Chapter 3 Sa pagtila ng ulan ay doon na din napamulat si Priscilla dahil naramdaman niya na parang may gumagalaw sa kung nasaan man siya at pagtingin niya nakasakay sa siya sa kotse kaya gumagalaw. Dahil sa kuryoso napatingin siya sa driver kahit ayaw niya. Paglingon niya ay tila ba tumigil ang kanyang mundo ng literal. Hindi niya malaman kung sisigaw ba o mananatiling kalmado. Namukhaan niya ito, siya iyong kinaiinisan niya na regular customer, si Russo. "Saan mo ko dadalhin?" Paunang tanong niya at ng maalala ang nangyari ay agad niyang naalala ang passbook niya na isinuksok niya sa pagitan ng kanyang dibdib. Manipis lamang ang tela ng kanyang damit at basa pa ito kaya naaninag ang kanyang bra. Dinukot niya ang kanyang isinuksok at laking pasalamat na hindi iyon nabasa. Kung siya ay nakahinga ng maluwag ang kanyang katabi naman ay napasinghap. Nagiging balisa at pilit inaalis ang kanyang mata sa kanya. "T-To...the hospital." Kinakabahang sagot niya. Ngayon pa lang ay minumura niya na ang kanyang sarili kung bakit siya nagka-ganoon. 'Damn, Russo! Please behave! Don't scare her!' Pangaral niya sa sarili habang patuloy pa din sa pagda-drive. Heavily tinted and kanyang sasakyan pero naaninag naman nila ang labas pero hindi na popular ang daan na tinatahak nila para kay Priscilla. "Bakit?" "Are you serious? Or you didn't know what happened to you? Did you lost your memory?" Sunod-sunod na tamong niya sa inglis na naintindihan naman niya pero kung patuloy itong magsasalita sa ganoong lenggwahe ay tiyak na sasakit ang kanyang ulo, lalo pa't may maganda itong accent na halatadong may lahi. "Teka lang naman! Dahan-dahan! Naiintindihan naman kita e." Pagpigil niya dahil baka dagdagan pa niya amg kanyang mga tanong, mahirap na. The side of his lips rose up amusingly, nawala din tingin niya sa kalsada kaya dahan-dahan na lamang ang kanyang pagmamaneho dahil nakatingin na siya sa babaeng nasa kabilang upuan ng kanyang sasakyan. "Okay?" "Hindi ko naman nakalimutan ang nangyari at huwag mo na ako idala sa hospital. Ayos lang ako, Sir. Ibalik mo na lang ako kung saan mo ako nakita." "What?! I'll bring you to the hospital." Priscilla clicks her tongue. "Ang tikas naman ng ulo mo, Sir. Naabala pa kita kaya please lang pakibalik na lang ako." "I can't. I have a meeting in five minutes. And we're almost in the building where the meeting will be held." Nalaglag ang panga niya sa sinabi ng lalaki. 'Napakalaking problema naman nito.' Tanging bulong niya. Kahit basa ang kanyang damit ay hindi siya nakaramdam ng matinding lamig dahil naka off ang aircon ng sasakyan. Maya-maya pa natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang parking lot ng mataas na building. Patuloy pa din ang buhos ng ulan pero kung sakali man na lalabas sila ay hindi na sila mababasa pa. Tinanggal ni Russo ang kanyang seatbelt at hinubad ang basang suit para ibigay kay Priscilla. "Wear that and follow me." Umawang ang kanyang labi sa narinig na utos, alam niya naman kung ano ang gustong mangyari nito pero hindi niya mapapayagan. Masyadong hindi kanais-nais ang kanyang pagmumukha para isama niya sa loob ng building na iyon. Mukha siyang basang-sisiw na kinawawa at pinabayaan na lamang. "Hindi. Ayoko." Umiling-iling pa siya tila pinal na ang desisyon. Russo sighed. Napapatunayan niya lamang kung gaano naiiba ang babaeng kaharap niya sa lahat ng babaeng nakita. "Why? You want to be alone in here? My meeting will last three hours is that okay for you?" Namilog naman ang mata ni Priscilla pero gayun pa man ay hindi siya nito mapapayag kaya naman nakaisip siya ng paraan kung paano makakaalis dun ng hindi na siya hinihintay at ihatid nito. Mag-aayos na rin siya ng sarili para sa kanyang trabaho mamaya. "Bigyan mo na lang ako ng pera." Paghingi niya. "What?! What for?!" Kunot-noo nitong binalingan ng atensyon si Priscilla, hindi makapaniwalasa inasta. Sa kanyang karanasan ay humihingi lamang ang mga babae ng pera sakanya pagkatapos na may mangyari sa kanilang pagitan. Lumingon din si Priscilla para tignan siya hindi gaya ng kanyang inaasahan ay nagtama ang kanilang mata, para may kakaibang namitawi sa kanyang sistema kaya inalis niya ang paningin sa lalaki. "Pera para sa pamasahe. Hindi mo na ako kailangang ihatid pa, bigyan mo na lang ako ng pamasahe para makapagtaxi." He gasped loudly but turns out into a chuckle. "You're unbelievable," Ika nito. "Ano? Bibigyan mo ba ako o hindi? Tapos na ang limang minuto mo, late ka na sa meeting. Kaya bigyan mo na ako ng pera, nang makaalis na tayong dalawa dito sa sasakyan mo." Hindi naman siya naniwala sa sinabi nito kaya napatingin siya sa kanyang wristwatch at nakumpirma na tama ang sinabi nito. Maya't-maya na rin tumutunog ang cellphone niya. Malalim na lamang siyang napabuntong-hininga at kinuha ang mamahaling wallet sa kanyang bulsa, mabuti na lamang ay may mga nakalagay na cash dun na maaari niyang ibigay sa babae. "How much?" "Yung saktong pamasahe lang." Hindi alam ni Russo kung magkano iyon kaya kumuha na lamang siya ng sampung libo at nilahad sakanya. Kunot-noo lamang iyong tinitigan ni Priscilla, sobrang laki na nun para makapambayad sa taxi. Napailing siya kaya ang akala ni Russo ay hindi iyon sapat kaya dinagdagan niya pa ng limang libo. Napapikit na lamang siya mukhang nagkamali siya na humingin ng pamasahe dito. "What?! Get this. Or this isn't enough?" Naguguluhang tanong niya. Hindi niya malaman kung kulang o ano dahil pabago-bago ang expression ng mukha nito. "Sobrang-sobra na iyan, Sir. Ayos na ang limang daan o kahit isang daan." Magalang na pagkakasabi niya. Ngayon ay nakamulat na. Tila napahiya naman si Russo sabay sabing: "I didn't have that kind of money." Sa isip ni Priscilla. 'Ganyan talaga kapag mayayaman. Hindi na ako magtataka.' "Isang libo na lang, Sir. Ibabalik ko sainyo ang sukli. Kapag nakita ko kayo sa bar mamaya." Ngumiti ito at handa na kumuha ng isang libong papel pero inalis ito ni Russo kanyang maabot. "You'll work there later?" "Oo. Kakasabi ko lang e. Bingi lang?" Kumunot ang noo nito sakanya kaya bigla siyang napatakip sa bibig. "Sorry...." nag peace-sign pa siya. "Hmm. I see. Then grab this fifteen thousand as my downpayment." "Ha?" Hindi maintindihan ni Priscilla kung ano ang pinupunto nito. Downpayment para saan? Wala naman siyang binibenta na kung ano sa bar. Ang mga customer na nagbibigay lamang ng downpayment ay kung gusto nila ng mainit na gabi sa mga stripper na mayroon sa bar. Nanlaki ang kanyang mata sa nahinuha. "Waitress po ako, Sir. Hindi ako ganun sa mga nakikita niyong sumasayaw sa gitna." Umiling-iling ulit siya. May pagkadismaya ang kanyang boses dahil para bang lahat na lang ng lalaki ay magbabayad ng malaking halaga para lamang makasiping ang mga bayarang babae. "I know. But if ever you'll change you mind. I'm willing to pay on how much you'll much you'll demand." He winked and grin, but not in the state that she'll be afraid of him. Kasi sa paningin niya kahit may madumi ng tumatakbo sa utak nito ay gwapo pa rin. "Hin---"natigilan siya ng umalingawngaw ang boses ni Carter sa ulo niya na naghihingi ng pera para sa Mama niya pati na rin ang boses ng taga bangko na hinihingan siya ng pambayad para sa bahay at lupa nilang nakasangla. "What?" Pinikit niya ang kanyang mata at huminga ng malalim. Kahit ayaw niya, baka naman puwede. Isang gabi lang para sa malaking pera na kaya niya ng bayaran ang lahat. "Kalahating milyon, isang gabi." She demanded and face him bravely. It's impulsive she knows it but the oppotunity and the offer is tempting. Umawang ang bibig ni Russo, hindi makapaniwala. Akala niya hindi niya ito makukuha sa ganun lamang pero nanlalambot pala ito sa ngalan ng pera. He's a bit disappointed kasi kumagat agad ito sa kanyang nais, ang inaasahan niya na ito ay matino at hindi basta-basta masisilaw sa pera pero hindi pala. He laughed sarcastically and turned to her side with dark eyes. "Five nights for half million." Napatakip siya sa kanyang bibig. Isang gabi lang ang gusto niya pero parang masyadong malaki ang kanyang gustong makuha para sa isang gabi lamang o baka naman inuuto lamang siya nito. Alam niya na may iba na kayang ibigay iyon sa isang gabi lamang pero hindi niya ipapahamak at ibibigay ang sarili para sa ibang tao. "S-Sige." He bitterly smiled and hand her the downpayment money. "See you then. I'll pay you every after each night until you'll complete the half million." Tumatangis ang panga niya ng iwan niya ang babae sa loob ng kotse, lumabas na din si Priscilla ng kotse niya. Nahino lamang si Russo sa paglalakad ng may maalala. "Wear my suit," pag-utos nito. Tumango lamang siya at isinuot iyon kagaya ng kanyang gusto. Kahit basa iyon mainit pa din sa loob, natakpan na din nun ang kanyang nakikita na bra ng makita ng lalaki na maayos na ito ay umalis na ito ng walang paalam. Dala ang pera niya at ang pera ni Russo ay nakauwi din si Priscilla habang iniisip pa din kung paano niya haharapin si Russo para sa kanyang nais. Alas otso na ng gabi ng makarating siya sa bar, abot-abot ang kanyang kaba. Naisip niya na mag back out na lamang at ibigay sakanya ang pera na ibinigay sakanya, dalawang daan lang naman ang nabawas doon para sa kanyang pamasahe at maiibalik naman niya. Nakasuot na siya ng uniform dahil nagsisimula na ang kanyang trabaho, bukas na ang bar pero kaunti pa lamang ang mga tao. Mga alas dyes pa magkakaroon ng maraming tao at magiging wild ang paligid. Habang nagsi-serve ng order ng iba ay walang ibang pumasok sa isip niya kundi ang kagagahan na pinakawalan niya para lamang sa pera. Kung hindi lang siya nabalik sa huwesyo ay malamang nabasag na niya ang isang bucket ng beer na kanyang dala. "Parang wala ka sa sarili 'teh!" Puna ng isang kasamahan niya si Mj. Ngumiti siya. "Puyat," simpleng tugon niya lamang. Mabilis na lumipas ang oras at namalayan niya na lamang na nasa loob na ng bar si Russo, isang kaibigan niya lamang ang kasama at hindi niya kilala. Nakita niyang nagtaas ito ng kamay nagtatawag ng waiter pero hindi siya lumapit dahil kinakabahan at hinintay na lamang ang ibang waiter na lumipat. Pasalamat siya ng may lumapit na isa halata naman na dismayado ito pero parang umorder rin. Kukuha na sana siya ng ibang order at isi-serve yun ng lumapit si Bryan, iyong waiter na nag-assist kila Russo. "Priscilla, tawag ka ni Mr. Gaumond. Ikaw daw magserve ng order nila." "Eh ano bang order nila?" "Dalawang beer at isang platter ng sisig." "S-Sige." Kinakabahan man sinunod niya na lamang ang gusto. Mabuti nga nakalakad pa siya ng maayos papunta doon sa lamesa nila. Her knees and insides are trembling as hell but she managed to appear as decent as like what she's always been. "Here's your order, Sir." Inilapag niya lahat ng kanilang order sa lamesa, wala nna sana siyang balak magsalita pa at umalis na lamang pero naalala niya na ang nakaplano sa utak niya. Kinapa niya ang bulsa ng kanyang uniform at kinuha doon ang pera. "Ibabalik ko na po ang inyong pera, hindi na ako tutuloy sa naging usapan." Inilahad niya ito sakanya umabot pa mg isang minuto.bago ito nagsalita pero hindi din kinuha ang pera sa kanyang kamay. "Why?" "Hindi ko po kaya." Pagtatapat niya. Russo opened one bottle of beer and chug it until it's just half. He licked the side of his lips before putting down the bottle on the table. Nang tinignan niya si Priscilla ay madilim na ang mga mata nito. Ang kasamanaman ni Russo ay parang hindi naman nakikinig o wala talaga itong pakialam. "Okay. You don't need the money anymore?" Tanong niya. "Kailangan." "Anong gagawin mo sa pera kung sakali?" Naamaze pa si Priscilla dahil sa kanyang pagtatagalog ng diretso pero hindi niya muna pinuna at sinagot ang kanyang tanong. "Nasa ospital po ang yung nanay ng boyfriend ko and they need help, eighty thousand for them, tutulungan ko po sila. At five hundred thousand naman para pangtubos ko po ng bahay at lupa namin na nakasangla sa bangko." Pagkatapos niya sabihin iyon ay minura niya ang sarili sa loob-loob niya. Dapat hindi na siya nagsalita at hinayaan niya na lamang ito. Bago pa man makapagkomento si Russo ay pumasok si Carter sa loob at isinisigaw ang pangalan ni Priscilla kahit maingay na ang paligid ay narinig nila ito. Wala pa man ay nahihiya na si Priscilla at gusto na niya lamang magtago. "Is that your boyfriend?" Tumango lamang siya sa tanong. Isang malakas na haglit sa kanyang braso ang nakapagpalundag sakanya paharap at nakita si Carter, namumula ang mata, walang duda high pa rin ito hanggang ngayon. "Akala mo hindi kita mahahanap na babae ka! Ibigay mo saakin ang pera! Kailangan iyon ni Mama!" Nanggigil na sabi niya. Katulad kanina ay mahigpit nitong hinawakan sa magkabilang braso. Maaninag ang takot sa mata ni Priscilla at pagkapahiya mabuti nga hindi sila nakakakuha ng maraming atensyon kasi nasa gilid lamang ang lamesa nila Russo. Nang makita ni Russo na hinaharass ang babae sa kanyang harapan ay hinidi niya maiwasan na ikuyom ang dalawang kamay sa galit. "N-Nasa trabaho ako, Carter. Hindi ko dala! Mahiya ka naman!" Pagsigaw nito. Lalo lamang nitong hinigpitan ang hawak, mas mahigpit ka kaysa kanina. Isang matigas na kamao ang lumipad sa panga ni Carter dahil kay Russo, galit na galit ang mga mata nito at gustong-gusto puruhan ang lalaki pero pinigilan niyaa ng sarili sa takot na baka mapatay niya ito. Kinuha niya ang cheke sa bulsa ng kanyang suit at nilagay ang amount na kailangan nito ayon sa pagkakasabi ni Priscilla at pinirmahan iyon bago itinapon sa pagmumukha nito. "Don't ever asked a girl for a money, bastard!" Sigaw niya pero hindi na ito pinansin ni Carter at lumabas na kahit basag ang panga dala ang cheke. Nahagip pa nila itong tumatawa, baliw na nga. Pumikit ng mariin si Priscilla at huminga ng malalim pero nabitin ito ng hilahin siya ni Russo palabas. "You owe me, woman." Dinagundong agad siya ng kaba sa pinal na pagkakasabi ni Russo, alam niya kung ano ang ibig niyang sabihin. Ang kanilang usapan kanina.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
sarp
01/04
0ang ganda sana pero bitin part 2 please 🥺
06/07/2025
0soid
13/04/2025
0Lihat Semua