logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter #3:

~ YELENA ~
Hindi ko pa rin mapigilan ang panginginig ng aking katawan kahit na tapos na ang trahedya at pati ang aking puso ay patuloy sa pagkabog na parang isang tambol na patuloy na tumutugtog.
Alam kong hindi inaasahan ang pangyayari. Alam kong hindi maiiwasan ang mga ganitong accidente. Alam ko sa sarili ko na kailangan kong kumalma sa mga ganoong sitwasyon, pero kahit na paulit-ulit kong sinasabing iyon ay hindi sumusunod ang aking katawan na tila ba may sarili itong isip.
“Yena, anong nangyari sa’yo? Kanina pa kita hinahanap. Ayos ka lang ba? May masakit ba sa’yo? May kailangan ka? Ano, magsabi ka lang.” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Cristine. Hinihingal din ito at tagaktak ang pawis sa kanyang noo. Halatang nagmamadali itong umalis upang hanapin ako.
“Ikaw ayos ka lang?” Baling ko sa kanya ng may pag-aalala.
“Yes, pero ikaw-”
“Wait lang,” pagpigil ko sa kung anuman ang kanyang sasabihin. “Sa tingin ko kailangan nating dalawang magpahinga.” Alam kong pareho lang kaming pagod kaya hinila ko na rin siya paupo sa may pinakamalapit na bench sa garden. Walang nagsalita sa aming dalawa, tahimik lang kami at hinaghayaan ang aming sarili na makapagpahinga.
“Ano ayos ka na?”
Tumango na lang ako bilang sagot bago ibinaling ang atensyon kay Cristine. “Eh ikaw? Anong nararamdaman mo? May masakit ba?” Nag-aalala rin ako kay Cristine. Hindi man siya ang tipong nagkakaroon ng panic attack, ayoko pa ring makitang mapahamak siya.
“Don’t worry about me. Malakas yata ako. Pero mabuti naman at ayos ka lang, nag-alala talaga ako noong bigla na lang tumunog yung fire alarm. Akala ko drill lang pero nang makita ko yung usok, ikaw agad ang naisip ko. Mabuti naman at hindi ka nagkaroon ng panic attack.”
“Nakalabas naman ako agad kaya hindi naman naging malala.”
Alam ni Cristine ang trauma ko sa sunog. Nasunog kasi ang bahay namin noon kaya sa tuwing nakakakita ako ng apoy ay nagkakaroon ako ng panic attack. Hindi naman malala pero minsan naapektuhan din ako sa kung ano ang reaksyon ng mga tao sa paligid. At dahil maraming nagpapanic kanina ay nadala na rin ako sa emosyon nila.
“Mabuti naman. Anyways, kinansela na lahat ng mga naka-schedule na gawain ngayon so umuwi na lahat ng estudyante. We should head out too. Do you need to drop by somewhere before we head home?”
Umiling ako. Gusto ko na lang magpahinga dahil ayoko nang magtagal dito sa school. Para kasi akong nahihilo na ‘di ko maintindihan.
“Okay let's go, pero daan tayo sa may library ah. May ibabalik lang akong libro.”
Tumango na lang ako at sumunod kay Cristine. Nang makarating kami sa library ay naupo muna ako para sana kahit papaano ay mawala ang aking pagkahilo ngunit sa gitna ng paghihintay ay may bigla na lang bumato sa akin ng bolang papel. Hinanap ko ang pinanggalingan nito pero nakayuko lahat ang mga estudyante na tila walang pakialam.
Sino naman kaya ‘yon?
Hindi ko na sanang bibigyan pa ng pansin ang mga prank na ganito dahil wala naman akong mapapala pero alam ko rin na hindi ko ito maiiwasan. Kahit saan pa ako mapunta, alam kong magiging target ako ng iba dahil sa mga kumakalat na mga chismis kaya sigurado akong ang mga nakakakilala sa akin ang may pakana ng mga prank na ito. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit mas dumami pa ang mga bulong-bulungan sa paligid habang tumatagal ako sa school.
Napabuntong hininga ako. Iniisip kung kailan ba ako tatantanan ng problema.
“Oh anong meron. Ang lalim namang buntong hininga ‘yun.”
“Wala.” Nagulat ako sa pagdating ni Cristine. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala siya. Knowing her, hindi niya pwedeng makita ang papel na ibinato sa akin dahil kung ano pa ang magawa niya.
“Ano yan?” turo niya sa kamay kong nasa likod. Dahan-dahan kong itinago sa aking bulsa ang papel pero hinila niya ang mga kamay ko dahilan para mahablot niya ito sa akin.
“Wait, Tine…” Huli na. Nabasa na niya ang laman ng sulat.
“Yelena. Kanino galing to?” madiing tawag nito. Kapag seryoso na si Cristine, wala na akong choice kung hindi ang sabihin sa kanya or else mag-eeskandalo lang siya.
“Cristine, kalat lang ‘yan. Tara na.” Sinubukan kong idahilan dahil ayaw kong palakihin pa ang issue. Pilit ko rin siyang hinihila palabas ng library pero ‘di ito nagpatinag.
“Kalat? So yung ‘DIE YOU SLUT!’ na picture mo ay kalat lang? My gawd Yena, this is a threat.”Bakas ang pagkairita at inis sa kanyang mukha na para bang handang sugurin lahat ng tao dito para lang malaman kung sinong may pakana ng lahat.
“Cristine, hindi naman nila gagawin eh. Hanggang salita lang yang mga yan kaya, lets go na.”
“Yele-”
“Please.” Alam ko na sa sarili ko na kahit saan ako pupunta ay hindi ako matatangap ng buo. Meron at merong huhusga, mandidiri at mang-aabuso. Pero ganun talaga ang buhay, hindi mo mapagbibigyan o mapapasaya ang lahat.
“Ugh. Fine. Let's get out of here.” Si Cristine na mismo ang humila sa akin palayo sa library hanggang sa lumabas na kami ng campus ay sunod-sunod lang ako sa kanyang parang maamong tupa.
Naiintindihan ko rin naman ang frustration niya dahil sa nangyari pero mas mabuti ng ‘wag pansinin ang ganitong bagay para iwas gulo dahil ayos lang rin naman ako.
“Yena?” nabaling ang tingin ko kay Cristine na kunot noo na nakatingin sa akin. “Tulala ka diyan. Ano iniisip mo?”
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Masyado na akong nalunod sa kaiisip sa mga bagay-bagay at hindi ko na namamalayan ang mga nangyayari sa aking paligid. Mukhang kahit anong tanggi ko ay affected ako dahil sa nangyari.
“W-wala,” simple kong sagot habang pilit na iwinawaksi ang negatibong pakiramdam sa akin. “Oo nga pala, tumawag ang mama mo kaninang umaga. Hindi ko na nasabi sa ‘yo kasi nagmamadali kang umalis. Mukhang may importante siyang sasabihin sa iyo kaya mabuti pang tawagan mo siya mamaya.”
Iniba ko ang paksa upang hindi na pagtuunan pa ni Cristine ng pansin ang kalagayan ko ngunit mali yata ang napili kong ipalit sa aming usapan. Hindi tuloy maipinta ang kanyang mukha.
Hindi naman sa hindi sila magkasundo ng kanyang pamilya pero ayon na rin kay Cristine, dakilang nagger daw kanyang ina at kapag umuwi siya ay alam niyang uuwi rin ang kapatid niya na madalas ikumpara sa kanya.
“Yena, alam mo namang busy ako sa buhay ‘di ba.”
Napabuntong hininga ako. “Busy o nagbubusihan?”
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang relasyon ni Cristine sa pamilya niya. Naiintindihan ko naman na ayaw niyang kinukumpara sa kanyang kapatid pero sapat na ba ‘yon para hindi siya umuwi sa kanila? Mukha naman silang mabait at mahal na mahal siya ng mga ito. Sa totoo lang naiingit ako sa kanya kasi may pamilya siyang handang umagapay.
“Ewan ko sa’yo. Teka nga, huwag mo ngang ma-include si mother-dear sa convo natin. Nakakadagdag ng wrinkles.”
Napa-iling na lang ako sa linya nito. Lagi naman niyang iniiwasan ang topic tungkol sa mama niya kaya mas mabuti pang ‘wag ko na lang ipilit na tanungin kung ayaw rin naman niyang sabihin. Basta masaya siya, ayos na sa akin ‘yon.
Wala kaming masyadong ginawa ni Cristine sa bahay maliban sa tapusin ang mga pending project kaya para malibang at ma-enjoy ang free day without class, naisip naming mag-movie marathon pampalipas ng oras.
Dalawang oras ang itinagal ng palabas at nagdidilim na ng matapos kaming manood. Ngunit ang pamper days ay hindi pa natatapos dahil naisipan ni Cristine na maging beauty guru at sundin ang anumang beaty site na binabasa niya.
“Kailangan ba talaga nating gawin ‘to?” muli kong tanong.
“Yes, it’s for relaxation and calming the nerves,” sagot niya. Nakahilata na siya sa sofa with face mask on, lavender scent circulating the room and flowing water playing as her music.
Hindi naman halatang ready siya ‘no?
Hinayaan ko na lang siya sa kanyang beauty rest at nagtungo ng kusina upang hugasan ang mga pinagkainan namin. Gustuhin ko man siyang samahan, hindi ko kayang sumabay sa routine niya dahil baka mas lalo akong ma-stress sa mga terminologies at products na meron siya.
“OMG! Nabuhay si Petra!”
Ano daw? Halos mabasag ang hinahawakan kong baso ng mapatalon ako sa gulat dahil sa paghiyaw ni Cristine. Agad agad akong lumabas ng kusina at pinuntahan siya sa sala. “Anong nangyari?”
Nadatnan kong nakaupo si Cristine sa sofa, face mask still on pero titig na titig pa rin sa phone nito na para bang may importanteng binabasa at zinozoom pa.
“Tine?” Lumapit na ako sa kinaroroonan niya, nakahalukipkip habang hinihintay ang kanyang paliwanag.
“Sorry, sorry. But OMG, Yena,” muli nitong tili dahilan upang ako’y mapangiwi.
“Oh? Ano nanaman ba kasi yan at para kang nakakita ng mult-”
Ihinarang na niya sa mukha ko ang kanina pa niya tinititigang sa phone. Nagdadalawang isip tuloy ako kung kukunin ko ba o hindi. Baka mamaya meme or celebrity gossip nanaman ang binabasa niya.
“Check it,” she insisted.
“Fine. Ano bang -.” Nanlaki ang aking mga mata sa nakita sa screen, halos nanlambot ang aking mga tuhod na naging sanhi ng pagka-upo ko sa tabi ni Cristine. “I...No. No way. Paanong...”
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ni hindi ko lubos maisip na magkakaroon ng ganitong pangyayari. Pero paano?
“Yes way. This is you Yena. Bakit di mo to sinabi sakin? Aww. That’s so cute.”
“Cute?No. That’s not it. Tinulungan niya lang ako kanina. Walang namamagitan samin.” Dali-dali kong paliwanag na tila ba pinagbibintangan ako sa krimeng hindi ko naman ginawa.
“Okay, Yena kalma. Deep breath, then inhale, exhale.”
Ginawa ko naman agad ang sinabi ni Cristine pero hindi pa rin mawala ang pangambang aking nararamdaman. Nababagabag ako sa nangyari dahil maaaring pagmulahan ito ng kung anong isyu.
“Anyway, Hindi naman nakita yung mukha mo sa camera kaya hindi nila malalaman kung sino ka. Sadyang napansin ko lang na ikaw ‘yun dahil sa suot mo.”
“Pero bakit nasa social media iyan? Hindi lang naman kami ang tao doon na magkasama.”Hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang pag-aalala. Nakakainis kasi. Bakit ba ito nangyayari sa’kin?
“True, pero ikaw lang ang babaeng kayakap ng isang Ace Santillan.”
“Sino?” baling ko sa kanya.
“Oh my, you don’t know?” She exaggerates. “Let me tell you a feature article, Yena.” Pagsisimula nito saka kinalikot ang cellphone para ipakita sa akin ang isang website na ikinakunot ang aking noo.
Alam ni Cristine na hindi ako updated sa mga celebrity happenings sa mundo. At lalong hindi ako mahilig sa banda kaya hindi ko kilala ang grupong ipinakita niya, pero nang i-swipe ko yung page para makita yung mga larawan ng miyembro ay doon na ako napatigil.
“Siya ‘yun,” turo ko sa litrato sa phone. “Y-yung lalaking tumulong sakin kanina.”
“Of course siya ‘yun. Kaya ko nga pinakita sa ’yo. Anyway, that’s Ace Santillan bassist ng bandang A5. He’s also one of the students in Royale taking advanced classes for Automotive Design. He’s a former dance team leader who won four national championships in dance since he entered eighth grade. On top of that, I heard he's been doing some drifting competitions outside of school since his senior high school. In short, he is a big deal.”
“Y-yea, now I know. Pero teka, hindi ba bawal sa mga estudyante ang sumali sa mga dangerous events and competitions na tulad ng drifting? Panong hindi alam ng management ang tungkol doon? At bakit ngayon mo lang sinabi ang tungkol dito?” paghihimutok ko kay Cristine.
“Wow. Sorry naman. Alam ko ba na magyayakapan kayo ni Ace sa kalsada? Anyway, wala naman talagang alam ang school sa extra curricular ng mga estudyante. Besides, we’re considered adults already so wala na silang paki-alam kung anong gawin natin sa ating mga buhay.”
Kung sabagay. Kapag nga naman nasa labing-walong taong gulang ka na ay miyembro ka na ng lipunan kung saan hindi ka na bata. Hindi mo na nadadaan sa simpleng sorry o simpatya ang mga tao kapag nagkamali ka. Pwede ka na ngang makulong eh.
But seriously, why is this happening to me? “Ugh. It’s frustrating.”
Napasubsob na lang ako sa throw pillow na hawak ko mula pa kanina. Akala ko pa naman magagawa kong hindi mag-stand out sa school kahit na isang buwan lang pero parang hindi na yata mangyayari.
“Yena, wala na tayong magagawa doon. What happened, happens. Hindi mo na maibabalik ‘yun kaya move mo na lang. Hindi naman nakita ang mukha mo kaya ayos na rin.”
Naiintindihan ko naman ang sinasabi ni Cristine pero hindi pa rin ako mapalagay dahil pakiramdam ko ay mas magiging malala lang ang mangyayari at paniguradong may ilang tao ang uungkat ng tungkol sa larawan lalo pa’t sikat pala itong si Ace.
With anxiety filling the room and making me uncomfortable, Cristine put both her hands on my shoulder, grabbing my attention. “Okay, listen to me.”
“What is it?” I asked, frowning.
“Ganito, I’ll keep tabs sa mga post ng people sa social media at kapag may nagbroadcast or any news na tungkol sa iyo. I promise, I’ll let you know para ma-aksyonan natin agad. How’s that?”
I released a deep breath, calming down for a while. “Yes. Please and thank you.”
Mas mabuti na ‘yun. Mas mapapanatag ako kung mababantayan ang pagkalat ng larawan. Hindi ko man mabura lahat ng ebidensya, basta hindi ito pagsimulan ng gulo sa buhay namin ni Ace, ay ayos na sa’kin.
xx

Komentar Buku (95)

  • avatar
    MateoJebil

    thank you

    23/03/2025

      0
  • avatar
    Helen Contigno

    good

    22/01/2025

      0
  • avatar
    PerezManilyn

    im happy

    08/01/2025

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru