logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 Nightmare

Kabanata 1
Nightmare
--
Binuksan ko ang pintuan ng bahay namin nang may kumatok roon. Natigilan ako nang nakita si Aling Carlita na umiiyak.
"Sandra..." namamaos niyang pagtawag.
"Aling Carlita? Bakit po kayo umiiyak?" nag aalala kong tanong at lumapit sa kanya.
Umiling siya. Mas lalo akong nag alala. Anong nangyari? Yumuko siya at nagpunas ng mga luha.
"Bakit po kayo umiiyak, Aling Carlita?" muli kong tanong.
"Si Sophie..."
"Po? Bakit po? Ano pong nangyari kay Mama?"
Nag angat siya ng tingin sa akin. "Kanina... habang namamalengke kami... nasagasaan siya ng mabilis na truck. Sinugod namin siya sa ospital at hindi na kita natawagan dahil sa sobrang nerbyos at pag aalala ko. Kanina tatawagan na sana kita k-kaso..." bumuhos ang mga luha niya at humagulgol.
I couldn't speak. I was stunned. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi ko pa masyadong mai-proseso sa utak ko ang mga sinabi niya.
"K-Kaso sabi ng doctor... sabi ng doctor..." hindi niya maipagpatuloy at mas lalo lang siyang humagulgol.
Nabitawan ko ang doorknob namin at tuluyan nang natulala. Nanlabo ang mga mata ko dahil sa pangingilid ng luha. Parang tumigil ang mundo ko.
"Patawarin mo ako, Sandra. Hindi ko manlang siya nailigtas..."
"Hindi..." umiling ako. "Nasaan si Mama?"
"Nasa ospital sa malapit. Pero wala na siyang--"
Hindi ko na siya pinatapos at mabilis na akong tumakbo palabas ng bahay. Pumara ako ng tricycle at mabilis na sinabi ang ospital sa malapit. I squeezed my hands and burst into tears even though I didn't know what was happening.
Hindi pwede. Hindi pwedeng si Mama iyon. Baka hindi iyon si Mama. Baka nagkakamali lang si Aling Carlita. Kailangan kong masiguro kung si Mama ba talaga iyon. Hindi siya pwedeng...
My tears flowed. Mabilis akong nagbayad at tumakbo palabas ng tricycle nang nakarating sa sinasabing ospital. Tumakbo ako papasok sa loob at naghanap agad ang mga mata ko.
I saw Charlotte, Aling Carlita's daughter. Umiiyak siya at nang nakita ako mabilis siyang lumapit. Hawak niya ang dalawang kamay na nasa may kanyang baba. Nakalapit na siya at lahat pero wala pa rin siyang sinasabi. She was just crying and didn’t seem to know how to tell me what happened.
"Nasaan si Mama?" mariin kong tanong kahit punong puno na rin ng mga luha ang aking mga mata.
Humikbi siya at nanginginig na tinuro ang isang kwarto sa di kalayuan. I walked quickly over there and went inside. Bumungad sa akin ang dalawang nurse na tinatakpan ng puting kumot ang isang babaeng nakahiga sa kama. Napabaling sila sa akin nang pumasok ako.
"Mama!" pagtawag ko dahil alam ko agad na siya iyon!
Tumakbo ako papunta sa nakahigang babae. Hinayaan ako ng dalawang nurse at tumabi para mabigyan ako ng privacy.
Sa nanginginig na kamay tinanggal ko ang kumot sa kanyang mukha at halos bumagsak ako sa matinding sakit at panghihinang naramdaman nang nakita ang nangingitim nang mukha ni Mama.
Parang may nalaglag sa puso ko. Kitang kita ko ang halos nangingitim nang mukha ng napaka ganda kong ina. Sigurado akong siya 'to. Sigurado akong ang Mama ko 'to!
"Mama!" humagulgol ako at niyakap ang malamig na niyang katawan.
Malakas akong umiyak at parang gusto kong magwala sa sobrang sakit. Parang nilulukot ang puso ko sa sakit at pakiramdam ko unti unting gumuguho ang lahat sa akin.
"Mama, anong nangyari? Mama!"
I walked away from her and looked at her very beautiful face. I caressed her face even though I knew she would never wake up again. Nanginginig ang kamay ko.
"Mama, anong nangyari? Mama, wag mo akong iiwan. Kailangan kita. Kailangan na kailangan kita!"
"Cassandra..." si Charlotte sa likod na umiiyak rin pero hindi ko siya pinagtuunan ng atensyon.
"Mama, hindi mo ako pwedeng iwan. Mama, please, gumising ka dyan. Umuwi na tayo. Please... Mama. Wag mo akong iiwan!"
Humikbi ako nang napaka lakas at muli siyang niyakap.
"Hindi ko kaya, Mama! Sige na... Umuwi na tayo. Hindi ko kaya nang wala ka! Mama, please!"
Patuloy ko siyang tinawag dahil alam kong hindi niya ako matitiis! Alam kong gigising siya dyan dahil alam niyang hindi ko kaya! I can't live without her. She's the only one left for me. Hindi ko kaya kapag nawala pa siya. Hindi ko kakayanin!
"Mama..." nanghihina kong iyak.
Napaupo ako sa sahig at dumukmo sa dalawang kamay. Humagulgol ako. She said she would never leave me! She said she would just stay by my side until I succeeded! Now how can she see me succeed if she won't wake up anymore? You said you wouldn't leave me. Sabi mo hindi mo ako pababayaan! Mama, bakit... Malakas akong humagulgol.
"Sandra..." lumuhod sa harapan ko si Charlotte.
Hindi ako sumagot. Patuloy lang akong humagulgol. Hinila niya ako para mayakap at mas lalo lang akong napahagulgol. Walang tigil ang sakit at kirot sa puso ko at mas lalo lang akong napapaluha roon. Parang dinudurog ang puso ko.
"Shhh..." alu ni Charlotte. "Nandito ako. Nandito lang ako..."
Pero kahit anong alu ng kahit na sino ay walang makakapag tigil sa akin. Doble dobleng sakit ang nararamdaman ko. Hindi ko kaya! Hindi ko talaga kaya nang wala ka, Mama! Please, come back!
"Ang sabi sa akin ng Mama mo, kunin ko ito sa kwarto niya. Ito ang huli niyang bilin sa akin bago siya bawian ng buhay. Ang sabi niya ibigay ko ito sayo. Kahit anong mangyari, kailangan ko itong maibigay sayo. Kailangan mo itong mabasa..." si Aling Carlita.
Kanina pa ako tulala. Natigil na sa matinding pag iyak at ngayon nakaupo nalang sa isang bench. Charlotte didn't leave my side. Sinamahan niya ako hanggang sa huminahon ako at dumating ang kanyang ina na si Aling Carlita.
Kanina pa ako tulala at walang kinakausap sa kanila pero nang narinig ko ang sinabi ni Aling Carlita ay napa angat ako ng tingin. I looked at the white envelope she was handing me. Pagkatapos ay nag angat ako ng tingin sa kanya.
"Ang sabi niya... napaka importante daw nito. Ito at ikaw ang una niyang inisip bago siya nawalan ng malay..."
Namumugto ang mga mata ni Aling Carlita, ganon rin ako at ganon rin si Charlotte. Dahil magkakapit bahay, naging malapit na rin kami sa isa't isa. Matalik silang magkaibigan ni Mama at dahil roon naging magkaibigan na rin kami ni Charlotte. Naging malapit na rin si Charlotte kay Mama kaya todo rin ang iyak niya kanina.
Marahan kong tinanggap ang sobre. I don’t know if I can read it right now but I’m curious. Why would my mother leave a letter for me? Alam niya bang ngayon na ang oras niya? Or there's another reason?
"May pera rin dyan. Inipon niya iyan para sayo. Ang sabi niya, gusto niyang basahin mo iyan agad agad," si Aling Carlita ulit.
Binuksan ko ang sobre at nakita nga ang maraming asul na pera. Hindi ko magawang magulat roon dahil alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang kailangan ko. All I need now is my mother. But she's already gone...
Hindi ko kinuha ang mga pera. Ang papel na nasa loob ang kinuha ko. Binaba ko ang sobre at binuksan ang papel. Charlotte stood up and stood next to her mother to give me privacy. I looked at the two in front of me before reading the paper.
Cassandra, anak...
Sinulat ko ito dahil sobra akong nagi-guilty at sobrang mahal na mahal kita. Ayokong ipagkait sayo ang buhay na dapat ay matagal nang sayo. Ayoko nang makita kang nahihirapan.
Anak, patawarin mo sana ako kung ngayon ko lang sasabihin sayo ang lahat. Sana pakinggan mo ako. At sana rin tanggapin mo ang paliwanag ko.
Cassandra, hindi ako ang tunay mong ina. Hindi ako ang nagluwal sayo. Hindi kita anak...
Cassandra ang pinangalan ko sayo at sinunod ko ang apelyido kong Juarez ngunit hindi iyon ang tunay mong pangalan. Ang tunay mong pangalan ay... Nirvanna Elizabeth Agravante. Isa kang Agravante, Cassandra. Mayaman at mataas na tao ang mga Agravante sa Maynila. Doon ka nararapat, Sandra. Hindi sa akin na inangkin ka lang dahil wala akong kakayahang magkaroon ng anak.
May kaibigan ako. Ang pangalan niya ay Amelia Mendez. Siya ang nagdala sayo sa akin. Masama siyang tao, Cassadra. Masama siyang kaibigan. Wag na wag mong kalilimutan ang pangalan niya dahil baka kung ano ang gawin niya sayo. Binigay ka niya sa akin para maibigay ang anak niya sa mga Agravante. Ang anak niya ang pumalit sayo sa posisyon mo bilang Agravante, Cassandra. Pinuslit ka niya sa ospital noon at ang anak niya ang nilagay niya sa hinihigaan mo. Ang sabi niya hindi ka nakita ng totoong magulang mo nang ipinanganak ka kaya hindi nila alam ang itsura mo. Kaya hindi sila nagduda noong nakita nila ang impostor na anak ni Amelia.
Sinabi niya ang lahat sa akin dahil alam niyang hindi ako magsasalita. Dahil alam niyang mahina ang loob ko pagdating sa mga bata. Alam niyang hindi ko na kayang mawala ka pa sa akin. Noong una nagalit ako pero inaamin kong hindi ko na nga talaga kaya pang mawala sayo. Hindi ko na kaya, anak. Kaya hindi ako nagsalita. Nanahimik ako. Nilayo kita sa kanila. Tulad lang ng gusto ni Amelia.
Gustong gusto kong magka anak nung mga panahon na iyon kaya nang dumating ka, ayaw na kitang pakawalan. Nabulag ako sa pagmamahal ko sayo kaya sana patawarin mo ako. Ginamit ni Amelia ang kahinaan ko at ako namang si tanga nagpagamit. Patawarin mo ako anak. Patawad kung ngayon ko lang sinasabi ang mga ito sayo. Maniwala ka sa akin gustong gusto kong sabihin sayo, nag iipon lang ako ng lakas ng loob. Pero dahil hindi ko talaga kaya at naduduwag ako, sinulat ko nalang ang lahat.
Kung gusto mong makita at balikan ang totoo mong pamilya, maiintindihan ko, anak. Alam kong kaya mo yan. Alam kong matapang ka. Naniniwala ako sayo. Maiintindihan ko rin kung magagalit ka sa akin. Isa ako sa mga taong ipinagkait sayo ang buhay na dapat ay sayo kaya maiintindihan ko.
Pero sana mag ingat ka. Malayo ang Maynila at mahirap maabot ang mga Agravante. Alamin mo muna ang lahat ng tungkol sa pamilya nila. Mag ingat ka rin kay Amelia dahil hanggang ngayon minamanmanan niya pa rin tayo. Gusto niya na ang anak na niya talaga ang kilalanin ng lahat bilang Agravante.
May iniwan akong pera. Inipon ko iyan para sa mga pangangailangan mo. Pwede mo ring gamitan yan kung gusto mong pumunta ng Maynila at hanapin ang pamilya mo. Kung sakali mang binabasa mo na ito ngayon ay siguro nasa tabi mo ako... o patay na ako.
Mag iingat ka, anak. Tandaan mo na kahit hindi tayo magkadugo, tinuturing at minamahal pa rin kita bilang tunay kong anak.
Mahal na mahal kita, anak ko. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa kong kasalanan sayo. Sana rin ay wag na wag mo akong kalilimutan. Maging masaya ka. Mahal na mahal na mahal kita.
Nagmamahal,
Sophie Juarez.
Sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko pagkatapos kong basahin ang lahat. Nasa kalagitnaan palang ako ng pagbabasa ay umiiyak na ako. Natakpan ko ang aking bibig sa sakit at gulat na naramdaman. Hindi ko alam ang iisipin o gagawin. Ni hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin.
Niyakap ako ni Charlotte. Humikbi ako at muli na namang umiyak dahil sa halo halong nararamdaman. It was as if my heart would explode with all the pain. Una sa pagkamatay ni Mama, at ngayon sa buong katotohanan.
Hindi niya ako... tunay na anak? Hindi ko siya Mama? Pero siya na ang kinilala kong ina! Paano nangyaring hindi ko siya Mama?
I cried in Charlotte's arm. Tinahan niya ako pero sadyang hindi ako matigil. Umaapaw na sakit ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko hindi na ito magtatapos.
Ginamit ko ang pera para sa libing ni Mama. We don't have any other relatives so only my mother's close friends came. Emma and Olivia who are my friends also came, I met them both at school.
Umuwi na ang lahat ng naki-libing at nandoon pa rin ako sa damuhan, sa harap ng puntod ng aking ina. Nakaluhod ako at nababasa ng napaka lakas na ulan. Kasabay ng tubig na dumadaloy sa mukha ko ay ang mga luhang hindi na yata titigil.
"Cassandra! Ano bang ginagawa mo? Please, let's go back..." umiiyak at nagmamaka awang sinabi ni Olivia, tinakbo ako at wala nang pakialam kung mabasa rin siya ng ulan.
Hindi ako nagsalita. Patuloy akong umiyak. Sa limang araw na nagdaan, wala akong ibang ginawa kundi umiyak. At ngayon pakiramdam ko manhid na ako. Manhid sa lahat ng sakit. Pero hindi pa rin matigil ang mga luha ko kahit wala na akong nararamdaman. At iyon ang pinaka masakit.
"Sandra, please. Come on..." si Emma na umiiyak rin ay sumugod na rin pala.
"Magkakasakit ka kapag hindi pa tayo umuwi. Please, halika na. Cassandra..." si Olivia naman.
Pumikit ako at mahigpit na niyakap ang picture na nasa frame ng aking ina. Hinihiling ko na sana matapos na ang sakit. Pakiusap... pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Mama, ano nang gagawin ko? Ano nang gagawin ko ngayong wala ka na?
"Cassandra," pareho akong niyakap ng dalawa kong kaibigan. Sinamahan ako sa pag iyak.
Humagulgol ako.
"We're here. We're here for you. Please don't give up. You can do this..." si Emma.
It all seemed like a nightmare. A nightmare that always wakes me up every morning. Kagaya nalang ngayon. Nagising na naman ako nang dahil sa bangungot na iyon at may mga luha na naman sa mga mata ko.
I wiped away my tears and smiled sadly. I'm proud of myself that I went through that most painful event of my life. And I'm thankful that my friends are there to accompany and lighten my spirits.
At Mama... I want you to know that I'm not angry with you and I forgive you for everything you've done. Even if you lied to me, I still love you dearly. And now, I will make sure Amelia and her daughter pay for what they did to us. I will not allow them to just take everything that should be mine.
I used my mother's money to come here to Manila. Emma and Olivia helped me find a place to stay. I said they didn’t have to do that anymore but they insisted. Hinayaan ko nalang. Sa huli ako pa rin naman ang nakahanap ng matutuluyan ko.
Malaking bakod ang nahanap ko. Tatlong maliliit na bahay ang nasa loob ng bakod na iyon at isa nalang ang walang nakatira. The two who live there are Aling Mia and her son Arjun who is almost the same age as me. Then in another house is Aling Evelyn. Tapos ako naman sa isa.
"Are you sure you're gonna live here?" parang nandidiri pa si Olivia nang tanungin iyon, naalala ko.
"Ayos na ito. Ako lang naman ang titira."
Disgusted, she looked around the little house. There's only a small living room, kitchen and there's a small bedroom to the left. Ang katabi ng kwarto na iyon ay ang isang maliit na banyo. Walang itaas. When you enter you can see the kitchen, living room and the bedroom door. Ganon kaliit iyon. Pero ayos lang. Ako lang naman ang titira.
Emma rolled her eyes. "Ayan ka naman sa kaartehan mo, Olivia. Hayaan mo na si Sandra kung ito ang gusto niya."
Nakahanap agad ako ng mga trabaho. Oo, mga trabaho. Hindi lang isa ang trabaho ko. Kailangan na kailangan ko kasi. My mother's savings are running out and the rent for my place is five hundred pesos per month. Mura na daw iyon at para sa akin... mura naman. Olivia and Emma tried to give me money but I refused. It's time for me to take care of myself. Hindi na ako pwedeng umasa sa iba.
Pagkauwi ko galing school, magtu-tutor ako ng isang batang babae, anak ng kapitbahay lang namin. One hundred kada araw. At pagkatapos non, 5:00pm, cashier naman ako sa isang convenience store malapit lang sa school. One thousand pataas ang salary ko in one month. Tapos kapag sabado at linggo, napagkasunduan namin ng mga kapitbahay ko sa bakuran na ako ang maglalabada ng mga damit nila tuwing sabado at linggo.
Ayos na rin. Atleast kaya kong tugunan ang pangangailangan ko habang nandito ako at gumagawa ng paraan para makalapit sa mga Agravante.
I didn't want to believe my mother in what she said in the letter but what was my choice then? Especially when I researched about Agravantes. I kind of look like Marvino Agravante, my real father. And I was even more convinced that it was true when I saw the picture of Georgina Agravante, the wife of Theodore Agravante, my grandfather.
Siya ang mas kamukhang kamukha ko. The pictures of her when she was young were very look like me. Kamukhang kamukha ko ang lola ko.
Alam kong hindi sapat ang mga 'yon pero sinubukan ko pa rin. At ngayong napatunayan ko na, hinding hindi na ako aalis rito.
"Magandang umaga, Cassandra," si Arjun ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng gate ng bahay namin.
"Oh. Nandyan ka pala. Magandang umaga..." bati ko rin.
"Sabay na tayo? Magco-commute rin ako."
"Sige ba."
He's also studying at Georgina University and like me, he's also a scholar there. Masaya nga ako na meron ako, kahit papaano, na kasama. It's just that he's in college so we don't meet often at school.
Medyo naging close naman na kami dahil siya ang tumulong sa akin na mag ayos ng mga gamit ko sa bahay. Nagpapadala rin madalas ang nanay niya na si Aling Mia ng ulam tuwing gabi sa akin at si Arjun ang nagdadala non. He said his mother often does that when a new neighbor moves in.
"Kamusta ang first day? Mahirap ba?" tanong ni Arjun habang naglalakad palabas ng kanto.
Alam ko agad ang ibig niyang sabihin. Tulad nga ng sinabi ko, mayayaman ang mga students na nag aaral sa school na iyon. Kaya siguro nag aalala siya na baka may mang away sa akin.
"Ayos naman. Hindi ganon kahirap. Nakahanap naman agad ako ng bagong kaibigan," sabi ko.
"Mag iingat ka sa mga kakaibiganin mo. Baka mamaya pagsamantalahan nila ang kabaitan mo at awayin ka nila."
He's like my brother. Palagi niya akong pinagsasabihan ng ganito hindi pa man nagsisimula ang klase.
I smirked. "Hindi naman ako mabait. Kaya wag kang mag alala, hindi mangyayari ang iniisip mo."
He smirked too. Sa ilang araw na magkasama kami, alam niya na agad ang ugali ko. Matapang ako at hindi basta basta nagpapa api o nagpapatalo. Kaya hindi na dapat siya mag alala.
Sumakay kami ng jeep at ilang sandali lang, nakarating na agad kami sa school.

Komentar Buku (109)

  • avatar
    Asteria_luna

    Hi! I finished reading your story in just one day, it's a piece of art! I can't help it, crush ko na ata si Brandon😭😭

    09/02/2022

      0
  • avatar
    David Montañez

    nice 👍👍

    20/08

      0
  • avatar
    CruzCassandra

    good

    29/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru