlalambot ang mga tuhod ko dahil ni isang segundo ay hindi mawala-wala sa isipan ko ang kalagayan ni Tito Alf. Parang hindi ko kayang magpagaling dito habang comatose parin siya, lalo na't mahigit dalawang linggo na siyang tulog.
"Ayoko na," malamig kong sambit kaya nilapitan ako ni Nikolai.
"Binabagabag ka parin kaya hindi mo magawa. Taki, ayos lang—"
Natahimik siya ng matalim ko siyang tinignan.
"Sinabi mo sakaniya kung anong sitwasyon ko sa kamay ni Paxton. Alam mo bang pinagtalunan naming dalawa iyon habang nasa biyahe kami? Wala akong ibang nasabi sakaniya kundi masasakit na salita at ngayong hindi ko alam kung sino ang hayop na bumangga sa sasakyan namin ay naiisip kong kasalanan mo ito. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa mga nasabi ko, pero hindi ko naman sasabihin ang mga iyon kung hindi mo sinabi sakaniya!" Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao habang sinasambit ang mga katagang iyon.
"Patawarin mo ako. Pero sinabi ko lang naman iyon dahil kailangan ko ng kasamang puprotekta sa'yo."
"Bakit? Hindi mo kaya ng mag-isa? Alam mo, mas malala pa itong ginawa mo kaysa sa mga pananakit na natamo ko kay Paxton. Sana sinuntok mo nalang ako! Sana pinatay mo nalang ako!"
Malakas ko siyang pinaghahampas kasabay ng pagsigaw ko at paghagulgol. Naninikip ang dibdib ko sa bawat segundong humihinga ako. Nakokonsensya ako dahil ako ang huling kasama ni Tito Alf at inaway ko pa siya sa mga huling minutong magkasama kaming dalawa. Ngayon ay walang nakakatiyak kung kailan siya magigising.
Idinikit ni Nikolai ang noo nito sa akin habang hawak-hawak niya ang magkabila kong pisngi.
"Patawarin mo ako kung sinabi ko sakaniya. Patawarin mo ako kung duwag ako at hindi ko pala kayang ipaglaban ka sa asawa mo ng mag-isa. Patawad, pero titigil na ako."
Napatingin ako sakaniya at natigilan.
"Pero akala ko ba—"
"Gusto ko pero hindi ko kayang talikuran ang tungkulin ko bilang anak. Sana maintindihan mo ito balang araw. Paalam." bulong niya at agad na tumayo sabay naglakad paalis.
Ang lalaking iyon.
Ikinuyom ko ang aking kamao kasabay ng pagsisimulang pagtatanim ko ng galit sakaniya. Siya ang lumapit at nagsabing tutulungan niya ako sa kahit na anong problema ko pero siya rin itong naduwag at bumitaw.
Kung gayon... ako nalang ang tutulong sa sarili ko para makalaya sa kasal namin ni Paxton. Nasayang ang pagtitiwala ko sa Nikolai na iyon. Nasayang ang panahon ko. At nagkamali akong nagkagusto sakaniya.
Nahiga ako sa sahig at pinakiramdaman ang lamig nito. Nanghihina ako dulot ng hindi ko pag-kain ng tama. Wala akong iniisip kundi kalungkutan at pag-iisa. Ramdam ko ang mainit na pag-aalaga nila, pero babalik lang siguro ako sa dati kung magigising na si Tito Alf.
Ipinikit ko ang aking mata at walang tigil sa pagbagsak ang aking luha. Ilang saglit lang ay naramdaman kong may daliring pumawi sa aking luha kaya naman nagmulat ako ng nag-iisa kong mata at nakita si Paxton sa harapan ko.
"Bakit umiiyak ang munting sundalo ko?" aniya na ikinatigil ko.
"Oh, bakit umiiyak ang munting sundalo ko?"
Yumakap ako ng mahigpit kay Tito Alf at humagulgol rito.
"Aish, hindi ba dapat ay ako ang niyayakap mo dahil ako ang dad mo? At ikaw naman, prinsesa ko 'yan kaya 'wag mong pagmukhaing sundalo."
"Baka nakakalimutan mong ako ang nag-alaga sakaniya noong sanggol pa siya habang kayo ni Molly ay gawa ng gawa, kaya 'wag kang makialam. Umalis ka nga."
Muli ko nanamang ipinikit ang aking mata at nagpatuloy sa pag-iyak ng maalala ang eksenang iyon. Iniangat ni Paxton ang kalahati ng aking katawan at ipinasubsob ang aking mukha sakaniyang dibdib. Mahigpit akong kumapit sa damit niya at umiyak na parang bata.
"Magiging ayos lang siya tama? Magigising si Tito Alf, diba?" tanong ko rito na tinanguan niya at hinaplos ang aking buhok.
"Tama ka. Pero pagkagising niya, gusto mo bang makita ka niya ng ganiyan ang hitsura? Malulungkot siya kapag nalamang hindi ka makalakad at ganiyan pa ang mata mo. Iisipin niyang nagkulang siya sa pagprotekta sayo. Kaya naman lulukubin siya ng kalungkutan gaya ng nararamdaman mo ngayon. Gusto mo bang maramdaman niya iyon?
Umiling ako at lumayo sakaniya sabay pinunasan ang aking basang mukha. Huminga ako ng malalim at diretso siyang tinignan sa mata.
"Bakit ka nga pala nandito?"
Tumawa ito sa katanungan ko at mahinang pinisil ang aking pisngi. "Namiss kasi kita," sagot niya pero hindi nagbago ang ekspresyon ko.
"May ipapakilala ka ng salarin tama? Mahigit dalawang linggo kang hindi bumisita kaya imposible 'yang sinasabi mo." malamig kong sambit kaya naman sumeryoso na ang kaniyang mukha at yumuko.
"Mahirap sabihin dahil baka mas lalo ka lang magalit sa akin. May mga ebidensya ako na magpapatunay, pero wala sa akin ang tiwala mo kaya hindi ko alam kung maniniwala ka." sambit niya at bumuntong hininga.
"Gusto kong makita."
"Iniwan ko sa bahay."
"Edi umuwi ka at bumalik rito."
"Gabing-gabi na kaya."
"Gabi ka ring nakarating rito kaya bakit ka nagrereklamo?"
Ngumiwi ito at napakamot nalang sakaniyang batok dahil wala na siyang maisagot.
"Tsaka ko na sasabihin, kailangan ko pa ng kaunti pang ebidensya para walang problema kung ihaharap ko iyon sa hukuman. Gusto ko ring mukha kang presentable roon dahil haharap ka bilang biktima, hindi tulad noon na salarin." aniya at nginitian ako ng matamis.
"Bakit? Hindi ba ako mukhang presentable dahil sa kanan kong mata? Mukha ba akong pirata?"
"Umm, medyo. Piratang may lahing sirena."
Pinulot ko ang tungkod ko at ihinampas iyon sakaniya na nginiwian nito.
"Psycho."
Napatingin kami sa nagsalita at nakita si Ike na nakadamit pagtulog at may dalang unan.
"Matutulog ako sa tabi mo," anas niya at naglakad na patungo sa ibabaw ng kama ko at nahiga roon. "Ikaw naman, guwapong bodyguard, bumalik ka na sa lungga mo. Hindi ka pwedeng matulog rito dahil allergy ako sa mga katulad mo, kaya alis."
Sininghapan ko si Ike habang si Paxton naman ay tumango na parang asong nakikinig sakaniyang amo.
"Uuwi na po ako, Madam." pamamaalam niya sa akin at natawa.
Inalalayan niya akong tumayo at dinala sa kama ko. Kukumutan niya sana ako pero sinipa ni Ike ang kamay nito.
"Alis na," pagtatabuyan niya rito at yumakap siya sa akin ng sobrang higpit.
"Babalik nalang ako bukas," bulong ni Paxton na tinanguan ko at naglakad na siya paalis. Palabas na nga si Paxton pero panay parin ang pagtataboy ni Ike rito hanggang sa makaalis na nga siya sa aking silid.
"Ano bang problema mo?" taka kong tanong rito kaya tinignan niya ako at suminghap.
"Naiirita ako dahil masyado siyang guwapo para maging bodyguard mo, hindi ko gusto iyon."
Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mapangiti ako at ginulo ang buhok niti.
"Nagseselos ba ang bunso ko? Halika rito at iki-kiss ka ni Ate."
"Hoy, ayoko!"
Nagkagulo kami sa loob hanggang sa dumagdag si Miles at Mason kaya naman sobrang ingay na namin roon. Dulot ng pagkapagod ay nakatulog kaming apat roon sa iisang kama.
Kahit papano, ramdam ko na hindi ako babangungutin ngayon dahil kasama ko sila.

Komentar Buku (20)

  • avatar
    reynalyn Jay

    so amazing story

    13d

      0
  • avatar
    Maria Frenchesca S. Balagso

    ❤️😘❤️😘❤️😘❤️😘

    19d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    21d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru