logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 VII.

"AMININ mo na, Sharine. Binuhay ni Dominic ang hasang mo."
Saglit siyang napatigil sa pagpitak ng pink na gitara nito dahil sa sinabing iyon ni Kisha.
"Kaderder mo talaga. Ginawa mo pa 'kong isda," pakli niya. Pero nang maalala niya ang mailap na ngiti ni Dominic ay parang gusto na rin niyang sumang-ayon sa kaibigan.
Natauhan siya nang binato siya nito ng unan.
"Anong problema mo?" angil niya rito.
Padapang humiga si Kisha at inabot ang malaking Hello Kitty stuffed toy na nasa ulunan lang ng kama nito.
"Abnormal ka. Dati-rati naman kapag nagbabanggit ako ng pangalan ng lalaki, sambakol 'yang mukha mo. Pero no'ng si Dominic na, napangiti ka agad?"
"Ha?" nagsalubong ang kilay niya. "Ngumiti ba 'ko?"
"Hindi mo namalayan? My goodness, Sharine. What's wrong with you—ay, ano'ng klaseng tanong ba 'yon? There's nothing right with you nga pala in the first place," pagkausap nito sa sarili.
Tiningnan niya ito nang masama.
"Ang harsh mo," sabi niya rito.
Tumagilid ito ng higa at umunan sa palad nito.
"So kailan nga ulit ang next coffee date ninyo?" nakangising tanong nito.
"Ba't ko sasabihin sa'yo? Magkaibigan ba tayo?"
Binato nito sa kanya ang stuffed toy.
"Araguy! Hindi na talaga ako magsi-sleep over dito kahit kailan!"
Bumungisngis si Kisha.
"Ito naman parang nilalambing ka lang!"
Kinuha na lamang niya ang damit ng gitara na nahulog sa paanan ng kama at isinuot doon.
"Gusto mong bantayan ko si Dominic para sa'yo? Araw-araw kaming nagkakasalubong n'on," sabi pa nito.
"Hindi bale na lang. Pwede ko naman siyang i-text para kumustahin, e."
"May number ka na niya?"
Saglit siyang natigilan at pagkuwa'y natampal ang noo.
"Ay, siya lang nga pala ang may number ko pero ako 'alang number niya!"
NANLALATA ang kanyang pakiramdam nang tuluyan na siyang makalabas sa pinagdausan ng opening ceremony ng bagong season ng UAAP. Kung bakit naman kasi nawala sa isip niya ang magbaon ng kahit na anong makakain. Napabili tuloy siya ng tsitsirya sa loob. Siya pa naman iyong tipo na kahit anong kain, basta't hindi kanin, e hindi rin naman nabubusog.
Pambihira.
Nag-aabang na siya ng masasakyan nang biglang mag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa harapang bulsa ng kanyang hoodie jacket at sinagot.
"Kisha Kaye, pass na muna ako. Gutom na gutom na 'ko, e. Sa bahay na lang ako kakain para makatipid ako. 'Sensiya na talaga, ha?"
"Nasa'n ka? Pupuntahan kita."
Malakas siyang napasinghap nang boses-lalaki ang natunugan niya at hindi ang malambing na boses ng kaibigan.
"Dominic?" Kumabog ang dibdib niya.
Hindi man lang siya nag-abalang tingnan ang caller kanina. Nasanay kasi siyang tatatlo lang ang tumawag sa kanya at ang pinakamadalas ay si Kisha. Sumunod lang sina Kelvin at Nanay Bebang niya.
"Buti naman at hindi ko na kailangang magpakilala."
"Bakit? Kapag 'wh-in-o you' ba kita, magpakilala ka? Baka nga babaan mo lang ako, e."
"Try me."
Tumaas ang mga kilay niya.
Makapagpasakalye nga.
"O, siya. Who you?"
"Lee Min Ho."
Napatili siya. All of a sudden, nakalimutan niyang gutom siya.
"O, ba't ka naman tumili?"
"Bakit hindi? Ikaw ba naman ang tawagan ni Lee Min Ho, ewan ko na lang!" nakatawa niyang sabi.
"You really are silly."
Nai-imagine na niya ang pag-iling nito habang sinasabi iyon. Tuloy ay napahagikhik siya.
"On the way ka na ba? Nagugutom na kasi talaga ako, e."
"Ni hindi mo pa nga sinasabi kung nasaan ka na."
Lumabi siya. "Talaga bang wala kang idea kung saan ako ipinadala ni Boss Kelvin?"
"Sa Timbuktu?"
"Uy, nagdyu-joke na siya!" kantiyaw niya.
Busy tone na lang ang narinig niya.
"Ngek."
Kapapasok lang niya ng cellphone sa loob ng kanyang body bag nang may humintong pamilyar na sasakyan sa tapat niya.
"Sakay na," sabi ni Dominic nang bumaba ito mula sa driver seat at umikot sa kabila.
Ang bilis naman?
*** *** *** ***
DINALA siya nito sa isang Italian restaurant. Nang ilapag ng waiter sa mesa nila ang carbonara ay naglaway na agad siya. Itsura pa lang mukhang ginto na ang presyo.
"Napakaalangang kainin naman nito," sabi niya.
"Akala ko ba gutom ka na?"
"Oo nga pero baka kulang ang dala kong pera rito." Inilagay niya ang isang palad sa gilid ng bibig niya. "Nagtitipid kasi ako."
"Alam ko. 'Wag kang mag-alala, bayad ko na 'yan. Kung gusto mong um-order ulit, walang problema sa 'kin."
She looked at him in disbelief.
"Ang bait mo naman?"
He smirked. "Kumain ka na nga lang."
"Thank you, Dominic!" masayang sabi niya at pinaghugpong ang mga kamay.
Hindi na ito nagsalita at nagsimula nang kumain. Napangiti naman siya. Nagpasalamat muna siya sa grasya saka nagsimula na ring kainin ang lunch niya.
*** *** *** ***
"DOMINIC!" Sunod-sunod niya itong kinalabit nang makakita siya ng isang convenience store sa unahan. "Huminto ka muna ro'n, may bibilhin lang ako."
"Gutom ka pa rin?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Sige na, huminto ka na."
Huminto nga ito. Dali-dali niyang kinalag ang seatbelt at bumaba ng sasakyan.
"'Oy, 'wag mo 'kong iiwan, ha?" bilin niya rito bago tumakbo papuntang convenience store.
Pagbalik niya ay may dala na siyang malamig na bote ng Bitamilk Super Choco Shake flavor.
"Ano 'yan?"
"Soymilk. Alam mo, hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ako nakakainom nito."
"Mukha namang hindi masarap," sabi nito at pinatakbo na ang sasakyan.
"'Oy, hindi, ah!" react niya at pinanlakihan ito ng mata. "Tikman mo pa." Iniumang niya rito ang bote.
Nagulat siya nang biglang agawin ng isang kamay nito ang bote at uminom sa straw. Napakurap siya nang nasa kamay na muli niya ang bote.
"Masarap nga," sabi nito habang nasa daan ang atensiyon.
"Sabi sa 'yo, e," wala sa sariling aniya at uminom sa straw.
"Naniniwala ka ba sa indirect kiss?"
Nasamid siya.

Komentar Buku (1635)

  • avatar
    Gelian Legaspi

    ang Ganda ng story

    19d

      0
  • avatar
    Keesha Chelse Dayday

    thank you

    11/08

      0
  • avatar
    Ello Campollo Cj

    ❤️wow

    17/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru