logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4: Simula na

January 20, 1940 - Manila Hotel, Manila, Philippines / 7:36 PM
Madaming kababaihan at mga taga kuha ng litrato na siyang nag tatrabaho sa isang dyaryo ang nasa labas ngayon ng manila hotel, upang makuhaan at masaksihan ang magarbong salo salo na gaganapin ngayong gabi.
Lahat naman ay napa lingon ng dumating ang sasakyan ng Pamilyang Obrero.
"Iyan na ang pamilya obrero"
"Kuhaan niyo ng litrato"
"Bilis"
Bumukas ang kabilang pinto sa unahan at bumaba ang Don Ontañon, dumiretso naman siya sa kabilang pintuan upang pag buksan ang kaniyang asawa na si Doña Dionisa.
Lumabas naman din si Foresa na ngayon ay napaka ganda sa kaniyang kulay kalimbahin na terno at makikinang na diyamanteng hikaw at porselas.
Hawak hawak naman sa kabilang kamay ni foresa ang kaniyang purse at isang kulay kalimbahin din na pamaypay.
Lumapit siya sa kaniyang papa at mama.
"Hindi ko alam na ganito ka daming tao ang bubungad sa harapan pa lamang, papa at mama" bulong ni foresa sa kaniyang magulang.
Napatawa naman ang doña dionisa dahil sa sinabi ng kaniyang dalaga.
"Sinabi ko naman sayo ay magiging malaki ang salo salo sa gabing ito"
Pinagmasdan lang ni foresa ang buong paligid bago tinignan ang malaking gusali ng Manila Hotel.
"Tara na" saad ni Don Ontañon
Kaya naman nag lakad na sila papasok ng Manila hotel.
Hinayaan nila ang mga tanong ng bawat tao sa labas nito at hindi na pinansin pa noong sila ay maka pasok.
Nang maka rating sila sa may lobby ay agad silang ginabayan ng isa sa mga tauhan ng Manila Hotel upang mag tungo sa mismong lugar na pag gaganapan ng buong gabi na salo salo nila.
"Mama, nandito na kaya ang Governor-General Ordóñez?" Nanabik na tanong ni foresa sa kaniyang mama habang ang mata ay panay ang ikot sa paligid na parang may hinahanap.
"Maya maya ay darating din sila, foresa" sagot naman ng Papa niya dahilan para mapa ayos si foresa.
Habang ang Don Ontañon ay ngumiti lang at hindi na nag salita.
Dahil doon ay naka tanggap ng matalim na tingin si foresa mula kay Doña Dionisa at wala siyang nagawa kundi tumahimik lang at sumunod sa pag lalakad.
Ilang saglit lang ay naka rating din sila sa may venue.
Inalalayan ni Don Ontañon ang kaniyang asawa maging si Foresa sa pag baba ng hagdan.
Nang sila ay makababa ay doon nakita ni foresa kung gaano ka lawak ang buong lugar.
Hindi bababa sa anim na lamesa ang nandoon.
Gayunman, tumigil sila ng lumapit ang Don Araneta sa kanilang puwesto.
"Don Obrero"
"Don araneta" nag kamayan ang dalawa
"Natutuwa ako at naisipan mo muli akong imbitahan, Ontañon" Nakangiting saad nito.
"Ako nga ang natutuwa at nag papasalamat sapagkat tinanggap niyo ang aking pag imbita sa inyo ngayong gabi"
Tumawa naman ang Don Araneta habang si Don Ontañon ay ngumiti lang.
"Hindi ko maaaring tanggihan ang imbitasyon ng aking matalik na kaibigan, ontañon"
Sabay silang nag tawanan.
"Nandito rin pala ang dalawang anghel sa buhay ng aking kaibigan" sabi ni Don Araneta sabay tinignan at nginitian ang Doña Dionisa at maging si foresa.
"Magandang gabi" saad ni doña dionisa habang si foresa ay agad din naman nag mano upang mag bigay galang.
"Napaka galang ng iyong anak, Ontañon. Matagal na rin noong huli ko itong nakita, tama ba?"
Ngumiti naman si foresa.
"Opo, Don Araneta"
"Kay laki mo na, halos kasing edad mo na rin ang aking bunsong dalaga." Saad nito
"Nasaan pala sila?" Tanong ni Don Ontañon
Tinuro naman ni Don Araneta ang kaniyang asawa at mga anak na nasa pangalawa sa unahan na lamesa na ngayon ay naka upo. Kumaway naman ang mga ito sa kanila bilang pag bati.
"Kay laki na nga ng iyong dalawang anak, mas lalo na ang iyong binata" natutuwang saad ni Ontañon habang pinagmamasdan ang binatang anak ni Don Araneta.
"Sinabi mo pa, tila mas matangkad na nga ito sa akin" pabirong saad nito na ikinatawa ng mahina ni Don Ontañon.
"Ang bilis lumaki ng mga bata ngayon"
Si Foresa naman ay tila nababagot na naka tayo lamang doon.
Kinalabit niya ang kaniyang mama bago may ibinulong dito.
"Hindi pa ba tayo uupo? Atsaka, nasaan na si Ate?"
Bumuntong hininga si Doña Dionisa.
"Umayos ka, foresa. Mamaya mo na isipin iyan, naiintindihan mo ako?"
Walang ganabg tumango lang si foresa at tumayo na lang muli doon ng tahimik.
"Sinabi mo pa, nga pala! Kumusta na ang iyong panganay na si Ariadna? Hindi pa rin ba siya nakaka balik?" Tanong nito.
Mabilis naman na napa lingon si foresa ng marinig ang pangalan ng kaniyang nakakatandang kapatid.
Habang ang Don Ontañon ay napangiti bgo sinagot ang tanong ni Don Araneta.
"Naka balik na siya mula sa hawaii ngayon"
Kita naman ang pag kagulat sa mukha ni Don Araneta.
"Magandang balita iyan dahil manghang mangha pa rin ako sa batang iyon, Ontañon. Manang mana sa katapangan mo, ngunit..nasaan na siya? Hindi niyo ata kasama?"
Rinig naman ni Doña Dionisa ang sinabi mismo ng Don Araneta at nung mapansin niya kung paano makinig si foresa sa usapan ng mga ito ay mabilis niya itong kinurot ng mahina lamang.
"Mama, ano nanaman?"
"Umayos ka"
"Opo"
Umayos ng tayo si foresa at hindi na nakinig pa.
"Inaayos niya ang mga bagay na kaniyang naiwan sa hawaii, ngunit maya maya lamang ay nandito na rin ito"
Tumango ang don araneta.
"Oh nga pala, nandito rin ang don suarez maging ang mga ferrer. Nanabik na rin sila na makita ka, Ontañon"
Nilingon naman ni Don Ontañon Obrero sina foresa at ang asawa niya.
"Mauna na lamang kayo at kailangan ko'ng puntahan ang iilang bisita"
Tumango naman ang Doña Dionisa dahilan para mag lakad na papalayo ito at maiwan silang dalawa ng kaniyang dalaga.
Nilingon ni Doña Dionisa si Foresa at hindi pa rin ito mapakali sa kaniyang kinatatayuan.
"Foresa" hindi ito lumingon at abala pa rin sa pag lilibot ng kaniyang paningin.
"Foresa"
Nilingon naman ni foresa ang kaniyang mama ng marinig ito.
"Sinabi ko sayo na umayos ka ngayon, hindi ba?"
Bumuntong hininga naman si foresa.
"Mama, maayos naman ako. Hinahanap ko lang si Ate Alba, nais ko na siyang makita"
"Mamaya ay makikita mo rin siya"
"Puntahan ko na lang kaya siya sa kaniyang silid, mama?"
Huminga ng malalim si Doña Dionisa.
"Foresa, darating ito mamaya at mag hintay ka lang. Huwag mo na puntahan at baka may ginagawa rin ito lalo na't may mga iniwan din siyang bagay sa Hawaii nung umalis siya doon"
Naisip naman ni Foresa na may punto ang kaniyang Mama.
Baka kapag pumunta lang siya doon ay magulo lang niya ang ginagawa ng kaniyang ate.
"Hintayin na lang natin siya, ha? Alam ko na sabik na sabik ka ng makita siya muli subalit kailangan din natin siyang bigyan ng panahon upang ayusin ang mga trabaho at papeles niya, naiintindihan mo ba ako?"
Tumango si foresa.
"Opo, mama"
"Oh siya, pumunta na tayo sa ating puwesto. Ilang minuto na lang ay mag sisimula na rin ang lahat"
Sumunod na lang si foresa sa kaniyang Mama at nag lakad papunta sa mismong puwesto nila.
Umupo sila doon at hinintay na mag simula ang lahat.
"Doña Dionisa!" Nilingon ni foresa ang asawa ng Don Suarez kasama ang iilang kababaihan na hindi niya na makilala pa.
Hindi niya maiwasan mabagot at mairita dahil sa matinis na boses ng iilang mga kababaihan na ngayon ay nasa harapan nila.
"Ang ganda na ni foresa oh" saad ng isang babae na hindi naman niya kilala.
Pilit na ngumiti si foresa doon.
"Oh, saan mo nabili ang hikaw na iyan? Ngayon ko lang nakita yan ah" saad ng isa pa na babae
Sa kaloob looban ni foresa ay gusto niya ng umalis sa puwesto niya na yun.
Nakaramdam naman siya ng mahinang pag sipa sa ilalim ng lamesa.
Tinignan naman ni foresa ang kaniyang ina na ngayon ay pinanlalakihan siya ng mata pero walang gana si foresa na sumagot
Kaya naman ang Doña Dionisa ang sumagot na lamang sa tanong nito.
"Galing sa amerika iyan, pinabili namin noong dumating ang isang negosyante na kaibigan ng aking asawa"
Madaming namangha dahil doon.
"Kaya naman pala hindi pamilyar si klara sa hikaw na iyan"
"Tunay nga na ang pamilyang obrero ang pinaka mayaman sa buong maynila"
Tumawa naman si doña dionisa.
"Ano ba kayo? Hindi no, tsimis lang lahat ng iyon"
Umikot naman ang mata ni foresa at napansin naman iyon ng iilan kababaihan dahilan para mapa tahimik ang ilan sa kanila.
Nang mapansin naman ni Doña Suarez ang nangyari ay mabilis niyang binuhay ang hangin sa paligid nila at agad na nag salita na siyang naging dahilan para mag tuloy ang kanilang pag uusap.
Habang ang Doña Dionisa naman ay matalim na tinignan lang si Foresa na walang ganang pumalumbaba at itinuon na lang sa ibang bagay ang kaniyang atensyon.
Halos binilang niya na ata ang bawat taong lumalapit sa kanilang lamesa upang batiin sila at kamustahin.
"Wala na bang nakaka engganyo?" Bulong ni foresa sabay uminom ng juice sa kaniyang baso na kinuha kanina sa isang waiter.
Kanina pa siya naka upo habang ang mama niya ay walang tigil sa pakikipag usap sa kung sino man na lumapit sa kanila kahit na hindi naman nito kilala.
"Gusto ko ng umuwi." Iritang saad ni foresa.
"Foresa! Foresa" tawag sa kaniya ng kaniyang mama na ngayon ay may lalakeng kasama na halos kasing edad niya lang.
Matangkad at medyo maputi ito na halatang may lahing kastila.
Hindi tumayo si foresa at walang ganang inilipat ang kaniyang paningin.
Inis naman na napa buntong hininga si Doña Dionisa at nahihiyang humarap sa lalake na anak ng Pamilyang Ferrer.
"Pasensya na sa aking dalagang anak, sadyang hindi siya sanay at nahihiya lamang siya. Subalit, pag nakilala mo ay mabait ito at napaka hinhin"
Ngumiti at tumango lang ang lalake at sinabing naiintindihan niya.
Nag usap sila ng ilang saglit bago bumalikang lalake.
Habang ang doña dionisa ay nag mamadaling lumapit kay foresa at inis na kinurot ito.
"Aray, mama??"
"Anong ginagawa mo, foresa? Ha?"
Inis na umayos ng upo si foresa.
"Mama, sinabi ko naman sayo na hindi ko nais na makipag usap sa mga tao na katulad ng mga yan"
Napahawak ang doña dionisa sa kaniyang noo.
"Foresa, nandito tayo upang makipag usap at mas lalo na sa lahat ay mag karoon ng koneksyon sa kanila. Hindi tayo nandito para umupo lamang"
Bumuntong hininga si foresa at tinignan ang kaniyang mama.
"Pero mama-"
"Walang pero pero, foresa. Kailangan mo'ng gawin ang sinasabi ko, umayos ka at kumilos ka ng parang babae."
"Opo, mama"
Hindi tuloy maiwasan ni Foresa na mainis at maalala ang mga panahon na natatakbuhan niya ang kaniyang ate alba kapag ganito ang ginagawa sa kaniya ni Doña Dionisa.
Kapag lagi siyang pinapagawa ng kung ano anong hindi niya gusto ay lagi siyang nag tatago sa opisina ng ate alba niya noon.
"Nasaan na si ate alba?" Bulong ni foresa
Tumingin tingin siya sa paligid.
Wala pa rin siya sa isip isip na wika ni foresa.
Pero lumipat ang kaniyang buong atensyon ng makita ang iilang kababaihan na nandoon, bigla na lamang kasi nag si ayos at nag kumpulan sa gilid ang mga ito.
Hindi naman maintindihan ni foresa ang nangyayari o sadyang abala lang siya sa pag hahanap sa kaniyang ate alba.
Gayunman, tumayo si foresa.
"Mama, pupuntahan ko na si ate alba, mag sisimula na pero wala pa rin siya"
Takang nilingon naman ni foresa ang kaniyang ina pero abala ito sa pakikipag usap, kaya naman ginamit niya na ang pagkakataon na iyon upang umalis at hanapin ang ate alba niya.
Subalit, napa tigil siya ng maka salubong ang Tiyo Isco o kalihim ng kaniyang Papa.
"Tiyo Isco, buti na lamang at nandito na kayo"
"Bakit? May problema ba, foresa?"
Umiling si Foresa at sasagutin na sana ang tanong nito subalit nang banggitin ang pangalan ng Governor-General Golarte Ordóñez ay lahat napa lingon sa may mismong hagdanan.
"Ang Governor-General Golarte Suero Ordóñez" pag aanunsyo nito.
Kasabay nun ay ang sunod sunod na pag bati at pag galang sa Governor-General Golarte.
Gayunman, ang mga mata ng kababaihan ay naka tutok sa tatlong kilalang lalake sa likuran mismo ng Governor-General Golarte.
"Ang kisig nito"
"Mabuti na lamang at dumalo ako, sapagkat nasilayan ko muli ang kagwapuhan na taglay nila"
"Nasaan ang aking lipstik?"
"Pabango, kuha kayo ng pabango"
Pinagmasdan ni Foresa ang tatlong iyon.
Umiling siya sabay ibinalik ang tingin sa kaniyang Tiyo Isco, subalit kumunot ang noo niya ng makitang wala na iyon doon at nasa tabi na ng kaniyang Papa.
"Ang bilis naman niya.." saad ni foresa.
Maya maya lang ay narinig niya na ang boses ng kaniyang mama sa likod niya.
"Mabuti na lmang at nandito ka lang, tara na sa iyong papa at kailangan rin natin mabitiin ang Governor-General"
"Pero-"
"Tara na, foresa"
Napabuga ng hangin si foresa.
"At alalahanin mo ang aking sinabi, kumilos ka ng parang babae at umayos ka. Maging mahinhin ka at maging magalang"
"Opo, mama"
Walang nagawa si foresa kundi sundin ang kaniyang mama. Inayos niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang pag lalakad sabay pinalitan ang kaniyang walang ganang mukha ng isang ngiti.
Kahit na siya ay napipilitan lamang.
Tumigil naman sila sa likuran ng kanilang papa na ngayon ay nasa harapan ng Governor-General at ng tatlong lalake.
Diretso lang ang tingin ni foresa.
Subalit, napa kunot ang noo niya ng mahagilap ng kaniyang mata ang isang pamilyar na mukha.
Akmang mag lalakad na siya papalayo pero napa ayos siya ng tayo at napa tigil bago lumingon ng marinig niyang tawagin siya ng Governor-General.
"Nandito pala si Foresa" ngiting saad ng Governor-General Golarte.
Ngumiti si foresa atsaka nag mano.
"Magandang gabi po, Governor-General"
"Tiyo Golarte na lamang, ija"
"Tiyo Golarte" saad ni Foresa.
"Hindi ba't kaedad mo na din ang tatlong ginoong ito, foresa?" Napalingon naman siya sa tatlong lalakeng naka uniporme na pang militar, kung saan kilalang kilala niya ang bawat isang ito.
"Opo, dalawampu't anim po ngunit mas matanda lamang po ng isang taon si Yago kaysa sa akin" manghang napa tango naman ang Governor-General Golarte.
"Oo nga, ija. Dalawampu't pito na ang aking anak, tama ba yago?" Nilingon nito ang kaniyang anak na si Yago.
Pinagmasdan naman ni foresa ito, naka uniporme ito ng katulad sa rin sa ama niyang si Governor-General Golarte.
Sapagkat, isa rin itong Governor-General. Ganun ito kahusay, dahil sa edad nitong Dalawampu't pito ay nakuha niya na ang posisyon na iyon.
Kilala kasi ang buong pamilya ordóñez bilang isang pamilya na punong puno ng mga kilalang opisyales sa militar.
Kaya ganun ka kalakas at ka impliwensiya ang pamilya nila.
Hindi lang iyon dahil ang Governor-General Golarte rin ang may hawak ng buong seguridad ng Maynila at ng mismong Probinsiya ng Quezon.
"Tama ka, Papa" saad naman ni yago sabay tinignan si foresa at yumuko.
Nginitian lang ito ni Foresa, gayunman pansin ni foresa kung gaano kalaki ang pinagbago ni Yago simula ng araw na iyon.
Marahil totoo nga ang naririnig ni foresa.
ang ngiti nito ay hindi na bumalik pa sabi na lamang ni foresa sa isipan niya.
Ngunit, kung totoo man iyon ay maiintindihan niya si yago. Dahil maging siya ay naapektuhan ng araw na iyon.
Naapektuhan sa puntong na dumating siya sa puntong hindi niya rin alam kung anong gagawin.
Pero sa huli ay nangyari pa rin lahat.
Lumipat naman ang tingin niya sa katabi ni yago na si Salvador Tañon De Trueva o mas kilala bilang Governor-General Salvador ng Rizal. Galing ito sa pamilya ng mga manggagamot, at ang kaniyang ama ay nag mamay ari ng isang malaking hospital sa may Rizal.
"Magandang gabi, binibining foresa" lihim na nangasim ang mukha ni foresa ng marinig ang sinabi nito pero tinanguan niya na lang ito at kita naman niya ang pag pigil ng tawa nito ngunit umayos din.
Sumunod naman kay salvador ay ang tahimik na si remon calderon o mas kilala bilang Governor-General Remon ng Cavite.
Siya'y galing sa kilalang pamilya sa cavite at ang pamilya niya ay tinitingala dahil sa katalinuhan ng bawat miyembro ng pamilya.
"Magandang gabi" maikling saad lang nito bago ngumiti at yumuko.
"Gandang gabi rin, Governor-General Remon"
Maya maya lang ay iniwan naman na silang apat doon, dahil may pag uusapan ang Papa ni Foresa at ang Governor-General Golarte.
Ang Mama naman ni foresa ay mabilis na nawala at iniwan na lamang siya kasama ang tatlong ito.
"Hindi pa rin nag babago ang iyong ugali, binibining foresa" saad ni Salvador na ikina irita lalo ni Foresa.
"Kahit ngayon lang salvador, itikom mo ang iyong bibig at bigyan ng respeto ang binibini" sabi naman ni remon na napapailing na lang sa kaniyang kaibigan na si salvador.
"Kumusta ka na, foresa?" Tanong naman ni Yago kay foresa.
"Ayos lamang ang aking pamumuhay, gayunman ay kailangan ko na kayong maiwan dahil may hinahanap ako" tumingin tingin si foresa sa paligid.
"Ngayon lang ulit tayo nag sama sama, ngunit ang unang gagawin mo ay iiwan kami dito? Tila hindi mo pinapahalagahan ang ating pag sasama, foresa?" Napapikit ng mariin si foresa at naipinta na sa kaniyang isipan ang sarili na sinasapak si salvador sa sobrang inis. Gayunman ay nanatili siyang kalmado.
"Tigil tigilan mo ako, Tañon. Wala akong oras para sa iyong kalokohan, mas mahalaga ito kaysa sa inyo sapagkat maaari ko naman kayong balikan"
Akmang mag sasalita pa sana si salvador upang biruin pa si foresa pero naka tanggap siya ng siko sa tagiliran mula kay remon.
"Remon, napaka mo talaga"
"Manahimik ka"
"Tsk"
Tinignan naman ni yago si foresa.
"Ano ba ang hinahanap mo? Baka matulungan ka namin, foresa" sumangayon naman si remon.
"Oo nga, upang mas mapadali ang iyong pag hahanap"
Kunot noong tinignan naman ni foresa ang paligid.
Pero hindi niya pa rin nakikita ang kaniyang ate alba.
"Anong oras na?" Tanong ni foresa na ikina lito naman ni salvador.
"Lagpas na ng alas otso"
Kasabay naman nun ay ang pag tug tog ng banda sa may mismong stage.
"May problema ba, foresa?" Seryosong tanong ni yago ng mapansin niyang hindi mapakali si Foresa sa puwesto nito habang ang mata nito ay paikot ikot.
Hindi alam ni foresa kung bakit bigla na lamang siyang kinabahan.
Alam niya na abala ang kaniyang ate alba pero bakit na siya kinakabahan ngayon?
Pansin naman na ng tatlong lalake ang kaba ni foresa.
"Foresa, may problema ba? Ano ba ang iyong hinahanap?"
Huminga ng malalim si foresa bago nag salita.
"Wala naman, sadyang kinakabahan lang ako at hindi ko rin alam kung bakit, marahil ay dahil sa hindi pa dumadating ang Ate alba kahit alas otso na"
Napa tigil naman si Yago ng marinig ang sinabi ni Foresa.
"Teka, ang iyong ate alba? Ang dating Kolonel Ariadna Obrero?" Sunod sunod na wika ni salvador.
Tumango naman si foresa habang ang kaniyang tingin ay nasa mga taong pumapasok.
"Bumalik na ang dating kolonel Ariadna?" Tanong ni Remon.
Iritang hinarap naman niya ang dalawa na panay ng tanong sa kaniya.
Hanggang sa maalala niya.
Bakit ko ba na sabi sa kanila? Iritang sabi ni foresa sa sarili
"Totoo nga, foresa?"
Nag hintay naman sila sa sagot ni foresa.
"Oo, nakauwi na siya ngayon at inimbitahan siya ni Papa na sumali sa salo salo."
Nang marinig iyon ni yago ay agad siyang nag lakad papalayo at iniwan ang tatlo doon.
"Aria.."
Akmang aakyat na siya sa hagdan upang umalis doon, pero napa tigil siya ng sa pag angat niya ay makita niya na ito.
"Ate alba!"
//

Komentar Buku (83)

  • avatar
    GamingSix Gen

    good

    11/03

      0
  • avatar
    PilotonGelly ann

    grabi nainlove ako sa story nila

    10/05/2025

      0
  • avatar
    RequizKenji

    thank you so much for the first time I was just wondering if you want to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to Be

    15/04/2025

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru