logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 1

August 5, 2020 (100 Days Ago)
8:30 am
RHEIVY
“GOOD MORNING class!” Masiglang bati ng matanda naming adviser na si Mrs. Alvarez.
Agad namang tumayo ang mga kaklase kong kung ano-anong ginagawa. Sabay-sabay kaming nag-bow at bumati ng ‘good morning.’
“Ms. Languo, who’s our absentees for today?”
“Si Kennedy at Kevin Ma’am, excused. May training daw po uli sila sa journalism so, we are all total of nineteen, because Mr. Jester consider as absent for he is late.”
“What?! Kanina pa ako rito ha?” depensa n’ya mula sa kanyang upuan.
“Kaya pala sa likod ka dumaan, halip na rito sa harap?” saad ko at nilingon siya. “You know the rules Carman, you are no exemption even you are part of the council.” Saka ako umupo.
“Ma’am kas—”
“Stop it, Mr. Carman. Go to my office and do a one thousand word essay.” Walang pag-aalinlangang sabi ni Mrs. Alvarez.
“But Ma—”
“No, BUTS! Now, get out and do the essay. Siguraduhin mong tapos ‘yan pagkatapos ng klase ko sa inyo.”
“Yes, Ma’am.” At bagsak balikat siyang lumabas ng classroom.
Well, that’s my job inside this four corners of the room. I’m the President here. At sa labas…
* * *
“Ms. VP, may kailangan kang makita!” Hingal na sabi ni Alexa na halata mong galing sa pagtakbo dahil na rin sa mga butil ng pawis niya sa noo na umaagos na sa kanyang mukha.
“Ano?” May pag-aalalang tanong ko. Paanong hindi, may talsik na dugo ang uniform n’ya.
“Si Hugo at Kennedy!”
“Again?! Those bastard,” mabilis kaming tumakbo papunta kung saan sila nag-aaway.
Anak ng tokwang hilaw!
“Ya, Geumanhae!” (Hey, Stop it!) sigaw ko sa kanilang dalawa. Ngunit hindi sila nakinig at patuloy pa rin ang bangasan nila ng mukha.
Nakita kong susuntok pang muli si Hugo sa mukha ni Kennedy kaya dali-dali akong pumagitna sa kanila kaya hindi na niya iyon itinuloy.
Kita ko ang pagtigas ng kanyang bagang sa pagpipigil ng galit.
“STOP. IT.” Kalmado ngunit gigil kong sabi sa kanya habang nakatingin sa mga mata nito. Agad siyang nagbaling ng tingin sa kung saan at tumalikod sa akin ng nakapamewang, “Ilang beses pa ba kayong mag-aaway, ha?! Nakakahiya kayo! Kung sino pa kayong nasa konseho, kayo pa itong matatakaw sa gulo! Tapos ano, kayo ang advocate ng peace and order dito sa school?!” Halos maputol ang garaganta ko sa pag-sigaw sa kanila. Wala na akong pake-alam kung marindi man sila.
Sila nga, hindi na mag-sawang mag-away. They are still not growing up. Both immature. Bigla namang humarap si Hugo at dinuro-duro si Kennedy habang sa akin naka-tingin.
“Eh, ang hirap sa lalaking ‘yan, palagi na lang niyang nilalapitan ang kapatid ko. Tapos ano? Pinapa-iyak lang n’ya!”
“Eh, ‘di, pagsabihan mo ‘yang kapatid mo na huwag malandi!” sigaw naman pabalik ni Kennedy.
“Malandi? Eh, gago ka pala talaga.” Nag-badya na namang susugod ito kay Kennedy, mabuti na lamang at agad siyang nahawakan ng mga lalaking nakikisawsaw sa paligid, “At ang kapatid ko pa talaga ang malandi? Eh, kung pinapa-putok ko ‘yang bunganga mo, ha?!”
“I said, STOP IT! Mga bingi ba kayo? Alexa, alisin mo na ‘yang si Kennedy rito. At ikaw...” Turo ko kay Hugo habang masama ko siyang tiningnan. “follow me.” Saka nagpati-una.
Mabibigat na hakbang na nagagawa ko dahil sama ng loob ko. Lagi na lang siyang pumasok sa gulo. Ang takaw-takaw n’ya sa gulo. At sobra niya ring gulo.
Simon “Hugo” Schonfeld. A Student Council President, na matakaw sa gulo. At iyong kaaway niya kanina, si Kennedy Barrish. Iyon naman ang student monitorer ng SC dito sa Jacksonville Academy. Kasamahan niya na monitorer si Kevin, sila ‘yung dalawang excused kanina dahil nga journalist photographer sila.
Break time ngayon, kaya naman pala madaling nawala sa classroom kanina si Hugo. Lagi na lang kasi silang nag-aaway. For how many years, three?
Like, heck! They always like that. Hindi na sila nagsawa.
Ganyan sila. Away at walang bati ang sistema nila. Nakakailang kita na rin sila sa detention room, pero wala pa ring epekto. Kahit si Mrs. Reyes na s’yang in-charge roon sa kanila, pagod na rin para pag-ayusin sila. Mas lalo na nga atang inuban dahil sa dalawang g*gong ‘to.
Siguro, nagtataka kayo? Na bakit hanggang ngayon, nasa council pa rin sila, gayong sila ang nangunguna sa pag-aaway?
Dito kasi sa Jacksonville Academy, once you became part of the student council, kahit na ano pang grade level mo, hanggang hindi ka pa nakaka-graduate, mananatili ka sa posisyon mo. Swerte mo kapag grade seven ka, ay naging council ka na. With benefits and scholarship. Isa na ako roon.
Year 2014 ako naging council. At take note, grade seven ako noon. Napagkatuwaan lang nila. And I never knew na mananalo ako as a ‘VICE-PRESIDENT’. Sino ba namang mag-aakala na ang tulad ko ay magiging council? I knew nothing about the rules and regulation of the academy, since I am transferred student that time.
Nanahimik lang naman kasi talaga ko noon sa isang sulok at pinapanood ang botohan na iyon nang bigla na lamang may tumulak sa akin sa gitna at sinigawan niya ang mga tao roon.
“Siya ang iboto n’yo! Kung hindi, babasagin ko ang mukha n’yo!” Mayabang niyang sabi habang inililinga ang mata sa paligid.
Hindi ko pa siya kilala noon, kaya naman sobrang laking galit ko sa kaniya dahil sa ginawa niya.
Sobrang kapal ng mukha niya (si Hugo) sa isip-isip ko. Sino ba s’ya at gano’n na lamang siya mag-salita sa mga taong naroon? At paaano niyang napasunod ang mga ito na ako ang iboto.
Siya kasi ang Presidente at hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote niya at ako ang ginawa niyang VP n’ya.
* * *
“Your really a sh*t Hugo. Hanggang kelan ka ba makikipag-awa r’yan kay Kennedy? Hindi ka na ba nagsasawa?”
“Bakit parang sa akin ka nagagalit? Eh, s’ya naman ang may kasalanan.” Giit pa n’ya.
“Eh, bakit kasi hindi na rin na dala-dala si Sarah? Hindi ko sa kinakampihan si Kennedy, inuunahan ko na. Pero, alam na naman niya ang ugali nitong isa.”
“Eh, sa masisi mo ba s’ya? Kung baliw-baliw siya sa hinayupak na lalaking ‘yun?”
“Aishh. Kahit na, pagsabihan mo na lang si Sarah na ‘wag ng si Kennedy…. Ayusin na lang natin ‘yang sugat mo. Mukha ka ng dugyot.”
Agad kong binuksan ang lumang cabinet na nandito sa rooftop. Dito nakatago lahat ng ebidensya ko sa kalokohan---char! Dito naka-tago lahat ng ginagamit ko sa bangas ng mukha ng sira-ulong ‘to.
“I’m sorry,” aniya na ikina-ngisi ko.
“One hundred,” sabi ko nang humarap ako sa kaniya. Halata namang naguluhan siya sa sinabi ko. “It’s your one hundredth time na nag-sorry ka sa ‘kin.”
“Tss. Your really counting it in your head, huh?” Pagka-mangha niya
“No. I’m not counting it.”
“Then, what?”
“I just remembered it. I have a great, wonderful, and big palace in my head.”
Wala naman siyang naging ibang komento pa. Tumahimik na siya habang nililinis ko ang sugat sa gilid ng labi niya.
“Bakit mo laging ginagamot ang mga sugat ko kapag napapa-away ako?” tanong n’ya.
Hindi naman agad ako naka-sagot. Ibinaba ko ang bulak at nilagyan ng band-aid ang sugat n’ya.
Pinigilan niya ang kamay ko nang akma na akong aalis para ilagay ang kit sa cabinet.
“I’m asking you, once again, Ivy. Why are you doing this?” May banta sa boses niya ngunit walang bahid doong galit.
Huminga muna ako ng malalim saka sinagot siya ng hindi lumilingon sa kanya.
“Is it really bothering you?”
Mabilis naman niya akong hinila paharap kaya napahawak ako sa dibdib niya at ang isa ko namang kamay na may hawak na kit ay napa-hampas sa balikat n’ya.
“Yeah, like crazy,” He said on his husky voice while getting closer to me. Hinila pa niya ako palapit sa kanya na halos mag-dikit na ang ilong namin. “Enlighten me.”
He’s playing dirty. Sige, patulan natin.
“P’wede kong sabihin sa ’yo ang dahilan ng hindi gan’yan kalapit, Mr. President,” sabi ko naman habang may mapaglarong ngiting pinaka-walan sa ‘king labi malapit pa rin sa kanya.
Agad ko siyang tinulak palayo at buong pwersa kong binawi ang kamay ko sa kanya nang masabi ko iyon.
“But, not now. You should earn it. It’s too pricey. Mataas kaya ang palitan ngayon, mahiya ka naman kung hindi mo babayaran.” Saka siya tinalikuran.
Dinig ko pang may sinabi siya ngunit hindi ko na ito pinakinggan. Agad kong inilagay ang kit sa cabinet at naglakad na pababa, habang naka-lagay ang kamay ko sa dalawang bulsa ng cardigan ko.
Hugo is a brat. Medyo bully rin s’ya, wala s’yang paki-alam kung iiyak ba ang binubully n’ya. Wala rin siyang pakialam kung SC siya o ano? Wala siyang pakialam sa lahat ng bagay sa paligid n’ya. Pero, iba ang nakikita ko sa kanya.
And I admit, I admire him for that something, I can’t explain.
Just.
Narinig ko naman ang pagsunod niya sa akin, lilingunin ko sana siya ngunit nagsalabid na ang paa ko dahilan para mapabagsak ako sa sahig.
“How many times did I tell you? Never put your hands in your pocket while walking?”
G! Why am I so clumsy?

Komentar Buku (4)

  • avatar
    murillojamela

    So this is my first time reading a story in just one night napakaganda ng story naiyak ako na Ang dami Kong narealize I really love this story love, friendship's,a little bit betrayal Sana may movie na gamito

    18/01/2022

      1
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story🥰🥰🥰

    06/06

      0
  • avatar
    Nico Jay Maaño Selosa

    wow

    07/08/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru