logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5: Bang!

Malamig na hangin ang dumampi sa katawan ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Puro nagtataasang puno lang ang nakikita ko. Inilabas ko ang cellphone ko at walang cignal tulad ng inaasahan.
"Sumunod kayo sa'kin."
Nangunguna si Miss Alvarado at Miss Anika na sinusundan naman naming lahat.
Naramdaman ko ang pagkapit ni Bea sa braso ko.
"Jelcy."
Tinignan ko siya. I saw sadness in her eyes.
"Narinig ko kayong nag-uusap ni Ken kahapon."
Hindi ako sumagot bagkus ay nag-iwas lang ako ng tingin sakanya.
"Kahapon sinubukan ko siyang kausapin. Tinanong ko kung may problema ba siya pero hindi niya ako sinagot at nagulat ako na umupo siya sa tabi ni Gueyo."
Hangga't maaari ayaw kong sabihin kay Bea ang mga ganitong bagay kahit pa alam ko namang hindi imposibleng malaman niya 'yon. I know she can't process everything now because everything happens so fast.
"Intindihin nalang natin siya Bea, I know it's also hard for his part na bigla nalang magbago ang mundong kinagagalawan niya."
"We'll be there in 3 minutes. Huwag kayong lalayo sa grupo or you'll get lost." sigaw ni Miss Alvarado sa unahan.
"I'm scared." ani niya.
Takot rin ako. 'Yon bang tipo ng takot na hindi mo maipaliwanag sa sobrang tindi. But I'll never let myself end up being beaten by them kaya hindi pwedeng kainin ako ng takot ko.
Hinanap ng paningin ko si Ken. Natagpuan ko siyang pinagigitnaan ni Daniel at Gueyo. They're laughing about something pero medyo malayo sila saamin kaya hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.
Parang wala namang pakialam si Ken sa dalawang nasa gilid niya. His arms are on his pocket.
Now I wish that he'll never get harmed by those two people. Those two acts normal at hindi ko alam kung paano nila nasisikmura ang ganitong gawain na nakukuha pa nilang tumawa.
Makalipas ang tatlo hanggang apat na minuto ay huminto kami sa isang malaking bahay na purong gawa sa kahoy.
This whole new place will become our new home. I can't believe time really flies so fast. Parang kahapon lang, nagbabasa lang ako ng libro habang pinakikinggan na mag-away si Ken at Bea.
I took a glance at the house again. It's too big. Hindi na 'to bago pero halatang inaalagaan.
Sunod na tinignan ko ay ang paligid. The house was surrounded by big trees. May mga lamparang nakasabit sa mga mga sanga ng puno at nagkalat naman ang mga dahon sa lapag.
"Girls, follow me. Boys will follow Miss Alvarado."
Sinunod naman namin siya. Katahimikan ang bumalot sa lugar walang kahit na sinong nagtangkang magsalita.
I was amazed by the time we went inside the house. the whole house is full of antiques. If you look up there is a large chandelier hanging from the ceiling. The house looks spacious. In the center there is a grand staircase divided into two, sa kanan at sa kaliwa. Gawa rin 'yon sa kahoy ng Narra.
I look for pictures but there's nothing to be found. Sa pinakagitna ay naroon ang sala. Unang tingin palang, alam mo nang mamahalin ang sofa at mga furnitures sa lugar na ito. I wonder why they built a mansion in this forest.
Too bad, ang bahay na ito ang makakasaksi ng mga krimen na malapit nang magsimula. Umakyat kami sa taas at tumambad saamin ang naglalakihang paintings sa dingding.
"Are we going to kill each other or we're here for a vacation?" bulong ni Bea.
Sa kaliwa at kanang bahagi ay may sunod-sunod na kwarto. Ilang sandali pa ay nakita na namin si Miss Alvarado at ang mga lalaki na nakasunod sakanya sa kanang bahagi ng hagdan paakyat.
Dumapo ang tingin ko kay Ken na nahuli kong tinitignan rin ako pero agad rin siyang umiwas at umastang nadaanan lang ako ng mga mata niya.
"Rooms are for two people. You pick your roommate." ani Miss Anika.
Bea held my hand. Tinignan ko siya at tumango.
"Pagkatapos niyong mag-ayos ng gamit, dumiretso kayo sa pinakadulong bahagi ng hallway."
Tinignan ko ang hallway na tinutukoy niya. Medyo malayo 'yon dito pero natatanaw naman sa pwesto namin.
Tulad ng napag-usapan, dumiretso na kami kaagad sa dulong bahagi ng hallway. Pinapasok kami sa loob ng isang malawak na silid. It's almost empty kung wala lang mga vintage paintings at mga nagmamahalang vase at furnitures sa loob no'n. Isa pa, may isang malaking baul sa harapan namin na pinagtatakahan naming lahat.
"We'll start our game."
Miss Alvarado walked toward us holding a fish bowl with a bunch of rolled papers.
"Come on, we're not kids to play those kinds of games!" sigaw ng isang babaeng sa pagkakatanda ko ay Mika ang pangalan.
"Who told you this was played by kids?"
She started to let us pick one paper inside the bowl. She told us to wait before we open the papers.
"Now that everybody has the paper, we'll start our game. In two days, you have to kill two of your classmates."
Nakakagulat man, walang nagbigay ng reaksyon. I have no idea what are we going to play. All I know is that we have to kill two persons in two fucking days. I'm not a psycho bitch who's going to kill anyone I want to. But what choice is left for me? for us?
"Those papers you are holding now is your role."
Sinabi niya 'yon na tila isang hudyat para sabay-sabay naming buksan ang maliit na papel. Binasa ko ang sa'kin ang tinignan ang reaksyon ng mga kaklase ko.
"Hindi niyo dapat ipakita sa iba kung anong role niyo." ani Miss Anika.
"Exactly what are we going to do with these?" si Stanley, I met him once last year kaya alam ko ang pangalan niya but we're not close we just knew each other's name or I'm just the one who remembers.
"The words written on those papers are "Killer and Victim" so, whoever gets the paper with a 'Victim' written on it should die."
Everybody started talking and making complaints. I was shocked and doesn't even know what to say.
"In two days, you have to find out who's the victim."
I take a look again at my paper. Trying to process everything again.
"Wait so what if we kill the wrong person?" tanong ko.
"You only have two chances to kill. So, you have to kill the right person 'cause if not, ang taong makakapatay sa maling tao ay mamamatay rin."
"What the heck?"
I heard thousands of curses.
"Bea."
She looked at me. She looks calm. Kanina ko pa napapansin na parang wala lang sakanya ang lahat ng nangyayari.
"So how are we going to kill?"
I was stunned by Bea's question. She's not the weak Bea I've met before. I don't know what's running in her mind but all I know is that this is not good.
Binuksan ni Miss Anika ang malaking baul. Then it exposed lots of hand guns and daggers.
Ito ang unang beses kong makakita ng baril at daggers sa personal. I only saw this in movies or I can only read about it.
"You may pick anything you want."
Unang pumunta sa harapan ay si Daniel at Gueyo sumunod ay si Ken at isa-isa nang lumapit para kumuha ng kung ano mang gagamitin nila. Napansin ko nalang na wala na si Bea sa tabi ko at may hawak na daggers sa magkabilang kamay niya.
Dahan-dahan akong lumapit sa baul. Baril nalang ang natitira at halos lahat ay lumabas na ng silid hanggang sa ako nalang ang naiwan.
Kinuha ko ang baril sa loob at pinakatitigan ito ng mabuti. Hindi ako marunong bumaril. At mas lalong hindi ko kayang pumatay ng tao.
"Is this the life where I belong to?"
Para akong tangang kinakausap ang sarili ko but who cares anyway? I think all of us already lost our minds.
Imagine, fighting for your life and your family's life. I feel like I'm a soldier na bigla nalang sinabak sa giyera kahit hindi pa nakakapagtraining. Para akong sumabak sa giyerang may baril nga pero hindi marunong gumamit.
"It's easy."
Itinutok ko ang baril sa painting ng isang lalaking nakatayo.
"Bang." gaya ko sa tunog ng baril.
"I wish it's just like that."
Then I leave the room.

Komentar Buku (90)

  • avatar
    Mak Kodok

    good

    19/08

      0
  • avatar
    Rizza Loreanne Palomata

    ganda ng story huhu

    25/06

      0
  • avatar
    Jayson Lapiguera

    wee

    22/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru