logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

HAMMTON SIS'BROTHER HOOD

KABANATA 2
CALVIN'S POINT OF VIEW
Nakatingin ako sa likuran ni Hina nang biglang may tumapik sa 'kin.
Nalingunan 'ko ang nakangising mukha ni Justin.
"Bro, who's that? laki ng boobs grabe!"I gave him a daring glare before looking at Hina again.
"She's a kind person bro, so back-off,"asik 'ko na marahan siyang tinulak. Umiiling siyang tumawa.
"'Kala ko shota mo na, damn sasagutin ko na sana si Trish kung sinabi mo, syempre hindi ako magpapatalo."
Umiling ako. "Lakas ng apog mo."
"Where's Madman?"I asked instead.
"Ayon oh,"nakanguso niyang turo sa likuran 'ko dahilan para sabay naming lingunin si Jack na bagong dating. He's wearing sunglasses under the heat of sun while walking towards us.
"What's with the sunglasses Mr. Grumpy?" pangunguna agad ni Justin but Jack just smirked at him.
"Migraine attack,"tipid niyang sagot kaya nagkatitigan kami ni Tin.
"Baka naman na sobrahan lang 'yang mata mo kakapanood ng porn," sinabayan iyon ni Tin ng mas malakas na tawa.
Napapailing akong binatukan siya. "He's not like you asshole!" singhal 'ko pero mabilis siyang nakailag.
"Hes nat layk yo ashol!"panggagaya niya sa 'kin na nagmake-face pa.
Sinimaan 'ko siya ng tingin."Whatever."
"We better go,"ani Jack 'tsaka naunang maglakad sa 'min, sinikmuraan 'ko muna si Justin bago sumunod.
"Make sure to secure the whole place before the gush happens," he said, dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
"Pardon me?"I asked.
He paused and took-off his glasses before looking at me.
"I said agush, this is SBH war," seryosong anito, mas kumunot ang noo 'ko.
"Itinuloy mo?"hindi makapaniwalang tanong 'ko bago tumingin kay Justin na mabilis na nag-iwas ng tingin.
"You knew about this?"naiinis 'kong tanong kay Tin.
Ngumiwi siya bago sinulyapan si Jack. "He told me last night, nabigla rin ako."
"There's a rest of the night to make a phone call, Tin. " Itinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko, napapailing ako.
"It's not his fault." Nilingon 'ko si Jack."Besides, I was the one who told him not to tell you. If I want to let you know, I would tell you straight over phone call."
"So it's your plan after all," dismayadong sabi 'ko.
Hindi siya sumagot at sinulyapan si Tin. 
Bumuntong-hininga ako. "You don't have to do this Jack, graduating na tayo, ano? gusto mo na naman bang bumalik?I can't stay here for another year, I'm 18 yrs old for 'saken." Hindi 'ko mapigilang usal.
"Lerwick is our brother, and you know my role as a commander,"tugon niya na hindi lumilingon sa gawi 'ko.
Hindi na'ko nakapagsalita dahil napuno na ng sigawan ang buong plaza nang maglakad kaming tatlo. Kaliwa't kanan ang mga sigawan laman ang kaniya-kaniya naming pangalan. Kung dati ay napapaganda no'n ang mood 'ko hindi ngayon. My day is literally ruined.
I'm Calvin Klein Rogster, eighteen years old and I hate obeying rules, especially granting commands. Sucks for whom it makes!
And yes, I have my best friends, whom I want to depose sometimes dahil kung minsan kung ano-ano ang mga kalokohang naiisip.
There's Justin Rim Baizon A.K.A pervy, the antagonistic and contentious, sa aming tatlo siya ang may positive outlook sa buhay pero opposite of good deeds naman, palalakasin ang loob mo kapag gulo ang pinag-uusapan, susuportahan ka kung riot ang lakaran, but despite of that he's a true friend, 'yon lang ata ang magandang masasabi 'ko sa kaniya. Oh yes, he's a pervert, very. Para sa 'kin everyone has the capable of being playful but in his case, I think his abusing the privilege, but still he's my friend hindi 'ko lang alam kung pa'nong naging magkaibigan kami ng sampung taon.
And my other friend, Jackson Thomas Hammton A.K.A Madman, yes you heard it right, he's a Hammton and literary the owner of our school, that happens to be one of the International School here in the Philippines. But that's not the title that everyone has known him to be, but being the Commander of our SBH, the Hammton Sis'brotherhood, a former gang to be exact, as everyone noticed he's a grumpy and really stubborn, but only because he's in a dark times of his life. We created our gang when we reached 1st year in High School, formerly we are five founders, but as life and the worlds tilt, everything turns upside and reverse. From being best friends now we can even kill each other everytime we bump into on our way.
Kung ano ang dahilan?hindi 'ko rin alam...ang alam 'ko lang, 'yon din ang naging dahilan kung bakit nagbago si Jack. So as time passes, we never talk about it. Hanggang ngayon hindi parin 'yon puwedeng pag-usapan. 'Know your boss, know where you stand' that's our motto.
"I know right, tama lang talaga ang desisyon 'kong magpabagsak last year dahil andito parin sila!"
"Gaga!bakit naman kasi hindi ka nalang sumali sa SBH nila?hindi 'yong tatanda ka nalang dito kasama sila!"
Nagsimulang magbulungan ang mga taong nadadaanan namin. 
"Duh!as if naman mabubuhay pa'ko niyan e' ang daming nahohospital dahil sa hazing!okay na 'kong makita sila rito araw-araw."
"Kahit wala silang paki' kung nag-eexist ka?mabuti pa ngang maging member ng SBH nila dahil sister and brother and turingan nila, sigurado ako ro'n manonotice ka niya."
"E', sa ayoko nga!"
"Ang sabihin mo duwag ka lang!"
"Kaibigan ba talaga kita?"
"Plastik akong tao."
"Letse ka!"
Hinayaan 'kong marinig ang mga bagay na 'yon dahil nakikita 'ko namang wala lang din para kay Jack.
"Pero kung ayaw mo ng hazing do'n ka sa kabila, 'yon nga lang si...
"You!"bahagya akong napalingon dahil sa lalaking sumigaw. Nakagat 'ko ang labi nang matanawan ang grupo ng ADS, that's for Azure Dragon Squad.
Darn it!
Takot na takot ang mga babaeng nag-uusap kanina na tumakbo papalayo. Maging ang mga estudyante sa paligid ay nagsisialisan na.
"Madman, thirty minutes since we disjointedly leave our house, here we are, crossing our way again...isn't this meant to be?"
As expected Madman'didn't say a word, I can tell he has the advantage from making an eye contact to the leader of ADS bcoz he wears sunglasses. I don't know if he really wore that on purpose.
"The settled war was later, right?don't make a scene here Dragon, know how to wait, patience is a virtue,"pagsasalita 'ko.
"Of course good friend, but did you forgot? the know your boss, know where you stand? is that right assistant?" Nagtawanan ang mga kasamahan niya nangunguna ro'n si Bass na kanang-kamay niya.
"Now, let me tell you that this is just between the two bosses of SBH, meaning... you're not allowed to open your mouth." Nakangisi niyang pagpapatuloy habang dinuduro ang dibdib ko.
Ngumisi ako at tinanggal ang hintuturo niya sa damit ko. "First things first, I'm not assistant, I'm a co-commander, meaning...I'm one of the boss," nakangiti 'kong sagot. Hindi niya na'ko sinagot sa halip ay binalingan niya si Jack na walang interes na nakatingin sa kan'ya. 
"I hope you did some screening, that's if you don't want to be a loser again." Kumindat siya bago kami nilampasan.
Nang tingnan 'ko si Madman, inayos lang niya ang sariling sunglasses 'tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Pero bago ako sumunod nahagip ng mata 'ko si Hina, ngumiti ako sa kan'ya 'tsaka kumuway.
"Oh my god! kinawayan ba niya 'ko?"
"Hindi!hindi!ako ata 'yon!"
"No, it's me!"
"No, ako 'yon!"
Hindi 'ko na pinansin ang sigawan nila at sumunod nalang.
HINATA'S POINT OF VIEW
Nakatingin ako sa buong paligid, lilingon-lingon tuwing may madadaanan ako, maging ang tanaw ng mga mata 'ko ay abot pa'rin ang HIS, gano'n siya kalaki. Kahit ang mga nakikita 'kong estudyante ay ang gagara at talagang mukha'ng anak mayayaman. Ang totoo niya'n, pakiramdam ko nga ay ako lang ang mahirap na nakatungtong sa paaralang ito, hindi 'ko tuloy maiwasang isipin kung ilan ba ang binabayaran ni Miss Gazon para makapag-aral ako sa eskuwelahang ito. 
Napayuko ako sa bulsa ko nang muling magring ang cellphone 'ko.
"Hello Miss Gazon?"sagot 'ko.
"Mommy nga!" malakas agad ang enerhiyang aniya. 
Hindi ko mapigilang mapangiti matapos ang sinabi niya, pero gano'n nalang ang sunod -sunod 'kong pag-ilag nang magsitakbuhan ang mga estudyante sa paligid 'ko. 
"Bakit po?"muling tanong 'ko habang sinusundan ng tingin ang mga taong nagkukumpulan doon sa malaking plaza.
"Ang Hammton gang dumating na!"
"Omshiii!!! bilis! gusto 'kong makita sina Calvin!"
Kahit abala ako sa pakikinig kay Miss Gazon ay dinig na dinig 'ko pa'rin ang usapan ng mga tao sa paligid 'ko.
Iniisip 'ko rin kung tama ba talagang pangalan ni Calvin ang narinig 'ko. Pero, pakiramdam 'ko naman laging tama ang mga naririnig 'ko dahil lahat iyon ay malinaw. Siguro nga, baka isa siya sa mga heart rob ng school na ito. Hindi na'ko magtataka dahil guwapo naman siya.
"Third Building sa 4th floor ang room mo ha, room 106, tandaan mo 106---"
"Opo Miss...Mommy, aakyat na'po ako papunta ro'n."
"Mag-iingat ka!'wag tatanga-tanga sa pag-akyat ng hagdan baka mahulog ka, robot lang nirerepair 'ko hindi tao." Napangiti ako 'tsaka nagsimulang maglakad.
"Opo, babye po." Ibinaba 'ko na ang cellphone 'tsaka nagpatuloy sa paglalakad.
Lumilingon-lingon ako kung saan ang susunod na daan na pupuntahan 'ko, maliban do'n naghahanap din ako ng mapagtatanungan kung sa'n ang tamang direksyon.
"Excuse me, miss."
Tawag pansin 'ko sa babaeng may pulang buhok. Abala siya sa pagtingkayad habang sinisilip ang mga tao do'n sa mga may nagkukumpulan.
"Ah miss," sabi 'ko uli nang hindi niya 'ko nilingon.
"Oh?ano ba?teka lang e'! hindi 'ko makita si Calvin 'ko!"nagulat ako nang banggitin niya si Calvin.
"Boyfriend mo ba si Calvin?"nakangiting tanong ko, doon lamang siya tumingin sa 'kin.
"Ay...ah hehehe, oo girlfriend niya 'ko, bakit?"ubod ang ngiting aniya.
Napangiti ako kung gaano kaganda ang ngiti niya."Ako si Hina." Nagpakilala ako.
"Kara nalang, bakit Hina?ano kailangan mo?" Napakahinhin ang dating ng boses niya.
"Itatanong 'ko lang sana kung saan ang pangatlong building dito,"nakangiti 'kong sabi. 
"Ah..." Tumango -tango siya bago nagturo ng direksiyon. "Ayon!'yon 'yong third building, freshman ka?"
"Transferee,"nakangiting sagot 'ko.
"Anong year?"
"Senior high, grade 11."
"Talaga?"
"Oo."
"Ay halika," bigla niyang isinukbit ang kamay sa braso 'ko. "Sasamahan kita!" patuloy niya 'kong hinila papunta sa mga nagkukumpulang tao.
Ingat na ingat akong may masagi dahil baka may masaktan ako.
"Ah Kara," nag-aalinlangan 'kong pagtawag sa kaniya. 
Nilingon niya'ko. "Bakit?"
Nag-aalinlangan akong sumagot. "Wala bang ibang daan papunta ro'n?"
"'Wag ka nang maghanap ng ibang daan! 'Buti nga dito e," magkasalubong ang kilay niyang tugon. 
Hindi 'ko mapigilang mapangunot-noo dahil sa sinabi niya.
Hindi 'ko alam kung alin ang tinutukoy niyang mabuti sa dinaraanan namin, hindi na halos madaanan dahil nakaharang ang halos lahat ng tao, kailangan pa kasing dumaan roon bago marating ang pinakaentrance ng building.
Napabuntong-hininga ako kasabay ng biglaan niyang paghinto. Malayo ang tingin niya at naroon pa'rin 'yon sa gitna ng mga nagkukumpulan. Hindi 'ko maiwasang tingnan ang gawing iyon, kung bakit marami ang gustong makita ang mga tao sa gitna. 
Halo-halo ang boses ng mga tao na mas lalong nagpapaingay, halos pasakitin no'n ng ulo 'ko kaya bahagya akong ngumiwi. Nang maibaling 'ko ang paningin pabalik ay bigla 'ko nakita si Calvin, sa tabi niya ay may mas maliit sa kan'yang lalaki na masasabi kong guwapo rin. Hindi 'ko makita ang mukha nila kasi nakatagilid sila.
Nailipat ko ang paningin sa unahan, may lalaking nakasungglasses na itim ang buhok, saka 'ko ibinalik ang paningin kay Calvin. Biglang sumagi sa isip 'ko ang kakaibang dating ng lalaki kumpara kay Calvin, na kahit nakatagilid ay masasabi 'kong maganda rin siyang lalaki, nakapamulsa siya habang nakatingin sa lalaking kulay abo ang buhok. Sa unang tingin 'ko, mukha'ng hindi sila magkasundo, dahil 'kong titingnan 'ko ang mga kilos nila, nakakuyom ang kamao ni Calvin, maging ang katabi niyang lalaki sa likuran. Bigla namang naagaw ng pansin 'ko ang mga tattoo sa pulsuhan nila, magkakapareho ang hitsura, isang hugis buwan at may panang nakatarak dito.
Natigilan ako sa pagmamasid nang umalis ang lalaki na may kulay abong buhok, at sinundan iyon nang pag-alis ng lalaking nasa unahin ni Calvin, maging ang isang kasama niya. Pero bago 'yon, hindi 'ko inaasahang titingin siya sa gawi ko at saktong nagtama ang paningin namin, ngumiti siya 'tsaka kumuway. Bigla nalang nagtiliian ang mga babaeng nasa likuran 'ko kasama na roon ang katabi 'kong si Kara. May palagay akong si Kara ang nakita niya at kinawayan, halos makalimutan 'kong kasama 'ko ang girlfriend niya.
Muli 'kong naihakbang ang mga paa nang sa wakas ay lumuwag ang daraanan, patuloy pa'rin akong hinila ni Kara hanggang sa marating namin ang pangatlong palapag.
"Anong strand ka ba Hina?" tanong niya nang marating namin ang third floor.
"STEM."
"Naks, section?"
Uhm, may section pa pala?
Sandali akong nag-isip. "..."
Napangiwi ako, wala namang nabanggit si Miss Gazon kung ano ang section 'ko.
Pero bigla akong may naalala."Sa room 106," sagot ko.
Natigilan siya. "106?"tila gulat niyang tanong, tumango ako.
Tumingin siya sa mga numero ng mga silid kaya gano'n din ang ginawa 'ko. Mayamaya pa ay muli niya na 'kong hinila, huminto kami sa labas ng pang-anim na pinto.
Bigla siyang humarap sa 'kin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Mag-iingat ka girl, ha?tatagan mo ang loob mo, babye!"mabilis na sabi niya. Hindi na'ko nakasagot nang magsimula siyang tumakbo papalayo sa 'kin.
Nang hindi 'ko na matanaw ang likod niya ay napatingin ako sa pinto na my nakasulat na 106 sa itaas nito. Malalim akong bumuntong-hininga bago kumatok.
*Knock*Knock*Knock
*Click
Binigyan 'ko ng malawak na ngiti ang lalaking nagbukas ng pinto para sa 'kin.
"Hi," nakayuko 'kong bati. Papasok na sana ako nang bigla niyang isara ang pinto, 'buti nalang ay ang tungki lang ng ilong 'ko ang umabot. Napabuntong-hininga ako kasabay ng paglipad ng itim 'kong bangs.
Ako nalang ang nagbukas ng pinto 'tsaka ako pumasok, pero agad din akong napahinto nang makaramdam ako ng paglipad ng kung anong bagay papalapit sa 'kin, nahawakan 'ko iyon gamit ang kanan 'kong palad. Halos masira pa iyon sa kamay 'ko dahil napalakas ang puwersa na nagawa 'ko, 'tsaka 'ko tiningnan ang gawi kung saan iyon nang galing.
"Pasensya na,"nakayuko 'kong paumanhin nang magsimulang maglakad papalapit sa grupo ng mga kalalakihan.
"Nasira 'ko ata ang bola mo." Iniabot 'ko ang bolang hawak 'ko sa kan'ya.
Kumunot ang noo niya. "Who are you?"tanong niya, ang tono ng boses niya ay may himig ng iritasyon, pagkabagot at tila napipilitan. 
Nakaharap ako ngayon sa lalaking may pulang bandana sa kaniyang noo. Kulay blonde ang buhok niya at hindi 'ko maikakaila ang guwapo niyang mukha.
Siya ang nag mamay-ari ng tennis ball."Hina ang pangalan 'ko," sagot 'ko sa tanong niya. "Ako ang bago niyong kaklase,"nakangiti 'kong patuloy.
Ngumisi siya bigla 'tsaka papalit-palit na pinasa ang bola sa kan'yang kamay nang agawin 'yon sa akin. 
Ngumunguya rin siya habang nagsasalita kaya halata ang chewing gum niya sa bibig. "Hey Hina, is that true?" tanong niya, ang daliri ay nakaturo sa dibdib 'ko.
Kumunot ang noo 'ko nang tingnan siya uli, ang ngisi niya ay kagaya ng mga kaklase 'kong lalaki noon. 'Yong ngising minsan ay hindi 'ko 'rin nagustuhan. 
Bumuntong-hininga ako at nag-isip ng balak na isasagot. Naiilang man ay kailangan 'ko paring magpakatotoo. 
"Oo naman,"kaswal 'kong sagot na ikinatawa ng karamihan. 
Naramdaman 'ko ang tingin ng lahat sa akin, maliban sa isa na nasa likuran 'ko, kaya hindi 'ko naiwasang ilibot ang paningin sa paligid.
Napaawang ang labi 'ko dahil sa nakita, doon 'ko lang napagtantong pulos sila kalalakihan, dahil wala akong makitang babae maliban sa 'kin.
Mali ba ang pintong pinasukan 'ko?
Inilabas 'ko ang cellphone 'ko at ini-dial ang number ni Miss Gazon. Wala parin naman ang teacher namin.
"Can I touch it?" Napatingin ako sa lalaki kanina na nakatingin pa'rin sa dibdib 'ko. Pinagkunuotan 'ko siya ng noo dahil hindi ako sigurado sa narinig 'ko.
"Your boobs...can I touch it?" Maloko ang ngisi na ginawad niya. Hindi 'ko alam dahil sa kabila ng kabastusan niya ay hindi 'ko magawang mainis dahil sa mga sinasabi niya.
Naniningkit ang mga mata 'ko."Hindi puwede," seryosong sagot 'ko.
Dahilan para mag-ingay ang buong estudyante dahil sa narinig. Sinasabi nilang mahina ang lalaking nasa harapan 'ko dahil tinanggihan 'ko siya.
"Why not?"tila hindi naman siya nagpaapekto.
"Dahil mali 'yon,"tanging nasabi 'ko, mariing nakaharap sa kaniya.
Nakikita 'ko na kung anong klase siya mag-isip.
"So now you play dumb, of course I know it's wrong," anito. Muling nagtawanan ang lahat. 
Pinanood 'ko silang tumatawa habang hinihintay 'kong sagutin ni Miss Gazon ang tawag 'ko.
Bigla na namang sumagi sa isip 'ko...
Ganito ba talaga ang kasiyahan para sa kanila?ito ba talaga ang nagbibigay ng totoong kasiyahan sa ibang tao?ang pagtawanan ang hitsura at kamusmusan ng iba?
Tuwing naalala 'ko kasi ang pangyayari ng bata pa'ko, kahit na anong gawing panlalait ng iba sa 'kin hindi 'ko magawang gumanti at magalit. Dahil tuwing pagmamasdan at pakikinggan 'ko ang tunog ng mga tawa nila... pakiramdam 'ko isa lamang iyong pantasya... pakiramdam 'ko hindi iyon ang kagustuhan ng puso nila. Para sa 'kin, isa iyong pagpapanggap at pagpapakita ng imitasyon at hindi tunay na pakiramdam.
Ibinulsa 'ko ulit ang cellphone 'ko matapos ang anim na ring nang hindi sumagot si Miss Gazon. Binalingan 'ko na lamang ang lalaking nakatunghay parin sa 'kin at mainam na nakaharang sa daraanan 'ko.
"Puwede ba'ko makidaan?"mahinahon 'kong tanong. Nais 'ko na lamang hintayin ang magiging lecturer namin.
"Of course you can pass," kunwaring tumabi siya at iginiya ang daan sa 'kin. "But..." pigil niya gamit ang hintuturo. "Only, if you let me touch your boobs." Nakangising anito. 
Ang mga mata ay nagpapakita ng purong kapilyohan. Gusto 'kong umiling pero idinaan 'ko nalang sa buntong-hininga ang pasensiya 'ko. 
"Kung sa kapatid mo ba 'to nangyari, hahayaan mo ba silang ipahawak ang maselan na bahagi ng kanilang katawan sa hindi nila kakilala?" tanong 'ko na siyang nagpatigil sa tawanan ng nasa paligid. Maging ang nakakaloko niyang ngisi ay unti-unting nawala.
"I have no sister," seryosong wika niya, napaayos ng tayo.
"Wala ka bang nobya?"tanong 'ko uli.
Napalingon siya sa paligid at bakas ang pagkapahiya. 'Tsaka niya sinalubong ang tingin 'ko na nagtatagis ang bagang, hindi 'ko inaasahan ang pagsugod niya sa 'kin.
Hinawakan niya ang leeg 'ko at marahan akong itinulak.
Nanatili ang natural 'kong reaksyon habang nanlilisik ang mga mata niya sa galit, napababa ako ng tingin.
"You bitch!how could you enter my room and just say what you want?"marahas niyang bulong sa tainga ko.
"Bakit? 106 ba ang pangalan mo?" tanong 'ko. Dahil sa isinagot 'ko ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal sa 'kin. Hanggang sa maihampas niya ang likod 'ko sa pader.
"Woahh..." ani ng karamihan.
Kahit anong pigil 'kong hawakan siya sa kamay ay hindi 'ko na'rin napigilan, hindi na'ko makahinga dahil sa matagal niyang pagkakasakal.
"Ugh!" biglang sigaw niya. Parang napapaso niyang inalis ang kamay sa pagkakahawak sa 'kin.
Muli siyang tumingin sa 'kin nang may nagtatanong na tingin, bakas ang gulat at pagkamangha. 
Habol 'ko ang hiningang hinawakan ang dibdib 'ko. "Wala akong ginagawang masama sa'yo,"hinihingal 'kong sabi.
"Drake! what happened?" Biglang lumapit ang isa sa mga katabi niya kanina. Hindi niya nagawang sumagot at sa halip ay tumingin sa mga kamay 'ko.
"I don't know..."
Tumingin ako sa paligid at lahat sila ay nakapako na ang paningin sa 'kin. Magkahalong gulat, pagkalito at pagkamangha.
Napalingon ako likuran 'ko nang mayro'ng kumalabit sa 'kin. Isang lalaki na naka eyeglasses at mayro'n pang bond aid sa noo at pisnge niya.
"Come, sit here,"inginuso niya ang isang upuan sa tabi niya.
Umayos ako ng tayo. Hindi 'ko na nagawang i-ayos ang ngiti 'ko sa kaniya.
"Salamat," sagot 'ko 'tsaka naupo.
Nang tingnan 'ko siya uli ay nakataas na ang kilay niya, pinagkunootan 'ko siya ng noo. 
"Bakit?" Hindi 'ko mapigilang magtanong.
Bahagya siyang humarap sa 'kin. "No offense ha, pero gan'yan ka ba talaga?" anito. 
Hindi 'ko nakuha ang ibig niyang sabihin kaya napakunot-noo ako habang nakatingin sa kan'ya.
"You look calm, you didn't look annoyed or upset. Ang inaasahan 'kong gagawin ng isang babaeng binastos ay mananampal, sinakal ka na nga mukha ka pang masaya." Diresto ngunit kalmado niyang pagsasalita.
Napangiwi ako, alinlangan ulit ang ngiti.
"Hindi naman ako masaya dahil sa ginawa ng lalaking 'yon, nasanay lang ako sa mga taong kagaya niya," tipid na sagot 'ko.
Napabuntong-hininga ako 'tsaka ulit siya tiningnan.
"Atsaka natuwa lang din ako, akala 'ko kasi lahat ng magiging kaklase 'ko rito kagaya niya," dagdag 'ko.
Tumaas ang gilid ng labi niya."But don't you feel insulted?"
Nagkibit-balikat ako. "Sa parte 'ko hindi, kun 'di sa parte ng mga babae niyang kamag-anak, isa pa... pakiramdam 'ko naman hindi niya talaga 'yon gustong sabihin."
"What do you mean?"
Lumabi ako. "Sa tingin 'ko ginawa lang niya 'yon para kasiyahan siya ng mga nakakakita sa kan'ya," sagot 'ko.
"So in short, you're saying na papansin siya."
Kumunot ang noo 'ko 'tsaka bahagyang natawa. "Ikaw ang nagsabi niyan."
"So you don't get upset whenever boys tell your boobs is oversized?"nagbaba pa siya ng tingin sa dibdib 'ko.
Pilit na ang ngiti 'ko 'tsaka bumuntong-hininga. "Hindi 'ko alam,"pag-amin 'ko. 
"Hindi 'ko kasi natatandaang nagalit ako sa kahit na sino, hindi 'ko narin alam ang pakiramdam ng may kinasusuklaman, 'tsaka tulad ng sinabi 'ko...sa tingin 'ko naman hindi nila ginawa 'yon para ikasiya ng puso o sarili nila, sa nakikita 'ko...ginagawa nila 'yon para matuwa ang iba at kasiyahan sila."
Napaawang ang labi niya at hindi na'rin nakapagsalita, mayamaya pa ay nag-iwas siya ng tingin.
"I wish everyone thinks like the way you do...I think everyone would be at peace if they choose to be patient as possible as they can be." Tumango ako bilang pag sang-ayon.
"Pero bakit ka nandito?alam mo ba ang section na pinasok mo?" Muling tanong niya, umiling naman ako dahil hindi 'ko naman alam.
"What?" Nagulat ako dahil sa biglang paglakas ng boses niya.
"Ah, 'yong M-mommy 'ko kasi ang nag-enroll sa 'kin, ito ang unang beses 'ko na makapunta sa school na'to."
"So you don't know about anything, including that guy?"turo niya sa lalaking nakabandana kanina.
Kumunot ang noo 'ko. "Bakit? sino ba siya?"
"Seriously?" Parang nanlulumo niyang usal. Hindi na'ko nakasagot nang muling bumukas ang pinto. 
Sa wakas ay dumating na ang lecturer namin, pero hindi tulad ng inaasahan 'ko mas bata siya, siguro mas matanda lang siya ng limang taong gulang sa'min. Nagsitahimik na ang lahat at awtomatiko'ng napako ang paningin niya sa 'kin.
"You!"turo niya agad. Tumingin muna ako kay, oo nga pala, hindi 'ko naitanong ang pangalan niya .
Muli nalang akong tumingin sa harapan saka tumayo at sinalubong ang tingin ng lec namin.
"What's your name?" Tanong niya.
Estrikto ang dating ng boses niya.
Napalunok ako. "Hinata po."
"What's your full name?"
"Hinata Dein Montero po."
"Miss Montero, if I'm not mistaken, you're the transferee, right?"
Tumango ako. "Ako nga po."
"Can you tell us why did you decide to stay in our school?"
"I want to learn something, Sir."
"Why did you chose to stay in this School?"
"I didn't, sir."
"You what?" Naningkit ang mga mata niya.
"I didn't chose to stay here, my...mother did."
"No options I see, because you're the last person that would enter this school." Naguluhan ako sa sinabi niya. 
"Sit down." Naupo na lamang ako.
Mayamaya pa ay sinimulan niya ang pagpapakilala ng bawat isa, ni-request iyon ng mga kaklase 'ko dahil bilang transferee ay hindi 'ko pa raw kilala ang pangalan ng iba. Do'n lang din nagselect ng officers at ako ang ginawang president dahil wala namang ibang interesado.
Nalaman 'ko na Lerwick ang pangalan ng nakatabi 'kong classmate habang Efron naman ang nanakal sa 'kin. Pero karamihan sa mga naririnig 'ko, Drake ang tawag sa kan'ya ng lahat.
Natapos ang buong hapon at uwian na. Pero bago kami magsilabasan ay bigla akong tinawag ni Lec. Jason.
"Pagkatapos mo, umuwi ka na agad,"huling sabi ni Lerwick bago nauna sa 'kin.
Tumalikod na lamang ako at lumapit kay Sir Jayson.
"Ano po 'yon?"
"Bring this to the library, make sure to return this to their respective shelves, and yes make it right away the library is going to close soon,"anito. Tumango ako at binuhat ang pitong makakapal na libro.
Tatalakod na sana ako nang biglang magsalita si Lec. Jayson.
"Wait, you don't need help?"nakaawang ang labi niyang tanong.
Ngumiti ako."Ayos lang po."
"Are you sure? its heavy." Ngiti lang ang naging tugon 'ko, dahil kung sa 'kin ay hindi naman talaga mabigat. Nakaya 'ko ngang buhatin at ilipat ang ref ni Aling Pacita rati.
Nakasanayan 'ko na iyon dahil ayon kay Miss Gazon ay may halong bakal ang bago 'kong mga kamay at paa.
Iniwan 'ko siyang nakanganga habang pinagmamasdan akong magtungo sa ibaba. Nasa pang-apat na building ang kinaroroonan ng library ayon kay sir. Nasa 6th floor kung saan 'yon ang pinaka huling floor.
Napabuntong-hininga ako, bakit sa itaas nila nilagay ang library? Dapat sa baba nila iyon ginawa. Iniisip 'ko palang na malayo ang pupuntahan 'ko ay hihingalin na'ko. Hinihingal at napapagod ako pero hindi ang mga kamay at paa ko. Minsan hindi 'ko rin madalas nararamdaman na may masakit sa kahit na anong parte ng katawan 'ko. Siguro 'yon ang bahagi ng pagkatao 'ko kung bakit madalas ay kalmado lang ako, nasabi na'rin kasi sa 'kin ni Miss Gazon na 'yon ang side effects ng pag-iimplant ng bago 'kong paa at kamay. Ang maging manhid sa iilang parte ng aking katawan, ang hindi 'ko lang inaasahan, ay maging sa emosiyon 'ko ay maapektuhan.
Wala na'rin akong halos makita na mga estudyante, nagsisimula naring dumilim sa labas dahil mag-aalasais na. Tunog ng mga yabag 'ko lamang ang naririnig 'ko habang naglalakad ako sa ikalimang palapag. Nagpatuloy ako sa paglalakad, sa isip 'ko ay tinatandaan 'ko ang sinabi ni Lec. Jayson sa 'kin. Kailangan 'kong magmadali dahil baka magsara na ang library. Habang naglalakad, bigla akong napahinto dahil sa sunod 'kong narinig, awtomatiko akong napalingon sa likuran nang maramdaman kong may tumakbo. 
Wala naman akong nakita kaya binalewala 'ko nalang.
Pagdating ko sa 6th floor ay halos patay sindi ang ilaw sa pinakadulo ng hallway. Ang sabi kasi ni Lec. Jayson ay sa dulo raw ang library, huminto ako roon, nakasara ang pinto pero may bukas pa naman na ilaw sa loob. 
May naaninag din akong anino ng tao at may naririnig din akong mga yabag. Kakatok na sana ako nang biglang mamatay ang ilaw. Kasabay no'n ay ang malakas na kalabog na narinig 'ko.
Ano 'yon?
Inilapag 'ko ang dalang libro sa sahig at kakatok uli sana nang hindi pala 'yon naka-lock. Unti-unting bumukas ang pinto at mayro'n pa namang ilaw sa pinakadulo. Kinuha 'ko uli ang libro at nagsimulang pumasok, gusto 'ko sanang magsalita o sumigaw para tanungin kung sino pa ang tao pero naalala 'kong nasa loob pala ako ng library. Hinanap 'ko nalang ang table ng librarian, pero wala rin akong masyadong makita dahil madilim ang ibang paligid, inilapag 'ko uli saglit ang mga libro at kinuha ang Cellphone 'ko at ini-on ang flashlight. Nagpatuloy ako sa paghahanap, ang tanging dulo na lang ang hindi 'ko natitingnan.
Napahinto ako ng biglang may nagsalita.
"Kahit na anong gawin at paliwanag mo...hindi parin 'yon mababago ang katotohanang kinasusuklaman kita."
"Then the feeling is mutual Mr. Grumpy, tuwing nakikita 'ko ang pagmumukha mo, naalala 'ko ang araw na 'yon...at gustong-gusto 'kong makita kang napapaluhod at napapasigaw sa sakit."
"But too bad, it will happen to you now."
"What? you're going to kill me in my own school?"
"This ain't yours."
"Apelyido lang ang mayro'n ka, ako pa'rin ang totoong tagapagmana."
"Dream on, a**hole."
Natigilan ako. Hindi 'ko man maramdaman na nanginginig ang buo 'kong katawan alam ko naman na malakas ang tibok ng puso 'ko.
May patayan bang mangyayari rito?pero ano ang dapat 'kong gawin?
Sunod-sunod ang naging pag-atras 'ko, hindi 'ko na namalayan na nasagi 'ko na pala ang estante ng mga libro sa likuran 'ko dahilan para gumawa iyon ng ingay.
"What the f*ck?! Who's that?!"
Kasabay no'n ay panglalaki ng mata 'ko. Mabilis akong tumalikod para tumakbo, pero napahinto rin nang makarinig ako ng malakas na hampas na sinundan ng matinis na sigaw.
"Ughhhhh!!!!"
Nakarinig ako ng mabilis na yabag at awtomatiko 'kong pinatay ang flashlight at nanatili sa parteng madilim.
Sunod no'n ay ang pagbukas ng pinto at paglabas ng isa sa kanila. Nagdadalawang-isip ako kung dapat 'ko bang puntahan ang lalaking sumigaw kanina. 
Pero napagdesiyunan 'ko ring lumapit, baka kailangan niya ng tulong.
Nagmamadali akong tumakbo papunta ro'n.
Napasinghap ako nang makita ang isang lalaki na puno ng dugo ang ulo, marumi na'rin ang puti niyang pulo na may mantsa ng dugo.
Dali-dali akong lumapit at tinulungan siyang maupo, nakapikit pa'rin siya. Naalala 'kong siya ang nakasungglasses kanina, ang kasama nila Calvin sa ibaba. 
"W-who are you?"hirap na hirap niyang tanong.
Hindi 'ko siya nagawang sagutin dahil kailangan na niyang madala sa hospital. Nanginginig ang kamay 'kong naupo sa harapan niya. Nagdalawang-isip ako kung saan siya unang hahawakan.
"Kailangan mong madala sa hospital," nagkautal-utal na sabi 'ko.
"W-who are you?"
"Ako si Hi..."
Hindi 'ko na nagawang ituloy ang sasabihin 'ko nang bigla siyang mapayakap sa 'kin. Naramdaman 'ko ang bigat niya, maging ang panlalamig ng buo niyang katawan.
Bigla ko ring naramdaman ang panginginig ng katawan 'ko, isang pakiramdam na matagal ng bago sa 'kin.
Nakaawang parin ang bibig 'kong pinagmasdan siyang tila natulog at ginawang unan ang dibdib 'ko.
To be continued...

Komentar Buku (98)

  • avatar
    Arvin Santos Sordoncillo

    5.0

    07/08

      0
  • avatar
    Nhora Gonzales

    maganda ang kwento mayroon matutunan ang nag babasa

    07/08

      0
  • avatar
    fiberhomejhully

    awesome

    07/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru