logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

4: Transford

Ilang saglit pa, dumami na ang mga tao rito sa cafeteria. Parang dati ulit, ngiti sa'kin, kaway sa'kin, pa-picture sa akin at iba. Samantalang ako, pangiti-ngiti lang, plastik nga lang. Best actress naman ako kaya hindi nila malalaman 'yon.
"Miss, pasok na po kayo habang hindi pa po ganoon karami ang tao." Ani Hersh at saka tumayo.
"Mauna ka na." Utos ko at ibinigay sa kanya ang aking bag.
"Pero po–"
"Sundin mo na lang kung ano ang sinabi ko." Sambit ko sabay tingin sa kanya. "Kung ayaw mong matanggal." Dagdag ko pa na ikinagulat naman niya.
Mabilis niyang kinuha ang bag at dali-daling umalis nang hindi man lang nagpapaalam. Ako naman, nandito lang at nagkalikot ng cellphone. Wala na akong masyadong magaawa lalo na't patay na araw ngayon. Tuesday kasi kaya kadaasan sa mga school staffs, tinatamad pumasok. Kaya hayun, pati tuloy mga estudyante, tinatamad na rin.
~TINITINININININTINININ~~~
UGHH! Sino na naman ba kasi 'yong tumatawag? Unknown number kasi, e kaya naisipan ko na huwag na lang sagutin. Pero makulit talaga dahil ayaw pa rin niyang tumigil. Hindi ba talaga siya papatalo? Hay naku! Sino ba kasi 'to?
"Hello" panimula ko nang sagutin ko na ang aking phone. Ang ingay na kasi, e. i-b-block ko na nga kasi sana kaso nga lang hindi ko magawa sa hindi malamang kadahilanan.
"See you in hell!" Buhay na buhay nitong ani saka pinatay ang linya.
Bigla tuloy akong kinilabutan doon. Hindi na kasi ito ang unang beses na mangyari sa akin. Pangalawang beses na ito dahil una iyong text ni Sky sa akin na wrong send lang naman. Pero kasi ngayon imposibleng na-wrong number na naman ako dahil tawag na siya e. Buti sana kung text lang 'yon. E hindi. Tawag na.
Agad kong tinawagan si Hersh at saka siya pinapunta rito.
"Bakit po, miss?" Tanong nito sa akin nang makaratin na muli sa cafeteria.
"Maraming prank callers 'di ba?" Sambit ko
"Opo" Tatangu-tango nitong sagot. "Bakit po?"
Inilahad ko naman sa kanya ang phone ko at ipinakita sa kanya ang number ng hinihinala kong prank caller.
"Gusto kong i-track mo kung sino ang may gamit ng number na ito." Utos ko at mabilis naman niya itong kinuha. "Sige. Alis na."
Tumayo na rin naman ako matapos ko siyang utusan. Wala naman na siya sa harapan ko dahil nakaalis na siya, malamang. Pinagmadali ko ba naman, e. Halos lahat ng estudyante rito'y nakatingin sa akin hanggang sa paglabas ko. Ganda ko, e.
Balak ko na sanang pumasok sa room nang may biglang nahagip ang mata ko. Nilapitan ko ito at kinuha mula sa sahig. Para kasing pamilyar ang eyeglasses na ito, e. Parang nakita ko na kasi 'to somewhere. So, nilaru-laro ko na lamang iyon sa hangin hanggang sa madaanan ko ang boys' room. Hindi ko alam pero parang may humahatak sa akin sa loob ay mayroong nag-uutos sa akin na pumasok doon. Mukha mang kadiri pero ginawa ko na rin. Hindi pa naman start ang klase okay lang kahit hindi pa ako pumasok ng room ngayon. Tsaka palagi naman akong nagpapalate, e. Saka sanay na rin naman ang professors and classmates ko sa ginagawa kong pagpasok ng late.
"Miss beautiful, anong ginagawa mo rito?" Tanong no'ng isang manyak na ewan pagpasok na pagpasok ko pa lang doon ngunit tiningnan ko lamang siya ng may pagmamataas bago siya lampasan. Hindi na exotic sa akin ang ganoong pormahan dahil sanay na sanay naman na ako. Maraming gumaganyan sa akin lalo na kapag may fan meeting or launching ako sa malls or wherever.
Hindi ko nga matanggap ang sarili ko dahil sa ginawa ko ngayon lalo na't first time ko itong gawin sa buong buhay ko. Nakakahiya dahil kilala akong tao rito sa campus tapos bigla na lang nila akong makikitang pumasok sa boys' room. Kung hindi rin naman pala maging kasuklam-suklam sa paningin ng iba. Baka nga mamaya may ma-gm pa o kaya naman may magvideo pa sa akin tapos gawan ako ng kung anu-anong issue about sa ginawa ko.
Pero wala akong pake. Bahala sila jan.
Nanalamin na lamang ako at nagretouch. Wala naman nang tao rito dahil nagbell na at nagsilabasan na rin ang lahat ng nandito kaya lalabas na rin sana ako dahil parang wala naman ata akong mapapala rito nang biglang bumukas ang pintuan ng isa sa mga cubicles na nandito at doon na lamang ako nagulat sa nakita.
Shems!
"A-anong ginagawa mo rito?" Utal kong tanong sa kanya paglabas na paglabas niya pero parang hindi man lang siya nagulat nang makita ako.
"Nice. 'Di ba dapat ako ang magtanong niyan sa'yo? Anong ginagawa mo rito?" Pa-chill-chill pa niyang tanong.
"Bakit wala kang pang-itaas tsaka bawal maligo rito, bakit ka naligo?" muli kong tanong pero hindi niya ito sinagot.
Bumaba ang tingin niya sa aking kamay na hawak-hawak pa rin ang eyeglasses niya ata.
"Bakit nasa sa'yo 'yan?" Pangiti-ngiti pa niyang ani.
Limse! Sky ikaw ba talaga 'yan?!
Ginalaw niya ang kanyang kamay para abutin ang hawak ko ngunit agad ko na itong inilapag sa sink bago pa niya ito makuha at agad na umalis. Dali-dali akong tumakbo palayo at mabilis na pumasok ng room. Sakto namang nandoon na ang lecturer pagpasok na pagpasok ko. Nginitian lang naman niya ako at nagpatuloy na sa pagtuturo. Hindi ko alam pero kabadong-kabado akong pumasok sa loob at umupo sa dulong seat ng third row. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtuturo'y muli na namang bumukas ang pintuan at mula sa labas ay pumasok na ang lalaking nakausap ko kanina. Gaya ng nakagawian, nakayuko na naman siyang naglakad patungo sa kanyang upuan na para bang hiyang-hiya sa lahat ng nandito. Para talagang hindi siya ang nakaharap ko kanina.
May kakambal kaya siya?
Sana naman meron at 'yong kakambal niya ang nakaharap ko kanina.
(Discussion)
Tumunog na ang bell hudyat na break na namin. This time, ako ang naunang lumabas ng room dahil ayoko talaga siyang makasabay sa paglabas.
"Miss, bakit–-" hindi ko na pinatapos pa si Hersh sa kanyang sasabihin dahil agad na akong nagsalita.
"Gutom na 'ko." Sambit ko at nagpatuloy na sa paglalakaf pero bago pa kami makapasok sa cafeteria, agad akong lumihis ng daan.
"Saan po tayo, mi–" hindi ko na naman siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil muli na naman akong nagsalita.
"Hindi na 'ko gutom." Aniko at dumiretso sa gym.
Napakaboring naman ng buhay.
"Miss, ano pong gagawin natin dito?" Tanong ng aking kasama.
Ibinigay ko naman sa kanya ang aking wallet. "Bumili ka ng milktea." Utos ko
"Anong flavor po, miss?"
Tiningnan ko naman siya ng mapang-insultong tingin saka muling nagsalita"Basta kahit ano."
"Okay po." Paalis na sana siya nang bigla ko siyang tawagin.
"Basta 'wag Matcha." Dagdag ko pa.
"Opo."
"Sige. Alis na."
Mabilis naman siyang nagtungo palabas ng gym kaya naman ako na lamang ang naiwan dito. So, pinanood ko lang naman maglaro 'yong mga nandito hanggang sa may isang estudyante ang nakapukaw ng aking atensyon. Mas niliitan ko pa ang aking mata para naman mas makita ko siya ng lubusan at doon na lamang ako namangha nang makita kung sino siya. Wow! Manonood din ba siya ng mga palpak na laro rito? Grabe! Ibang klase! Maya-maya pa'y muling bumukas ang pinto rito. Akala ko naman si Hersh na iyon pero hindi pala. Umupo siya sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay. Sumandal naman ako sa balikat niya at kinumusta siya. Sa aming dalawa kasi, ako ang kadalasang nag-o-open ng usapan dahil medyo may kadaldalan kasi ako. 'Pag kinausap lang.
"Kumusta na?" Panimula ko.
"Heto. Pogi pa rin." Sagot niya na siyang nagpatawa naman sa akin
"Kahit kailan ka talaga." Tatawa-tawa kong ani at saka umupo ng maayos nang dumating na si Hersh na may hawak na bubble milk tea at ibinigay iyon sa akin.
"Heto po, miss."
Kinuha ko naman iyon at tinanguan lang siya hudyat na kailangan na niyang umalis.
"Bakit mo siya pinaalis?" Takang tanong ni Relzé.
"Wala lang. Gusto ko lang." Sambit ko at saka humigop ng unti mula sa baso na hawak ko.
"Gusto mo?" Alok ko at humigop naman din siya ng kaunti.
"Sarap." Anito "Parang ikaw."
"Ughh– baliw ka talaga!' Saway ko.
"Joke" Bawi naman nito at nagpalinga-linga.
Makalipas naman ng tatlong minuto'y tumunog na ang bell kaya naman sabay na kaming tumayo at lumabas na ng gym. Inihatid na niya ako sa room namin at umalis na rin naman na siya. Paglingon ko'y kaagad kong nakita ang mga bakas ng pagkakilig sa mukha ng mga estudyante rito. Pero hindi ko na lang sila pinansin. Basta ako ready to smile palagi para 'di masira ang image. Pag-upo ko'y napansin kong wala pa si nerd. Teka. Hindi pa ba siya nakakabalik dito? Psh. Bahala siya.
_ _ _
Habang nanonood ng tv, biglang nagring ang aking phone. Kinuha ko naman ito at binasa ang nasa screen.
Ughhh!!!
"Hi, Hera!" Hinayaan ko lang siyang magsalita. "Natanggap mo na ba ang sched mo sa Saturday?"
"Sched for what?'
"Sa launching ng MoonLip." Sagot nito.
"Hindi pa." Tipid at tamad kong sagot.
"Well, kung hindi pa, ihahatid ko ngayon jan ang sched mo." Sambit nito.
"Go. Abangan kita."
Ang sarap talagang maging bastos, noh?
"Sure. Nanjan na ako before ten." Sabi niya pa bago ko putulin ang linya.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking panonood. Tch. Akala naman niya aabangan ko talaga siya. Esh. Pumasok siya rito sa bahay at siya mismo ang pumunta sa labas ng kwarto ko hindi ako ang pupunta sa labas para abangan siya. Baha–-
TOK-TOK-TOK
Wow!
Agad akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto at laking gulat ko nang makita kong nakatayo sa labas ng aking kwarto ang aking manager. Ang bilis naman ata niya tsaka joke lang naman 'yong mga pinagsasabi ko kanina, e.
"Hi! Eto na ang sched mo sa Saturday." Iniabot niya sa akin ang white folder na hawak niya at agad ko naman iyong binuklat at binasa ang laman. "Hindi ko na naipaabot kay Hersh ito dahil kakagawa lang nito." Paliwanag pa niya.
"Okay. Sige." Sambit ko at isasara na sana ang pinto nang bigla niyang iharang ang kanyang kamay sa pader dahilan para mapahinto ako. "Bakit? Ano pa ang kailangan mo?" Tanong ko pero hindi lang siya nagsasalita at nakatitig lang sa akin. "What? Magsasalita ka ba o isasara ko na 'tong pinto?"
"You're so beautiful, Hera." Anito
"Okay. Sige. Isasara ko na ito. Bye." Agad ko nang sinara ang pinto at sumandal rito.
Muli kong binuksan ang folder at saka binasa ang nakalagay rito.
Tsk.
Maaga na naman akong gigising sa Saturday. Ughh!
Balak ko kasing manood ng movie sa Friday night pero ekis na agad 'yon dahil sa pisting schedule na ito.
_ _ _
"Miss, eto raw po ang susuutin niyo bukas." Ani Hersh at ibinigay sa akin. Agad ko naman itong kinuha at sinukat sa harap ng salamin. "Hindi po kayo papasok ngayon, miss?" Tanong niya
"Hindi. Ayokong pumasok. Hindi ako papasok. Basta ayoko." Sagot ko. "Pwede bang 'wag ka nang magtanong?!" Napalakas pa ang boses ko doon.
"Miss–-" Hindi ko na siya pinatapos pa dahil agad na akong nagsalita.
"Tigil. Ayoko ngang pumasok!"
Bahagya naman siyang natawa sa biglaang pagsasalita kong iyon. Ano na naman bang problema niya? May nasabi na naman ba ako na dapat niyang ikatuwa? Para siyang ewan jan. Nakakainis. Sobrang nakakainis. UGHHH!!!
"Bakit ka natatawa? Ano na naman bang nasabi ko?" Usal ko pa bago ibagsak sa harap niya ang damit na isinukat ko. "Pwede ka nang umuwi. Tsupi!" Talagang kailangan ko pa siyang ipagtabu'yan para lang hindi ko na marinig pa mula sa kanya ang mga bagay na hindi karapat-dapat na marinig.
Tumango naman siya at sinunod ako. Lumabas na siya kaya ako na lang ulit ang nandito ngayon. Puro naman cellphone ang inaatupag ni Ralshé kaya hindi niya magawang umapak sa tiles at maglakad papunta rito dahil busy nga siya. Si mommy and daddy naman, wala akong maaasahan sa dalawang iyon dahil puro business naman ang inaatupag nila at si lolo naman busy rin kaya no choice ako kundi ang matulog na lang.
2:30 ng umaga, nagising ako dahil sa hindi malamang kadahilanan. Hindi naman ako naiihi or whta. Bast a nagising na lang ako. Ano kayang meron? Kahit pilitin ko namang matulog, hindi ko pa rin magawa dahil hindi na ako inaantok kaya no choice na naman ako kundi ang magmovie marathin na lang. Ayoko namang magbrowse ng social media ko dahil paulit-ulit naman 'yong mga nakikita ko. Puro picture ko nakikita ko dahil malamang social media ko nga, e. Ano pa bang aasahan ko? Picture ni Sky? Tch! NO WAY! Kung hindi naman papuri ang mababasa ko puro pambabash naman ng mga walang magawang tao ang nakikita ko kaya mas pinili ko na lang na manood na lang.
Sa kalagitnaan ng aking panonood, biglang nagvibrate ang aking phone. Gaya ng nakagawian, kinuha ko ito at tiningnan pero noong babasahin ko na ang laman nito'y bigla itong nawala.
Ano kaya 'yon?
Ipagpapatuloy ko na nga sana ang panonood ko nang bigla na namang nagvibrate itong lintik at pisti kong phone pero this time, hindi na ako nagpadaig kaya naman agad ko itong kinuha at shinut down para naman hindi na ako gambalain ng walang kakwenta-kwentang unknown number na 'yon. At–- Wait... parang pamilyar sa akin 'yong number na 'yon, ah!
What the–-
Dali-dali kong tinawagan si Hersh at tinanong kung na-track na ba niya kung sino ba o kanino ba talaga ang number na 'yon pero ang sabi niyo, super secured daw ng account no'ng user kaya kahit anong gawin niya, hindi talaga niya malaman kung sino ba talaga ang gumagamit ng number na iyon. Kaya heto na naman ako, ibinaba ang cellphone ng luhaan. Ma-block nga.
Pero tinatamad ako, e kaya 'wag na lang.
Mga nasa apat na pelikula lang ata ang napanood ko bago kumatok sa pinto si Hersh. Aga noh? Agad ko siyang pinapasok at saka inihagis sa kanya ang damit na aking susuotin.
"Plantsa that." Utos ko
"Okay po, miss." Mabilis siyang kumilos para maplantsa na ang damit ko.
Maya-maya pa'y biglang kumati ang likod ko kaya tinawag ko siya at inutusan na kunin ang pangkamot na nando'n sa loob ng cabinet ko. Tumango naman siya at sinunod ako. Pabalik na sana siya sa kanyang ginagawa nang bigla naman akong nakaramdam ng pagkauhaw kaya muli ko siyang inutusan na kumuha ng tubid sa ref na mabilis naman niyang ginawa. Sa pangatlong beses na babalik na sana siya'y nakalimutan ko 'yong cellphone ko na naihagis ko sa may sulok dahil sa inis ko kaya pinakuha ko iyon sa kanya. Pagkabigay niya sa akin noo'y saka ko na siya pinabalik sa kanyang ginagawa.
Haaaaaaayyyyyaaaaahaaaaaayyyy ang bu–-
"AAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!"
Mabilis akong napatayo sa aking kama sa biglaang pagsigaw ni Hersh.
"Ano?! Anong nangyari?! Bakit ka sumigaw?" pati tuloy ako nahawa na sa kakasigaw niya.
"Naku miss sorry! Kasi 'yong damit..." Natigil siya nang sabihin niya ang word na 'damit'.
"Ano? Anong nangyari?" Mabilis akong nagtungo sa kinaroroonan niya at ng damit at doon na lamang ako nanlambot nang makitang sunog na ang bandang gitna ng dress. Agad ko iyong kinuha at itinapat sa kanya. "Anong ginawa mo? Bakit 'to nasunog?!"
"Sorry miss kasi napabayaan ko po dahil–-"
"Dahil pabaya ka. Hindi mo iniisip na may pinaplantsa ka. Ngayon anong gagawin natin? Mamayang 12 na ang launching. Paano na tayo niyan?" napahawak pa ako sa noo ko sa sobrang stress.
"Miss, sorry kasi nga inutusan niyo ko." Paliwanag pa niya pero isang nakakapanliit na tingin ang ibinato ko sa kanya.
"Kasi mabagal kang kumilos." Kahit galit na ako'y pinilit kong huwag sumigaw para naman ma-reserve itong boses ko. "Ngayon, maghanap ka ng ibang damit na kapareo niyan."
"Miss, pwedeng sabihin muna natin sa manager niyo 'yong nangyari?" Suhestiyon niya.
Napaisip naman ako doon. Oo nga, noh. Bakit kaya hindi ko naisip 'yon. Stressed agad, e. Si Hersh kasi, e. Pasaway.
"Sige. Tawagan mo siya." Utos kong muli at saka dumamba sa kama at nagtaklob ng kumot.
Makalipas ang ilang minuto, napag-isip-isipan ko nang maligo kaya naman muli akong bumangon at nagtungo na sa bathroom at saka naglinis. Pagkalabas ko'y isang hindi mapintang mukha ni Hersh ang bumungad sa akin.
"Oh ano na?" Bungad ko sa kanya
"Miss, sorry kasi–-"
"Diretsuhin mo na lang ako. Wag ka nang magsorry dahil wala naman na 'yang magagawa dahil sunog na 'yong dress." panenermon ko sa kanya.
"Miss, pupunta raw po dito si Mr. Dale para dalhan kayo ng bagong damit. Maghintay na lang daw po tayo." Aniya.
"Ikaw kasi, e. Pasaway ka." Paninisi ko pa.
"Sorry po, miss." Sambit niya at nanatili lang na nakatayo at nakayuko.
Napa-iling na lamang ako sa nangyari at inayusan na ang aking sarili.
"Miss, kayo lang po mag-aayos ng sarili niyo?" Tanong niya.
"E bakit? Wala ka bang tiwala sa'kin na kaya kong ayusan ang sarili ko para tano'ngin mo ako ng ganyan?"
"Uhmm– hindi naman po sa gano'n, miss. Ka–" Naputol ng isang malakas na ringtone ang kanyang sasabihin.
Agad naman niyang dinukot ang cellphone niya sa kanyang bulsa at mabilis na sinagot ito.
"Hello po? Uhh– gano'n po ba.. Sige po... Sasabihin ko po sa kanya... Sigurado po kasing magagalit siya e... Sige po... Maghahanap na lang po kami." Iyon lang ang mga narinig ko mula sa kanya bago niya ibaba ang hawak niya at muling tumingin sa akin ng may nanlulumong mga mata.
Ano na naman kayang problema?
"Oh bakit? Ano na naman bang problema?" Mataray kong tanong at saka sinimulang plantsahin ang aking buhok. I-re-retouch naman ako pagdating namin doon kaya wapakels ako sa ginagawa ko ngayon.
"Miss, kasi...Ano... Wait pano ko ba to sasabihin?"
"Sabihin mo na. Bili."
"Kasi, miss... 'yong ano po kasi.. 'yong–-"
"Ano!?"
"Hindi na raw po makakarating 'yong damit kasi na-traffic po sina Mr. Dale kaya ang sabi niya na maghanap na raw po tayo ng bagong damit na kapareong-kapareo po no'ng damit niyo." Paliwanag pa niya. "'yong damit naman daw po na pinadala niya sa tatlo pa niyang tauhan, hindi na rin daw po makakarating dahil sa traffic den. Hindi na rin naman po sila maka-u turn para po sana dumaan na lang sa iba dahil ipit na rin naman po ang sasakyan nila ng iba pang mga sasakyan kaya no choice po tayo kundi ang maghanap na lang ng ibang damit."
Halos mapatulala na lang ako sa mga paliwanag niya na iyon. Talagang karma is real.
"Oh ano pang hinihintay mo? Maghanap ka na ng new dress tapos tayo na mismo ang pumik-up dun sa store." Utos ko.
Mabilis naman niyang ginawa ang pinag-uutos ko at maya-maya lang..
"Tara na po, miss." Anyaya niya at saka binitbit ang bag ko.
Sumunod naman ako sa kanya papunta sa sasakyan niya. Nagmotor na lang kami para naman madaling makasingit sa mga maliliit na daanan saka mabilis din 'yon kaya mabilis din kaming nakarating sa aming pupuntahan. Pagpunta namin doo'y laking gulat namin nang sarado ang boutique.
"Ano 'to? Bakit 'to sarado? Akala ko ba na dito mo nabili ang damit?!" Sunud-sunod kong tanong sa kanya. Siya naman, hindi masyadong makapagsalita sa mga pinagsasabi ko. "Ano na naman bang kapalpakan 'to Hersh!"
"S-sorry po, miss kasi alam ko naman po na dito ko po nakuha ang dress. Eto nga po, oh!" Pinakita niya sa akin ang pangalan ng store sa cellphone niya. "Jan ko po talaga nabili 'yan."
Tiningnan ko naman ang cellphone na hawak niya at napagtanto ko nga na dito niya nabili ang dress kaya naman dali-dali kong tinawagan ang manager ko at sinabi sa kanya ang mga nangyari. Panay sorry naman siya dahil wala silang magawa dahil stuck pa rin sila sa traffic kaya naman agad kong tinawagan si Relzé ko para naman ma-rescue niya ako. Maya-maya pa'y dumating na siya sakay ng isa ring motor dahil sinabi ko sa kanya na baka ma-traffic siya sa daan at sinunod naman niya ito. Bibi ko talaga, ih.
"Eto na ang request mo." Panimula niya at ibinigay sa akin ang bag na bitbit niya. Kinuha ko naman ito at saka siya niyakap.
"Iba ka talaga sa lahat!" Sambit ko.
"Basta para sa'yo." Aniya pa at inaya akong sumakay sa sasakyan niya.
"Miss, di–" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Hersh dahil agad na akong sumenyas na tumigil na siya.
"Dito na ako sasakay. Sige na okay na." Nakangiti kong sabi kaya naman wala na siyang iba pang magawa kundi ang tumango na lamang at umuwi ng mag-isa. Actually, hindi naman talaga siya uuwi dahil sa bahay rin namin ang punta niya.
"Tara na." Anyaya niya pa at sumunod naman ako sa kanya.
Pagkarating namin sa bahay, agad na akong inayusan ni Hersh at makalipas ang sampung minuto, tumawag sa akin si mommy at sinabi niya na ipapasundo na lang daw niya ako sa driver niya sakay ng chopper para hindi na kami ma-stuck sa traffic kaya naman halos mabunutan ako ng tinik nang i-inform ako ni mommy tungkol doon. Kaya naman kaming tatlo doon dahil malaki naman iyon. Ang sabi pa niya na darating na iyon after ten minutes at hindi nga siya nagkamali dahil nandito na kaagad ang sinugo niyang angel sa amin.
"Miss, nanjan na po si Edwin sa labas." Paalam sa akin ni Hersh at saka inayos ang mga gamit namin. Inalalayan naman ako ni Relzé palabas hanggang sa makasakay na kami sa chopper.
After thirty minues, nakarating na kami sa Ayala Malls kung saan nakaschedule ang MoonLip Launching. Dali-dali naman kaming bumaba at pumasok sa loob at hindi na ako nagulat nang salubungin ako ng parents ko at siyempre ang lolo ko. Sabay-sabay na kaming nagtungo sa venue kasama ang mga bodyguards namin. Dinig na dinig naman namin ang sigawan ng mga tao na nandito pagkarating na pagkarating namin sa lobby. Ako naman, todo kaway at ngiti sa kanila. May ibang nagpapicture din sa akin at nagv-video sa akin kasama nila. Vlog ba. Basta puro flash ng lights ang tumatama sa akin at bukod doon, wala nang iba. Maya-maya pa'y nagstart na ang program at todo paypay naman itong si Hersh sa akin. Pinangunahan ito ni Chad, ang staff leader ng Monocco team.
"Let us all welcome.. The star of the event.. Ms. Hera Micolah!"
Naglakad na ako patungo sa stage at umupo sa gitna. Inintroduce na rin ni Chad ang shade ng MoonLip na hawak niya at siya na rin mismo ang naglagay sa akin noon. After noon, ibinigay sa akin ni Hersh ang cut folder na hawak niya kung saan nandoon ang mga sasabihin ko at kinuha ko naman iyon. Tumayo na rin ako at binasa iyon dahilan para mas lalong magsigawan ang mga taong nandito, pero siyempre dapat more on tingin sa audience. Pagkatapos ng scenario na iyon, picture sa staffs then tapos na ang event. Kumaway-kaway na ako sa mga tao then exit na ng stage. Gano'n lang naman palagi ka-iksi and for sure gano'n din sa ibang launching.
"Miss, tubig po." Ibinigay sa akin ni Hersh ang isang malamig na tubig na galing din sa isa pang staff at agad ko naman iyong kinuha at nilagok.
"Magpapalit na ako. Dala mo naman 'di ba ang pamalit ko?' Sambit ko na ikinagulat naman niya.
"Pero, miss–-"
"Walang pero-pero. Basta kung ano ang sinabi ko ''yon ang gagawin mo."
Dali-dali naman niyang kinuha ang extra ko sa bag niya at sinamahan ako papuntang restroom. Pagpasok namin doon, agad kong naagaw ang atensyon ng halos lahat ng tao na nandoon. MAy ngumingiti at mayro'n din namang nagtataray. Lahat siyempre ng gubat may ahas.
Papasok na sana ako sa isa sa mga cubicle na nandoon nang may bigla akong maramdamang tumusok sa aking braso dahilan para unti-unting magdilim ang aking paningin.

Komentar Buku (19)

  • avatar
    DanaoJhon Ross

    good morning ako po si Jake at may kwento ako sainyo shdjejwjwnwwnsdffdhahabababababsbsbsbshebebsjsbsbrdid in a while so I can get it to you you can you can get you a while ago but I'm not sure if I can get it to you tomorrow morning ako po si Jake at the pak you can get it to you tomorrow morning ako na na na song is on my desk at may have been the same since we got in person or not interested anu manHAHA I mean I'm coming to get you can I come get it tomorrow and send me a pic please anversus

    21/07

      0
  • avatar
    PatricioJoan

    thank you so much

    07/06

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru