~ ACE ~ Nasabi ko na bang ayokong pinagpapawisan? Kung hindi pa, ngayon ay sinasabi ko na. Ang ayoko sa tag-araw ay ang tanghaling tapat at dapit hapon dahil hindi ko alam kung sino-sinong nakakasalamuha ko sa daan. Pero ang pinaka sakit sa ay ang umagang-umaga pa lang ay amoy putok na ang katabi mo. Nakakaimbiyerna lang. Panira ng araw. “Good morning,” bati ko. Nadatnan ko sa tambayan si Vince na nakahilata sa bangko habang nakatutok sa smartphone. May bagong pinopormahan nanaman siguro itong ulol na ‘to kaya akala mo busy. Ganyan naman siya eh, kung gaano kadalas magpalit ng damit ganun din sa girlfriend. “Yo- Oh, ba’t ganyan mukha mo?” “Ikaw ba naman may katabing ‘di marunong mag tawas. Hindi kaya masira araw mo?” “Hmm.” Anak ng- Hindi naman pala ‘to nakikinig nagtanong pa. Kung minsan talaga kapag itong ulol na ‘to ang kasama ko hindi ko alam kung may kausap pa ako o wala na. Lagi na lang lutang, dinaig pa si sisa minsan. “Sino nanaman ba iyan?” pang-uusisa ko. “Sige ka, kapag nalaman ni Aileen, makakarinig ka nanaman.” Mukha mang biro pero may katotohanan ang sinabi ko. Kapag si Aileen ang nagsalita wala nang aangal pa. Tiklop kaming lahat sa babaeng ‘yun. “Gago. Contact sa next gig natin to.” “Sure.” Binalewala ko na lang ang sinabi niya saka umupo sa tapat nito. Ang ganda kasi ng higa ng ulupong na akala mo naman sa kanya ang buong upuan. “Yes. I’ll look into it as soon as I get a chance. Yes. I got it. I’ll call you back again. Bye.” Agad na napunta ang atensyon namin sa bagong dating na naka-suit and tie pa kahit na ang init na ng panahon. “Alex bro. Ang ganda naman ng pormahan natin. Saan tayo galing at naka necktie ka pa?” ani ni Vince sa bagong dating na si Alex. Hindi na katakataka na mukha siyang businessman sa suot niya, paano ba naman mas masipag pa siya sa kalabaw sa dami ng ginagawa niya sa buhay. Partida high school graduate pa lang siya, paano na lang kung collage o nasa workplace na siya, edi naagnas na siya sa katratrabaho. “Just landed. Galing akong Hongkong para sa business ni dad pero ‘di ko akalain na delayed ang flight namin,” paliwanag niya matapos nitong ibulsa ang phone. Kung titignang mabuti, kung gaano kasigla ang social life ni Vince ganoon naman ka boring ang kay Alex. Sa aming magbabarkada siya ang pinaka-seryoso at dedicated sa work. Ang hirap niya tuloy ayahin sa mga kalokohan namin. Kung sabagay, mas maganda na rin siguro yun para kapag napatrouble kami, may agad kaming matatawagan to save and rescue. “Pwede ka namang mag-absent ah. Why not bro?” Mungkahi ni Vince na kinakalkal ang bag na dala ni Alex. Malamang naghahanap nanaman ng pagkain ito. May pagka-PG rin kasi ang ulol na akala mo hindi pinapakain. Ang masama pa, hindi man lang tumataba samantalang ako kapag hindi nag-exercise bloated na sa susunod na araw. “Can’t. Too many things to do.” Kararating pa lang pero back to business nanaman si Alex dahil pagkatapos ng phone call ay laptop naman ang inatupag niya. Oh ‘di ba,workaholic. “Ang sipag mo talaga Alex malapit ka nang maging banal.” Isang batok sa ulo ang naging sagot ni Alex sa mungkahi ni Vince. Oh ‘di ba,siraulo. “Nasaan nga pala si Raven? Hindi ba dapat nauna siya sa atin dito?” Nagkibit balikat ako bilang pagsagot kay Alex dahil kahit na madalas kong kasama si Raven dahil sa mga race event na pinupuntahan namin ay wala naman akong alam sa agenda niya outside of racing and school. Himala na nga kung magpapakita ‘yun ng walang galos sa mukha. “Ewan ko rin, hindi ko pa nakikita simula pa kahapon. Baka nasunog n-.” “At bakit ko naman hahayaan yun. Ungas!” Another batok to Vince from Raven. Sanay na kami d’yan. Nothing new, favourite game naman nilang dalawa ang magbatukan. At si Raven? Siya lang naman ang kalaro ni kamatayan. Sa ilang ulit na nga ba naman siyang muntik nang madagit ng karit nito hindi na katakataka. Bilib nga ako kay Raven dahil sa ‘di malamang dahilan ay nagagawa pa rin niyang makatakas ng buhay kahit na between life and death pa ang sitwasyon niya. Anak nga siguro siya ni Lucifer. “Anong nangyari sa ‘yo?” Pagtataka ni Alex ng makita ang itsura ni Raven. Paano ba naman putok ang labi at namamaga pa ang pisngi. “May mga mayayabang na freshers sa kabilang kanto na naghahanap ng kalaro. Nadamay lang ako nang tangihan ko sila.” Oh ‘di ba demonyo. “Hello everyone! Kumusta ang first day of school? I heard a few things pero sa nakikita ko, buhay pa naman kayo.” At ito naman ang reyna ng aming grupo. Walang matinong mangyayari kung kami-kami lang ang nangangasiwa ng aming mga sarili. Kung kami nagsasama-sama walang logic, walang sense, pure tragedy. Pati nga yung utak ni Alex tapon sa bintana kung kami na ang kasama niya. Kaya si Aileen ang pinakamahalagang miyembro ng grupo. Siya ang utak at puso ng pagkakaibigan namin kaya overprotective kami sa kanya. “Morning, Aileen.” “Morning Alex, ang busy mo naman yata. Second week pa lang ng class ah,” komento nito bago umupo sa tabi ko. “No, it’s a different matter.” “Hmm. I see,” tumango-tango ito bago ibinaling ang tingin sa demonyo. “OMG. Ano nanamang nangyari sa mukha mo, Raven? Malinis pa yan kanina nang makita kitang mag-jogging sa amin ah.” Like I said, Aileen has the power to yell and smack any of us. Kaya hindi na ako nagtaka na makakarinig nanaman ng sermon si Raven mamaya. Kung bakit naman kasi nag-anyong demonyo nanaman kahit ang aga pa. “Tch. You always see the little things. Not a big deal Aileen,” sagot ni Raven na linilinisan ang sugat sa mukha. “At least put on some band-aid.” “Naku ‘wag na Aileen, makikipaghabulan rin naman siya kay kamatayan mamaya kaya madadagdagan pa yan,” pabirong wika ni Vince na sinamaan lang ng tingin ni Aileen. Sa totoo lang may punto naman si Vince dahil panigurado mas mamaga nanaman ang mukha niya after school. Himala na lang kung wala siyang galos bukas. “At ikaw naman,” turo ni Aileen kay Vince. “May pinaiyak ka nanamang babae kahapon. Laman ka nanaman ng social media.” May mga sikat na paaralan na malapit sa City Area kung saan kami madalas tumugtog, doon din nanggagaling ang maraming panauhin na pumupunta sa mga gig namin kaya karamihan sa kanila ay nilalandi ni Vince. Hindi na rin bago na makarinig kami ng balita mula sa ibang school dahil sa napakalaking network ng Royale News na mas kilala bilang ‘Gossip Channel’. Ito kasi ang source of entertainment ng mga estudyante sa high school, ang pumuna sa lahat ng bagay-bagay. Kung minsan nga kahit mga college student nakikibasa rin sa mga tsismis imbes na mas maging mature sila at pigilan ang pagkalat nito. “Aileen naman, naniniwala ka sa mga yan? Good boy kaya ako,”paliwanag ni Vince “Naku,”pag-iling ni Raven,“Kahit sa presinto hindi tatanggapin ang paliwanag mo. Sinong niloko mo. Ulol.” “Oo nga naman Vince, sumabog man lahat ng bulkan hindi ka na magiging good boy,” pabirong sabi ko na ikinatawa lang ni Raven at Alex. “Wala ka ring pinagkaiba Ace,” baling ni Aileen. Wait who? “Ako?!” Mali yata. Kung may matino man sa aming apat kami ni Alex yun. Mas lamang lang si Alex ng dalawang paligo pero alam kong good boy ako. Hindi ako playboy at lalong wala akong lahing demonyo. “Wag kang magpa-inosente d’yan. Baka akala mo hindi ko alam.” Nakahalukipkip ang mga kamay ni Aileen na tila ba naghihintay ng aking paliwanag sa kung anuman ang tinutukoy niya. Ngunit wala akong maisip na ginawa ko na ikakagalit o sama ng loob niya. “Oo nga Ace. Akala mo hindi niya alam. Akala mo lang yun.” Binatukan ko na si Vince para tumahimik, kung ano-ano pang sinasabi e. “Ano namang ginawa ko?” Wala talaga akong maisip na inagrabyado o naging problema noong nakalipas na araw o kahit na noong unang araw ng pasukan. Ni hindi nga ako masyadong nakikihalubilo sa ibang kaklase ko dahil agad-agad kaming umaalis ng school para umabot sa mga gig events after school kaya imposible ang sinasabi ni Aileen. “You have been on ‘Gossip Channel’ since yesterday. Haven’t you seen?”si Alex ang sumagot, na mas lalo kong ikinakunot ng noo dahil wala namang hilig si Alex sa mga tsismis, unless it’s bad. Ipinakita sa amin ni Alex ang article kung saan nakalagay ang litrato ko kayakap ang isang babae. And that’s when it dawned on me. Kaya pala. “Bro, ang bilis mo namang lumandi. Noong first day pa yata yan ah. Nakikipagkarera ka ba kay Vince?” Si Raven agad ang unang nag-komento. “Oo nga bro, kagulat ka ah. Ang bilis mo namang nakabingwit,” biro ni Vince. “Gago. Hindi ko nga siya kilala binigyan mo na agad ng malicia.” Wala talagang matinong masasabi ang mga ulupong. Minsan gusto ko na silang itapon. “How come you’re together?” Mabuti na lang matino si Alex, kaya kinuwento ko na sa kanila ang buong nangyari bago pa kung anong istorya ang mabuo nila dahil sigurado akong hindi rin nila ako tatantanan hanggat malaman nila ang buong pangyayari. “Hindi ba yun makakaapekto sa kanya?” pag-aalala ni Aileen. “Oo gossip lang yan pero alam naman natin na kilala kayo dito sa buong campus at kahit sa labas ng campus dahil sa mga gig events at other activities na sinasalihan niyo, kaya kung nasa social media yan, paano na lang ang mga fans mo?” “Aileen, hindi ako kasing sikat nitong si Vince sa babae. Oo may mga lumalapit pero sigurado naman akong wala silang gagawin sa babaeng kasama ko sa litrato lalo pa’t hindi naman kita yung mukha niya.” “Buti na lang kamo.” Mabuti na lang talaga. Ayokong masangkot sa kung ano-anong issue. Hindi ako katulad ni Vince na life of the party, ni Raven na walang sinasanto o ni Alex na kayang imanage ang sarili. Simpleng lang ako. Total boy next door. The average guy na walang ibanhg gusto sa buhay kung hindi makatapos at makapagtrabaho. ___ Matagal bago natapos ang klase namin sa hapon. Marami kasing kwento si sir at kulang na lang ay isalaysay pa niya ang talambuhay ni Rizal. Mabuti nga pinalabas na kami ng magsimula nang kumulog at kumidlat. Ang sakit na kaya sa ulo lalo pa’t wala namang kinalaman sa Automotive Design ang pinag-uusapan nam- “Bro, kapag nakita mo si Jane sabihin mo pinatawag ako sa principals’ office ah.” Naghihingalong sambit ni Raven na tila hinahabol nanaman ng karit ni kamatayan. “Gago sa tingin mo maniniwala yun. Pinaglihi sa unggoy yun, may super instict-” “At sinong pinaglihi sa ungoy, Ace?” Lagot na. Kapag ito nag-evolve hindi pokemon kung ‘di si kingkong na ang kaharap namin at mas lalong wala na kaming kawala, kaya... “TAKBO!” “Hoy, bumalik kayo!” Tangina. Mas gugustuhin ko pang maglakad sa apoy kaysa maka- one on one si kingkong. Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Raven pero kung hindi yun nakalayo kay Jane malamang naging punching bag na ang mukha niya. Sinasabi ko na nga ba walang himala sa demonyong ‘yon. Kaninang umaga lang, nakipagbakbakan sa ibang mga kabataan tapos ngayong hapon nakikipaghabulan naman kay king kong. Ibang klase talaga. Dahil mahal ko ako ni Lord, nilayo niya ako kay Jane hanggang sa nakarating ako sa garden area. Umuulan ngayon kaya walang maglalakas loob na maglakad sa hardin para lang makarating sa next building o kaya mag-selfie. May walkway naman kasi kaya bakit pa magpapakabasa ang tao para makarating sa paroroonan kung pwede namang dumating ng hindi basa. Konti na lang rin ang mga tao ngayon siguro mga walang masakyan o walang payong yung mga ito kaya sumisilong sa may Admin building. Aalis na sana ako papunta ng parking para hintayin si Raven ng mapansin ko ang isang dalaga na nasa gitna ng garden malapit sa hagdan papuntang lounge area. Basang-basa na siya pero patuloy lang sa pagpulot ng mga gamit niyang nagkalat sa damuhan. Nahulog siguro ito nung nanduon siya sa second floo-. Tch. Of Course not. Agad na nagtago ang mga estudyanteng nasa second floor ng mapansin nila akong tumingala. Sila na siguro ang may kasalanan kung bakit parang basang sisiw ang babaeng nasa hardin. Tch, mga babae talaga. “Miss. Nandito yung mga gamit mo.” Tinulungan ko na siyang pulutin ang mga gamit niyang nagkalat dahil parang bulag ang mga tao ditong at linalagpasan lang siya. “Umalis ka na diyan baka magkasakit ka pa.” Wala na siyang nagawa ng hilain ko siya papunta sa pinakamalapit na silong. Mabuti na lang at hindi na siya nagreklamo pa. “S-salamat.” Garalgal ang boses nito at nanginginig ang katawan habang akay-akay pa rin ang mga gamit na pinulot namin kanina kaya naman hinila ko ulit siya at dinala sa change room malapit sa gym. “Dito yung change room ng mga babae. May mga bagong twalya diyan, gamitin mo na lang pamunas,” paliwanag ko. Ayoko naman kasing magkasakit siya dahil sa ulan. “Naku, hindi-” “Here’s an extra shirt. Go change. Hintayin kita dito.” Inabot ko na lang yung damit sa bag ko. Pamalit ko sana yun mamaya sa gig namin pero ayos lang. Hihiram na lang ako kay Raven. “Miss? Ayos ka lang?” Hindi ko pa rin makita ang buong mukha niya dahil nakaharang ang buong buhok niya kaya hindi ko alam kung anong expression meron siya. Nagdadalawang isip pa rin ba siya? Mukha ba akong manyak? Huwag naman sana. Nakahinga ako ng maluwag ng kinuha niya ang damit na iniabot ko at agad na nagtungo sa comfort room para magpalit. Nanatili ako sa labas at hinihintay ang paglabas nito para malaman kung ayos na ba siya. “Maraming salamat ulit ah, ibabalik ko na lang itong damit mo bukas.” Mahinahong sambit nito ng matapos siyang magpalit. Doon ko na lang rin nakita ang kabuuan ng mukha niya. Mapungay ang mga mata, mapula-pulang labi, balingkinitan ang katawan parang – “Ah ikaw!” Napalakas na pagkakasabi ko. “Shit. Sorry. Hindi mo ba ko naaalala? Magkasama tayo noong may sunog.” “Ah oo. Naaalala ko.” Ang hinhin niyang sumagot tila nangangapa pa sa paligid. Natatakot ba siya sakin? “Ayos ka lang ba?” Bahagya siyang ngumiti. “Pasensya ka na kung puro na lang kapahamakan ang naihahatid ko sa’yo. Gayun pa man, malugod akong nagpapasalamat sa iyong pagtulong sa akin.” Nagulat naman ako sa uri ng pananalita niya at talagang yumuko pa para magpasalamat. “Grabe ka naman. Wala ka namang dalang kapahamakan sa akin. Sadyang nandoon lang ako sa tuwing kailangan mo,” biro ko pero ni hindi man lang ito ngumiti. Iniisip pa rin ba niya ang nangyari? Sa totoo lang gusto ko ring tanungin kung anong nangyari pero sa nakita ko kanina parang may mga taong gustong manakit sa kanya o talagang ayaw sa kanya. “Ah oo nga pala, Ako si Ace. Ace Santillan.” Abot ko sa aking kamay. “Ikaw? Anong name mo?” “Yelena,” mahinhing sagot niya bago tinanggap ang aking pakikipagkamay. Maganda ang kanyang pangalan pero parang ‘di angkop sa ganda niya. “Hmm...Nah, Ele ang itatawag ko sa’yo mas bagay yun.” Isang simpleng pangalan. Isang simpleng salita na dapat ay magiging daan sa mas magandang usapan ngunit nang makita ko ang isang matamis na ngiti na gumuhit sa kanyang labi, pakiramdam ko’y tumigil ang pag-ulan at sumikat ang araw tanda ng panibagong umaga. xx
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
thank you
23/03/2025
0good
22/01/2025
0im happy
08/01/2025
0Lihat Semua