logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 3 Encounter

Trixie POV
Kusang umiiwas, kusang tumatabi, para bang binibigyan ako nang napaka-engrandeng lalakaran.
Nakayuko kong binabaybay ang hallway patungong designated room ayon sa schedule ko. Ang dalawa kong kamay ay nakahawak lang sa string ng bag ko. Sinadya ko ring ilaylay ang buhok ko para takapan nang kaunti ang mukha ko. Kahit papaano ay nababawasan ang hiyang nararamdaman ko ngayon.
Pero hindi sapat para bigyan ako ng lakas nang loob.
"Seriously, bangs!? What's with her?"
"Hindi naman bagay sa kanya, ano feeling korean? Yuck!"
"Porket siya lagi ng leader because magaling daw sumayaw, nagmamayabang na"
"How come dito 'yan nag-aaral? An art school academy is not suited for her. Hindi nga n'ya mapantayan ang gandang mayroon tayo!"
"I thought bagsak 'yan?"
"Balita ko rin, well sumipsip na naman 'ata"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa string ng bag ko. Nakagat ko ang ibabang labi sabay huminga nang malalim.
"Trixie!!"
Naianggat ko ang ulo ko at nilingon sa likod ang taong tumawag ng pangalan ko.
"Trixie!!" Walang iba kundi si Jason Guivarra .
Inakabayan niya ako at sinabayan sa paglalakad. Kunot-noo niyang pinagmasdan ang mga kapwa namin estudyante.
"Anong tinitingin-tingin niyo d'yan!?" Bahagyang napaiwas ang mga estudyanteng nakatuon sa amin ang atensyon.
"Umayos kayo! Wag niyo 'tong gagalawin ngayong buong taon, maliwanag!!?"
Sabay kaming pumasok ng room dahil pareho lang naman kami ng schedule. Nicheck na namin noong sabay kaming tatlo ni Andrie Scott na mag-enroll. Sa pinakadulong row namin nagustuhang puwesto. Narito na rin ang iba pa naming mga kaklase na may kanya-kanyang mundo.
"Si Andrie Scott?" Tanong ko kay Jason Guivarra .
"Malapit na raw siya" nagtatype ito sa phone niya. Tumango lang ako rito kahit hindi sa akin ang atensyon niya.
Pinagmasdan ko muna siya nang maigi, mukhang seryoso ang ginagawa niya dahil bahagya pang kumunot ang noo niya. Palagay ko ay hindi si Andrie Scott iyon. Sisilipin ko sana ito ng bigla ay mahagip ng mata ko ang pumasok na si Art John. Pumwesto ito sa pinaka-unahan, masyadong malayo sa amin. Naibaling ko naman ang mga mata ko sa mesa nang sumunod na pumasok ay si Ara at ang dalawa niya laging kasama.
"Aish!" Napalingon ako kay Jason Guivarra .
"May problema ka ba?" Inosente itong binigyan lang ako ng ngiti at umiling.
Ilang minuto ang lumipas ay tumunog na ang bell. Lahat ng kaklase ko ay naririto na rin. Di nagtagal ay pumasok na ang homeroom teacher namin. Hindi na ito nagpaintroduction dahil kilala na niya kaming lahat.
Siya si ma'am Suarez, laging nakaponytail ang mahaba at straight na itim na itim nitong buhok. Ipit na ipit ang pagkakabungkos ng buhok dahil sumingkit ng kaunti ang mga mata niya. Mapula ang labi nito dahil sa lipstick. Kaswal lamang ang suot at naka heels.
Naglakad ito sa unahan ng table niya. Bahagyang kuminang ang silver name tag nitong naka-pin sa bandang kaliwa ng t-shirt niya, nang tamaan nang sinag nang araw. Inilibot niya ang mga mata hanggang sa dumapo iyon sa akin, dahilan para agad akong kabahan.
"Oh? New haircut miss Trixie, bangs. Anyway, muntik ko nang makalimutan. I needed to discuss something with you, gusto ko sana ay sa faculty na lang. Now" nagsmile ito at lumabas ng room.
Mula pagtayo hanggang sa makalabas ng room ay hindi maalis ang mga matatalim na tingin ng mga kapwa ko estudyante.
•••
"Alam mo naman ang estado ng grades mo these past three years, right?" agad niyang sabi nang makarating kami.
Umupo ito sa swivel chair niya.
"Please have a sit" sumunod naman ako rito. " Ok. Miss Trixie, please this year, ipasa mo ang other subjects mo. I know you may excel in my class, but hindi lang dapat class ko ang pagtunan mo nang focus." naikuyom ko ang kamao ko.
"Ma'am, sinabi ko naman po sainyo noon pa ang totoong dahilan kong bakit ako nababagsak, 'di ba po?"
Bumuntong hininga ito. Pinaglapat niya ang dalawang kamay at isinanday doon ang baba niya.
"Trixie there's no evidence na si Ara nga ang dahilan. Lahat nang ibinibintang mo ay taliwas sa kung ano ang ipinapakita niya. She's a very good student, she is excellent" Yumuko ako. "Trixie, wag mo nang dagdagan ang mga paratang sa'yo. I know you're not like that. Almost lahat ng students and even teachers and professors here—nakatatak sa isip nila na ikaw ang student na puro lang reklamo, making excuses, at kung ano-ano pa. Hindi na ako magtataka kung hate mo na itong school Trixie, hindi lang pala ako, kundi kaming lahat. Ayoko mang sabihin ito pero, it's very disappointing. Grow up and change. Maka-college ka na. Sana magbago ka na, ah? Please?"
Matapos ang pag-uusap naming iyon ni Ma'am Suarez ay hindi ako umimik. Lumipas ang buong umaga nang puro introductions lang naman. Hanggang ngayon ay laman pa rin ng isip ko ang mga sinabi ni ma'am.
Possible bang kamuhian ko ang paaralang ito?
O kamuhian ko lang ang lahat ng mga taong nandito?
Sabay kami nina Andrie Scott at Jason Guivarra na mag-lunch. Walang ganang isinubo ko ang kaning walang ulam. Susubo muli sana ako ng kanin nang lagyan iyon ni Andrie Scott ng karne.
"Anong nangyare sa'yo?" Tumitig siya sa akin.
Ibinaba ko muna ang kutsara may lamang kanin at karneng inilagay niya.
"Wala lang ako sa mood"
Kung i-isipin ay wala ni isang lugar dito sa buong campus ang hindi ako naging interesante para sa mga kalokohan ng mga estudyante. Kapag kasama ko lamang sina Andrie Scott o Jason Guivarra ay hindi nila ako nalalapitan.
Library.
Sinira nila ang librong hiniram ko, kaya binayaran ko iyon. Nakatikim ako ng parusa ng librarian dahil ako malamang ang binintangan. Sinabi ko rito ang dahilan, ngunit ako lang daw ang tao roon, alam ko na nagtago sila.
Canteen.
Sinadya nilang banggain ako dahilan para tumilapon ang pagkain ko sa dean ng paaralan. Humingi ako ng paumanhin. Hindi rin naman iyo maniniwala kung sasabihin ko ang totoo, dahil lahat silang nakakita ay sa akin ang bintang.
Sa labas ng paaralan, sa hallway, sa field, sa garden, lahat!
Hindi naman sa lahat ng oras ay kasama ko ang dalawa kong kaibigan. Ipinagtatanggol nila ako pero hindi iyon sapat. Varsity silang dalawa kaya lagi silang may training. Model rin sila, kasama si Art John. Malaki rin ang obligasyon nila dahil miyembro sila ng student government ngunit mababang posisyon lamang. Hindi na sila tumataas dahil mas lalakas ang kapangyarihan nila, hindi payag ang lahat dahil kaibigan nila ko. Kung mangyare man iyon ay marahil magpapatupad ng batas ang dalawang ito para sa kapakanan ko. Sa lahat ng estudyante ay si Ara ang nasa tuktok at tinitingala ng lahat.
Si Art John?
Sa oras na malaman nila ay katotohanan ay gugulo ang buhay niya. Mawawala siya sa modeling industry, siya kasunod si Andrie Scott at Jason Guivarra , ang pinakasikat ngayon. Mawawala siya sa varsity. Matatanggal ako sa paaralang ito at ayaw kong mangyare iyon. Nagsikap akong makapasok rito dahil narito ang passion ko. Ganoon din si Art John. Hindi pwedeng basta na lang iyon maglaho na parang bula.
Lahat nang iyan ay kayang gawin ni Ara. Marami na ang nabiktima niya at napaalis dito. Hindi alam ng lahat pero ako, alam ko. Dahil minsan ko na siyang na huli sa akto.
Tapos na akong kumain kaya sabi ko ay mauna na ako sa room at kunin ang notebook ko. Babalikan ko na lang sila matapos kunin iyon.
"Bilisan mo, ah" ani Jason Guivarra
"Sige"
•••
Nakaramdam akong maiihi. Iniwan ko muna ang bag ko sa room at notebook ko sa desk. Saka tumungo sa cr.
Pumasok ako, mabuti na lang at walang tao. Matapos ay naghugas ako maigi ng kamay.
Ang akala kong walang tao ay nagkamali ako.
Lumabas sa isang cubicle si Ara, sumunod na dalawang cubicle ay ang dalawang babaeng hindi mahiwalay sa kanya. Nagtama ang mga paningin namin sa salamin.
"Ang swerte mo naman at nakasama kita ngayon dito." Aniya ni Ara. Sumanday ito sa sink at humarap sa akin. Nakatagilid ako sa kanya dahil nakaharap pa rin ako sa salamin.
Nadinig ko ang pag-click ng lock ng pinto. Naikuyom ko ang kamao ko.
"Ba't hindi ka nagsasalita?" Malambing na saad ng kasama nito.
Lahat sila ay maganda, ngunit siya ang nauuna. Maikli lang ang unat na buhok nito.
"Yvette, kasi naman na-miss niya tayo." pumwesto sa likuran ko ang isa ay hinaplos ang buhok ko sa likod. "Right?"
"Mich wag kang ganyan, tinatakot mo. Masamang ugali 'yan" inayos ni Ara ang bangs ko na agad ko namang iniwas sa kanya. "Ooh? Anong problema Trixie?"
"Ano ba ang kailangan niyo!?"
"Oh, My, G" maarteng saad ni Mich at umalis sa tabi ko kasama si Yvette.
Nanatili si Ara na matalim na ngayon ang tingin sa akin. "How dare you raise your voice on me!?"
Hinigit niya ang buhok ko sa likod.
"A-aray ko! Ara nasasaktan ako!!" Sinampal niya ako dahil para matumba ako sa sahig. Napakalakas ng sampal nito.
Hinawakan ako ng dalawa sa magkabilang braso at pilit na pinatayo.
"Ang pinakaayaw ko sa lahat ay sinisigawan ako!" Sinampal niya muli ako.
Umiiyak na nagpupumiglas ako sa hawak nila. Bahagya akonv nabibitawan pero damit ko ang hinihigit nila kaya napupunit ito.
"Settle down Trixie. Now, now, relax" hinawakan niya baba ko at pilit na iniaangat ang mukha ko.
"Napakawalang hiya mo Ara!"
"Ako? Wala hiya!?" Sinampal niya muli ako, palagay ko ay may pasa na ako roon.
Napahiga ako sa sahig. Inapakan niya ang tiyan ko.
"Ah!-aray, tama na! Pakiusap! Tantanan n'yo na ako!!"
"Sabi mo kasi wala kong hiya, nilulubos ko lang, eh" sinipa niya ang braso ko.
"Argh!" sobrang sakit. Hindi ko na kaya.
"Kasi naman, bakit ka pa nandito? Hindi ka nababagay dito alam mo 'yun!?"
Hinigit nila akong para tumayo. Ininda ko ang sakit sa bandang tiyan ko at ang kirot ng braso ko. Isang huling sapak ay tumama ang noo ko sa kanto ng pader. Natumba ako at nawalan nang lakas.
Natigilan silang lahat nang ilang sandali.
"Gosh, Ara!!"
"Shut up Mich!"
"Anong gagawin natin d'yan?"
"Let her, she deserves that Yvette"
"Paano kung makita siya rito ng mga teachers? Oh my, Ara mabubuko tayo! She is bleeding Ara"
"Wag ka ngang maarte Mich! Palagay mo ba ay pababayaan tayo ng mga students dito!? Ang bobo mo!"
Bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Ramdam kong may mainit na likidong tumulo sa tenga ko. Pakiramdam ko ay manhid ang buo kong katawan. Hindi ko na maintindihan ang pinag-uusapan nila. Ang alam ko lang ay tumagal sila roon.
Nakita ko na lang na lumabas na sila ng cr.
Hanggang sa ako ay tuluyan nang nawalan nang malay.

Komentar Buku (47)

  • avatar
    Garcisto Jr.Ryan

    all goods

    19d

      0
  • avatar
    Tali Bon

    jjh

    11/07

      0
  • avatar
    James Lopez

    malapit na ang pag babasa ko

    28/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru