logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

01

MYRENE
Do you perhaps... believe in coincidence and destiny? Well, as for me, I didn't believe it at all, at first. But... when this people... no, my loved ones entered my quiet life, everything has changed. This is how my quiet life turned into a cheerful one...
Nagising ako sa sunod sunod na tunog ng alarm clock ko, ang naalala ko ay hindi naman ako nag set ng alarm ngayon dahil Sunday at bakasyon, I usually set alarms kapag may pasok lang, mukhang may pumasok nanaman sa kwarto ko nang walang paalam.
In out of frustration ay bumangon ako at pinatay ito dahil sa sobrang ingay at humiga ulit pabalik sa kama. Noong mapatay ko na ito ay matutulog na ulit sana ako pero may nangbulabog nanaman sa labas ng kwarto ko.
Hindi na nga maingay yung alarm clock, may nag ingay nanaman kaagad. Letche. There's only one person I know who has a megaphone voice.
"Ate! Hey ate, are you there ba?! Mommy and Daddy are waiting for us na, we're going somewhere else raw, kaya wake up na ate or else I will wake you up!" sunod sunod na pagdaldal nito. Gosh. She and her non-stop mouth. Typical Celine.
Sa halip na sagutin siya ay pumikit na lang ulit ako at tinaklob ang unan sa dalawang tainga ko, inaasahang makatulog ulit pero bigla namang pumasok si Celine sa kwarto ko.
Meet, Celine Seledez, my younger sister at dalawa lang kaming magkapatid, she's turning grade 9 this upcoming school year, she's the opposite of my personality, she has a big social circle, halos buong tao sa school namin, kaibigan niya. Malaki rin ang circle niya sa iba't ibang schools na malapit dito and she is also known as the 'conyo girl'. I don't want to explain kung bakit tinatawag siya ng gan'yan because it is too much obvious.
Hinayaan ko na lang siyang pumasok dahil wala na naman akong magagawa kapag gusto niyang pumasok sa kwarto ko. I bet she came and knock in my door a multiple times with a spare key to my room.
Si Celine lang din ang pinaka close ko among the all of us, my dad and I are not in good terms kaya siya lang ang kinakausap ko sa 'ming lahat. As for the 'Mommy' she mentioned earlier—nevermind. I don't want to mention it again.
"Hey Ate! Omg you're still sleep pa ba? Wake up na! Mommy and Daddy are waiting for us!" sunod sunod na sabi nito at niyuyugyog ako sa higaan.
"Sa ingay ng bunganga mo, you think I'm still sleeping?" bagot na sagot ko rito at saka inalis ang nakataklob na unan sa'kin at tiningnan siya nang masama dahil sa sobrang ingay niya ay hindi na 'ko makakatulog. Who needs an alarm clock when you've got Celine Seledez as your sister?
"Wah! Omg ate you're awake na pala, why didn't you answer me, gosh kanina pa ako nag-knock sa door mo pero you don't answer so I assume that your asleep pa!" sabi nito na animo nagmamaktol pa na parang bata. Pft.
"Alam mo, sa sobrang ingay ng bunganga mo, hindi na kailangan pa ng mga kasama mo rito sa bahay ng alarm clock. Para kang manok na putak nang putak maghapon," sabi ko rito na nakapagpabago ng expression niya. From a cheerful and a smiling face, it automatically faded away and replaced a poker face with a furrowed brows. Pero, ano'ng trip nito ni Celine? Why is she wearing a gown? Umagang-umaga parang pupunta sa ball.
"Ugh! You're so mean! Anyways, be ready na, mommy and daddy are waiting for us!"
Napakunot ang noo ko. "Where are we going?" Here's a fact. Hindi nila ako sinasama sa mga lakad nila rati, usually, sila lang ang magkakasama, I'm totally out of the picture.
"We're going to a party raw, that's what daddy said to me," pagsagot niya at nagkibit balikat lang.
"I'm not going, you can attend if you want."
"Why, ate?"
Umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at inirapan siya bago sumagot. "Oh come on Celine, kailan mo ako nakitang nag-party kasama sila?" Napamaang naman ito sa 'kin, looks like she's getting awkward.
"You used to like them… before," she uttered and now looking at me awkwardly.
"Don't bring the past," I answered coldy.
"Okay... but Dad will be mad at you."
"Matagal na siyang galit sa 'kin, I can't do anything about it, sige na, sumama ka na sa kanila, don't worry about me," sabi ko at hinawakan ang mga balikat niya at ngumiti, a convincing one.
She pouted a few seconds and looked up in the ceiling, thinking before giving me an answer. "Ok then, bye! Take care!" sabi niya pero mukhang alanganin pa.
Pagtapos niya magpaalam ay lumabas na ito ng kwarto ko at sinara ang pinto. Bumangon na lang ako mula sa pagkakaupo sa kama ko at inayos na ito, maaga pa naman kaya mag jo-jogging na lang ako around the subdivision as an exercise. Hindi na naman ako makakatulog, e.
Pagkatapos ko magligpit ay naligo na ako at nagsuot ng fitted leggings and sports bra as my jogging outfit. Nagsuot na rin ako ng sneakers at tinali sa ponytail ang wavy ko na buhok na hanggang collarbone ko.
Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako sa kwarto at nakita ko si Dad na nakatayo sa gilid ng pinto ng kwarto ko na animo may hinihintay. Nang makalabas ako ng kwarto ay lumapit ito sa 'kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Looks like he's waiting for me. I bet he did not take Celine's words seriously. Gusto yata nito makatanggap ng face to face rejection.
"Where do you think you're going?" tanong agad nito sa akin na parang nagsisimulang magalit. Pft, as if he cares about me. Seeing that he's insisting me to come with them, I can only think of three reasons. One, he's introducing me to that stupid party and self proclaiming that we're a 'happy family.'
Second, he have some business or deal with the politicians and he wants or he needs my help or he wants my presence there.
Third and last, it's still about the deal. But this time, it's all about me. He probably will arrange a marriage using his connections to get and benefit more money. That's the typical Felicio Wardon Seledez, my dad.
"Jogging, why?" walang ganang sagot ko rito.
"You still have the nerve to jog but can't go to a party?"
Tangina. Umagang-umaga, magpa-party?! Bampira ba sila?!
"You know that I don't like those stuff." Ngumisi ako at nilampasan na siya. Ayaw ko masira nang tuluyan ang umaga ko.
"You don't like those stuff or you don't want to go with us?" muling sambit nito na nakapagpatigil sa 'kin mula sa paglalakad.
I looked over my shoulders and gave him a fake smile. "Both. I don't like those stuff and I don't like to go with you and your damn apprentice," madiin na sagot ko rito sabay turo sa kan'ya.
"You don't like us?! Why?!" Wow, huh. Acting dumb? What if I knock him off for him to realize my reason? Sana hindi niya malimutan next time.
I smiled sarcastically at him and said, "Kailangan pa ba itanong 'yan? Hindi ka ba nag-iisip? Are you sure that you're a business man?"
Pagkatapos ko sabihin ang salita na 'yon ay tumalikod ako at naglakad na lang papalayo sa kanya. I don't wanna let him ruin my day. Ang ganda-ganda ng panahon, sisirain niya lang ang mood ko.
Sinisigaw niya pa ang pangalan ko pero hindi na ako nakinig pa sa kanya, wala akong oras makipagsagutan sa kanya, nasasayang lang ang lakas ko sa kanya. Pagkababa ko naman ay agad na sumalubong sakin si Nay Manang at nginitian ako.
"Oh hija, saan ang punta mo?"
Si Nay Manang ang itinuturing ko na pangalawa ko na nanay dahil siya ang nag alaga sa 'min ni Celine simula bata pa lang kami, close rin ako sa kanya, silang dalawa lang ni Celine ang pinagkakatiwalaan ko sa bahay na 'to. Including Kuya George, our family driver. Kagaya ni Nay Manang, simula bata pa lang ay narito na si Kuya George.
"Jogging po, Nay Manang," simpleng sagot ko at ngumiti.
"Ah, gano'n ba? Oh siya, ipaghahanda muna kita ng tubig mo, maupo ka muna."
 
Sinunod ko naman agad siya at umupo sa upuan sa dining area para hintayin siya. Pumunta naman siya sa kitchen at kinuhaan ako ng tubig sa refrigerator.
Habang kumukuha si manang ng tubig, I checked my Instagram feed to see what's going on the social media but there's nothing new. Puro adventures, gala, events pa rin ang laman ng Instagram feed ko kaya tinago ko na lang ulit. Wala rin namang bago. This is my typical life. Boring. Quiet. But I prefer this more than dealing with stupid problems and dramas in my life.
"Hija, nandito na ang tubig mo. Mag-iingat ka sa pag jogging ha," paalala niya at saka binigay ang isang bottled mineral water sa 'kin.
"Opo manang, sige po alis na 'ko," pagpapaalam ko sabay tayo sa pagkakaupo sa upuan. Gusto ko na agad umalis dito para hindi na ako maabutan ni dad. Mag-aaway na naman kami. But he's probably watching us here from the second floor but still remaining silent.
"Oh siya, mag iingat ka."
"Opo, noted!" sabi ko sabay saludo rito.
"Bye ate! See you later!" paalam rin ni Celine sa 'kin na ngayon ay pababa ng hagdan. Tango na lang ang sinagot ko sa kanya.
Paglabas ko ay may mga nag jo-jogging din pero hindi naman gaano kadami. Kadalasan ng nag jo-jogging ay puro matatanda. I think they want to stay healthy, sino ba naman ang gusto magkasakit, 'di ba.
Nag strech muna ako saglit at nagsimula na din mag jogging pero may bata ako na nakita na umiiyak sa kabilang side ng kalsada kaya tumawid ako para tanungin ang problema niya. She's a girl that's about five to six years old, wearing a yellow polkadot dress. Ang ganda niya, para siyang anghel. Noong makatawid ako sa pwesto niya ay lumuhod ako sa level ng height niya para hindi kami mahirapan mag-usap.
"Bata? Bata? Nawawala ka ba, hmm?" I gently asked her because she's still crying. Nang makita ako nito ay unti-unti niyang ibinaba ang kanan niyang kamay na pinagtatakip niya sa mata niya habang naiyak at tumingin sa akin.
"I can't find my... tito," she answered, still sobbing.
I putted my lips together tight before smiling at her. "Do you know where your house is? I will help you find them..."
She was about to answer me when we heard a voice of a man coming from our direction. "Baby! There you are!"
Napabaling ang tingin ko sa lalaki at mukhang nag jo-jogging din siya dahil nakasuot siya ng blue t-shirt at black jogging pants habang papalapit dito. I think he's older than me about two to three years? Mukhang college student or graduate na nga s'ya, eh.
"Tito!" The child excitedly ran towards the man and hugged his legs. Hinawi naman ng lalaki ang buhok ng bata na nagulo dahil sa pagtakbo niya.
"Saan ka ba nagpunta? I searched for you everywhere!" his uncle worriedly said to the girl. Noong mapansin naman ako ng lalaki ay ngumiti ito sa akin ng magalang at mukhang itatanong kung ako ba ang nakakita sa kaniya.
"Are you the one who find my niece, miss?"
I stood up from my position and walked towards him to introduce. "Ah yes. I saw her crying while stretching so I approached her. She's a gorgeous girl, anyway."
"Oh. Thank you. Her name is Shantalle Cruz and I am Roland Wesley Fajardo, the uncle of Shantalle," he politely introduced and offered his hands. I took his hands and shaked it before saying my name. "Myrene Seledez, you both such have nice names."
He smiled widely at me. "Thank you, ikaw rin. And you're gorgeous too, Myrene. So do your name."
"Thank you rin. I will excuse myself since you found her," magalang ko na sambit at aalis na sana ngunit bigla ulit siyang nagsalita.
"Uh, Myrene. May I know you're... number? You look... exactly my type."
I looked him over my shoulders and smiled politely. "Not interested. I'm sorry. Excuse me, then..." I turned my back against them and started walking to my original path but I didn't notice that a car suddenly approached at hindi ako nakailag kaagad. Naramdaman ko naman na may taong humila sa akin pabalik sa kabilang kalsada pabalik para umiwas sa sasakyan. We rolled on through the road.
Buti na lang at inalalayan niya ang ulo ko gamit ang palad niya dahil nauntog ang mga ulo namin sa kalsada. May nakita akong maliit na sugat sa noo niya dahil nagsimula na dumugo ito, dahil siguro sa pagkakagulong namin.
Ang tapang naman ng pabango ng isang 'to! Ang sakit sa ilong!
Nang makadaan na ang sasakyan ay dali-dali akong tumayo nang ma-realize ang position naming dalawa. Tumayo rin naman ang lalaking 'yon at hinarap kaagad ako nang nakakunot ang noo niya at mukhang galit pa. Grabe maka-react ang isang 'to.
"Are you out of your mind, miss?!" Sinigawan pa ako, hanep naman pala.
"W-What?"
"Anong what? What the hell! Muntikan ka nang masagasaan ng kotse! If I did not saved you, you are probably dead now!" 
"Then you shouldn't save me!" sigaw ko rin pabalik dito. Sumusobra eh. Mukhang nagulat pa ito sa pagsigaw ko dahil nakita ko na nanlaki nang kaunti ang mata niya pero agad naman siyang naka-recover doon.
"Why? You want to die already?" tanong niya na nakataas ang isang kilay.
"What if I say I want to die?" walang emosyon na tanong ko rito na nakapagpatigil sa kanya, hindi rin siya makasagot.
I took a heavy sigh before speaking again. Some people are looking at us now. "Thank you for saving me and I'm sorry for not being careful earlier, but you don't have to shout at me like that, you can just probably talk to me nicely. Mind your own business next time if you're going to face the same situation again if you're going to shout again like that. That's all, and sorry again sir," sarkastiko na sabi ko rito at in-emphasize pa ang word na sir bago siya tinalikuran at umalis.
May mga sinabi pa siya pero 'di ko na pinakinggan 'yon at nagpatuloy na lang mag lakad para makalayo sa kanya. Bwisit naman 'to. Parang siya 'yung nasa bingit ng kamatayan kanina ah. Well, technically, oo, muntik na siya mamatay. Pero bakit naman siya sumigaw nang ganoon?! Urgh!
My whole day is ruined for sure. Kailan ba ako magkakaroon ng maayos at magandang araw sa buhay ko? Pinanganak ba akong malas? Letcheng buhay 'to.
Sa sobrang inis ko ay hindi ko na itinuloy pa ang pag jo-jogging at umuwi na lang ng bahay. Napakapangit ng simula ng araw ko. Hindi ko alam kung sisihin ko si Celine sa pag gising niya sa 'kin o hindi.
Pagdating ko sa loob ng bahay ay agad kong inilapag ang tubig na inihanda ni Manang para sa 'kin kanina at agad na umakyat patungo sa kwarto ko. Hindi ko nakita si manang sa dining area, siguro ay naglalaba siya o gumagawa ng ibang gawaing bahay.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong humiga sa kama ko. Hindi ko na tuloy alam kung ano pa ang gagawin ko ngayon. Bwisit na lalaki 'yon. Nagpapasalamat naman ako na iniligtas niya ako, pero bakit naman sinigawan niya ako nang ganoon kalakas pagtapos ako iligtas? Baliw na ba siya?
Sa sobrang inis ko ay napapikit nalang ako at sinubukan na alisin ang mga nangyari kanina. Sobrang nakakainis ang pagsigaw niya. Suot ko pa rin ang outfit na sinuot ko kanina. Gusto ko sana magpalit pero tinatamad ako masyado para tumayo.
Kinuha ko na lang ang phone ko sa side table para makinig sa music. Music is my everything. Whenever I'm stressed, sad, happy, devastated, music is my only way to escape reality.
Pinindot ko kaagad ang paborito ko na kanta sa playlist at nagsimula ito na tumugtog. Napangiti agad ako ng marinig ko ang kanta na 'to.
That song is one of my mom's song. It's one of the songs na naabutan ko noong nabubuhay pa si mom. Ayan kasi ang laging kinakanta ni mommy sa 'kin bago matulog. I love that song so much because it resembles her.
Tuwing naririnig ko ang musika na 'yan ay pakiramdam ko na nasa tabi ko lang si mommy, inaalo ako at pinapatahan sa pag-iyak o kaya hindi naman, nakikinig sa rants ko sa buhay. Napakasakit pa rin isipin na wala na siya sa tabi ko para alagaan, mahalin, damayan sa lahat ng oras.
Mayamaya pa ay nagsimula na ang chorus ng kanta. Hindi ko namalayan na nasa chorus na pala ito kakaisip kay mommy. Naramdaman ko rin na may tumulo na kung ano sa bedsheet ko kaya tiningnan ko ito. Pagtingin ko rito ay mukhang galing iyon sa mukha ko. Umiyak pala ako nang hindi ko namamalayan.
Pupunasan ko na sana ang pisngi ko nang biglang may nagpunas nito para sa 'kin. Nang tingnan ko kung sino iyon ay si Nay Manang pala. Lalo akong naiyak noong makita siya. Awtomatiko akong napatayo sa pagkakahiga ko sa higaan at yinakap siya.
"Shh.. Wag ka na umiyak hija. Hindi gusto ng mommy mo na nasasaktan ka," pag alo nito sa 'kin habang umiiyak ako at nakayakap sa mga bewang niya. The music is still playing kaya lalo akong naiiyak.
No matter how I hold my tears, I'm always a crybaby when it comes to mommy. Nasasaktan ako na isipin ang nangyari sa kaniya. Hindi ko alam kung mawawala pa ang mga sugat na 'to sa puso ko.
"Ang sakit.. sakit pa rin.." Umiiyak na sabi ko habang nakayakap pa rin sa kaniya. Patuloy niya naman na hinahagod ang likuran ko at pinapakalma ako.
"Alam ko na masakit pa rin para sa 'yo.. Ilabas mo lang 'yan."
Hindi na ako sumagot pa at patuloy lang na umiyak sa likuran niya. Nababasa na ang damit niya pero hindi niya 'yon pinapansin.
Nang kumalma ako nang kaunti ay saka siya kumuha ng panyo sa walk-in closet ko. Iniabot niya 'yon sa'kin para punasan ang mga luha ko. Kinuha ko naman ito sa kaniya at pinunasan ang mga luha ko sa mukha.
"Hindi ko alam na iyakin ka pa rin pala hanggang ngayon.."
"Manang naman eh." Tumawa ito nang mahina bago sumagot sa 'kin. "Biro lang.."
Hindi ko ito sinagot at sa halip ay niyakap ko siya. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko pero niyakap niya naman ako pabalik.
No one can replace my mom in my heart but Manang is my second mom for me. Nandito siya sa mga oras na kailangan ko siya. Sila nalang ni Celine ang tunay kong pamilya sa bahay na 'to. Kapag mawala pa ang isa sa kanila ay hindi ko na kakayanin pa.
:)

Komentar Buku (9)

  • avatar
    Rowena Suela

    laban po

    11/08

      0
  • avatar
    Bassig Rico Renz

    hahahahha

    10/08

      0
  • avatar
    BlancaAj

    a high quality

    12/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru