~ YELENA ~ Summer. Walang pasok. Bakasyon. Ito ang ilan sa mga salitang maiisip ng mga estudyante kapag sumapit na ang tag-init. Sa oras na matapos ang huling araw ng klase, karamihan sa mga estudyante ay nagdiriwang na at nagpaplano na ng mga pwedeng gawin kasama ang mga kaibigan at kapamilya. Ngunit hindi lahat ay nagagawang magsaya o magbakasyon tuwing summer dahil may mga ilan na kinakailangang maghanap ng trabaho upang may pambayad sa tuition sa darating na pasukan o para may magastos sa araw-araw. "Yena, table 5." "Copy." Kinuha ko na ang tray na iniabot ng kasamahan ko at agad na dinala sa table ng customer na kanina pa naghihintay ng kanyang order. "Thank you for waiting, here's your order." Tuwing summer ay nagpapart time waiter at assistant cook ako sa Sky Light, isang beach house cafe malapit sa amin. Simula ng makatapos ako sa junior high ay naghanap na ako ng trabaho para may panggastos sa aking pangunahing pangangailangan. Hindi naman kasi ako ipinanganak na mayaman na may extrang barya sa bulsa. Isa akong dating batang lansangan na napunta sa bahay ampunan kung saan ako lumaki at naninirahan hanggang makatapos ng junior high o Grade 10. Ngubit bago ako tumuntong sa senior high school ay umalis na ako sa ampunan kung saan ako lumaki. Ayoko na kasing umasa sa mga madre hanggang sa aking pagtanda. Sa una hindi naging madali ang lahat lalo na sa paghahanap ng trabaho. Maliban kasi sa wala akong experience ay nasa disiseis pa lang ako na matatawag na menor de edad. Ngunit dahil na rin sa rekomendasyon ng isang kakilala sa ampunan ay napagbigyan nila akong magtrabaho tuwing summer season kung saan walang pasok. Dalawang taon na rin ang nakalipas simula nang magtrabaho ako dito, at ito na rin siguro ang huling taong magtratrabaho ako ng part-time sa kanila. Nakausap ko naman na ang may-ari ng shop at pumayag naman siyang magtrabaho ako ng full time after summer. Wala na rin kasi akong balak mag-college dahil wala rin naman akong sapat na pera para sa tuition fee at mga libro kaya mas mabuti nang magtrabaho upang may pambili ng pagkain. "Yena!" Nilingon ang pinanggalingan ng boses, at agad akong napangiti ng mamukhaan ko ang bumati. "Sister kayo pala," bati ko sabay mano sa kanya. "Napadaan po kayo. Ano ang gusto niyong kainin. Treat ko na po." Minsan binibisita pa rin ako ng mga madreng nag-alaga sa akin noon dito sa trabaho. Minsan naman ako ang pumupunta sa ampunan para bisitahin ang mga kapatid kong naiwan pa doon. Marami pa ring bata ang naiwan o nakatira sa ampunan kaya ang pagbisita at pakikipaglaro sa kanila ay maganda at mabisang paraan para sila'y mabuhayan ng loob at maging masaya. "Naku iha, hindi na. Dumaan lang ako dito para ibigay sa iyo ang liham na 'to." Napakunot ang aking noo sa tinuran niya pero inabot ko pa rin ang liham na kanyang sinadya. Wala akong kilalang maaaring magbigay sa akin ng liham, wala rin akong pinagkakautangan kaya lubos na nakapagtataka na may matanggap ako ngayon. "Galing 'yan kay -" "Sister, nasaan na po siya?" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni sister. Napatayo na ako sa aking upuan, at seryosong nakatingin sa kanya habbang naghihintay ng sagot. "I-iha..." "Alam po ba niya ang kalagayan ko? Nasabi niyo po ba sa kanyang hindi na ako tutuloy ng kolehiyo?" Sunod-sunod ang aking naging tanong kasabay ng mga luhang hindi ko inaasahang tutulo. Pangalan pa lang ang aking nababasa sa sobre ay sapat na para ako'y maging emosyonal. Kilalang-kilala ko ang sulat na iyon, pamilyar ako sa pangalang nakasulat. Ilang taon na rin ang lumipas mula ng mawalan ako ng balita sa kanya. Simula ng malaman namin na bumagsak ang eroplanong sinakyan niya ay wala na kaming naging balita. Hindi na namin nalaman kung buhay ba siya o hindi na. Ang pagkawala niya ay tila pagtupos din ng liwanag sa aking buhay dahil ang pamilyang ipinangako niya ay bigla na lang nawala. Siya na sana ang aampon sa akin, ngunit sahil sa nangyari sa kanya ay hindi na natuloy, kaya muli nanaman akong nag-iisa. Simula noon ay hindi na ako umasa na may aampun pa sa akin. Sino ba naman ang gustong maging parte ako ng kanilang pamilya kung sa simula pa lang ay hindi na ako buo. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako kina sister na nagpaaral sakin hanggang makatapos ako ng junior high. At ngayong nagtapos na rin ako ng senior high at hindi na menor de edad, kaya ko nang magdesisyon para sa aking sarili at tumayo sa sariling mga paa. "Iha, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, pero kung siya nga ang nagsulat ng liham ibig sabihin ay buhay pa siya at marahil ay naghihintay na makasama ka muli bilang anak niya. Kaya sa tingin ko ay mas makabubuti kung basahin mo ang liham galing sa kanya para alam mo ang rason at kung anong nangyari noong mga panahong wala siya. Nasa iyo na rin ang desisyon kung gugustuhin mo pa ba siyang makita o hindi na. Nasa iyo ang desisyon, Yena." Hindi ko alam kung anong gagawin. Kahit pa sinabi ni sister na ako ang dapat na magdesisyon, may takot pa rin sa aking puso na nagsasabing hindi ko ito kayang magdesiyon ng mag-isa. Masyado na akong maraming mali at hindi napanindigang mga desisyon, ayoko nang mabigo at masaktan pa dahil dito. "Paano ba 'yan. Maiwan na kita, iha. Kailangan ko pang bumalik sa ampunan. Kung may oras ka ay dumalaw ka lang. Bukas ang pinto ng ampunan para sa iyo." Isang ngiti ang aking naging sagot ng magpaalam na si sister. Wala na rin naman akong maisip na sabihin pa dahil ang buong isip ko ay nakatuon na sa simpleng sulat na ibinigay niya. Matapos ang aking trabaho ay agad akong umuwi sa munting apartment na inuupahan namin ng kaibigan ko. Mula ng naging malapit ako sa kanya noong nasa ika-labing isang baitang kami ay inanyayahan na niya akong makitira sa kanila dahil wala rin naman siyang kasama sa bahay. Noong una ay nagdadalawang isip pa ako pero pursigido talaga si Brielle kaya napapayag niya akong makitira sa kanya. "Welcome back, Yena dear,"pabati nito. Nakasalampak si Brielle sa sofa habang nakabukas ang telebisyon, ngunit hindi naman siya nakatutok sa palabas dahil sa may kung ano siyang binabasa sa kanyang phone. "Ano ba iyang binabasa mo at hindi mo na pinapansin ang celebrity crush mong kanina pa nakangiti sa 'yo," biro ko saka tumabi sa kanya. "O. M. G, Yena. You won't believe it," excited niyang sambit na may kasamang tili pa. Minsan talaga sobra-sobra kung mag-react itong si Brielle kaya maraming nagrereklamo sa kaingayan niya. "Bri, quiet lang baka mamaya magalit nanaman yung mga kapitbahay kapag narinig ka," suway ko. "Whatever." She rolled her eyes. "Anyway, here. Read it." Kinuha ko ang inabot niyang phone at binasa ang email na tinitilian niya kanina. Napakunot noo tuloy ako, iniisip kung ano nanamang drama ang gusto niyang ipapanuod sa akin. "Ano ba 'to? Wala namang....." "Yes, keep going." "No way." "Way." Brielle stood up and gave me an envelope with the golden seal of the place that we've wanted to go over the summer. "This is yours. And this is mine." Binuksan ko agad ang sulat at and lo and behold, written in big bold and capital letters. "I got accepted." The words came off almost a whisper. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inaasahan na kahit papaano ay matatanggap ako para sa isang buwang pre-college admission. Akala ko wala ng pag-asa. Mabuti na lang. "Yes! We got in. We can attend the same place again. Yay." Brielle's excitement rubbed off on me, with all the hugging and jumping as if we won the jackpot of lotto max. We're both happy and delighted by this news. Kung sa iba isa lang itong ordinaryong bagay, para sa akin ay malaki na 'to dahil para sa katulad kong salat sa yaman, ang tinatawag na 'trial college' ay isang paraan na para ma-experience ko ang tinatawag na last step to adulthood na sigurado akong marami akong matututunan. After the mini-celebration that lasted until midnight, we decided to take a rest and go shopping tomorrow for the extended party. Hindi na ako umangal pa at nagtungo na rin sa aking silid, ng mapansin ko ang isa pang liham na hindi ko pa pala nabubuksan. Hindi ko rin naman kayang basahin sa trabaho kanina dahil ayokong magulo ang aking konsentrasyon at ngayon namang nasa bahay na 'ko ay hindi ko alam kung kaya ko pa bang babasahin ngayon o ipagpabukas ko na lang. Sa huli, inilagay ko na lang muna ito sa may drawer dahil hinihila na ako ng antok. Bukas ko na lang ito babasahin upang ako'y makapagpahinga na. ___ Sa pagbubukas ng bagong umaga sa buwan ng tag-init ay dumating na rin ang araw ng summer classes kung saan may mga ilang estudyante ang kinakailangang pumunta ng summer school. Ngunit hindi lahat ng kumukuha ng summer classes ay may failing grades or kulang sa credits. May ilang mga paaralan kasi na nag-aalok ng pre-courses or advance classes para sa mga incoming freshmen upang magkaroon sila ng experience kung anong feeling ng college, the expectations and the field of study itself, kaya naisipan kong pumasok. Isa pa, maganda na rin ang pre-college learning para naman kahit paano ay masabi ko rin na naranasan kong mag-college. Alam ko namang hindi ko kayang matustusan ang buong pag-aaral ko sa kolehiyo pero kung may pagkakataon o oportunidad, bakit hindi. Wala namang mawawala. "O. M. G!" tili ni Brielle habang naglalakad kami papasok sa gate ng Royale Academy na isa sa mga paaralang nag-aalok ng pre-college experience. Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Nagpasama ako kay Brielle na mag-apply dito noon pero hindi ko inaasahan na pati siya ay mag-aaply para lang matakasan ang pamilya niya. Hinayaan ko na lang siya, pero sa totoo lang nakampante ako ng malaman ang ginawa niya. Si Brielle lang kasi ang bukod tanging nakakaintindi sa akin at sa kung anong pinagdaanan ko kaya siya na ang naging sandalan ko sa buhay. "Super excited na ako for this summer. Although dapat nagsasaya tayo since we graduated and this is the last summer of our high school life, mas gugustuhin ko na lang pumasok kaysa dumalo ng mga family reunion at mabubulok sa bahay hanggang sa susunod na pasukan. Mabuti na lang talaga inimbitahan mo ako dito, Yena." "Bakit ba naman kasi ayaw mong umuwi?" Alam kong matagal nang pinapauwi sa probinsya si Brielle pero ayaw niyang umuwi at mas gusto niyang manatili sa puder ng tiyahin niyang nandito sa ciudad. Hindi ko alam kung anong meron at ayaw niyang bumisita man lang kahit na holiday o long weekend. Kapag tinanong ko siya, isa lang ang kanyang nagiging sagot. "Ugh. No way. Ayokong ma-engkanto." Napailing na lang ako. Kahit ilang ulit ko nang narinig ang sagot na iyon, hindi pa rin ako naniniwala. Hindi naman malapit sa gubat o kung anong kulto ang bayang pinagmulan ni Brielle pero lagi niyang sinasabi na 'may masamang engkanto doon. Ewan ko ba. "B.T.W. Yena, daan tayo ng pharmacy mamaya, kailangan kong bumili ng tampon and pills later for protection." "S-sure, pero kailangan mo ba talagang isiwalat sa lahat kung anong bibilhin mo?" Nahiya ako bigla dahil ang lakas ng pagkakasabi niya. Ang dami pa namang tao dito. She rolled her eyes, "Who cares. As if naman hindi gumagamit ang ilang mga kababaihan dito ng tampon. If I know may mga ilan dito na palihim na gumagamit ng dildo ayaw lang nilang sabihin." "Brie!" Hinila ko na si Brielle palayo sa karamihan dahil baka mamaya kung sino pa ang makarinig sa kanya. Wala pa namang sinasanto ang babaeng 'to. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa Royale Academy. Isa sa mga prestihiyosong paaralan sa lugar. Sa gate pa lang ang dami ng tao mula sa iba't-ibang high school sa loob at labas ng ciudad. Karamihan sa kanila ay mukhang mayaman at galing sa kilalang mga paaralan base sa uniporme. Nahiya tuloy ako sa suot ko. "Is that her? Talagang tinanggap pa siya dito." "I know right. What a slut." "Salot." "Whore." Napayuko na lang ako sa aking mga narinig. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi at panginginig ng aking kamay. Hindi na bago sa akin ang mga bulung-bulungan ng mga estudyante habang naglalakad kami papuntang main building. Bulungan pa ba 'yon? I mean, chismisan ng mga tao rito. Madalas na akong makarinig ng masasamang salita tungkol sa akin simula pa noong nasa junior high ako. Alam kong hindi 'yun mawawala at hindi ko naman inaasahan na bigla na lang silang maglalaho dahil lang sa lumipat ako ng paaralan. Ngunit sa mga ganitong bagay minabuti kong huwag na lang silang pansinin para walang away o gulo na mangyayari. Hinahayaan ko na lang ang mga bulungbulungan o tsismis sa tabi-tabi para kahit paano ay may pagkaabalhan naman ang mga tao. Minsan kasi wala ng matinong magawa ang mga iba kung hindi manghusga sa kapwa na akala mo naman kinaganda nila. Pero ayos lang sanay na ako d'yan. Salita lang naman ang mga 'yan, marami na akong maranasang mas masasakit na pangyayari sa buhay kaya parang dampi na lang ng hangin ang mga sinasabi nila. "Ano nanaman bang meron ngayon at hanggang dito ay sa iyo nanaman ang atensyon ng mga mahaharot na 'to?" pabulong na pagkakasabi ni Brielle. "Hayaan mo na," suway ko. Alam ko namang wala kaming mapapala kung sasagutin o papansinin namin lahat ng mga pinagsasabi nila. Mas lalo lang gugulo kaya iwasan na lang. "Naku, kapag ako napuno. Sasabuyan ko sila ng chlorine sa mukha." Mukha man itong biro, pero kapag nagalit si Brielle ay hindi ko matitiyak na hindi niya ito kayang gawin. Baka nga mas malala pa. "Shush. Kapag ginawa mo 'yan siguradong sa presinto ang bagsak mo." Paalala ko na ikinakibit balikat lang niya. "Ayos lang at least I had the last laugh." Napailing na lang ako. Sa buong buhay ko si Brielle lang yata ang babaeng kilala ko na hindi magpapatinag ng basta-basta. Iyong tipong, kapag narinig niya lang ang pangalan niya sisitahin ka agad kaya minsan natatakot sila sa kanya. Hindi ko pa nga rin yata siya nakikitang umiiyak ng sobra o lubos na masaktan dahil sa iba. Paano ba naman, sadyang punong-puno siya ng positive energy kaya minsan nakakahawa ang pagiging happy-go-lucky niya. "Oo nga pala Brielle, anong schedule mo?" Pag-iiba ko ng paksa, takot ko lang na baka mamaya makaisip pa siya ng kung anong torture plan na ikapapahamak ng iba. Wala pa naman akong sapat na kakayahan upang ipagtanggol siya kung sakaling mauwi sa demandahan. "Hm, 4hrs of Arts of Literature, 2hrs of ancient studies and 2hrs extra curricular. In short, I have the boring classes na walang kumukuha." Natawa na lang ako. Brielle's the type of person na madaling ma-bored. Hindi siya mahilig sa mga routine or paper works at mas gusto niya yung on the go or practical works. The total opposite of me. "Yena?" "Huh?" I blinked. "Sorry ano 'yon?" Balik kong tanong kay Brielle. Hindi ko na kasi namalayan na nalunod na pala ako sa kakaisip ng kung ano-ano. "Ang sabi, anong kinuha mong class?" pag-ulit niya. "Ah, Baking and basic cooking." It's the only thing I can do. It's my therapy and way of showing my emotions.Whenever I see Brie enjoying the simple food I make, it makes me happy. That's why I wanted to learn more about other recipes and cooking techniques so I can make more people happy with the food I make. Food is life, as many people say. But for me it's an expression to show your unheard thoughts and unspoken words. I heard from someone before that like flowers and colors, food also has meanings that could reflect the emotions and feelings of a person, that's why I was inspired to learn more about the art of cooking. "Akala ko event planning ang kukunin mo?" "Hm, naisip ko kasi na kapag nagwork ako sa cafe o kaya sa restaurant, mas maganda kung may alam ako sa pagluluto o kaya baking. Sa tingin ko mas maganda na rin 'yun kasi kapag may knowledge ako sa pagluluto mas marami na akong alam lutuin at mas makakakain tayo ng mas masarap na pagkain, 'di ba?" "Aba, tignan mo nga naman. You're so smart talaga Yena, kaya best friend kita eh." Simpleng ngiti ang aking naging sagot sa kanya. Sa totoo lang hindi ako sigurado kung magagawa kong makamit ang pangarap kong iyon pero natutuwa akong malaman na sinusuportahan ako ni Brie. Hangad ko lang na sana kung hindi ko matupad ang aking pangarap ay matupad niya ang kanya. At sana, kahit na tumungtong siya ng kolehiyo at magkahiwalay kami ng landas na tatahakin sa hinaharap ay manatili pa rin ang aming pagkakaibigan. xx
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
thank you
23/03/2025
0good
22/01/2025
0im happy
08/01/2025
0Lihat Semua