logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Room of Killers

Room of Killers

huaxiesoughtflower


Prologue

I was fascinated at first, so I chose to trust my curiosity and buckle up for the worst chapter of my life. I've seen this on TV before, and I've read about it before, but it's different when you're in the middle of it. My body shivers, my tears slowly fall down my cheeks, and I can feel my heart pounding on my chest every time they do 'that.' Every day, there was a new victim, but you can't do anything but watch that person slowly die and drown in their own blood as I try to keep my eyes away from them.
The wind slowly touches my skin as I open the next page of the book I was reading right now.
"Hoy bruha!" She caught my attention with her loud voice as if I'm not gonna hear her voice calling my name.
"Kanina pa kita hinahanap! nasaan na ba si Ken?"
She looks frustrated. Ang gulo ng buhok niya, marahil dahil sa malakas na hangin.
"Hindi ko alam, hanapin mo nalang nasa tabi-tabi lang 'yon." sagot ko nalang.
She rolled her eyes in frustration. Palaging ganito ang scenario naming tatlo. Hahanapin sa'kin ni Bea si Ken tuwing umaga nalang. Sa hindi malamang dahilan, parang tuwing umaga ay isinumpa silang hindi magkita at paghiwalayin ang mundo nila ng ilang sandali.
"Tsk! lagi ko nalang siyang hinahanap ha?! lagi ba siyang nakikipaglaro ng hide and seek sa'kin?"
I chuckle while looking at her. Mukhang ngayong araw ko lang siya nakitang ganito kairita dahil hindi niya makita si Ken.
"Ano bang kailangan mo sakanya at parang napaka importante naman ata niyan?" I asked.
Normally, 'pag hinahanap niya si Ken ay hindi naman ganito na parang masasakal niya si Ken once na mahagip ng mata niya ang anino ni Ken.
"Magpapatulong kasi ako para do'n sa paglilipat ng mga section ng mga estudyante. Kailangan ko rin ng approval niya bago ko ipasa sa president,"
Si Ken kasi ang Vice president ng SSG at si Bea naman ang Secretary ako naman, wala akong interes sa mga ganyan.
Muntik ko na makalimutan may magaganap nga pala paglilipat ng section sa mga estudyante.
Sinubukan kong magtake ng exams para masubukan kung qualified ba 'ko sa Einstein-1. Every year kasi, palagi akong hindi nakakapasok. Gano'n rin naman sila Bea at Ken. Einstein-1 lang talaga ang section na pangarap namin mapuntahan.
Ang Einstein-1 kasi ang highest section ng buong school. Basically, lahat ng matatalino nagsama-sama na do'n. 'Yong dating Einstein-1 sobrang active sa lahat ng activities ng school. Pero ngayong year, malaki ang pinagbago. They lack in curricular activities. Hindi sila sumasali sa kahit anong activities ng school. That's what makes them outcast. I don't see them befriend with other sections.
But apart from just wanting to be part of that section, what makes me want to be there was my curiousity.
It's like there's really something in me that makes me want to join them. It's like a puzzle in my mind that never been solved.
"Hays, sige mauuna na muna ako Jelcy, hahanapin ko muna yung unggoy na 'yon!" mabilis akong tumango bago siya tumakbo papalayo saakin.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagsimula nang maglakad papalayo sa quadrangle dumiretso ako sa Bennington building dito kasi ang daanan bago makarating sa room namin.
What makes me excited going to school is that I have a chance to peek on Einstein-1 classroom. Pero tulad ng inaasahan, kahit siguro paghinga nila sa loob ay maririnig mo na.
Dahan-dahan akong sumilip sa harapan pero walang Guro doon. Ang tahimik parin nila kahit walang Teacher.
"Tu-"
Naagaw ang pansin ko ng babaeng nasa tapat ko. Nasa tapat siya ng bintana nakaupo. Sinilip ko naman siya para tignan kung ako ba ang kausap niya.
Nginitian ko siya nang bigla siyang tinapik ng katabi niya kaya naman napayuko ito.
"May problema ba?" tanong ko.
Lumapit pa ako sakanya ng kaunti. napansin ko ang butil-butil na pawis sa kanyang mukha at ang matalim na titig sakanya ng iba niyang mga kaklase.
"w-wala p-po," utal na sagot niya.
She faked a smile.
"Umalis ka na." isang malamig na boses ang nanggaling sa likuran ko.
Nilingon ko 'yon at nakita ang babaeng matalim ang titig saakin.
"Pero.."
Tinuro ko ang babaeng nagsasalita kanina.
"Hindi ka ba marunong umintindi?"
What a rude person! hindi ba siya marunong makipag-usap ng matino?
Bago pa ako makapagsalita ay pumasok na siya sa loob ng classroom ng Einstein-1. Naturingang highest section pero napaka taray!
Inis kong nilagpasan ang silid. Sakto namang may nakasalubong akong isang lalaking estudyanteng pagod na pagod na tumatakbo pababa ng hagdan. Nagpatintero pa kami sa daan dahil kung saan ako pupunta ay doon rin ang takbo niya sa huli ay nagpaubaya na ko ng daan 'saka niya 'ko nilagpasan. Nilingon ko pa siya ng isang beses bago umakyat ng hagdan at isang tipaklong ang sumalubong sa'kin sa taas.
"Kanina ka pa hinahanap sa'kin ni Bea," bungad ko sakanya.
Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti at ibinulsa ang kanyang mga palad.
"May gagawin ka ngayon?" tanong niya. tumango naman agad ako bilang sagot.
"Ano?" kumunot ang noo niya.
"Tatapusin ko yung binabasa kong kwento, malapit na kasing matapos tsaka excited na ko sa susunod na mangyayari o kung anong magiging ending. Bawal ipagpaliban."
Napatawa siya dahil idiniin ko pa talaga ang salitang 'bawal ipagpaliban'
"Talaga? kahit ngayon mo makukuha yung result kung nakapasa ba tayo sa Einstein-1?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
He chuckled.
"Joke lang pala!" agad niya kong hinila at sumunod naman ako sa kung saan niya ako dalhin.
Hanggang sa makarating kami sa bulletin board. Maraming naka pinned paper doon at may mga iilang tao na tumitingin dito.
"Jelcyyyyy!"
Sinunggaban ako ng yakap ni Bea mula sa likuran. Pilit naman akong humarap sakanya at kumalas naman siya sa yakap. Hindi maipinta ang laki ng ngiti sa labi niya.
"Hindi ka maniniwala! nakapasa tayo sa exam para makapasok sa Einstein-1!"
My eyes widened.
I blink my eyes three-- no,four times before I open my mouth to speak and find the right words that fit my excitement and happiness.
Hinila niya ang kamay ko at dinala ako sa kumpol-kumpol na mga papel na nakapaskil sa bulletin board. Nanlaki muli ang mata ko ng nakita ang pangalan naming tatlo ni Bea at Ken sa listahan ng nakapasok sa Einstein-1.
Pero...
Tatlo lang kaming nakalista. Does this mean, kami lang ang nakapasa o kami lang ang sumubok na pumasok sa Einstein-1?
"Ang galing natin!" masayang sabi ni Bea.
"I have no words. I'm so shock." nasabi ko nalang.
"Excited na 'ko sa interview!"
"Interview?" I asked in disbelief.
I have no idea of what interview is she saying, wala namang nabanggit na kung makakapasa ka ay kailangan ng interview edi sana nag apply nalang ako ng trabaho.
"I forgot to tell you, may interview kasing isinasagawa yung principal bago ka pumasok sa section na 'yon." Ken answered.
And what was that for?
Actually, my mind just came up with so many questions unanswered.
First, isang biglaang paglilipat ng section? Second, bakit kaming tatlo lang ang nakapasok sa Einstein-1? I don't think it's possible na kami lang ang nagtake ng exams para makapasok. Everybody wants to be there.
Third, this interview.
The whole time, I was being confused at the same time, smiling like an idiot. I am so excited! damn, this is going to be fun.
"Oo nga pala, may kukunin ako sa lab, susunod nalang ako sainyo ha?"
Hindi pa kami nakakasagot ni Ken ay tumakbo na siya palayo. Umiling-iling nalang ako.
"Tapos ko na basahin 'yong libro na pinahiram mo sa'kin,"
Nag ngiting-aso ako kay Ken at pabirong tinaas-taasan ko siya ng kilay. Nangunot naman ang noo niya.
"What?" naguguluhang tanong niya.
"Maganda 'di ba?"
Nagkibit-balikat siya at ngumuso.
Siraulo 'to ah! Favorite book ko kaya 'yong pinahiram ko sakanya! Hindi niya sa'kin pwedeng sabihin na hindi niya 'yon nagustuhan.
"Kahit naman sabihin kong hindi, iiinsist mong maganda 'yon, pipingutin mo pa 'ko kaya bakit ka pa magtatanong?"
Huminto ako sa paglalakad at nakapameywang na tinignan niya. I gave him my "don't you dare look"
"So hindi maganda?"
He let out a heavy sigh.
"Maganda." maikling sagot niya.
"Parang labag naman sa kalooban mo eh!"
I stomped may feet on the floor. Literally just trying to piss him off. He doesn't like reading novels and watching movies. Kung wala ako at si Bea sa buhay niya, Totally, he's a LONER. I want him to try new things other than hanging out with me and Bea, I want him to have new friends.
"Look, You know I'm not into this kind of stuff. Why are you trying to push me to do things I don't like?"
We started walking again.
"Well, I'm trying to let you out of your comfort zone, Ken. You know? try new things you might like."
"Reading novels? seriously?"
He rolled his eyes.
"What's wrong with reading novels? Hindi ko rin naman gusto magbasa ng mga novels dati pero look at me now, parang walang araw na hindi mo 'ko nakikitang nagbabasa ng libro."
Pinilig niya lang ang ulo niya at umastang hindi ako naririnig. Hanggang sa nakarating kami sa Cafeteria.
"I'll order for you."
Umiling lang ako dahil hindi pa naman ako gutom. Hinihintay ko nalang ang oras para sa interview mamaya.
"Kailangan mong kumain."
I keep looking around hoping that Bea will come soon.
"I'm full."
Hindi na siya nagsalita pa at umalis na para pumila.
"Buti nalang naabutan ko 'yong magsasara ng lab! muntik na 'yon ah!" hingal na sabi ni Bea pagkarating niya sa table kung nasa'n ako.
"Alam mo ba? ang pogi no'ng bagong teacher ng Einstein-1! buti nalang sakto 'yong paglipat natin!"
Ito talagang si Bea, hindi pa nakakaupo puro chismis na kaagad ang inuuna.
"Kumalma ka nga, umupo ka muna bago ka dumaldal."
Ngumuso siya at sinunod naman ang sinabi ko.
"Pero totoo nga Jelcy, nadaanan ko 'yong Dean's office kanina."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Dumaan ka lang tapos nalaman mo na may bagong teacher na 'yong Einstein-1?"
"Itinaasa niya ang hintuturo niya at itinapat 'yon sa bibig ko."
"Sshh! minamaliit mo ba ang kakayahan ko?"
Itinuro niya ang sarili niya na animo'y isa siyang superhero sa isang palabas.
"Syempre nakita kong pinagkakaguluhan 'yong Dean's office kaya nakichismis narin ako at doon ko nalaman ang lahat."
Basta talaga pogi, hindi magpapahuli si Bea.
Sa wakas, dumating narin si Ken. Nilapag niya ang inorder niya sa mesa.
"Hindi ako umorder." kunot-noo kong sabi nang ilapag niya ang isang tray ng pagkain sa harap ko.
"Alam ko, ako kasi 'yong umorder." biro niya.
"Ken."
I made a serious face. He just sigh.
"So nasa'n 'yong akin?" takang tanong ni Bea.
"Umorder ka."
"Wow! hindi mo man lang ako inorderan? pero itong si Jelcy na hindi naman umorder, inorderan mo? special treatment tayo dito teh?" reklamo niya.
"Tss."
Ipinasa ko kay Bea ang tray ng pagkain na binili ni Ken.

Komentar Buku (90)

  • avatar
    Mak Kodok

    good

    19/08

      0
  • avatar
    Rizza Loreanne Palomata

    ganda ng story huhu

    25/06

      0
  • avatar
    Jayson Lapiguera

    wee

    22/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru