logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 39: Underground

Our opponents are not easy to battle, therefore Knight urged us to be cautious. He instructed us to track down Porsche and not allow him to flee. However, buong oras na naglalakad ako ay nasa isip ko kung gaano kahirap para saakin tanggapin ang nalaman.
“Jelcy, are you okay?”
I’m not. Gusto kong sabihin kay Ken ang totoo kong nararamdaman pero hindi importante ‘yon ngayon, we’re facing a far more trouble than what I am feeling right now.
Tumango ako bilang pagsagot.
“I know it must be hard for you to accept all this.” Dagdag pa niya.
“It’s not like I have a choice.”
Noong makarating kami sa pinto ng mansion ay may dalawang nakaitim na lalaki ang nakaharang doon. Tinignan ko si Ken at tumango kami sa isa’t-isa, hudyat na magsisimula na kaming makipaglaban.
I was shocked with how fast the other guy ran towards me. I took a step back, balancing my weight on my left foot, and delivered a curving punch towards his temple with my right fist. He threw his left fist at my outstretched jaw after turning ninety degrees to the side to parry the punch with his right forearm. I was in a bind.
With my hands flailing, I charged towards him. I was prepared. His head whipped back, his body arched backward, and all of my momentum snapped back on me like a broken rubber band after one quick straight punch to the man in black's unguarded jaw.
I threw an upper cut to the guy and then his body floated in the air for a long time. Then he crashed on the ground with a loud thud. I was shocked myself that I can do that. Did Third taught me this? I gotta thank him later if he did.
“Woah.” Narinig kong komento ni Ken na kakatapos lang patulugin ang lalaking kalaban niya kanina.
“Hehe, tsamba.”
Umiling-iling siya.
“I don’t think so.” Aniya.
Marami pa kaming nakasalubong na mga lalaking nakaitim. Halos nauubos narin ang lakas ko at bumabagal narin ako sa pagtakbo at rinig na rinig ko na ang sarili kong hingal pati narin ang hingal ni Ken.
Not so long that time, bigla nalang akong may naramdamang tao sa likod ko pero bago pa ako makatalikod ay huli na ang lahat. Isang panyo ang dumapo sa aking bibig at ilong, isang singhot lang mula sa panyo ay umikot na ang paningin ko hanggang sa nandilim na ang paningin ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong walang malay pero nagising ako sa madilim na paligid ko. Agad kong tinawag ang pangalan ni Ken pero walang sumasagot.
“Nandito na siya.” Rinig kong sabi ng isang lalaki mula sa hindi kalayuan saakin.
Wala naman akong nararamdaman na sugat o bugbog mula sa katawan ko, wala rin akong tali sa kamay o sa paa kaya naman nakatayo ako nang mabilis. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses kanina pero sobrang dilim doon at kahit ano ay wala akong maaninag. Dahan-dahan ako kung maglakad, sinisiguro kong walang ingay na kung ano akong magagawa.
Ilang sandali lang ay may kamay nanaman ang nagtakip ng bibig ko, imbis na sumigaw ay kumalma lang ako dahil baka maalarma ang taong pinanggalingan ng boses kanina at atakehin ako.
Dahan-dahang naglakad ang taong nasa likod ko at dahan-dahan rin naman akong sumunod sakanya. Nakailang hakbang kami bago niya binitawan ang bibig ko. Humanda naman ako para suntukin siya ngunit bigla ko siyang narinig na bumulong, sapat lang para marinig ko siya.
“Ako ‘to.”
Nanlaki ang mata ko noong marinig ko ang boses ni Bea.
“Nakita ko kayo kanina ni Ken noong pinatulog kayo, magkahiwalay kayo ng kwarto na pinaglagyan ni Ken kaya ikaw lang ang nasundan ko.” Aniya.
“Nasaan tayo?”
“Underground.” Bahagya akong nagulat. Marami palang lugar na tago itong mansion na ito.
Kung sabagay, hindi naman ‘yon nakakapagtaka sobra dahil sa laki ng mansion na ito.
“Paano tayo aalis dito?”
Hindi ko parin siya makita. Wala kahit na aninag man lang ng ilaw sa lugar na ito. Maya-maya ay may nagbukas ng pinto, mukhang lalabas ang lalaking narinig ko kanina, narinig pa namin ang usapan nila ng kasama niya sa labas.
“Bantayan mo, ha?” bilin niya sa siguro isang lalaking nasa labas.
“Let’s go.”
Hinawakan ni Bea ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa pinto. Sabay naming binuksan ang pinto na siya namang agad naming pinagsisihan. Sa tingin ko ay may limang taong naroon sa labas at sa lagay na ‘to, hindi namin sila kayang dalawa ni Bea.
Bago pa man ako maubusan ng pag-asa ay nagulat ako noong lumabas si Clarence at may dala-dalang baseball bat at pinaghahampas ang dalawang lalaking agad na sumugod sakanya. With a blink of an eye, dalawang lalaki rin ang sumugod papunta sa direksyon ko, I struck at the other person, who moved back and swung at me. I received the punch with a shrug of shoulders. I punched him in the face four times, three lefts and one right. He lurched backwards, blood gushing from his nose as he stumbled backwards. The other man, who was observing, was too taken aback to move. I kicked him in the face with such force that it appeared as if his head was going to fall off. After that, he stood over his partner, who was spitting blood and teeth at him. I instantly knocked the first person down again and then ground his face into the dirt with my shoes when he fought to his feet. Not so long after that, they were on the ground, moaning in pain.
Tinignan ko si Bea, I was about to punch the guy she’s fighting with pero naunahan ako ni Clarence at hinampas nang pagkalakas-lakas ang lalaki sa ulo.
“Are you okay?” tanong ni Clarence kay Bea.
Tumango lang si Bea at agad na tumingin saakin. Napangiti naman ako nang patago.

Komentar Buku (90)

  • avatar
    Mak Kodok

    good

    19/08

      0
  • avatar
    Rizza Loreanne Palomata

    ganda ng story huhu

    25/06

      0
  • avatar
    Jayson Lapiguera

    wee

    22/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru