logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3

Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin at napangiti na lang dahil sa naging maayos ang resulta nang pag-aayos ko. Ngayon ako pupunta sa t'way company para magpirma ng contrata tulad nga ng sabi ni Lala. Pinaghandaan ko itong mabuti, wala dapat makitang mali sa akin ang president ng t'way. Matagal ko itong hinintay na pagkakataon kaya wala dapat maging palpak.
"Ready ka na?" tanong ni Lala nang makapasok ito sa k'warto ko. Hinarap ko s'ya at ngumiti ng malakk
"Kanina pa, pero sana kumatok ka man lang bago pumasok. I need privacy too, Lala. Kahit dito man lang sa kuwarto ko, diba?"
"Tsk, dami mong alam. E, sa gusto ko," mataray niyang sabi. Napailing na lang ako't inis na napabuntunghininga. Kahit nakakairita siya ngayon, hindi ko siya papatulan. Special ang araw na 'to para magalit lang dahil sa kaniya. Muli akong napatingin sa salamin, at katulad kanina ay napangiti ulit ako. Hindi ko akalain na sa ilang oras kung pag-aayos ay ganito ang kalalabasan.
Isang itim na dress ang sinuot ko ngayon, hanggang sa taas ng tuhod ang haba nito at hapit sa bewang ko ang damit. Ito ang pinili kong damit dahil dito ako mas komportable. Nang makita kong maayos na ang lahat ay kinuha ko na ang black shade ko at isinuot.
"Huwag ka ng masiyadong magpaganda. Para kang pupunta sa party sa ayos mo," sabi niya, at hinila ako sa kamay palabas ng k'warto ko.
"Hey, ano ba! Kung makahila ka naman sa akin ay para akong bata. Akala mo ikaw 'yong boss dito, ah?" pagrereklamo kong sabi sa kan'ya, ngunit tila wala itong narinig dahil patuloy pa rin n'ya akong hinihila hanggang sa makarating kami sa parking slot ng building ng condominium.
"Ang dami mo pang sat-sat. Pumasok ka na nga, bago pa ako mainis at maitulak pa kita papasok," sabi niya. Bahagya niya pa akong tinulak sa braso na parang naiinis na talaga.
Nakakainis talaga ang babaeng 'to! Minsan napaka-supportive sa akin tapos biglang nagiging sadista. Ang sarap niyang itapon sa North Pole, ah. Kung pwede lang, eh.
"Ano pang ginagawa mo r'yan! Parang kang pagong kung kumilos!"
"Ito na, papasok na! Para kang si wonder woman, palaging galit," ganti kong reklamo sa kaniya at pumasok ng kotse. Tinarayan niya lang ako at pinaandar ang kotse bago pinatakbo.
Umabot ng kalahating oras ang naging byahe namin bago tuluyang nakarating sa harap ng t'way company building. Kaagad din naman akong lumabas ng kotse at hinayaan na si Lala na i-park ito. Walang dalawang isip na pumasok ako sa loob ng building at taas noong naglakad sa hallway. Hindi ko man tingnan, alam kong pinagtitinginan ako ng mga empleyado. Well, sino nga naman ang hindi ako titingnan? Gumagawa na nang ingay ang pangalan ko sa industriya ng pag-aartista, at ngayong isa na akong modelo ng t'way, segurado akong mas makilala pa ako.
Huminto ako sa harap ng elevator at pinindot ang open button. Hindi ko na kailangan pang magtanong sa reception area dahil alam ko naman kung saan matatagpuan ang office ng presidente ng t’way. Hindi rin nagtagal ay bumukas na ang elevator kaya walang dalawang isip na pumasok ako sa loob. Pinagtitinginan pa ako ng mga kasabayan ko sa elevator. Nagtataka kung bakit ako nando'n sa building.
Hindi ko sila pinansin, pinindot ko ang pinakamataas na floor ng building at naghintay na tumigil ito doon. Lumabas kaagad ako at hindi maiwasang mapairap dahil sa sobrang tagal na makarating ako rito. Siguro next time sa private elevator na lang ako sasakay, total magiging model na rin ako rito.
Hinanap ng paningin ko ang table ng secretary at hindi naman ako nabigo nang makita ko ito. Lumapit ako sa kaniya at tumayo sa harap niya. Napatigil naman ito sa ginagawa at tiningala ako.
"Yes?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at tinanggal ang suot kong shade. Inaayos ko ang nagulo kong buhok. Muli ko itong tiningnan at matamis na ngumiti.
"Hi, I'm Allyson Rodriguez. The new model of t'way company," pagpapakilala ko sa kan'ya at mas pinalawak pa ang ngiti.
"Po? Hala, sorry po, Miss Allyson. Hindi ko kaagad kayo nakilala," tarantang sabi niya at hindi alam ang gagawin.
"Hey, don't panick." Hinawakan ko siya sa kamay at pinakalma.
"Mas mabuting gawin mo ay ipaalam mo na sa boss mo na nandito na ako," sabi ko sa kaniya.
"Ahm, actually sabi po ni Mr. Lorenzo. Papasukin ka na raw kaagad pagkadating mo," sabi niya habang diretsong nakatingin pa rin sa akin.
"Okay." Muli akong ngumiti ng matamis dito at papasok na sana sa opisina nang bigla niyang hawakan ang braso ko.
"M-miss Allyson, p’wede pong magpa-picture?" nahihiya niyang tanong sa ‘kin, napatawa naman ako nang mahina.
"Sure." Pagkarinig palang niya nanv sinabi ko ay kaagad siyang lumapit sa akin.
Nakailang kuha rin siguro siya bago tuluyang natapos. Game na game naman akong nakisama rito, hindi na rin masama ‘to. Siguradong trending na naman ako mamaya sa lahat ng internet. Nagpaalam ako na papasok na't kaagad naman siyang tumango na may malapad na ngiti habang hawak ang cellphone na may kuha naming dalawa.
Mahirap talaga kapag artista, lahat nababaliw sa beauty ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng office ng presidente. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha nang makita ko ito, kahit laman na ito ng iba't ibang social media ay hindi ko pa rin maiwasang ang ganitong reaksiyon. Iba pa rin kasi kapag personal mo nang makita ang isang lugar kung sariling mga mata mo na ang nakaki. Inilibot ko ang tingin sa buong opisina at hinanap ang may-ari nito, pero kahit isang anino ay wala akong nakita.
“Hmm... nasaan na kaya nagpunta ang Mr. Arzhen Lorenzo, na'yon?” tanong ko sa isip.
"Ms. Rodriguez?"
Natigilan ako sa kinatatayuan ko ngayon nang may narinig na boses sa likuran ko. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya, ngunit napatulala ako nang makita ko ito. Hindi ko inaasahan ang makikita ko ngayon. Lahat ng magandang bagay na narinig ko sa kaniya ay biglang nabahiran ng ibang damdamin. Sabi ng karamihan na sobrang perpekto niya kaya hindi siya nagpapakita o nagpakilala sa lahat, pero nagkakamali sila dahil ang taong nasa harapan ko ngayon ay magulo ang buhok at halata ang peklat sa mukha. Kung hindi pa siya nakasuot ng suit na nakalagay ang pangalan ni Arzhen Lorenzo, ay aakalain kong hindi siya ‘yan.
Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit? Bakit ito may peklat sa mukha? Dahil kahit kailan wala akong nabalitaan na naaksidente o nasangkot siya sa sunog. O baka naman itinago nila ito sa media at maraming tao?
Hindi ko mapigilang mapaatras dahil sa gulat. Kaya pala... kaya pala kahit isang picture niya sa social media ay wala akong makita.
"Hindi mo na kailangang ipakitang natatakot ka, Ms. Rodriguez," malamig na sabi niya, bago tumalikod sa 'kin.
Pumunta siya sa sariling upuan para umupo roon bago pinaikot paharap sa glass wall na kita ang buong city. Naka side view siya sa akin, kaya kitang-kita ko ang hugis ng mukha niya, lalo na ang peklat na kitang-kita ko.
"A-anong nangyari sa mukha mo," hindi ko mapigilang tanong sa kaniya. Naguguluhan talaga ako kung paano ito nangyari.
"Your question is wrong, Ms. Rodriguez. Paano. Paano ito nangyari sa 'kin," nagbabagang matang sabi niya habang nakatingin pa rin sa buong city na parang do'n niya pinaparamdam ang galit niya. Kahit naka side view siya’y kitang-kita ko kung paano umapoy ang kan'yang mga mata. Ngayon ko lang ito nakita ngunit nakaramdam ako ng matinding takot na kahit kailan ay hindi ko pa naramdaman.
Tumayo ito at mahinahong tiningnan ako. Kung kanina ay parang leon itong handang kumain ngunit ngayon parang pusa siyang naging maamo.
"Bakit mo ba ako pinapupunta rito? Kahit p’wede mo namang ipadala na lang ang contract sa email?" matapang kong sabi nang mahanap ko ulit ang tinig ko na ilang minuto yatang nawala.
"Do you really want to know?" tanong niya. Hindi ko alam pero tila may ibang pinapahiwatig ang sinabi niya nang tanungin ako.
"O-oo, at ayaw ko nang paligoy-ligoy pa." Binalewala niya ang sinabi ko at pumunta sa isang drawer malapit sa p’westo niya. Inilagay niya ang password at may kinuha sa loob na folder.
"Open it," utos niya sa 'kin at inilapag ang folder sa table niya.
Napairap ako, ano bang nangyayari sa mga tao ngayon at ang hilig mang-utos. Nilapitan ko ito at agad binuksan para basahin. Napataas ang kilay ko habang binabasa ang laman ng folder. Hanggang sa matigilan ako nang may nabasa akong kakaiba.
Rule no. 9
-You are not allowed to meet or talk to any member of your family while you still have a contract with me.
"Ano 'to? Akala ko ba kontrata? Bakit ang daming rules naman nito. School lang ang peg, gano’n? May rules and regulations?" nang-iinsulto kong tanong sa kan'ya. Sino ba namang matinong tao ang maglalagay sa kontrata na bawal akong makipag-kita sa pamilya ko habang nagta-trabaho sa kompanya n'ya?
"I don't care if you complain."
"Ano? Eh, anong k'wenta nang pagpunta ko rito kung bawal pala akong mag-complain? At anong ibig mong sabihin?" Inilapag ko sa table n'ya ang folder at buong tapang siyang tiningnan sa mata pero kaagad din napalihis ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.
"Your manager signed the contract yesterday before you came here, so you don't have to change it because he already signed it," sabi niya na nagpagulantang lalo sa akin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya. Si Lala pinirmahan ang kontrata na hindi nagpapaalam sa akin? Hindi ko naman s'ya masisisi, alam nito na noon ko pa gusto na maging modelo sa t'way company pero sana pinaalam n'ya muna sa'kin! At kung napirmahan na pala ni Lala ang kontrata, eh, ano 'to?
"Kung gano'n, para saan pa ang pagpunta ko rito?" taka kong tanong sa kaniya. Sobra akong naguguluhan sa mga nangyayari. Muli siyang tumingin sa glass wall at ngumiti na parang demonyo.
"Para sa akin at..." hinarap n'ya ang ulo niya sa akin at matamis akong nginitian na s'yang nagpabigay ng kilabot sa buong pagkatao ko, "para sa 'yo..."

Komentar Buku (59)

  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    ow so cute

    10/08

      0
  • avatar
    Eunuce Myrtle Lachica

    wow nice

    13/07

      0
  • avatar
    Queen Elisabeth Cabrera Musica

    very niceee

    16/03

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru