logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Her Hurtful Mistake

Her Hurtful Mistake

Lyndiolas1


Chapter 1

"Bilisan niyo namang maglakad para kayong pagong kung kumilos!" sigaw ni Miss Freya Catalan sa amin.
Halos hindi mapakali ang lahat habang inaayos ang buong gym ng school. Lahat ay may kaniya-kaniyang ginagawa at isa na doon si Miss Freya na naatasang mag-ayos nang lahat.
Kanina pa ito sigaw nang sigaw. May gaganaping event sa school namin ngayon kaya sobrang busy nito. Wala naman talaga dapat kami rito pero dahil kami ngayon ang klase niya'y kami ang ginawang alalay.
Pupunta ang pinaka imporatanteng guest sa school namin. Si Rigo Sandoval, ang gobernador ng lugar namin at isa sa mga may-ari ng school.
"Oh? Nasaan na ang pinapakuha ko?" tanong ni Miss Freya sa akin nang makita niya akong nakatayo lang. Inutusan niya kasi akong kumuha ng upuan sa stock room pero hindi ko kayang buhatin lahat ng 'yon.
"Hindi ko po kasi kaya lahat nang 'yon, Miss Freya," sabi ko na may pagdadahilan sa tono. Pinanlakihan niya ako ng mata at mas lalong nakita ko rin ang guhit sa gilid ng mata niya. Tanda na May edad na ito.
"At anong gusto mo? Tutulungan pa kita!" biglaang sigaw niya, na siyang nagpakuha ng atensiyon ng ilang estudyanteng gumagawa rin.
Nahihiya naman akong napangiti sa kanila. Ba't kasi hindi na lang ako humanap ng pwede kong kasama para hindi na ako nasigawan. Umiiling na lang ako sa kaniya nang ilang beses sa sobrang kaba. Baka kasi kapag nagsalita ako ay bigla niya na lang akong itulak dito. Warfreak pa namang klaseng teacher ‘to.
“Sa susunod kasi utak ang gamitin para hindi na kayo mapagalitan. Ano'ng silbi ng pinag-aralan ni’yo, kung hindi naman ginagamit. Palibhasa ay puro kayo lovelife ang iniisip. Aral muna bago landi. Tsk, mga kabataan talaga ngayon." Mahabang pangaral niya sa akin, at napahigpit na lang ang hawak ko sa aking school uniform para pigilang sumabat dito. Hindi naman kasi lahat ng estudyante ay gano'n at anong karapatan niya para husgahan ako ng gano'n?
Mataray itong tumalikod sa akin habang nagsasalita pa rin nang masasakit na salita. Napanguso na lang ako sa inasal ni Miss Freya, imbes kasi na turuan niya kami ng maayos ay ito pa ang masama ang ugali. Pa’no matututo ang estudyante niya, kung ganyan siya? Tsk, goodluck na lang talaga.
Tumalikod na rin ako't tinahak ang daan papunta sa stock room. Hindi rin nagtagal ang lakad ko nang makarating na ako nang tuluyan sa harap ng pintuan. Hinawakan ko ang doorknob at binuksan ito, pero napakunot ang noo ko nang hindi ko ‘yon mabuksan kahit ilang ulit kong gawin.
“Ilang buwan na kaya ‘tong hindi binubuksan?" tanong ko sa sarili, kahit alam kong hindi ako nito sasagutin.
Muli ko itong sinubukan pero hindi ko inaasahan na masira ko ito. At least nabuksan ko diba? Nagkibit-balikat ako't tuluyan nang binuksan ang pinto.
Pagpasok ko palang sa loob ay sumalubong na sa 'kin ang mabigat na daloy ng hangin sa paligid dala ng alikabok. Iba't ibang uri ng insekto at sira-sirang ang nasa paligid na hindi na yata ginagamit ng ilang taon. P’wede na yata ‘tong matulad sa isang hunted stock room.
Nakasimangot naman ako, sa rami kasi ng classmate kong lalaki ay ba't ako pa ang inutusan? ‘Di niya ba naisip na babae ako? Hindi ko obligasyon na magbuhat ng mabigat. Paano na ‘to ngayon? Pero wala na akong magagawa. Bruhilda pa naman ang babaing 'yon.
Napabuntunghininga ako't nilapitan ang patong-patong na upuang plastic. Hinati ko ito sa tatlong bahagi. Buhatin ko na sana ito ng may kamay na pumigil do’n.
Tila napako ako sa kinatatayuan ko ng makilala kung kaninong kamay ‘yon. Dahan-dahan ko itong sinundan hanggang sa tumigil sa dalawang pares ng matang nakatingin sa kaniya. Kumikislap ‘yon na parang isang bituin sa gitna ng madilim na gabi.
"Do you need help?"
Napatakip ako ng bibig nang makumpirma ngang siya ‘yon. Nagtila alon ang mata ako dahil sa luhang nagbabadyang kumalas.
"R-rigo," ang tanging katagang lumabas sa labi ko ng mga oras na 'yon.
"Miss me?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Wala akong sinayang na minuto, kinalas ko ang paghawak sa upuan at agad na lumapit sa kaniya para yakapin ito nang mahigpit. Sobra ko siyang na miss at walang salitang makakapantay do’n.
"Ikaw ba talaga 'to?" wala sa sariling tanong ko. Mas lalong hinigpitan niya ang pagkayakap sa akin, para ipabatid na totoo ito at hindi imahinasyon lang.
Napahagulgol na lang siya sa sobrang saya. Inilagay niya ang mukha sa tapat ng dibdib nito at do’n umiyak nang umiyak.
Maya-maya'y humiwalay ito sa pagkakayakap ko at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Pinahiran niya ang luha ko, habang may munting ngiti rin na nakapaskil sa labi niya.
"I miss you, Love," sabi n'ya sa akin at pinatakan ng mahinang halik ang noo ko, pati na rin ang tuktok ng ilong ko, at ang panghuli ay ang labi. Mabilis man pero ramdam ko ang pagmamahal niya.
Hindi niya lang alam kung ga’no ko siya ka miss pero mas pinili kong hayaan na lang ito at 'wag na lang magsalita para damhin ang kakaibang pakiramdam na nakapaligid sa aming dalawa. Ang sarap din tingnan ng ngiti nitong malapad at mga matang buong pagmamahal akong tinitingnan. Lahat yata sa kan'ya ay sobra kong minahal at na-miss.
Hindi pa yata ako nakontento sa iginawad niyang halik sa akin dahil hinalikan ko ulit siya sa labi. Mabilis din tulad nang ginawa niya kanina. Narinig ko ang mahina nitong tawa na s'yang ikinagalak ko.
Alam ko, na ako lang ang nakakagawang pangitiin o patawanin ang isang katulad n'ya. Kaya hindi ako nagsasawang patawanin ito palagi. Tiningnan ko ito sa mata ng buong pagmamahal at gano'n din ang ginawa niya sa akin. Ilang minuto yatang nagkatitigan kami, bago unti-unting napangiti sa isa't isa.
"Kumusta ang pagdalaw mo sa cebu?" tanong ko at isinandal ang ulo sa balikat n'ya para yakapin muli siya. Gano'n din ang ginawa niya sa akin.
"Maayos lang naman," maikling sagot niya at hinalikan ako sa ulo na s'yang lalong nagpalapad ng ngiti ko.
"Ang lolo mo? Maayos na ba siya?"
Isang linggo itong namalagi sa Cebu dahil na rin sa kagustuhan ng abuelo. Wala itong magawa nang humiling dito ang matanda, dahil may sakit ito kaya hindi niya matanggihan.
"Okay naman si lolo, dala ng rin siguro ng katandaan kaya mahina na." Nakaramdam naman ako ng awa para sa lolo niya. Minsan ko nang nakilala ang lolo niya nang dalhin ako nito sa bahay nila sa Cebu.
Mabait ito at masiglahin. Kahit matagal nang nawala ang asawa ay pinananatili pa rin ang lakas pero nito lang ay nabalitaan nilang nagkasakit ito. Kaya sobra talaga ang pag-alala nila. Matagal na rin ng huli kong punta do'n pero sa pagkakatanda ko’y malakas pa ito. Ang hindi ko lang maintindihan ang biglaan nitong pagkasakit. Siguro nga dahil matanda na.
Humiwalay ako sa pagkakayakap at tiningnan s'ya. Bakas ang pagod sa mukha nito, naintindihan ko naman dahil sa dami nang ginagawa niya ay dumagdag pa ang nangyari sa lolo niya.
"Huwag ka nang mag-alala, sigurado akong magiging okay rin ang lahat," sabi ko at hinawakan ang pisngi n'ya para ipaharap sa akin.
Mas lalo akong naawa sa kan'ya dahil sa nakita kong lungkot sa mga mata ni Rigo, pero hindi ko pinapakitang naaawa ako sa kaniya. Ayaw nitong kina-aawaan ng ibang tao at hindi makakatulong kung ipakita ko na kinakaawaan ko siya.
"I know," sabi nito na may ngiti na sa labi. "And thank you, for always being by my side."
Hindi ko mapaipigilang mapangiti sa sinabi n'ya. Ito ang gusto ko sa side ni Rigo, kaya n'ya akong pasayahin sa simpleng salita. Na kahit ga’no kalungkot ang pinag-uusapan namin ay hindi pa rin mawala sa isip niya na pakiligin ako.
"Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo dahil mahal kita, pangako," sabi ko sa kan'ya na may malapad na ngiti sa labi.
Buong buhay ko, palagi nila akong iniiwan. Walang nagtatagal sa akin, lahat sila sinasabi na ang selfish ko raw pero alam ko sa sarili na hindi 'yon totoo. Na lahat gagawin ko para sa mga taong mahal ko.
Mula pagkabata palagi akong kinukumpara sa iba. Para akong nasa gitna ng karerahan, dahil bawat taong kinukumpara sa akin ay hinahabol ko. Nagbabasakali na mapansin din nila na kaya ko rin, kaya ko ring gawin ang kaya nila.
Ang mga taong inaakala kong tutulong sa akin ay pinaglaruan ako at sinaktan. Lahat sila ay ayaw sa akin, kaya natatakot na akong iwan n'ya rin ako. Ang nag-iisang taong tinuring ako na iba at minahal ako ng sobra.
"May problema ba?"
Napatingin ako sa kan'ya nang mag-salita ito. Puno rin ng pagalala ang buong mukha niya. Hindi ko man lang namalayan na natigilan pala ako ng ilang minuto. Tipid akong ngumiti sa kan’ya at binigyan s'ya ng mabilis na halik sa pisngi.
"Wala. Naisip ko lang kung gaano ako ka swerte na minahal ako ng isang kagaya mo. I mean, tingnan mo. Sa rami ng babaeng pwede mong magustuhan ay bakit ako pa? Ako na wala man lang yaman na ipagmamalaki sa ‘yo at sa ibang tao."
Hinawakan n'ya ang pisngi ko at hinaplos ito ng buong pag-i-ingat.
"I don't need money. All I need is your love, and I don't need anyone but you, and I don't need anyone else, just you,” inilagay niya ang buhok ko sa likod ng tainga, “I'm probably the luckiest man, because you love someone like me. You are always there when I need you and you make me feel better. Thank you for loving someone like me, too."
Parang gusto kong maiyak sa sinabi n'ya. Akala ko malabong mangyari ang ganito. Ang mahalin ng taong buong buhay mong pinangarap. Isa na lang tanga ang mag-i-isip na iwanan ito. Mahal ko siya, mahal na mahal higit pa sa buhay ko.
Napapikit ako nang padaanin nito ang hintuturo sa ilalim ng mga mata ko para pahiran ang luha kong gustong kumawala. Sana ganito na lang kami palagi. Walang hadlang, walang mga nanghuhusgang mga mata sa paligid namin at higit sa lahat mahal namin ang isa't isa.
Mahal ko s'ya at sana wala nang hadlang pang darating sa aming relasyon ngayon at sa susunod pa naming kabanata dahil hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin sa oras na iiwan n'ya rin ako. Iniwan na ako ng lahat, pinabayan at tinapon na parang basura. Sana siya na, siya na ang taong para sa akin at mamahalin ako habang buhay.
***
"Okay, cut! Good job, Ally! Keep a good work!" sigaw ng director namin at pinunasan nito ang namumuong luha.
Kahit ang ibang mga staff nito ay pinahiran rin ang mga luhang gustong kumawala. Kan'ya-kaniyang alis sa pwesto ang bawat isa para pumunta sa kinatatayuan ko upang ligpitin ang gamit na ginamit sa seat. Ang iba ay lumapit pa sa ‘kin at binati ako. Isa-isa ko naman silang binati pabalik. Kung hindi dahil sa kasipagan nila ay hindi matatapos ang project na ‘to nang matiwasay.
"Ang galing mo talaga, ally. Walang binatbat," sabi ni Lala habang nilalagayan niya ako  ng jacket.
"Sa tingin mo natuwa kaya sa akin si derik?" tanong ko habang naglalakad papunta sa dressing room ko.
"Naku, kung nakita mo lang ang mata n'ya kanina. Kung makatingin sa ‘yo ay para kang dyosa na bumaba mula sa langit," pagmamalaking saad ni Lala.
Napangiti naman ako sa sinabi n'ya. Kahit tatlong taon pa lang itong nagtatrabaho sa akin bilang Manager ay marami na agad itong nakuhang proyekto at dahil din sa kaniya ay unti-unting nakilala ang pangalan ko sa mundo ng pag-aartista. Habang tumatagal din ay naging kaibigan ko na rin ito. Mabait at tapat sa trabaho si Lala, kaya hindi malabong naging close ko ito pero kung minsan ay hindi maiwasang maging maldita ito sa akin. Magkaroon ba naman ng matigas ng ulong katulad ko.
Pagkarating namin ng dressing room ay agad akong pumasok at lumapit sa upuan, kaharap ang malaking salamin.
"Hay, sa wakas natapos na rin," sabi ko at umupo sa stool na nakalaan sa akin. Pinaikot ko ito at hinarap sa  salamin. Isa ito sa malaking project na dumating sa akin bilang artista. Bago lang ako sa industriyang ito at masasabi kong gumagawa na ng ingay ang pangalan ko sa mga tao. Mula pagkabata ay hilig ko na talaga ang pag-acting. Kaya nang magkaroon ng audition sa pag-artista ay hindi ko ito pinalampas.
"Nakikinig ka ba, Ally?" Napatingin ako kay Lala nang padaanin nito ang kamay sa harap ko.
"Huh?" tanging na sabi ko dahil hindi ko alam kung anong sinasabi n'ya.
Napairap ito sa akin. "Sabi ko, pagkatapos nito ay may celebration na magaganap at imbitado lahat dahil sa wakas ay tapos na ang shooting ng movie." Napaisip ako sa pagimbita nila ngunit ang gusto ko lang ngayon ay magpahinga.
"Hindi na siguro ako sasama, Ally. Gusto kong lang gawin ngayon ay magpahinga. Pasensiya na kamo." Tanggi ko rito at tumayo para harapin siya.
"Okay, sasabihin ko na lang sa kanila." Nagkibit-balikat ito at pinagpatuloy ang ano mang ginagawa niya sa cellphone.
Tumango ako at tumalikod na para lumabas. Busy pa rin ang mga staff nang makalabas ako ng dressing room. Ang ilan sa kanila kanina pa pagod dahil sa pabalik-balik na trabaho.
"Hello, Miss Ally." Bati sa akin ng isang staff nang dumaan ako sa harap n'ya. Binigyan ko ito ng matamis na ngiti at bahagyang tumango.
“Hello rin sa ‘yo,” sabi ko na may paggalang sa tono. Kahit wala ako sa mood ngayon para makipagusap sa iba ay hindi ko naman hahayaan na may maisip silang masama sa akin. Gano’n din ang ginawa ko sa ibang mga staff na nakakasalubong ko, at nang tuluyan na akong nakalabas sa set ay diretsong pinuntahan ko ang kotse kung saan ko ito ipinarada. Medyo may kalayuan ito at madilim na ang parteng 'yon. Hapon na kasi nang matapos ang shooting kaya madilim na.
Inilabas ko sa bag ang susi para buksan ang kotse. Ngunit agad din akong napatigil nang may humawak do’n.
"Do you think, matatakasan mo ako, Ally?" Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na boses. Ilang taon ko ring pinagtaguan ang boses na 'to, ngunit sa pagkakataon na ‘to ay hindi ko na siya matatakasan. Mahahanap at mahahanap na niya ako, kahit saan man ako pumunta.
Mas lalo akong natulos sa kinatatayuan nang maramdaman ko ang presensya nito sa likuran ko. Pati na rin ang hininga nitong tumatama malapit sa tainga ko.
"Hinding-hindi mo ako matatakasan, Allyson," bulong niya na nagpakaba sa akin.
 

Komentar Buku (59)

  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    ow so cute

    10/08

      0
  • avatar
    Eunuce Myrtle Lachica

    wow nice

    13/07

      0
  • avatar
    Queen Elisabeth Cabrera Musica

    very niceee

    16/03

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru