logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Chapter 4: Savi
"Bumalik ka na doon sa pwesto mo! At kapag hindi mo inayos ang trabaho mo, sasabihin ko na to sa kay Ma'am Angie! Maliwanag?" Nakahinga ako ng maluwag nung matapos ang napakahaba niyang sermon kanina.
"O-opo, pasensya na po ulit," sabi ko at dali dali'ng umalis dun. Talaga kasing nakakatakot si Mrs. Piero. Napakastrict niya, kahit na isang maling galaw mo lang ay mapapansin ka agad niya. Mabuti nalang at hindi niya nalaman yung tungkol sa pagbigay ko ng maling order kanina sa isang customer.
"Uy, kamusta? First day na first day e napagalitan ka na agad ni Mrs. Piero," natatawang sabi sa'kin ni Oli nung magkasalubong kami.
"Oo nga e, nakakainis kase yung Zoey na 'yon, akala niya naman e uurungan ko siya."
"Baliw ka, hindi mo ba kilala si Miss Zoey? Isa 'yung kilalang model sa buong Pilipinas! At isa siya sa mga galanteng customer dito sa resort, "sabi niya na hindi ko man lang kinabigla.
"So? E ako? Kilala niya ba?" Sabi ko at tumawa lang si Oli.
"Sino ka nga ba, Sam? Magkaka level lang naman tayong mga staff dito. Mga mahihirap na kahit papaano ay may pinag-aralan naman." Ngumiti nalang ako sa kanya, ayaw ko namang magyabang sa kanya na anak ako ni Thomas Emanuel III, ang may ari ng Emanuel Corporation. Isa sa sikat na korporasyon dito sa Pilipinas. Busy'ng tao ang daddy ko kaya hindi kami ganoon masyadong nakakapagbonding. Kaya ganito, nagrerebelde ako. Gusto ko lang naman ng atensyon e, kahit na hindi din makakabuti sakin ang pagrerebelde. Alam kong mali, but that's the only way to get the attention of my parents. Nagkaroon na ako ng matataas ng grades pero hindi nila yun pinapansin at binibigyan lang ako ng pera para icelebrate yun with my friends. Kaloka diba? Yun na ang cycle ng buhay ko dati, ang magpa impress sa mga magulang ko kahit na ramdam kong hindi nila yun naaappreciate.
Pagkatapos ay doon ko na yun narealize, na hindi sapat yung pagpapa impress ko sa kanila. I always get in trouble at sinasadya ko yun, pero sa halip na pag-aalala ang matanggap ko? Sermon lang, and they always compare me with other girls na anak ng mga kaibigan nila, na kesyo mas better yun kase masunurin sa magulang, masipag mag-aral, mabuting anak.
Gusto kong tumutol don, gusto kong sabihin na ginawa ko yung best ko para sa kanila pero hindi nila yun pinapansin. Puro kamalian lang ang napupuna nila sakin. Gusto kong sabihin na sila din ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Pero ano nga bang magagawa ko?Kahit naman sabihin ko yun e mas lalala lang, mas sasama lang ang tingin nila sakin.
I wish I have a brother or a sister. Naiinggit ako sa iba, may ate at kuya sila na nagtatanggol sa kanila, pinupunasan yung luha kapag may masamang nangyare, may nagbibigay ng payo kapag may problema at ang huli, may masasandalan sila kapag nasa punto na kung saan hindi na kaya.
Nakakainggit, ni isa kase nun wala ako eh. May mga magulang ako pero nasa trabaho ang atensyon nila. Naiintindihan ko naman na para sakin din yung mga ginagawa nila pero paano naman yung ikakasaya ko? Ang gusto ko lang naman ay kahit minsan mapansin nila e.
Sabi nga sa kanta sa Moana, 'I wish I could be the perfect daughter'. Relate na relate ako dyan.
Pero naniniwala ako na darating din ang araw na iyon, na sa akin na ang atensyon nila. Yung pupurihin nila ako sa mga magagandang bagay na nagawa ko, papagaanin ang loob ko kapag may problema. Ang sarap siguro sa pakiramdam non, sana lang ay nababasa nila ang nasa isip ko. Para malaman nila na mahal na mahal ko sila at atensyon lamang nila ang tanging hangad ko.
At sana lang, kapag nangyare yun, ay hindi pa huli ang lahat.
"Huy! Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong hindi maganda?" Natatarantang sabi ni Oli na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.
"H-Ha? Ah, hindi, napuwing lang ako," sabi ko at agad na pinunasan ang luhang hindi ko namalayang tumulo na pala. "Break time na natin diba?Sige ah, aalis na muna ako," sabi ko at umalis na dun kahit na hindi pa siya nakakasagot.
Pumunta ako sa may tabing dagat para pakalmahin ang sarili ko, feeling ko kaunti nalang ay bibigay na ako. Nakikita man nila ako na kampante at walang problema, sana nakikita din nila kung gaano ako kawasak sa loob loob ko. Sana nakikita nila kung gaano ako kahina kapag tungkol na sa pamilya ang usapan.
"Emo,"
Nagulat ako nung may biglang nagsalita sa likod ko at paglingon ko.
"D-Dale," nasabi ko nalang at pinagmasdan ang kanyang itsura.
Nakasuot siya ng light blue na polo, ang butones sa may bandang itaas ay hindi naka butones, ang suot niya naman sa pang-ibaba ay beach short.
Marahang sinasayaw ng hangin ang kanyang buhok na mas kinacool niya.
Sa dagat siya nakatingin pero alam kong ako yung sinabihan niya nun dahil kami lang naman ang nandun.
Bakit ganoon? Kahit kaunti ay hindi nababawasan ang kagwapuhan niya. Parang mas dumadagdag pa yun araw araw.
Ang sarap niyang pagmasdan, ang malalantik niyang mata, ang makapal niyang kilay, ang kissable lips niya. Napakaperpekto niyang tignan. Halos lahat ng gusto ng babae sa itsura ng lalaki ay nasa kanya na. Maging ang pagiging masungit niya ay nakaka-attract.
Nagulat nalang ako nang bigla siyang umirap. Signature niya na siguro ang pag-irap?
"Will you stop staring at me? Sa tingin mo e parang gusto mo na akong gahasain dito," sabi niya na mas kinabigla ko.
Bukod pala sa pagiging masungit ay mayabang din ang lalaking ito. Feeling niya naman rereypin ko siya? Gwapo siya pero hindi ako magtatangka no.
Pero pwede rin, mukha naman siyang yummy.
"Ewan ko sayo, baliw ka na yatang babae ka, " irita niyang sabi at naglakad na paalis nung mapansing nakatitig lang ako sa kanya.
"S-Sandali! Pogi!" Agad naman akong sumunod sa kanya. "Bakit ka nandito?Siguro sinusundan mo ko no? Ikaw ha! Crush mo yata ako e!" Natatawa kong panunukso sa kanya pero nanatili lang siyang seryoso. Nawala bigla yung pagdadrama ko kanina nung dumating siya. Happy pill ko na yata ang gwapong nilalang na ito.
"Why would I follow you? Pumunta lang ako dun para magpahangin at sakto lang na nandun ka rin."
"Sus! Aminin mo na kase! Hindi ko naman ipagkakalat e! Promise!" Sabi ko at tinaas pa yung kamay ko na parang nanunumpa.
Ngunit tinignan niya lang ako na parang hindi makapaniwala.
"Stupid," tanging sabi niya at binilisan ang paglalakad.
"Hindi ako stupid! Nagagandahan ka lang sakin e," natatawa kong pahabol at pinanood nalang siya na pumasok dun sa hotel.
Tatawa tawa nalang ako naglakad lakad.
"Oh?Bat ka tumatawang mag-isa Miss. Samantha 'Jade' Emanuel?" Talagang inemphasize niya yung 'jade'.Mabuti naman no.
"Ano namang pake mo?" Irita kong sabi kay Anton na nakasunod lang pala sa likod ko. "At saka, wag mo nga akong sundan! Naaalibadbaran ako sayo!"
"Hindi naman kita sinusundan e, may pinapasabi lang si Ma'am Angie sayo. Maglu-lunch daw kayo ng sabay mamaya kasama yung tatlong bigating guest sa hotel."
"K. Thanks. Noted." Sabi ko lang at naglakad lakad. "Oh?Bat sumusunod ka parin?" Nakataas ang kilay kong tanong dahil nakasunod parin siya.
"Hindi ko nga ho kase kayo sinusundan, uuwi na ho ako sa bahay namin at ito yung daan papunta dun."sabi niya at nauna ng maglakad sakin.
Napatigil naman ako dun. Letse'ng yan, talagang pinapahiya ako e no. Tch.
"Edi dyan ka! Dito nalang ako!Hmp!" Usal ko at maglalakad na sana pabalik nung mabunggo ako sa dibdib ng isang lalaki pagkaikot ko.
"Aray! Bat ba kase paharang harang ka sa--" natigilan ako nung makita ang mukha nung nakabangga ko. Anghel yata na ibinaba dito sa lupa.
Sobrang gwapo. Pero hindi katulad ni Dale na mukhang masungit, ito naman ay gwapo na mabait. Nakangiti sakin ang manipis niyang labi at nakatutok ang singkit niyang mata sakin. Ang tangos din ng ilong niya.
Shit. Bakit magkahawig sila ni Dale?
Pero wala, kay Dale parin talaga ako. Mas gusto ko yung kagaya niya na masungit. May thrill.
"Hi," bati nito sakin nang ngiting ngiti.
"Hello," bati ko rin sa kanya at bumawi ng ngiti.
"You're pretty, what's your name baby girl?" Aniya na ikinasimangot ko. Babaero naman yata to, basta mga ganyang line, babaero yan.
"Sam," sagot ko nalang at nilagpasan na siya pero sumunod parin siya. Bahala ka dyan, maghabol ka sa dyosa.
"Wait! Full name please?"sabi niya at sumabay sa paglalakad ko.
"Kailangan pa ba yon?bAyos na 'yun" wika ko at binilisan ang paglalakad pero naabutan niya parin ako dahil sa haba ng binti niya.
"Yeah, kailangan. Isesearch kita sa Facebook, IG, Twitter."
"Sorry, hindi ako nagpapa-rb," sabi ko at napairap, siguradong mag papareact lang to sa mga posts niya. Kaso mukhang hindi rin, parang famous 'tong lalaking to dahil sa gwapo niya at siguradong maraming followers at reactors siya.
Natawa nalang siya dun. "Hindi naman ako magpapa rb. Gusto mo pa nga e maging reactor at follower mo ko," usal niya at nagwink pa.
"Tch, sige na nga. Samantha Jade Emanuel," sabi ko na kunwari e labag sa loob. Ayos din kase to no, gwapo na at laman tiyan din. Charot. Maharot.
"Oks! Salamat! Bye, Jade! Kita tayo mamaya ah!" Paalam niya at tatakbong umalis. Kunot noo ko nalang siyang sinundan ng tingin. Yun ay kung magkikita pa kami. Though posible nga na magkita ulit kami.

Komentar Buku (110)

  • avatar
    NieJen

    good for me

    27/06

      0
  • avatar
    Christal Bee

    Ayy bitin ako huhu may kasunod pa ba?

    27/05

      0
  • avatar
    Vaughn Vaughn

    super nice

    12/03

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru