logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 5 Grandfather

Kabanata 4
Grandfather
--
"I'm sorry about that," si Brandon.
Pinagsabihan ako ni Ma'am Maureen na wag nalang papatulan ang mga ganong customer. I agreed with her because I also don't want to lose this job. Kailangan kong magkapera. Bumalik na rin si Greta sa trabaho niya kaya kaming dalawa nalang ni Brandon ang naiwan.
"It's okay," sabi ko at tinignan ang mga kalat sa table nila.
Si Greta dapat ang naglilinis ng mga kalat pero nakita kong tinawag siya ni Ma'am Maureen sa opisina. Natigil tuloy ako sa akmang pagtawag sa kanya. Bumuntong hininga ako at nagpasyang ako nalang ang maglilinis. Tutal wala pa namang bumibili.
"What did she tell you?" tanong ni Brandon.
Tell me? Elizabeth? Umiling ako habang kinukuha ang mga kalat sa table. Hindi ako sumagot. Lumapit siya at tinulungan ako.
"Kaya ko na yan. Wag na," pigil ko.
"Anong sinabi niya sayo?" muli niyang tanong.
Tinignan ko siya.
"Narinig mo naman, diba? Ang sabi niya mas mahirap pa ako sa daga."
His jaw moved.
"Bago niya sinabi iyon. Ano pa ang mga sinabi niya bago nangyari iyon? Bakit ka nagalit sa kanya?"
Bumuntong hininga ako at nilingon na siya, binigay ko na ang buong atensyon ko sa kanya. Tinignan niya rin ako.
"If you're worried I'll go back to your girlfriend just because of what happened, don't worry because I have no intention of wasting my time with her. Ako na dyan," sabay agaw ng mga kalat na hawak niya.
"She's not my girlfriend," he said.
Tss. Whatever. Wala naman akong pakialam.
Bumuntong hininga siya nang hindi na ako nagsalita. Hindi na niya ako pinilit na sabihin sa kanya ang bagay na iyon. Tinulungan niya rin ako sa ginagawa kahit sinasaway ko siya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong tulungan rito.
"Nasaan na ang mga kaibigan mo?" tanong ko.
"Umuwi na."
"Bakit hindi ka pa sumabay sa kanila? Umuwi ka na rin. Ako na ang bahala rito."
"I want to help."
Tinignan ko siya sa katigasan ng ulo niya. The ghost of a smile on his lips didn't escape my eyes. It also disappeared immediately. Kumunot ang noo ko pero nagpatuloy nalang sa pagliligpit.
Nang natapos kami ay akala ko aalis na siya. Pero bumili pa siya ng isang chichirya at kinain sa harapan ko. Hindi nawala ang titig niya sa akin simula nang tulungan niya ako sa table nila. I didn’t know how I would feel in his presence. But I don't think I should feel anything.
"May kailangan ka pa?" tanong ko dahil nanatili siya sa may counter.
"Is that your boyfriend?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Boyfriend? Sino? Inisip ko pa kung sino ang tinutukoy niya. We don't have anyone else with us so who is the boyfriend he's referring to?
"That one in the school. The college student," anya nang napagtantong hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.
College student? Si Arjun? At ano? Boyfriend? What? Why did he think Arjun was my boyfriend? Oh. I remember he saw us together earlier on the school field.
"Is he your boyfriend?" tanong niya ulit.
Nagtaas ako ng isang kilay sa kanya. Why does he want to know? Ano ngayon kung boyfriend ko nga si Arjun? He just looked at me seriously.
"Bakit gusto mong malaman?" tanong ko.
"I just want to know," nagkibit siya ng balikat. "You two looks close," nag iwas siya ng tingin.
"Hindi mo na kailangang malaman kung boyfriend ko nga siya. We're not close."
Binalik niya ang tingin sa akin. Nakita ko ang pagdaan ng iritasyon sa mga mata niya pero mabilis lang rin namang nawala. He took a deep breath and nodded. He held out his hand. Napatingin ako roon. I don't why my heart suddenly pounded.
"Pwede ba tayong maging close, kung ganon?" tanong niya.
Nag angat ako ng tingin sa kanya.
"Can I be your friend?"
Tinitigan ko siya. Nag isip ako sandali. There's nothing wrong with him being my friend, right? Mukha naman siyang mabait. Hindi nga lang ako komportable sa nararamdaman ko sa kanya pero... sige na nga.
Tinanggap ko ang kamay niya. "Sure."
Ngumisi siya. "Ngayon pwede mo na bang sabihin kung kayo noong lalaki na iyon?"
Wow. Is that how he really wants to know if Arjun is really my boyfriend? What will he do if yes? And what would he do if not? Ano bang pakialam niya?
"Hindi pa tayo close," sabi ko at naupo sa upuan ko.
Tinitigan niya ako. Nakita ulit ang pagdaan ng iritasyon sa mga mata niya pero sa huli ngumuso at tumango nalang. Nagpaalam siya at tumalikod, nagtungo siya sa table. Naupo siya roon at nilingon ako. Mabilis akong nag iwas ng tingin. I can't seem to bear his stare. What the hell, Sandra?
Tss. At ano bang gagawin niya rito? Bakit hindi pa siya umuwi? Is he waiting for someone?
I just didn’t think of that in the end and continued working. Kapag masyadong nang gabi ay wala nang pumupuntang mga tao. Kaya maaga lang rin kaming nagsasara. The closing time of the store is also the time of my out. Eleven ng gabi.
"Anong oras ang out mo?" tanong ni Brandon galing sa table pagkatapos kong asikasuhin ang mga binili ng isang customer.
Nilingon ko siya. Pati ba naman iyon gusto niya pang malaman? Ganito ba talaga siya maging kaibigan? Hindi pa naman kami close.
Kaya nga nakikipag close, Cassandra. Masyado kang suplada.
"Eleven," sagot ko.
Tumango siya.
"Anong oras kang uuwi? Bakit hindi ka pa rin umuuwi? May hinihintay ka ba?" tanong ko dahil mukhang wala pa talaga siyang balak umuwi.
"Wala. I'm going home later."
Kahit nagtataka ay tumango nalang ako. Naupo ulit ako sa upuan ko. Nagkatinginan kami. My heart suddenly pounded dahilan ng pag iiwas ko ng tingin. Kinunot ko ang aking noo and just distracted myself with my phone.
Malapit nang mag eleven nang umuwi si Brandon. Nag aayos na ako non nang umuwi siya. Hindi ko napigilang magtaka. Ang tagal niyang nandoon sa lamesa, kumakain lang ng kung ano ano. Minsan kinakalikot ang cellphone at minsan naman panay ang sulyap sa akin. Dahilan tuloy ng bahagyang pagkakailang ko.
Umuwi ako sa bahay at pagod na pagod akong nahiga sa kama. I looked at my phone and saw the messages of my friends in Cagayan.
Olivia:
I miss you, Sandra! Hope to see you soon.
Emma:
Bored na bored si Olivia sa school dahil wala ka. Hahaha. I miss you!
Napangiti ako at nagtipa ng reply para sa kanila. Pagkatapos noon ay pinatay ko na ang cellphone at pinikit na ang mga mata.
"OMG! Sabi ng crush ko nasa fourth year high school daw ang crush niya! Baka ako na iyon!" tili ni Audrey.
Nandito kami sa field. Mukhang mapapadalas kami rito dahil pareho kaming maaga palagi sa school.
"Sino ba ang crush mo?" tanong ko.
"Si Franz Lopez! Do you know him? Ang gwapo niya! Super!"
Franz? Is that the friend of Brandon? Maraming Franz sa school na ito kaya hindi ako sigurado.
"Franz? Player of soccer team?" tanong ko para makasiguro.
"Oo! Siya nga! Paano mo nalaman?"
"Uh, kaibigan ko yung isa niyang kaibigan. Mmm... Brandon?"
"Oh!" she smirked evilly.
Parang alam ko na agad ang ngisi niya na yan kaya pagod ko lang siyang tinignan.
"We're just friends, Audrey."
She chuckled. "Eh, saan naman kayo nagkakilala?"
"Natamaan niya ako ng bola nila nung first day of school. Sa binti."
"Really? Parang sa nababasa ko lang na mga romance books. Dyan madalas nagkakakilala ang mga bida!"
Tinignan ko siya at inilingan. Imposible iyon. Wala pa sa isip ko ang mga ganyan. Tsaka... sa mga libro lang iyon. Hindi naman nagkakatotoo.
"Magiging magkaibigan sila tapos magiging lovers! OMG!" tumili siya.
"Tumigil ka nga!" saway ko dahil napatingin ang ibang students sa amin sa ingay niya.
Tinakpan niya ang bibig at humalakhak. Umiling ako pero bahagya ring napangiti. Hindi ako natutuwa sa tukso niya. Pero ewan ko ba.
"But did you know that Brandon Monteza is also one of the best known here? He's like a heartthrob. Many girls likes him."
Tumango tango ako. Hindi na nakakagulat. He's handsome. Makisig rin ang katawag kaya siguradong marami ngang babae ang nagkakagusto sa kanya.
"Kaya mag iingat ka. Girls who like him are a bit bitch. Baka kapag nakita ka nilang kasama si Brandon, sugurin ka nalang bigla!"
Edi susugurin ko rin sila. Pero hindi ako pwedeng makipag away rito dahil scholar lang ako. Baka mapa talsik pa ako dito sa school.
I just didn't think about it and just kept writing notes. Audrey continued to talk about her crush Franz. Kilig na kilig siya at ang sabi pa niya matagal na niyang crush iyon. Hindi niya lang magawang magpapansin dahil nahihiya siya.
The class began. My scores are high and better somehow. I'm sure I will not lose my scholarship to this school. I will improve even more.
Lunch when I saw the Agravantes again. Nandoon ulit sila sa pwesto nila nung mga nakaraang araw. Siguro dyan na talaga ang pwesto nila.
"Saan ka nga pala nagtatrabaho?" tanong ni Audrey habang kumakain.
"Sa isang convenience store. Malapit lang sa school."
"Mmm," tumango tango siya. "Subukan kong puntahan mamaya."
"Ano namang gagawin mo roon?" bahagya akong natawa.
"Wala lang. Bibisitahin ka lang! Gusto lang kita makitang magtrabaho. Five hanggang eleven ang ship mo, right?"
Tumango ako at hinayaan nalang siya sa gusto niyang mangyari.
I’m happy because unlike other students here, Audrey doesn’t look at someone’s state. She doesn’t care if I’m just poor. Sinasamahan niya pa rin ako rito sa school at ngayon gusto niya pa akong bisitahin sa pinag tatrabahuhan ko. People like her is rare. I'm glad I met her and I became her friend.
Michelle, Johanna and Louissa Agravante are in their table but Elizabeth wasn't there. Nagtaas ako ng isang kilay at hindi na ipinagtaka kung bakit siya wala. Nagpatuloy ako sa pagkain ko.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ni Audrey nang napansin kong wala pala akong inumin. Tumayo ako at nagpaalam na bibili lang ng inumin. Audrey nodded and let me buy. I went to the cafeteria counter and bought a mineral water. Hindi na ganon kahaba ang pila dahil lahat ay kumakain na.
Naglalakad ako pabalik sa table namin ni Audrey habang iniinom ang tubig ko. Hawak ko ang takip ng plastic bottle. But then suddenly someone bumped into me. Nagulat ako. Mabuti nalang hindi ako umiinom sa tubig ko. But it was thrown at whoever ran into me! My eyes widened slightly when I saw Elizabeth's wet uniform. Ang ash gray jacket na suot niya ay nabasa. Kasama ang jacket na 'yon sa uniform namin.
"What the hell?!" sigaw niya.
Tinignan ko siya. Kitang kita ko ang nag aapoy niyang tingin sa akin.
"How dare you!" she screamed at me.
"Ikaw ang bumangga sa akin--"
"Walang hiya ka!"
I saw the Agravantes standing at their table but only Louissa Agravante walked towards us. But it's too late. Hawak ang isang juice na nasa cup, binuhos ni Elizabeth sa mukha ko 'yon. Narinig ko ang tilian ng mga students. Napapikit ako.
"Elizabeth!" ang boses ni Louissa ang narinig ko.
"Wala kang karapatang buhusan ako ng tubig!"
"Stop it, Eli!" si Louissa na siguro ay nakalapit na pero huli na ang lahat. Basang basa na ako.
I slowly opened my eyes. I saw the eyes of the students on us. Ang iba ay lumayo sa takot na madamay. Nakalapit na rin si Michelle at Johanna Agravante sa amin. Nasa likod sila ni Louissa at Elizabeth.
Mabilis ang paghinga ko. The whole cafeteria was very quiet and I knew everyone saw what happened. I looked at Elizabeth who was also breathing fast. I felt a caress on my arm and I knew it was Audrey behind me.
"Why the hell did you to that?" si Louissa Agravante kay Elizabeth.
"Binuhusan niya ako ng tubig! Hindi niyo ba nakita?"
"Hindi niya sinasadya iyon, Eli."
"Kahit na! Hindi pa rin siya nag-sorry sa akin!"
"Because you didn’t give her a chance to speak! Binuhusan mo agad siya ng juice!"
Natahimik si Elizabeth sa sigaw ni Louissa. Lumapit na ang dalawang Agravante sa kanya.
"Issa..." hinawakan ni Johanna ang siko ni Louissa.
"What's happening here?" isang teacher ang dumating.
No one spoke. Elizabeth gave me a sharp look. Pinunasan ko ang mukha kong punong puno ng juice. Nagtiim bagang ako.
Mabilis ang mga pangyayari. Huli na nang napagtanto kong binuhusan nga ako ng juice ni Elizabeth kahit hindi ko naman sinasadya ang nangyari sa kanya. We were called to the Dean's office. I changed into a P.E uniform because my uniform was soaked in the juice Elizabeth poured on me. She also changed clothes. We were both in P.E uniform when we arrived at the Dean's office.
Nakahalukipkip siya habang nakaupo sa harapan ng table. May isang upuan rin sa harapan niya at doon ako umupo. Michelle, Louissa and Johanna Agravante are here too. Nasa likod sila ni Elizabeth, nakaupo sa mahabang sofa. Dean was at the table, looking at the papers in front of her.
"So... you're all here now," panimula ng Dean.
Bahagya akong nakaramdam ng takot. I'm just a scholar here so I shouldn't get involved in such troubles. I may lose my scholar and I will not be able to study here anymore. Lalo na at... isang pekeng Agravante pa ang nakabangga ko. Siguradong hihilingin niya na mapa alis ako agad rito.
"Can you please tell me what happened?" anang Dean.
"I was just walking to our table when that girl poured water on me. I’m not doing anything bad to her so I don’t know why she did that!" si Elizabeth.
"I didn’t mean what happened. Binunggo mo ako kaya--"
"Hindi kita binunggo. Stop making up stories! Dean, you should take away her scholar and kick her out here!"
"Eli," isang nagbabantang tinig ang ginawad ni Louissa kay Elizabeth.
"What? Kakampihan mo na naman siya? I'm sure you didn't see what happened. You didn't see how she poured water on me even though I wasn't doing anything wrong so don't defend her here!"
"Eli! Stop it! Baka kayo pang dalawa ang mag away," si Johanna.
"Okay, calm down. We can talk without shouting," ang Dean.
"No, Dean. I want her to leave here. I want her scholarship to be gone!"
"Eli..." ang marahang boses ni Michelle.
"Ano? Pati ba naman ikaw, Mina? Wala na ba akong kakampi rito? Ha?"
"Stop it, Eli. You can't just order her to be expelled from this school. She's not doing anything wrong so that’s not what should be done," si Louissa.
"What should be done, then? Hayaan nalang ang babaeng ito? Issa, binuhusan niya ako ng tubig! Kailan mo ba ako papakinggan?!"
"Eli, calm down! Kayong dalawa ang mag aaway kung hindi ka hihinahon!"
"Dahil sa babaeng ito kaya kami nag aaway, Johan! Ah! Now I know. Kaya mo siguro ginagawa ito para mag away away kami, tama ba?" binalingan ako ni Elizabeth.
What? Saan niya nakuha iyon? I can't believe this! Hindi ko sinasadya ang nangyari sa kanya. Siya ang bumunggo sa akin, alam ko iyon! At syempre, iisa lang naman ang dahilan kung bakit niya ginagawa sa akin ito. Gusto niya akong umalis. Gusto nila ng walang hiya niyang ina!
Hindi ako nagsalita. Humalukipkip siya at tinignan ako.
"Ano? Sabi na naiinggit ka lang, eh. Kasi mayaman kami at ikaw nanggaling lang sa skwater area?"
"Ms. Agravante, that's enough!" ang Dean.
"Ugh! I can't believe this!" padabog na sumandal si Elizabeth sa upuan.
Nagtiim bagang ako. I don't want to talk anymore but I will never be afraid of them. I can prove myself and I will never lower my head to them but if Dean doesn’t believe me here, I’m ready to leave and move to another school.
"Tinawagan ko na ang parents mo, Ms. Agravante. Pero si Senyor Agravante ang pupunta dito ngayon," anang Dean.
"What?" gulat na sambit ni Elizabeth at nanlaki ang mga mata.
"I called lolo, Eli. If you're really telling the truth, you won't be afraid to face our grandfather," malamig na sinabi ni Louissa Agravante.
Elizabeth turned to Louissa in disbelief. Louissa just looked at her coldly. Nakita ko ang paglunok ni Elizabeth at ang paglingon niya sa akin.
My heart was already pounding so fast and hard. Magkakasama ang emosyong nararamdaman ko. Merong gulat, saya, pagkasabik... at sakit.
Theodore Agravante... will come here?

Komentar Buku (109)

  • avatar
    Asteria_luna

    Hi! I finished reading your story in just one day, it's a piece of art! I can't help it, crush ko na ata si Brandon😭😭

    09/02/2022

      0
  • avatar
    David Montañez

    nice 👍👍

    20/08

      0
  • avatar
    CruzCassandra

    good

    29/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru