logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 1

"Bhest. Totoo bang bumalik na sa Pinas si Jake?" tanong ko sa kanya pagkadating ko sa bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganun ang makikita ko pagkatapos ng ilang buwang lumipas na hindi siya nakita.
Nakikipaghalikan sa ibang babae. At nilagpasan ako habang nakaakbay sa kasama niya. Kung hindi ako nagkakamali siguro girlfriend niya 'yon. Iyon na ang ipinalit niya sa akin.
Bakit kasi sinunod ko kaagad ang emosyon ko? Ngayon nagsisisi ako?
"Ewan ko. Tignan na lang natin bukas, may reunion daw eh. High school life. Oh Gosh! I missed it!" yeah. Dapat nga tignan ko na lang bukas. May reunion namin kami eh. Okay na iyon. Doon ko mapapatunayan na bumalik na nga siya kung may aattend na Jake Vargas bukas.
"Miss mo talaga ang high school 'no? Ako rin." sabi ko sa kanya. Nami-miss ko 'yung biruan, asaran, kulitan, gasuhan, ingayan. Ang pagiging immature namin, minsan. Nakakamiss 'yung mga bagay na nakasanayan mong gawin noon.
"High school life nga ba ang miss mo? O 'yung love of your life noon?" kumunot naman ang noo ko. Siguro, kasama na rin siya doon. Namiss ko rin kung paano siya manligaw sa akin noon. Namiss ko ang paglalambing niya. Ang mga kakornihan niya, ang mga kalokohan niya. Lahat namiss ko sa kanya. Mararanasan ko pa kaya iyon?
"I knew it." sabay sigaw niya ng malakas.
"Mahal mo pa siya, ano?" tinignan niya ako ng nanlilisik na mata. Kung nakakamatay lang ang titig ay kanina pa ako pinaglalamayan.
"May pinagsamahan rin naman kami nung tao, malamang, mami-miss ko iyon." mga pinagsamahan na parang malabo ng mangyari ulit dahil may bago na siya.
"No. Kaya mo siya nami-miss kasi may nararamdaman ka pa sa kanya. Iyon ang totoo."
Oo na! Meron na kung meron. Pero unti-unti rin 'yon mawawala. Dahil may iba na siya.
Bakit kung kelan huli na ang lahat tsaka mo pa maiisip ang salitang sana at sayang? Tama nga ang kasabihan na 'Nasa Huli Ang Pagsisisi'. Ang dami kong pinagsisihan ng maghiwalay kami ni Jake. Kung sana tinanong ko muna siya at pinaniwalaan. Kung sana hindi ko siya pinagdudahan. Masaya kaya kami ngayon? Siguro ipagdiriwang na namin ang first anniversary namin. Kung sana lang...
I sighed to forget everything. I want to forget everything since he already got over. It is not good to see a girl still inlove to her ex then her ex is already inlove with someone else. I just looked desperate, well, I already become a desperate months ago.
He forgets me. I will forget him, too. I'll show him that can live longer even without him.
"Good morning, class."
Dire-diretsong bati ng teacher namin. Nag-good morning din naman kami sa kanya kaso hindi naging maganda ang resulta dahil halos kalahati ng klase ay inaantok. Nasermunan naman tuloy kami. Hay, nako. Hirap talagang maging matandang dalaga! Ako nahihirapan sa professor namin eh.
"Very good Ms. Monteverde. Hindi ka late." puri niya doon kay Sandra. Well, buti na lang at nagkagulo kagabi edi maaga ang naging uwi namin. Pero hindi ko sinasabi na mabuting inaway na naman siya ng grupo ni Abby. Buti na lang andyan ang kanyang superhero/bestfriend na si Bryle.
"Good morning. I am Beanca Marie Binene, Bea for short. Short description is that I am former president for 2-years. That's all thank you." dahil nasermunan kami kahapon ngayon isinagawa ang introduction.
Halos lahat ng course subject ay introduction lang ang ginawa namin. May mga nakilala na agad ako, actually, kahapon pa pero mas nakilala ko sila ngayon.
May ilang singer, dancer, performer, at former Student Council din. May ibang katulad lang din ng mga gusto ko.
I and some of my classmates have a common likes and dislikes. But, then, nagulantang ang buong klase ng biglang dumating si Mr. Heartthrob/Bestfriend ni Sandra. Kaya naman naghiyawan ang mga kaklase ko.
"Shit. Why you guys didn't inform me? Fvck!" reaksyon ng isa sa spice girls sa room namin.
"Huwag kang mag-alala. Maganda ka pa rin, spice girls tayo eh." over sa confidence na sagot ng katabi niya. Sila yung tipo ng babae na girl scouts. Laging handa... handang magmake-up kung saan at magpaganda lalo na kung may dadaan na gwapo.
"Yes?" tanong ng strikta kong teacher. Pero hindi naman siya ganun kastrict ngayon. Okay lang. Tama lang.
"Can I excuse Sandra for a while?" Tumango naman ang teacher namin. Hinayaan niyang lumabas si Sandra at mag-usap ang magbestfriend. Hindi na lang namin sila pinansin at nagpatuloy sa pagpapakilala ang mga ilan ko pang kaklase.
***
Natapos ang araw namin na puro pagpapakilala at may ilan din naman na teacher nagdiscuss ng konti at nagtanong sa mga nalalaman namin.
Mag-a-alas kwatro ng hapon ng maisipan kong mauwi. Wala na naman kaming klase sa oras na ito. Maaga ang umpisa ng klase namin at maaga din ang tapos, minsan lang kami gabihin dito. At hindi pa naman panahon ng paggawa ng mga projects kaya eto, maaga pa ang uwi.
"Bhest, ready? Beer pong tayo mamaya." ani ni Barbie habang nag-aayos ng sarili niya. Beer pong? Baka hindi ako makasali sa beer pong nayan, baka hindi ko pa maenjoy. Kaya bigla akong napasimangot.
"O? Ano 'yang mukha na 'yan?" naguguluhan na tanong ni Barbie sa akin.
"Hindi naman kasi ako umiinom." NEVER ko pang natry. Kung meron man? Ewan ko lang.
"Sus, andon naman ako. Don't worry you're safe. Tayo-tayo lang naman eh. Tsaka sinama nila si Mrs. Alajar!" excited na sigaw ni Barbie. Parehas naming miss ang mga batchmates namin pero mas excited siya sa akin.
Nakatapos na kaming mag-ayos. Hindi na naman kasi ako nagpapaayos sa kanya. Kaya ko na!
"Sis... alis na kami." paalam ko sa kanila. Andito si Lexi at Alex. Sasama sana sila, pero dahil batchmates lang talaga hindi pwede. Isasama ko rin naman dapat sila eh.
"Babush. Nakamove on ka na diba?" tumango-tango ako.
"Surelabels? Ayokong umuwi kang umiiyak." nag-aalala niyang tanong sa'kin.
"Promise! Hinding-hindi ako uuwi ng umiiyak. Strong girl ata 'to." nagmayabang pa ako. Nagtawanan lang kami saglit at pumanhik na rin.
Sa isang exclusive bar gaganapin ang reunion namin. Pag-aari ng Montero Family isa sa pinaka influencial family sa bansa. Isa sila sa mga nangungunang milyonaryong pamilya.
May sumalubong agad na mga guards sa amin. Sa pintuan palang ay makikita mo na ang mga nagsasayaw na ilaw. Dim lights are dancing. And the loud music keeps on playing.
"Bea Binene and Barbie Forteza" ako na ang nagsalita doon sa mga guard. Agad naman nila kaming pinapasok pagkatapos icheck ang list. Pagpasok namin ay mas lalo kong narinig ang malakas na pagtugtog ng mga musika.
"OMG! Hi Bea, Hi Barbie!" bati ng ilang mga kakilala namin.
Dahil sa sobrang ingay ay halos hindi na magkarinigan ang mga tao. Sabi ni Barbie, meron na daw kaming designated tables and chairs kaya hindi na mahirap maghanap ng mauupuan.
"Hi!" sigaw ng isa pa naming kaklase na si Chloe. Alam ko party girl eto kaya sanay na siya sa mga ganito. Kaya siguro ang lakas ng boses niya.
"Hi, kamusta? Laki ng ipinagbago ah!" nagkamustahan lang kami doon sa table namin. Halos marami sa kanila ang may nagbago at meron din naman sa mga kaklase kong naging sila at going strong.
"Ehem... Mukhang nagkakasiyahan na ah! Okay, before anything else. Let's pray first. Let us thank God for giving this day for us to be reunited."
Ma'am Alajar lead the prayer and the music stops for a while.
"Okay, ehem. Ang laki ng pinagbago niyo ah. Pero, eto ang isa sa mga may pinakamalaking ipinagbago. Eto na ah, Jake Vargas."
Natulala ako ng banggitin ni Ma'am ang pangalan ni Jake. Agad napako ang mga mata ko sa kanya. Tama nga si Ma'am, ang laki ng ipinagbago niya. Tumangkad siya, lalong gumwapo. Anong gagawin niya doon sa stage?
"Bago daw muna tayo magsaya eh mag-aalay daw siya ng isang kanta." nakita kong ngumiti ng matamis ang si Jake kay Ma'am. Buti ka pa nagagawa mong ngumiti ng ganyan. Nakamove on ka na ba?
"Ehem.." nag mic test muna siya. "Ano? Kamusta? Miss ko kayo, guys." at naghiyawan ang mga kabatchmate namin. Napangiti na lang ako ng mapakla, bakit kasama pa sila? Bakit hindi na lang ako?
Napaawang ang bibig ko sa lamig ng boses niya. Sh1t, ganun pa rin ang boses niya. Hindi nagbago.
"Duet! DUET!!"
Sigaw ng mga kaklase namin. Kanino naman makikipagduet si Jake?
Ramdam ko na lang na may mga tumutulak sa akin papunta sa stage at pinapaakyat ako. Noong una ay naguluhan pa ako, pero naalala ko na rin na wala nga palang makakaduet si Jake.
Bakit ako pa? Bakit hindi 'yong iba?
"Okay lang ba sa'yo?" tanong ni Ma'am Alajar, tumango na lang ako. No choice, nasa taas na ako ng stage, nakakahiya kung magback out pa ako. Kanina pa din sila naghihintay.
Binigyan pa ako ng mic at upuan naman sa kanya, maggigitara siya habang kumakanta. Kinakabahan ako, first time kong gawin ito.
¤ I see forever when I look in your eyes
You're all I ever wanted
I always want you to be mine
Let's make a promise till the end of time ¤
Nakatingin siya sa mga mata ko habang kinakanta 'yan. He looks so professional. Pero ininda ko iyon, iwas ako ng iwas ng tingin sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin.
Then it is my turn.
¤ We'll always be together
And our love will never die
So here we are face to face, heart to heart
I want you to know we will never be apart ¤
Our love died. And here we are face to face but not heart to heart. Sh1t. Nagbabadya na ang mga luha ko. Bakit taliwas ang kantang ito sa amin? We will never be apart? Eh, ano 'to ngayon? Apart na tayo, diba? Hiwalay na tayo...
¤ Now I believe that wishes can come true
Cause I see my whole world
I see only you ¤
How I wish, you only see me. Then, there, sabay na kaming kakanta.
¤ When I look into your eyes
I can see how much I love you and it makes me realize
When I look into your eyes
I see all my dreams come true
When I look into your eyes ¤
At once, nagkatitigan kami. Nakaya kong titigan ang lalaking minamahal ko.
¤ I looked for you all of my life
Now that I've found, we will never say goodbye
I can't stop this feeling
And there's nothing I can do ¤
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na patuloy kang mahalin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang hindi na siya mahalin pa. Pero kung hindi mo nga maturuan ang puso mong magmahal, makalimot pa kaya?
¤ Cause I see everything when I look at you
When I look into your eyes
I can see how much I love you and it makes me realize
When I look into your eyes ¤
I stop cause it his turn. Tinulak ako palapit sa kanya ni Ma'am Alajar, napuno ng hiyawan ng hawakan ako ni Jake sa baywang para alalayan. Pumula naman ang pisngi ko. Hindi ko alam kung anong dapat reaksyon ko. Bahagya naman siyang tumawa.
Gahd! How I miss his voice and laugh. It makes me crazy, b1tch.
"Ehem... nilalanggam na ang stage." kinuha ni Ma'am Alajar ang isa pang mic sa ibaba at pinaringgan naman kami. Anak ng tupa, binigay ni Jake ang gitara sa isang staff at pinaupo ako sa lap niya.
"Wahhh!" mas lalong lumakas ang hiyawan ang nagsimula na silang asarin kami.
Naiiyak ako! Bakit ganito na lang? Masaya ako pero, at the same time nasasaktan. Ang sakit kasi, bakit ganito na lang siya kung magreact? Parang walang namagitan sa amin. Paranoid lang ba ako, o nakamove on na talaga siya?
Tuwang-tuwa pa siya sa pinaggagawa niya. Hindi niya ba alam na nasasaktan niya ako sa mga ginagawa niya? Kasi nagagawa kong umasa kahit hindi dapat, dahil wala na kami.
"Excuse me..." pinigilan kong humikbi. Tumayo ako at tumakbo, bigla silang tumahimik pero patuloy pa din ang party. Lumabas ako sa venue at pumunta sa may bandang parking lot. At doon umiyak ng umiyak.
Hindi ko alam kunga anong dapat kong maramdaman. Ang sakit kasi! Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako kahit ilang buwan na ang nakakalipas lagpas na nga ang sabi nilang 3 months eh, bakit hindi pa rin ako makamove on? Bakit nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko siya?
"Bea..." napatingin ako doon sa lalaking minahal ko. Tumango ako ng bahagya at pinunasan ang mga mata ko na basang-basa sa luha.
"O, anong ginagawa mo dito?" kaswal na tanong ko sa kanya.
"Bakit ka umiiyak?" tumawa ako.
"Napuwing lang ako. Tsaka, inaantok na rin ako." pagsisinungaling ko.
"Hatid na kita." malamig na alok niya sa akin. Umiling ako.
"Inaantay ko pa si Barbie, sabay kami. Sige, okay lang ako." ngumiti ako sa kanya.
"Lalamukin ka dito." nagsasalita siya na parang nag-aalala.
"Hindi, okay lang ako. Sige, una ka na. Sunod na lang ako, papahangin lang." pero hindi siya pumasok sa loob, umupo siya sa tabi ko. Andito ako sa may gutter. Tumungo na lang ako, para halatang inaantok na talaga ako.
"Anong nangyari?"
Bumaling ang tingin ko sa kanya. Kumunoot ang noo ko sa kanya.
"Anong nangyari sa atin? Bakit ganito?" ngumiti na lang ako ng keme. Nagkibit balikat ako. Dahil maski ako hindi ko alam, ang alam ko lang, mahal ko pa din siya hanggang ngayon.
"I got over you. That's it. I think that explains why we're like this." Malamig na tugon ko. Ayoko ng magsayang ng luha sa pagmamay-ari ng iba. Ayokong magmukhang naghahabol lalo na ngayon na may iba na siyang kasama at mahal. Ayos pa 'yong noon, na nagpakadesperada ako para sa kanya, para bumalik lang siya sa'kin, pero iba na ang ngayon. Malaki ang pagkakaiba ng ngayon sa noon.
Noon, masaya kami. Noon, kami ang nagmamahalan. Pero ngayon, may iba na siyang mahal at ako na lang ang nagmamahal sa'ming dalawa. Mahal niya ako? Siguro as a friend. Hindi na madadagdagan ang intensidad ng pagmamahal niya sa'kin. Hanggang doon na lang 'yon. Gusto ko man itanong, may nahihiya pa din sa parte ko.
"No you're not. Don't fool yourself ." Sagot niya.

Komentar Buku (15)

  • avatar
    ValbuenaChat

    Good

    03/07

      0
  • avatar
    LatipMajaleah

    masaus Ito

    21/05

      0
  • avatar
    Mar's Alfa

    mahla kapa. kc na Jake bea

    17/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru