logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Chapter 2
Isang panibagong araw na naman ang dumating para harapin ni Priscilla ang agos ng buhay. Imbes na kumain ng umagahan ay nagsindi siya ng sigarilyo habang nakatingin sa pintuan, hinihintay ang kasintahan na dumating at humingi ng tawad pero nakadalawang sigarilyo na siya ay wala pa din ang anino nito.
She suck the last filter of her cigarette and let the fumes be around of her face. Iniwan niya ang upos nito sa lamesa bago napagdesisyunan na magtimpla ng kape, at magluto ng pagkain dahil hindi siya nakakain ng hapunan kahapon dahil iniisip ang mga pangyayari at nakatulog na lamang siya. Nagpatugtog rin siya ng musika na paborito niya na umugong sa buong bahay. Pagkatapos niyang magluto ay hinintay niya muna itong lumamig ng kaunti bago kainin.
Isang chicken noddle soup ang kanyang niluto at sobrang comforting sa pakiramdam ng sabaw, nakakawala ng isipin. Nababawasan ang kanyang pag-aalala na hindi na bumalik si Carter.
Siguro nga nabulag siya sa kanyang isipin na tumandang mag-isa kaya kahit sinasaktan na siya ng kanyang kasintahan ay tinitiis niya at hinihiling na hindi ito mag-sawa sakanya.
Mamayang gabi pa ang kanyang pasok sa trabaho kaya naman matapos niyang kumain ay pinagkaabalahan niya ang pagli-linis ng bahay habang sumasabay sa indayog ng musika na kanyang pinatugtug ng malapit na siyang matapos napatalon siya sa gulat ng marinig niya ang pamilyar na boses mula sa pintuan. Nang lumingon siya ay tama nga ang kanyang hinala.
"Carter!" Sigaw niya at niyakap ito.
Hindi naman maikakaila ang kagandahang lalaki niya kahit purong pinoy. Mas matanda ito sakanya ng limang taon at nagtatrabaho ito bilang tauhan sa talyer. Hindi maayos ang pamumuhay nito at hindi sumasapat ang kinikita nito para sustentuhan ang pangangailangan ng limang kapatid nito. Parehas silang hindi tapos ng kolehiyo kaya naman mga simpleng trabaho lamang ang kanilang napapasukan. Kahit na hindi ganun kaganda ang kanilang hanap-buhay naging maayos ang kanilang pagsasama, ang problema lang talaga ay ang pagkaseloso ni Carter.
"Hinay-hinay lang. Hindi naman ako mawawala!" Tumawa pa ito habang niyayakap pabalik si Priscilla.
"Akala ko iiwan mo na ako," sabi niya.
Totoo naman talaga iyon at kani-kanina lang ang dami niyang naisip kung sakali man na hindi niya na ako balikan.
Umupo sila sa sofa na nasa sala, itiningala niya ang kanyang mukha para salubungin ang mga mata niya na tila may sasabihin pero he's just holding it back.
"May sasabihin ka ba?" kaya tinanong na niya ito.
Ganun naman ang ugali niya kapag may sasabihin or more likely kapag may kailangan sakanya, nagpapaliguy na akala mo naman hindi pa saulo ng kanyang kasintahan ang pagkatao niya.
He sighed.
'Here we go, sana naman kayanin ko kung ano man ang lumabas sa bibig niya. ' pag-iisip ni Priscilla.
"I need money." Diretsong tugon ni Carter.
Siya naman ngayon ang napabuntong-hininga at napalayo ng kaunti sa tabi niya. Hindi na ito bago, noon pa man nanghihiram na siya ng pera o hindi nga ata hiram kasi hindi naman niya naibabalik. Hindi na lang niya ito sinisingil kasi nagagalit si Carter, siya pa ang lumalabas na kuripot, nasasabihan ng masasakit na salita, siya pa ang nasasaktan pero sige lang tanggap naman na ang pag-uugali niya na hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong mabago.
"How much?" Tanong niya.
'Ang tanga mo 'teh! Napakamartyr mo!' Umiral na naman takbo ng kanyang isipan para pagalitan siya sa kung ano man ang balak gawin.
"Eight hundred thousand." Pinal na sabi ni Carter, nakita niya bigla ang pagbabago ng reaksyon ng kasintahan. Tila hindi niya ito mapapapayag kaya naman nag-iba rin ang kanyang ekspresyon, naging iritado na.
"Ano?! Nahihibang ka na ba? Ang laki naman yata niyan, Carter!" Sumigaw na siya.
Oo, inaamin niya na hindi naman siya kuripot pero sobrang laking halaga ng eight hundred thousand at maging siya ay wala namang ganoong kalaki na pera.
"Hindi. Kailangan ko talaga ang pera na iyon." Nagta-tangis ang kanyang panga habang sinasabi iyon.
"Saan mo gagamitin? Sobrang laking halaga ng hinihingi mo!" Tumayo na si Priscilla at ipinakita ang pagkadismayado. Minsan talaga hindi niya maunawaan ang pasikot ng kanyang kasintahan. "Nakahithit ka ba ngayon ha?" Tanong niya pero para bang isang bintang na iyon. Tuwing humihingi ito sakanya ng pera ay parati itong nakahithit ng drugs, pinatigil na niya sa paggamit nun pero hindi nakinig kaya hinayaan niya na lamang. Napapagod na din siyang pangaralan at paunawain ang lahat para sakanya.
Nakumpirma niya ang kanyang bintang ng humalakhak ito na parang isang takas sa mental at maya-maya lang ay hinawakan na siya nito sa braso, nangigigil ang kanyang mukha, nakakatakot ang mga mata.
"Ano naman ngayon?! Kailangan ko ng pera mo Priscilla, huwag mo ipagdamot ang mga naipon mo galing sa pagpo-pokpok!" Isang sampal mula kay Priscilla ulit ang lumipad sa kanyang pisngi. Hindi niya ito ininda, at mas lalong hinawakan ang babae ng mahigpit na hindi na ito makagalaw at maaari ring magdulot ng pamumula sa kanyang balat lalo pa ay maputi siya, mala porselana ang kanyang kutis.
"W-Wala akong ganoong pera, Carter! Sa... sa iba ka na lang manghiram at b-bitawan mo na ako!" Pilit niyang sigaw kahit putol-putol ito. Mahirap kapag kaharap niya ang galit niyang kasintahan, iba ang epekto nito sa kanyang sistema, naaalala niya kung paano magalit ang kanyang tiyuhin noon tuwing iiwan siya ng kanyang magulang sa mga nito.
"Para kay Mama naman ang pera na hinihiram ko." Pagkasabi nun ng lalaki ay bigla na lamang itong nanlambot at nabitawan siya bigla, muntik pa siyang masubsob sa sahig dahil sa pagkabigla.
Nabatid niya na mukhang may hindi magandang nangyari sa ina ng kasintahan niya na si Aida. Naging mabuti ito sa kanya tuwing dumadalaw siya sa kanilang bahay pero hindi siya komportable kapag tinititigan siya nito, para bang parati siyang may nagawang mali sa anak nito, lalo pa't si Carter lamang ang paborito nitong anak, kaya naman masyadong 'Mama's boy' ang kanyang kasintahan.
"Bakit? Anong nangyari?"
Kalmado niyang tanong pero dinagundong siya ng kaba at hinihiling na sana ay maayos lang ito, hindi malala kung ano man ang karamdaman.
Itinago ni Carter ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang dalawang palad at humihikbi. "Kailangan operahan ni Mama, Priscilla. May cancer siya na ngayon lang namin nalaman, malala na at pang downpayment lang namin sa hospital ang hinihiram ko saiyo. Hindi siya aasikasuhin kaagad kapag wala iyon, hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng pera bukod saiyo. Kahit magkaugaga ako sa pagtrabaho sa talyer ay hindi ko iyon makukuha..." bigla niyang hinatak si Priscilla kaya napaupo ulit ang babe sa kanyang tabi. "Alam ko, alam ko marami kang ipon na per, hihiramin ko muna. Ibabalik ko lang hanggang sa gumaling si Mama."
Ang tangi lamang nagawa ng babae ay titigan ito habang nagsasalita. "Pakiusap..." dagdag pa nito.
Cancer, sa kanyang pagkakaalam ito ay isang malubahang sakit na hindi makontrol o walang pigil na pagkalat ng mga tumor sa iba't ibang bahagi ng katawan ng tao, depende rin sa klase ng cancer na tumama. Kapag malubha na ang cancer ay malabo na itong madaan sa gamutan at namamatay na lamang ang pasyente. Ganun pa man, hinihiling niya na gumaling pa rin ang ina ng kasintahan pero sadyang sa pagkakataon na ito ay hindi niya ito matutulungan sa pinansyal.
"Wala akong pera na ganun. Limang libo lamang ang maibibigay ko saiyo ngayon. Manghiram ka na lang muna sa iba." Malumay na pagkakasabi niya.
"Iyong mga ipon mo, ipahiram mo muna!" Maotoridad na paghimok niya sa babae pero umiling ito.
May ipon siya pero hinding-hindi niya iyon maipapahiram sakanya kahit na kalusugan at kaligtasan pa ng magulang niya ang nakataya. Dahil iyon ipon niya ay nakalaan na para tubusin ang bahay at lupa nila nakasangla sa bangko, may isang buwan na lamang siya para tubusin ito sa halagang kalahating milyon at mayroon pa lamang siyang isang daang libong ipon at hindi pa iyon sapat. Kung ipapahiram naman niya ay sigurado hindi iyon maibabalik kaagad bago ang isang buwan na ibinigay na palugit sakanya ng bangko.
"Hindi puwede ang ipon ko, Carter. Mawawala ang bahay na ito kapag ibinigay ko iyon saiyo."
Muling nagtangis ang panga niya sa sinabi ng babae hindi matanggap na hinihindian siya nito sa pagpapahiram ng pera.
"Potangina naman, Priscilla! Buhay ni Mama ang nakataya dito, itong bahay na ito ay nakatayo pa rin kahit hindi mo mabayaran! Ang buhay ni Mama ay hindi na kapag hindi siya naasikaso!"
"Alam mo naman na mahalaga saakin ang bahay na ito! Nandito lahat ng natitira kong ala-ala para sa mga magulang ko! Kahit ano pang pagmamakaawa mo hindi kita pagbibigyan!"
"Mas mahalaga pa ang bahay na ito sa buhay nito Mama?!"
"Oo!"
Tumayo ito at galit na galit, natakot kaagad si Priscilla sa pag-aakalang sasaktan na naman siya nito ng pisikal pero iba ang ginawa niyo. Mabilis nitong tinahak ang daan papunta sa kanyang kwarto, kumalabog agad ang kanyang dibdib, hindi magugustuhan ang kalalabasan ng pangyayari. Agad naman siyang sumunod at nagsibuhusan na ang kanyang mga luha, nakakapanghina ang kanyang nakikita na ginagawa ng kasintahan. Para itong baliw na may hinahanap sa kailaliman ng kanyang drawer, alam niya kung ano ang hinahanap nito, ang kanyang passbook sa bangko, kung saan nakatago ang lahat ng kanyang ipon.
"Carter!" Sigaw niya ng mahanap ito ng lalaki.
Diretso siyang humarang sa daanan palabas at pilit kinukuha ang passbook niya. Rumaragasa pa rin ang kanyang mga luha. Matangkad siya halos kapantay niya lamang si Xarter sa tangkad nito na 5'9 pero sadyang malakas ito at mapuwersa na kayang-kayang siya nitong itapon patagilid para lamang hindi makuha ang pilit na inaabot nito.
"Tumigil ka Priscilla kung ayaw mo masaktan! Kailangan ni Mama ng pera mo!" Sigaw nito at nakalabas ng kanyang kwarto.
Hindi siya papayag na makuha niya ang kanyang pera ng ganun lang. Kasintahan niya ito, hindi siya kailan man nagdamot ng kahit anong pangangailangan nito sa buhay pero sa pagkakataon na ito sumusobra na siya, naisip niyang tama na. Nakakapagod na rin.
"Ibalik mo ang pera ko, Carter! Demonyo ka!" Hinabol niya ito hanggang pababa ng kanyang bahay at nakabalik sila sa salas.
Instinct, she automatically closed the main door for him not to run away further. Kailangan niya lang makuha ang pera niya kahit ano pang mangyari. Alam niyang masasaktan siya sa ginagawa niya pero wala siyang pakialam, pera niya lang ang iniisip niya ngayon, hindi iyon puwede mawala, kasi kapag nakuha niya ay mababalewala lahat ng kanyang pinaghirapan at inaalagaan na bahay.
Tumawa ng pagak si Carter at binuksan ang hawak niyang passbook, nakita niya ang tumataginting na humigit kumulang na one hundred thousand.
"Ang dami mong ipon pero ipinagdadamot mo saakin? Ganyan ka ba magmahal?" Pagtatanong nito.
Napasinghap si Priscilla. 'Bakit? Bakit niya ginagamit ngayon ang salitang pagmamahal? Nakakapunyeta naman.' Sabi ng kanyang isip.
Kahit marami silang hindi pagkakaunawaan, madalas na nag-aaway pero ni minsan wala sakanilang kumestyon sa pagmamahal na nararamdaman sa para sa isa't isa. Ngayon lang, ngayon lang sa pagkakataon ng pag-aaway ng pera at hindi niya maunawaan kung bakit.
"Talaga ba? Nasusukat na ba sa pera ang pagmamahal ngayon, Carter?" Sarkastiko niyang tanong, natatawa pa.
"Bakit hindi ba dapat?"
"Hindi mo na ba nararadaman ang pagmamahal ko ngayon, Carter?" Malisyoso niyang tanong at unti-unting lumapit hanggang sa mahawak nito ang mukha ng lalaki. "Hmm?" Pinaglaruan niya ang balbas nito at bago pa man makasagot ang lalaki ay inangkin na niya ang labi nito habang ang kanyang kamay ay abala sa paghahanap ng bagay na hawak ng kahalikan.
Ang isa sa mga kahinaan ng kanyang kasintahan ay ang halik, agad itong nanlalabot sa kahit sino man ang humalik sakanya. Bumitaw sa halik si Priscilla ng makuha na niya ang kanyang gusto at gamit ang mabilis na galaw ay binuksan niya ang pintuan na kanyang isinarado, lalabas siya pero bago iyon sinipa niya muna sa gitna ang lalaki para makatakbo tungo sa labas.
Nang makalabas siya ay doon niya lamang na bumubuhos pala ang ulan, isinilad niya ang kanyang passbook sa pagitan ng kanyang dibdib at bra para hindi mabasa. Akala niya ay hindi na siya maabutan ni Carter dahil napalakas ang kanyang sipa sa gitnang bahagi nito pero nagkakamali siya dahil paglingon niya ay nahaglit na nito ang kanyang mahabang buhok.
"P*tangina ka! Ibalik mo saakin ang pera!"
"Hindi mo ito pera, Carter!"
Dahil sa sigawan nila sa gitna ng ulan ay umani sila ng manood mula sa kalye, marami ring dumadaang sasakyan dahil main road na agad pagkalabas ng bahay nila Priscilla.
Dahil nga nakahithit si Carter maraming boses na ang kanyang naririnig sa loob ng kanyang ulo hindi na niya maintindihan hanggang sa naitulak niya ng puwersa si Priscilla hanggang sa tumilapon ito sa kalye na sakto naman ay may dumaang magarang kotse na mabilis magpatakbo.
Sigawan ang tanging nagawa ng mga nanonood ng iskandalo nilang dalawa, pero pasalamat na lang nila na hindi malakas ang naging impact ng pagbangga sa babae dahil nakapreno agad ang sasakayan gayunpaman natamaan pa rin si Priscilla na ngayon ay nakahandusay sa kalsada. Si Carter naman ay tumakbo na habang sumisigaw. Lumabas ang nakabangga kay Priscilla na nakasuot pa ng magarang suit, madilim ang paningin pero gwapo pa din at hindi alintana ang ulan na bumubuhos.
Tinignan niya ang nabangga akala niya ay wala itong pero nagmulat ito ng paningin at nakasalubong niya ang isang kayumangging-kastanyo na kulay na mata. Napakaganda nakakaliyo pero nabahala siya ng pumikit ito agad.
Dahil basang-basa na sila ng ulan, at wala ng malay ang babae ay kinarga niya ito papasok sa kanyang kotse para dalhin sa hospital kahit na napakalaking abala nito para sakanya. Doon niya din naaalala na si Priscilla iyon ang waitress sa bar sa kung saan siya madalas.
Napangisi na lang siya.

Komentar Buku (115)

  • avatar
    Benosa CarilloMark James

    sarp

    01/04

      0
  • avatar
    Amben Riza

    ang ganda sana pero bitin part 2 please 🥺

    06/07/2025

      0
  • avatar
    Pizarro Seanjohn

    soid

    13/04/2025

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru