logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Destiny Series #1: Coincidence or Destiny?

Destiny Series #1: Coincidence or Destiny?

RysSky


PROLOGUE

MYRENE
"Doctor Seledez, may naghahanap raw po sa inyo," bungad ni Nurse Telly pagdating ko sa Nurse Station. I need to get my patient chart.
"Hand me the chart of room 02, please." Nilahad ko ang kanang kamay ko na nakapatong sa countertop ng desk nila.
Agad na inabot ng isang nurse sa 'kin ang chart at agad ko namang kinuha 'yon. Tumingin ako rito para magpasalamat ngunit agad ko na napansin na hindi pamilyar ang itsura niya. When I looked at her name plate, her name is not familiar as her face.
Irish Natalia Rescos
Binaling ko muna ang atensyon ko sa chart ng pasyente ko at naglagay ng orders doon at saka tumingin ulit doon sa nurse kanina.
"Ah. Bagong hire po s'ya na staff nurse Doc. Uhm... Doc Seledez, meet Nurse Rescos," sabi ni Nurse Telly nang mapansin niya na hindi ko kilala si Nurse Natalia.
I smiled at Nurse Natalia and handed my hands towards her. "Doctor Myrene Seledez. You can call me Doc Seledez."
She smiled in return, took my hands and shaked it. "Irish Natalia Rescos po. Nurse Natalia na lang. Nice meeting you po. Would you mind asking po kung anong speciality niyo?"
"Oh. GS. General Surgery." Nurse Natalia just smiled after that so I asked Nurse Telly again.
"By the way, sino 'yung naghahanap sa 'kin?" I asked Nurse Telly.
"Yung kapatid niyo, Doc. Nasa office na siya ni Doc Yuann. Siguro magkasama na sila. Nandoon rin si Doc Archie kasama nila."
I nodded then smiled. "Thank you. Here. Nandiyan na rin 'yung orders ko," sabi ko at inabot ang charts na hawak ko kanina. Umalis na ako at naglakad papunta sa office ni Yuann. We used to be friends ever since med school. Magkakasma na kami pero mas ahead si Yuann ng three years sa 'min. Technically, senior namin siya pagdating sa trabaho.
When I reached his office, I didn't knock and entered immediately, napatigil sila sa tawanan nang makita nila ako. Celine is beside Archie. Umiinom sila ng kape, they smiled at me as I entered Yuann's office.
"Bakit hindi ka kumatok? You have no respect to your senior, Myrene."
"Why would I knock? As if I'm here because of work."
"Sumasagot na Yuann. Payag ka no'n?" panghahamon ni Archie habang nainom ng kape.
I walked towards the seat beside my sister and occupied it. Agad naman akong inabutan ni Archie ng kape. "Pass muna sa sermon, Yuann. Stressed ako as of now," pangunguna ko at humigop sa kape. Hmm, mainit-init pa, in fairness.
"Okay, but is it right to do that entering a room without knocking?" tanong ni Yuann at saka humigop sa kape niya habang nakatingin sa 'kin. Tono pa lang, halatang ayaw palampasin 'yong sermon session niya, e!
"Subukan mo sabihin na tama, lagot ka sa 'kin," he added, not taking away his glare to me. Okay. Suko na 'ko sa sermon niya! Asarin na lang natin...
"Fine. I'm sorry. Hindi na mauulit senior Yuann Hernandez," I teased him. He don't want to be called by his surname, ilang beses na niya sinabi hanggang sa makabisado ko. As expected, his eyebrows furrowed, naasar na agad.
"I told you that—"

"You don't like calling by surname. Of course I know that, Mr. Yuann Hernandez," I teased him more.
Narinig ko ang tawa ni Archie habang nakatingin sa 'min. Celine is staring at us with a confused eyes. Hindi alam ang sasabihin.
"Argh! Tama na nga 'yan. Hindi ba kayo busy huh? 'Di ba mga surgeons kayo? Dapat busy kayo ah! Magtrabaho na nga kayo," sabi nito, tinataboy kami.
"Paano kami magtatrabaho? Wala namang admissions. Kahit ikaw din naman, walang trabaho ah," pagtatanggol ni Archie. He was about to sip in his coffee again when he realized something. "And correction, I am a pedia resident, not a surgeon."
"Yuann Hernandez.. okay naman 'yong name mo, ah? Why do you hate it so much ba?" Celine interrupted suddenly kaya natawa ako. Yuann's eyebrows immediately bumped to each other right now kaya lalo akong natawa.
"By the way, why are you here Celine? What brings the famous model here?" I changed the subject. Mukhang mananapak na si Yuann kaya binago ko na 'yong topic.
Agad na nilapag ng kapatid ko ang tasa ng kape na hawak niya sa mesa. "Oh, right. I want you guys to watch my interview meeting regarding my new drama, make sure to watch, ha? kapag hindi kayo nanood, magtatampo ako, hmp!"
Napangisi ako. "Hindi ka pa rin nagbabago. You're still the brat and talkative Celine that I know."
Nakita ko na kumunot ang noo niya. "What? Brat? In what way? Grabe ka sa 'kin ate! I'm the nicest person kaya! I'm like an angel, duh!" pagtatanggol nito sa sarili niya at inirapan ako. Gan'yan pala 'yong angel ha? I just chuckled and took a sip in my coffee. Joke lang naman 'yong sinabi ko na brat siya. Celine isn't a spoiled brat, sadyang madaldal lang talaga siya.
"English-an pala rito Yuann, alis na ba tayo?" biglang sabi ni Archie.
"Kayo ang umalis, office ko kaya 'to." Sungit talaga nito, e 'no!
"Aalis na master Yuann. Celine, kailan pala 'yong interview na sinasabi mo? We'll watch it," sabi ko.
"Oh! It's tommorow! 9 AM, the link will be posted on the Network Channel in Youtube! I want you to come with me sana sa event kaso hindi allowed magpapasok ng iba and besides, puro media 'yong naroon." Daldal talaga, jusko!
"Okay. Punta na ako sa staff room. Iidlip lang," sabi ko sa kanila at saka lumabas sa office ni Yuann pagtapos ko maubos ang kape ko. I'm so tired. I think I'm awake for 30 hours now. Maraming operations kahapon kaya hindi man lang ako nakaidlip kahit saglit. Welcome to med field!
When I entered the staff room, I immediately went to the bed and laid down. Double-deck 'yong higaan kaya kahoy lang ang nakikita ng mga mata ko habang nakahiga ako. I faced to the other side where can I see the table where my juniors can study. I'm still on the process of my residency. I'm still studying again.
Simula noong mag-college kaming magkakaibigan, medyo nawalan kami ng oras para mag-bonding, pero we're still finding time to bond. Akala ko nga noon, mas magandang walang maging kaibigan pagtapos ako traydorin nila Aimee. But, when I met them by coincidence, my quiet world change into a loud and cheerful one.
Nakatulala ako sa kawalan nang biglang may nahulog na bag mula sa table. It's my bag. Tumayo ako para kunin 'yon at ilagay sa locker ko. But when I opened my locker, a keychain with sunset pendant on it caught my attention. Matagal ko na rin na tinatago ang keychain na 'to. Hindi ko alam na nandito pa pala. Hindi ko alam na natulala ako sa keychain na 'yon ng ilang segundo.
"Kamusta ka na? Ayos ka lang ba? Are you fine? Ako kasi... hindi," bulong ko. Naramdaman ko ang luha na nagbabadya na tumulo kaya agad ko na ibinalik ang keychain sa locker at bag at mabilis na isinara 'yon. Sakto lang naman ang pagsara ko ng locker dahil my pumasok sa staff room. She's one of my junior.
"Oh. Doc Seledez. Wala kang operations?" tanong ni Richie pagpasok niya ng staff room.
"Wala. Makakapagpahinga din sa wakas," sagot ko at saka umupo sa higaan. Pumunta naman siya sa table para magbasa ng libro.
Humiga na lang ako pabalik sa double-deck dahil mukhang wala naman siyang ibang sasabihin ngunit nagulat ako nang bigla niyang isara ang libro na binabasa niya at tumingin sa 'kin.
"Ay may naalala ako! May bagong confirmed na celebrity stars na nag da-date!" sabi nito.
"Alam mo naman na wala akong interes sa showbiz." I already promised myself to stop being involved in showbiz because it will only remind me of him. Imposible na wala akong mabalitaan tungkol sa milestones niya. Almost all places I go, I see his face. Lalo na sa jewelry shops at clothing shop. He always endorse on that thing.
"Oo nga pala 'no?" She pouted a bit before continuing. "Pero nag-research ako sa kanila kanina. Parehas kayong tatlo ng school no'ng senior highschool. Ano nga name no'ng school?" she said and started clicking her fingers, trying to remember.
"Tiga-Olivaire Univ din? Sino?" tanong ko.
Parang lumiwanag bigla ang mukha nito nang makuha niya ang atensyon ko. "Uy, interesado! Wait." She showed me a high five, meaning for me to wait. "Nandito sa phone ko 'yon eh." Nilabas nito ang phone niya mula sa bulsa ng scrubs niya at nag-scroll. Inabot nito ang phone sa 'kin pagtapos para makita ko.
I was about to grab her phone when my phone suddenly rang. It's a call from the E.R. I immediately picked up the call.
"Hello? Doctor Seledez speaking," I said when I answered the call.
"Hello doc? There's a gunshot patient here."
Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga. "What's the condition of the patient?"
"He's stable for now. Pero baka lumala 'yong condition niya kapag hindi kaagad naagapan... Paano na? There are no doctors available right now."
"I'll do it. Papunta na ako riyan."
Agad akong lumabas ng staff room nang walang paalam kay Richie at tumakbo papunta sa E.R. Pagdating ko sa E.R. ay agad akong pumunta kung nasaan ang pasyente. Hindi naman gaano malalim ang tama ng bala kaya ginamot ko lang ito at tinanggal ang bala. Pagtapos noon, naglakad na ako pabalik sa staff room. It's not beyond my speciality kaya ipapaubaya ko na sa ibang department ang pasiyente na 'yon.
When I was on my way to the staff room, may nakita akong batang babae na naiyak, mukhang naliligaw. Nilapitan ko ito at lumuhod ako para magkapantay kami.
"Nasaan magulang mo?" nakangiti na tanong ko habang patuloy pa rin siyang naiyak. She's a cute girl. Naka tali ang buhok niya into two ponytails at may butterfly clip na nakalagay doon. Siguro maganda at gwapo ang parents nito. Mukhang pwede rin mag-artista, in fairness!
Hinango ko ang buhok nito na nasa mukha niya at pinunasan ko ang luha nito. "Shhh. Tahan na, nasaan mommy at daddy mo? Sasamahan kita hanapin sila."
Hindi naman siya sumagot at nagpatuloy pa rin sa pag-iyak. Gusto ko sana siya dalhin sa staff room kaso bawal doon, e. Ngumiti ako sa kaniya at saka tumayo at hinawakan ang kamay nito bago pumasok sa office ni Yuann. Doon na lang muna siya. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Baka magreklamo na naman ang mokong! When I entered the office, nakita ko ang mga tao na hindi ko akalaing makikita ko pa muli. When I saw his face, the pain in my heart that I thought healed already came back like our story just happened yesterday.
"Neil... Aimee..."
"Oh? Magkakilala kayo?" Yuann asked. Surprised.
"Yes," Neil answered, looking directly at me.
"Paano kayo nagkakilala?"
"We're old—"
"Classmates. Old... classmates," pagputol ko sa sinabi ni Neil. Nakita ko naman na tumango si Yuann samantalang gulat na gulat si Aimee na tipong hindi alam ang sasabihin. Binaling ko ang tingin ko sa batang babae at tumigil ito sa pag-iyak dahil siguro nakita na niya ang hinahanap niya.
"Bakit ka ba nandito, Myrene? Walang operations?" tanong ni Yuann at bumaling ng tingin sa akin.
"Ha? Ah... 'yong bata kasi, umiiyak. Mukhang naligaw, e," sagot ko at saka tumingin kay Yuann. Tumingin naman si Yuann sa bata at napangiti na tila ba nagagandahan din sa kanya.
"Mommy!" The child said excitedly and ran towards Aimee. Confirmed. Anak nila 'yong bata.
"Baby... saan ka nagpunta?" tanong ni Aimee sa kaniya at hinango pa ang strands ng buhok nito na nagulo. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at halata naman na sobrang magkamukha nila. Ang ganda nilang tingnan bilang isang... pamilya.
"Ang cute ng anak mo. Ano'ng pangalan?" tanong ni Yuann kay Aimee.
"Oh. Her name is Baby."
"Ha?" naguguluhan na tanong nito.
"As in.. Baby pangalan niya? Sanggol?"
Aimee chuckled and nodded her head. "Oh yes."
Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko, hindi ko rin alam ang gagawin ko. I can feel Neil staring at me. I don't want to stare back. I'm afraid. I'm afraid that if I stared back, I'll lose him too. How like I lost my mother. Mas mabuti nang... umiwas ako sa kaniya. It's much better to... delete him in my life. Like nothing happened...
For me, he's like my medicine. But not all medicine can heal you. Kapag na-over dose ka, pwede rin na maging masama sa 'yo. Ganoong gamot siya para sa 'kin. Not an expired one, but an overdose one. I'm scared that if I take that medicine, everything will fall apart. Kumbaga, tapos na ang prescription niya para sa sakit ko. Because if I force to drink the medicine, mapapahamak ako.
"Ang cute ng anak niyo..." sabi ko at saka tiningnan si Neil at Aimee. I tried to smile a little, hiding what my heart truly feels.
"Thank you..." sabi ni Neil at ngumiti sa akin. Seeing him smile, makes me happy. At least, alam ko na masaya siya sa buhay niya.
"Sakto dating mo, Myrene. I need to go to the restroom. Pwede pa-assist sila saglit? You're old classmates naman, so, you know each other kahit papaano?" paki-usap ni Yuann na ikinagulat ko.
"What? But I need to—"
"Wala ka namang operation, 'di ba? Sandali lang, promise."
"You can go to the restroom, doc. Like you said, we know each other... very well. Do you have any problems with that, Doctor Myrene?" Neil asked sarcastically. Nang aasar ba siya o ano? Nakakainis ah.
"No problem. Go to the restroom, Yuann."
Ngumiti si Yuann sa 'kin at agad na lumabas ng office niya. Mukhang nagsisisi ako na pumayag ako dahil ang tahimik ng office niya pagtapos noon. I don't know what to do or say. I wished I can turn to a statue right now.
"Mommy. I want to pee," biglang sabi ng anak nila kay Aimee. Anak ng, nakisabay pa, oh.
"Okay, Baby. Let's go to the restroom. Neil, want to come?"
"No. I'll wait for you guys here."
"Okay," sabi nito at saka lumabas ng office kasama ang anak nila. The two of us are just left in the office, he's sitting on a chair while looking at me while I was standing while my both hands are inside the pocket of my lab gown. Now, it's more awkward. Umalis na rin kaya ako? Tama. Wala naman kaming dapat pag-usapan. Aalis na lang ako.
I was about to walk through the door when he suddenly talked. Ang ganda ng timing, artista ba talaga 'to?
"Do you regret it?"
Unti-unti akong napaharap at tumingin sa kaniya. "What? Regret what?" I know what he's talking about. Gusto ko lang makasigurado.
He smirked and looked at me. "It's like you already forgotten about it. The moments we used to spend together, the sunsets and sunrises we used to watch together. The relationship... we used to had. Do you regret cutting that relationship?" tanong niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. How can I regret that? It's the best moment I used to feel.
I gave him a smile, a fake one. "I don't regret cutting it. But I regret having that moment," I answered coldly while holding my tears that's about to burst.
Kumunot ang noo nito kasabay ng pagtulo ng luha niya. Nasasaktan din ako kapag nakikita siyang ganito. "You're too cruel Myrene. You're making me feel like you regret meeting me. Kasama ba 'yon sa pinagsisihan mo?" Tumingin ito sa akin na tila ba desperado makuha ang sagot sa huling sinabi niya.
Umiwas na ako ng tingin sa kaniya at mabilis na lumabas ng office at sumandal saglit sa pintuan ng office ni Yuann. I don't know how to answer that question. Mabilis ako na tumakbo ako papunta sa staff room at humiga sa higaan at nagtakip ng unan. Inilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko na kanina ko pa pinipigilan. Ayoko na. Hindi ko na kaya makita pa ulit siya.
Seeing him making my heart ache. Kapag nakikita ko ang mukha niya, wala akong ibang naiisip at nakikita kung hindi ang mga ginawa at mga sinabi ko sa kaniya. I spoke and threw words I didn't mean at all. I lied and build walls against him.
Hanggang ngayon, tinatanong ko pa rin sa sarili ko kung tama ba ang ginawa ko sa nakaraan. I lied to him. I lied which makes me more guilty. Lalo siyang nasasaktan dahil sa kasinungalingan na iyon.
Kinabukasan, nagising na lang ako ng nakahiga sa higaan at suot pa rin ang lab gown ko. Nakatulog pala ako sa hospital. Pagbangon ko, nakita ko si Richie sa table na nakatulog habang may libro na hawak at may salamin pa na suot. Naglakad ako papalapit dito para ayusin ang pwesto niya. Dahan dahan kong tinanggal ang libro sa braso niya at inayos ang pwesto nito at tinanggal ang salamin niya bago siya iniwan sa staff room.
My phone suddenly rang on my lab gown pocket so I picked it up, it was a call from Celine. A video call.
"Hello?" I greeted when I picked up the call. My voice is obviously a morning voice, dry na dry ang tunog. Halatang kagigising lang. Kinukusot-kusot ko pa 'yong mata ko habang nakasandal sa pinto ng staff room. Binabati ako ng ibang doctor, nurses at pasyente na kilala ko nang makita nila ko, so, I greet back with a smile.
"Where are you, ate? Yuann and Archie are already watching na." Dahil sa sinabi niya, napaharap tuloy ako sa screen ng phone ko, bakit biglang nandito 'yong dalawang kumag?!
"Uh.. ano kasi, Nakatulog ako, e."
"What? Oh gosh. What are we gonna do now?"
"Bakit? Nakatulog sa hospital 'no?" singit ni Yuann sa video call. Ayan! Manenermon na naman 'yan! Lolo na lolo datingan, e 'no!
I glanced at my watch, 8:50 AM pa lang naman. I still have time to get ready. Manonood lang naman kami online, e! Pumasok ako pabalik sa loob ng staff room at dumiretso sa C.R. The call is still on-going kaya nilagay ko 'yon sa katabing sink para makita pa rin nila ako maghilamos at magmumog doon.
Kumuha ako ng tissue para punasan ang mukha ko habang nakatingin sa salamin. "Archie, nandito ka rin sa hospital, 'no? Where are you? I'll just tag along with you tapos sabay na rin tayo umuwi."
"Ah! Nasa office ako ni Yuann! He's still here like us," he casually answered. Tumango na lang ako at kinuha ang phone ko at nagpaalam na sa kanila. Lumabas na ulit ako ng staff room at naglakad papunta sa office ni Yuann. Malapit lang naman dito 'yon kaya okay lang.
"Good morning, Doc. Kamusta tulog?" Archie greeted pagpasok na pagpasok ko sa office.
"No time for chika. Nagsisimula na ba?" tanong ko at saka nakisiksik doon sa maliit na couch kung saan sila nakaupo. Nakalagay naman sa tapat namin 'yong laptop. Good thing is the interview didn't started yet pero ramdam ko na 'yong titig ni Yuann sa gilid ko. Pustahan, manenermon na 'yan!
"Tulog pa sa hospital, 'yan. Umamin ka nga, bahay mo na ba 'yong hospital at lagi ka rito natutulog?" Sabi na eh. Daig pa niya si Nay Manang kung makareklamo, kung hindi ko lang kaibigan 'to, aakalin ko na tatay ko siya.
"Manahimik ka."

"You can't shut up the old man Yuann, Myrene," hirit ni Archie at tumawa nang mahina.
Natawa naman ako sa sinabi nito. "Oo nga pala. Daddy Yuann, 'wag ka na magalit, I just thought I was napping but—"
Hindi ko na natuloy pa ang sinasabi ko dahil biglang nag salita si Yuann. "What? Old man? Daddy Yuann?" inis na tanong nito habang nakakunot ang noo kaya natawa kaming dalawa ni Archie.
"Ayan! Hindi ba mukhang old man 'yan?"
nakaturo na sabi ni Archie sa noo ni Yuann. Archie leaned towards Yuann just to poke his forehead. "'Yan. Hindi ka na mukhang matanda. Tito lang," banat muli nito kaya natawa kaming dalawa.
Natigil lang kami sa pang-aasar sa kaniya no'ng magsimula na 'yong interview. My sister came out from a limousine with her peach elegant dress. It has cystals all over the place at may slit siya sa right side kaya kitang-kita namin 'yong mahaba niyang biyas. Bagay talaga mag-model, e!
"Oh my god! It's Celine Seledez!" The media started to take picture of her at siyempre, todo-pose naman 'yong kapatid ko.
"What are your first impression when you heard that you'll be the one working this project?" tanong ng isang reporter sa kanya nang matapos na 'yong picture taking.
"Of course I was greatful, happy, and shocked at the same time. This role is really a big oppurtunity for me because my co-workers here is so big."
"Sino-sino ba ang mga makaka trabaho mo na actor sa project na ito, Ms. Seledez?"
She smiled at the camera before answering. "Of course we have Ms. Aimee Oliver and Mr. Neil Santiago for this project as the other main roles. I hope you will support it until the end guys, mahal ko kayong lahat!" sagot niya sa media na ikinagulat ko. Did I heard it... right? Neil is on this project too? Ibig sabihin... nandito din siya kung kasama siya sa project na 'to?
I felt Archie's glance beside me, mukhang nag-aalala siya sa akin. I just gave him a convincing smile bago ibalik ang atensyon ko sa laptop. Nagsimula na naman na magtumpukan ang media nang biglang dumating si Neil at ang mas malala pa doon... he's together with Aimee. They're together in a car and the painful part is... Neil assisted Aimee to got off the car by holding her hands since Aimee is wearing a gown. Ang ganda nila tingnan parehas kaya lalo akong nasasaktan.
"Di ba 'yon 'yong old classmate mo?" Yuann whispered. Tumango na lang ako bilang sagot dito. I can't bear to speak a word right now, tutok ang atensiyon ko kay Neil at Aimee.
Since the media turns attention on them, tumayo na lang ako mula sa pwesto ko at akmang lalabas na ng office ni Yuann pero nagsalita ang isang reporter na naging dahilan para tumigil ako sa paglalakad.
"You're in a new project together kahit kaka confirm pa lamang ng dating rumor ninyo, ano ang nararamdaman niyo bilang new star couples?"
Dating... Love... New star couples...
Hindi ko kaya humarap sa kanila at bumalik sa pwesto ko pero pinilit ko pa rin, para sa sagot ni Neil. I am hoping that it is a small understanding but my heart shattered into peices when I saw Neil putting his hands onto Aimee's waist. He smiled at the camera before answering.
"I am grateful to have a new project with the woman I love."
Nararamdaman ko ang luha ko na unti-unting tumulo sa pisngi ko habang nakatingin sa kanila. Pinunasan ko na lang kaagad ang luha na tumulo sa pisngi ko. Masaya na siya... ayaw ko na sirain pa. Kahit masakit sa akin... I have to accept the fact that I was the one who cutted our relationship. All I can say is... I lost a precious man.
How long are you going to torture me? I can't take it anymore... Not anymore...
:(

Komentar Buku (9)

  • avatar
    Rowena Suela

    laban po

    11/08

      0
  • avatar
    Bassig Rico Renz

    hahahahha

    10/08

      0
  • avatar
    BlancaAj

    a high quality

    12/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru