logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 17

CHAPTER 17
PHOEBE'S POV
HINDI KO na namalayan ang oras. Basta ang alam ko lang ay nag-eenjoy ako nang sobra habang kakulitan si Andrei. Who would have thought na masaya palang mag-foodtrip? I've never experienced it before.
"Tara, kwek-kwek naman tayo." Aya nito tyaka hinila na naman ako. Madilim na pero parang walang kapaguran ang isang ito. Halos lahat ata ng stall ay napuntahan na namin at nakainan. Ang saya pa dahil libre niya ang lahat. Nang makita ko ang kwek-kwek na sinasabi niya ay parang bigla akong nag-alangan. Ang weird kasi nitong tignan dahil kulay orange at bilog siya pero nang makita kong kumuha si Andrei tyaka isinawsaw sa suka at agad na sinubo ng buo ay kumuha na din ako at sinubukang lasahan. Infairness, masarap.
"Hindi ko naisip na kumakain ka pala ng mga street foods." Narinig kong kumento nito kaya tinignan ko siya tyaka nilunok ang nasa bibig ko bago sumagot, "Hindi ko din naisip na makakakain ako ng street foods."
"Iyan ang mahirap kapag rich kid ka eh. You often miss the fun." Tudyo nito tyaka tumuhog na naman ng weird ng orange na kulay bilog na iyon. Inirapan ko nalang ito at hindi na nagkumento pa. Ayoko nang ikwento kung bakit hindi ako kumakain ng street foods. Ayokong kaawaan tyaka kung makasabi naman ito ng 'Iyan ang hirap kapag rich kid' parang siya ay hindi mayaman.
Tumuhog nalang ulit ako tyaka isinawsaw sa kulay brown na sawsawan na alam kong matamis ang lasa dahil iyon din sawsawan ko sa fishball na isa ding nilait-lait ko muna kanina bago ko kainin.
Habang ngumunguya ay hinawakan ni Andrei ang baba ko tyaka pinaharap sa kaniya bago punasan ang gilid ng labi ko dahilan para mapatigil ako sa pagnguya. Nang maalis ang sauce ay matamis itong ngumiti sa akin bago kumain na naman habang ako ay nanatiling nakatulala at nag-iinit ang mukha. I can feel my heart beating so fast dahil sa gesture nito. Narinig ko pa ang tili ng mga kabataan sa gilid namin na mukhang kanina pa kami pinapanood at may narinig pa akong nagkumento na "sweet" at "bagay sila" dahilan para mas lalong mag-init ang mukha ko.
Nang mapansin ni Andrei ang namumula kong pisngi ay bigla nalang itong natawa nang malakas tyaka hinawakan ang likod ng ulo ko para hilahin palapit sa kaniya dahilan para mapayakap ako sa binata at naramdaman ko nalang ang paghalik nito sa akin sa tuktok ng ulo kaya mas narinig ko ang tilian sa gilid at pupusta ako na may nagvi-video na sa amin.
"Keep the change nalang, kuya. Nahihiya na girlfriend ko eh. Salamat po." Narinig kong sinabi ni Andrei bago ako hilahin palayo sa lugar na iyon.
Nang tahimik na ang paligid at pinakawalan na ng damuho ang ulo ko ay agad ko siyang tinignan nang masama tyaka ko sinapak ang braso nito na agad namang ikinadaing ng binata. "Napakabayolente mo." Sabi nito tyaka umakbay sa akin tyaka ginulo ang buhok ko kaya inis kong inilayo ang kamay nito sa ulo ko. Namumuro na 'tong Andrei na 'to ah!
Sisinghalan ko pa dapat ito nang maramdaman kong biglang pagsikip ng dibdib ko kasabay ng kakulangan sa hangin dahilan para hindi ako makahinga. Pinilit kong huminga nang malalim para makasagap ng hangin pero mas lalo lamang sumikip ang paghinga ko dahilan para dumilim ang paningin ko at naramdaman ko nalang na nanghina ang katawan ko pero bago pa ako mawalan ng malay at mapasalampak sa semento ay may pares ng matitipunong braso ang sumalo sa akin at naramdaman ko nalang na lumulutang ang katawan ko na parang may bumubuhat sa akin.
"Phoebe! Hold on, we're going to the hospital, baby." Dinig kong aligagang sabi ng taong bumuhat sa akin at bakas ang pag-aalala sa tinig nito.
Keyden...
NAGISING ako na sobrang bigat ng pakiramdam. Para bang nakipagkarera ako nang ilang kilometro. Nang imulat ko ang mata ko ay alam ko agad na nasa ospital ako pero ang hindi ko inaasahan ay ang kamay na mahigpit na nakahawak sa kamay ko at natutulog.
"A-andrei?" Paninigurado ko at nang magising ito at makita ako ay para itong isang kuneho na bigla nalang napatalon. Maging ako ay nagulat sa ginawa ng baliw na 'to!
"Fuck! Buti gising ka na. Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa'yo?! Sorry kung pinakain kita ng street foods. Hindi ko naman alam na mahihimatay ka nang dahil doon. Promise ko sa'yo, susunugin ko lahat ng stall na pinuntahan natin pagkalabas na pagkalabas mo dito sa ospital." Sunod-sunod nitong sabi kaya hindi ko na napigilan ang mapatawa sa itsura nito. Halatang guilty ang loko. Magsasalita sana ako nang saktong may pumasok na doktor sa kwarto kaya naman pinilit kong umupo kahit nanghihina ako at agad naman akong inalalayan ni Andrei.
Nang makitang ayos na ako ay tyaka nagsalita ang doktor, "Hindi na ako nagpapaligoy pa, your heart is giving up and you need to stay here para maobserbahan natin ang puso mo. Kapag mas lumala ang kalagayan mo, I'm afraid there's no other choice but to perform a heart transplant operation or else, ikamamatay mo iyon."
Para naman akong natulala sa sinabi nito. Hindi ko alam ang dapat kong isipin. Parang nagblangko ang paligid at wala akong ibang naririnig kundi ang mga sinabi ng doktor. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kung hindi lang ako niyakap ni Andrei at hinagod ang likod para patahanin.
"Doc, hanggang kailan magi-stay dito ang kaibigan ko?" Narinig kong tanong ni Andrei at kahit natutuliro ay pinilit kong makinig.
"I'm not sure. Depende sa magiging performance ng health niya. Pwedeng one week or one month worst is One year." Dinig kong sagot nito at walang ibang pumasok sa utak ko kundi si Keyden.
Sasaya kaya siya kapag hindi niya na ako nakita? Sasaya kaya sila ni Charity kapag nawala ako sa eksena? Ano kayang magiging reaksyon ni Keyden kapag nalaman niya ito? Parang ayokong ipaalam.
"Hindi mo sinabi na may sakit ka pala sa puso. Bakit?" Narinig kong tanong ni Andrei sa gitna ng pagkatulala ko. Doon ko lang napansin na wala na pala ang doktor sa kwarto. Mapait naman akong napangiti sa tanong nito.
"Bakit? Kung sasabihin ko ba may magbabago? Tyaka hindi din naman importante iyon." Sagot ko pero nagulat nalang ako nang bigla nalang nitong suntukin ang pader sa tabi nito at nang tumingin ito sa akin ay puno ng takot at pag-aalala ang mukha nito.
"Hindi importante?! Phoebe, pwede kang mamatay! We need to call your husband." Bigla nitong sabi tyaka inilabas ang cellphone at akmang lalabas sa kwarto nang pigilan ko siya sa braso.
No, hindi ako makakapayag na malaman ni Keyden. Hindi ko siya papahirapan pa na alagaan ako kung pwede niya namang alagaan ang totoong mahal niya at hindi ako iyon.
"Please, 'wag mong sasabihin." Pagmamakaawa ko dito at agad namang bumakas ang kaguluhan sa mukha nito.
"Give me a valid reason kung bakit hindi ko dapat tawagan ang asawa mo." Sabi nito na may kasamang diin sa 'asawa mo'. Huminga naman ako ng malalim upang pakalmahin ang puso ko na nagsisimula na namang sumakit. Minsan, kung sino pa ang taong nagpapasaya sa'yo, siya din ang may kakayahan na pasakitan ka at hindi iyon kasalanan ni Keyden dahil simula palang ay nilinaw na naman niya sa akin na si Charity ang mahal niya at wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko.
"Hindi niya ako mahal at ayokong istorbohin sila ng mahal niya." Dahilan ko at agad na bumukas ang pagkagulat at pagkalito sa mukha nito.
"He's cheating on you?!" Galit nitong tanong na agad ko namang pinabulaanan sa pamamagitan ng pag-iling tyaka nagsimulang nagkwento.

Komentar Buku (84)

  • avatar
    Abegail Armenta Lacre

    I just read the last chapter and I can't believe the ending! it's so tragic. my heart is hurting just thinking about it. I can't believe they did'nt get their happy ending they both deserve. Where the fate take the choice from them. As painful as possible, which is on conclusion makes Keyden heartbroken

    13/02/2022

      2
  • avatar
    PantherWaLks

    🥰🥰🥰

    15d

      0
  • avatar
    AndingMorjanna

    gandaa ng story

    10/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru