~ ACE ~ Summer. Ang init na nga ng araw. Masakit sa ulo. Sunburn. Kung sa karamihan parang pista na sa kanila dahil sa katapusan ng school year, ako hindi. Hindi pa at sa tingin ko ay malabo ng mangyari. Paano ba naman kasi, sa summer school ang bagsak ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero masipag kasi ako, at sa sobrang sipag ko, isa ako sa napili ni principal na sumama sa summer school program kasama ang kasingsipag kong mga kaibigan. Sa totoo lang wala naman kaming problema doon, ang kaso nga lang may plano na kami ng mga kaibigan ko sa buong summer. Dahil sa ito na ang last summer days before college years, plano naming sumama sa mga gigs and events upang may makaipon ng pera pangpuhunan at makahanap ng mga pwedeng connection sa iba’t-ibang industriyang aming papasukan. Wala naman kasing kasiguraduhan kung anong mangyayari sa hinaharap.Hindi namin alam kung anong pwedeng mangyari kaya mas mabuti ng sigurado. Ayoko rin namang umasa sa mga magulang ko habang buhay, kaya naman ng sabihin ni Aileen na bumuo kami ng banda para makaipon ng pera, pumayag agad ako. Hindi rin naman kasi ako ipinanganak na mayaman tulad ng dalawa ko pang kaibigan kaya malaking tulong na rin kung maging successful ang plano namin sa pagbabanda. “Anak, saan nga ang lakad mo?” muling tanong ni mama. Ilang ulit na tanong na ‘yan, pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ako pinaniniwalaan. Kung sabagay, hindi naman kasi ako madalas lumayas ng bahay ng naka-uniform, lalo na sa summer na katatapos lang ng school year. Madalas - at kahit hindi pa bakasyon - ang lagi kong paalam may gig kami nila Vince or kasama namin si Aileen. Kapag ‘yon ang rason, hindi na siya muling magtatanong pa pero kung ang rason tungkol sa school o akademiya, hindi kapanipaniwala. “Ma, paulit-ulit? Sa school nga po,” muli kong paliwanag habang patuloy na nag-aayos ng gamit. “Anak naman, matagal ko nang alam na tamad ka, kaya imposibleng na-kulam ka kaya naisipan mong mag-aral - at sa summer pa,” mungkahi ni mama halatang hindi talaga kumbinsido sa sinasabi ko. Sa itsura niya para sinabing nangitlog ang kabayo at bilog ang tatsulok. “Wow ma, kung makasabi ng tamad parang true - Aray! Kailangang mamatok? Child abuse, ma.” “Magtigil ka sa kalokohan mo Ace ah. Naku kapag nalaman ko talagang pinagloloko mo ko sa school na ‘yan, malilintikan kang bata ka,” nanggagalaiting banta ni mama habang kinukuha ang mga labahin sa kwarto ko. “Yes ma. Sige po, mauna na ‘ko. Bye ma. Love you.” Hinalikan ko na sa pisngi si mama at nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay. Pag-alis ng bahay ay nakahanap agad ako ng jeep na masasakyan at agad na nagtungo sa Royal Academy kung saan kami ipinatapon ni principal. Ayon sa utos niya, kailangan naming magparticipate sa mga activities nila para daw may matutunan kami sa buhay. Dahil magkakasama naman kaming magbabarkada, hindi na kami umangal pa. Just go with the flow na lang. “Manong, para.” Matapos ang halos kalahating oras na biyahe ay nakarating na rin ako sa paaralan. Royale Academy. Mula sa labas ay mahahalatang pangmayaman ang school dahil pati mga estudyante ay galing sa mga sikat na paaralan. Meron din namang mga public schools at catholic schools pero mas marami pa rin ang mga rich kids na akala mo talaga gawa sa ginto. Sana lang matino silang kausap at madaling pakisamahan dahil wala akong balak magbilangan ng pera dito. Simple lang ang goal ko sa summer school na ‘to. Ang matapos ang kursong aking kinuha at ma-enjoy ang summer ng hindi nakukuha ang atensyon ng masa. That’s it. ___ Nasa kalagitnaan kami ng talakayan ng bigla na lang tumunog ang fire alarm, dahilan upang magmadaling lumabas ang lahat ng tao sa building. Ang hindi ko maintindihan ay kung paano pa nagkakaroon ng time ang iba na mag-selfie at maglagay ng make-up kung ang karamihan ay nagmamadaling makaalis sa lugar. Ang labo talaga ng mga tao minsan. Naalala ko tuloy ang mga drill na pinagawa sa amin noong ako’y nasa elementarya pa lamang. Taon-taon ay nagsasagawa kami ng fire drill at earthquake drill kung saan kailangan naming sumunod sa panutong sasabihin ng aming guro. Kung dati ay hindi namin sineseryoso ang ganoong mga bagay dahil sa taon-taon namang ginagawa at walang nangyayaring ganoong kalaking trahedya, ngayon naman ay kabaliktaran dahil ang karamihan ay tila nakawalang mga hayop na hindi alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Tang ina lang. Kailangan pa talagang manulak para makadaan? Alam kong emergency at totoong may malaking apoy sa kabilang building pero hindi ba pwedeng maglakad ng dahan-dahan? Siguro naman ay may mga natirang ‘do’s and don’t’ sa utak ng bawat estudyante ‘di ba o napalitan na lahat ang ibig nitong sabihin? Nasan na 'yong don't panic? Ang no pushing? Eh ang no screaming? Lahat ba ‘yon nawala na lang na parang bula? Pasok sa isang tenga labas sa kabila. Kung sabagay, wala namang sumusunod sa mga utos, kung bakit nga rin naman kasi nsakasulat pa sa Ingkkes kung saan hindi masyadong bihasa ang karamihan. Oh di ‘ba, simpleng payo lang pero tiyak na maiintindihan. Bakit 'di na lang sila tumulad sa akin? Tamang lakad lang, 'di tensionado at 'di – “FUCK! I'm so sorry, Miss.” Tang’na sinong ulupong ang bumangga sa akin? Igigisa ko ‘yon kapag nakita ko. Hindi man lang nag-sorry. Hindi lang ako ang nabangga ng kung sino mang ulupong dahil may naitulak rin siyang babaeng hindi man lang niya tinulungan. At dahil sa hindi ako sobrang gago, ako na mismo ang tumulong sa binibini. "Miss ayos ka lang. Sorry talaga . Tara na, iwan mo na iyang mga gamit mo. Nilalakaran ka na ng mga anak ng demonyo rito." Dahil nagmamadali ang lahat ay hindi ko na siya matutulungan na pulutin ang nagkalat niyang gamit. Sa isip ko, mas priority ang kaligtasan niya kaysa sa mga bagay na pwede namang balikan o palitan kaya hinila ko na siya patayo dahil talagang binabanga na siya ng mga tao. Nang makalabas kami ay agad kong napansin ang panginginig niya dahilan upang ako'y mag-alala. Nasaktan ba siya kanina? Tahimik lang itong nakayuko at nakayakap sa sarili, na tila hindi man lang pansin na nakalabas na kami sa building. "Miss, ayos ka lang? May masakit ba sa 'yo? Kailangan ko na bang tumawag ng medic?" Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya pero kung kinakailangan niya ng tulong ay mas makabubuting may umalalay agad sa kanya. Akmang aalis na sana ako para humingi ng tulong ng bigla na lang niyang hilain ang manggas ng aking damit kaya naman agad akong napahinto at napatingin sa kanyang kinaroroonan. "P-Please don't. Please." Nanginginig ang kanyang boses na tila isang mamahaling plorera na mababasag na ng ilang saglit. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat gawin. "Nagmamakaawa ako. Please." Sa pagtama ng aming mga mata, ako’y natulala sa maamo at kinis ng kanyang mukha, sa mapupulang labi na nagbabaybay ng mga salitang aking naririnig at sa kanyang mga matang punong-puno ng emosyong hindi ko kayang iwaglit sa aking isip. Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang dumampi sa akin dahil napasunod na lang ako sa boses niya na tila ba siya ang may-ari ng aking pagkatao. At lalo kong hindi maintindihan ang aking sarili ng bigla ko na lang siyang hinila upang ibaon sa aking yakap. Naposses na ba 'ko? Hindi na bago ang ganitong bagay sa akin. Nagkaroon din naman ako ng mga kasintahan dati at may mga estranghero na rin akong nayakap pero ibang-iba ang pakiramdam sa piling ng binibining kasama ko. Kahit na halos maligo na ako ng pawis dahil sa init ng tag-araw ay hindi ito alintana sa akin. Sa katunayan parang nilalamig nga ako bigla kaya kinakailangan ko ng kayakap. Nasisiraan na nga yata 'ko ng bait. Abnormal na rin pati puso ko. Lakas makatibok akala mo nakikipagkarera. Ang weird lang. Halos isang oras rin ang nakalipas bago sabihing maayos na ang lahat. Sa buong oras na 'yon ay nakayakap lang ako sa binibining aking nakilala kahit pa tumigil na ito sa panginginig ay hindi ko siya binitawan. Hindi rin naman siya nagreklamo kaya, ayos na rin. Maganda kayang may kayakap. "Ma-maraming salamat." Bahagya niyang kinalas ang pagkakayakap namin sa isa’t-isa at dali-daling tumakbo paalis at iniwan akong mag-isa. Ngunit ang tagpong iyon ay hindi ko makalimutan dahil tila ako naliwanagan sa buhay na hindi ko alam. Hindi ko alam na pwede palang makakita ng tala sa umaga. Sa sandaling tumingin siya sa akin na may ngiti sa labi ay tila ba kumislap ang kanyang mga mata. Hindi ko tuloy magawang magsalita o kahit man lang gumalaw. Ako'y tila paraliza at nakalimot na sa paghinga. Kung hindi ako binangga ng kung sinumang demonyong nasa likod ko, baka nanigas na akong parang yelo o ‘di kaya ay napako sa lupa. Sino kaya ang binibining aking nakasalamuha? Bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya? Sana man lang ay hindi ito ang aming huling pagkikita. Sana ay muli kaming pagtagpuin ng tadhana. xx
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
thank you
23/03/2025
0good
22/01/2025
0im happy
08/01/2025
0Lihat Semua