logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 1

Venus,
Nang imulat ko ang aking mga mata, agad kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng silid na ito. Nasaan ba ako? Sa langit?
Nah, mukhang nasa impyerno ako sa sobrang dilim.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko at inalala ang mga nangyari, kung bakit ako napunta rito ngunit wala akong naalala. Tanging isang pangyayari lamang ang naalala ko.
H-Huwag po maawa kayo sa 'kin.
Tears suddenly fell from my eyes. That scene... it's freaking real! Damn! I was almost... raped by those men.
You're safe now.
Isang lalaki ang tumulong sa 'kin. Siya rin ba ang nagdala sa 'kin dito? Muli kong nilibot ang aking paningin.
Lahat ng nasa paligid ko ay kulay itim. Magmula sa kulay ng silid hanggang sa mga kagamitin ay itim ang kulay nito. Paboritong kulay ko.
"Gising ka na pala."
Agad akong napatingin sa lalaking nakaduwang sa pinto at nakatingin sa 'kin.
"Sino ka?" I asked him. Sa tingin ko ay siya rin ang lalaking tumulong sa 'kin kanina. Hanggang ngayon ay suot-suot niya ang itim na panyong tumatakip sa kaniyang mukha. Pero kahit na tinulungan niya ako ay hindi parin ako magtitiwala sa kaniya.
He went inside and closed the door. Sinimulan din niyang tanggalin ang panyong nakatakip sa mukha niya. "Hindi mo ako kilala?" he asked.
I raised an eyebrow at him. "Magtatanong ba ako kung kilala kita?"
An awkward silence fell.
I gulped. May nasabi ba akong masama? Tama naman ako, 'di ba? Hindi naman talaga ako magtatanong kung kilala ko siya. Common sense!
He stared at me for a moment. His stares send chills down to my spine. Napahawak tuloy ako bigla sa dibdib ko, inhaling a large amount of air. Biglang naging suffocating ang atmosphere sa paligid namin. Hindi ko kinakaya.
I got frozen in a while. I never thought he could be this handsome. Yeah, he's freaking handsome. His attractive physique, his intimidating cold and dull gray eyes, thick eyebrows, shining black hair, and finally his lips.
What the freaking hell? I thought pangit siya dahil may takip ang mukha niya but I was totally wrong! He had a fair skin complexion just like mine and he was tall. He also had this not-so-hunk body, but it's not-that-petite.
This man is so damn attractive.
"Don't just stare," he said, finally breaking the ice. I quickly avoided his gaze. "Answer me, who are you at paano ka nakarating sa lugar na 'to?"
I gulped. "I... I-I lost, okay?" I answered. Naapaektuhan ako ng kagwapuhan niya.
"And your name?" he asked again, looking in my eyes deeply. "Wala kabang pangalan?"
Damn. I'd mistaken him as a foreigner not until I heard him talk in Tagalog.
"I'm Venus, Venus... J-J-Jones," I introduced myself.
The side of his lips rose up, forming a smirk. "Liar."
I felt my heart beating widely. It's all because of his intimidating aura. Tila hinihikop ang lahat ng tapang na mayroon ako.
Mas lalo siyang lumapit sa 'kin kaya agad akong napasandal. Isang dangkal na lamang ang agwat namin. Isang maling galaw lang ay mahahalikan na niya ako.
"But I'll let you use my surname, Ms. Venus Jones," sambit nito, pagkatapos ay lumayo na siya sa 'kin at naglakad palabas. And before he went out, he uttered something that made my entirety shake. "By the way, I'm Marcus, Marcus Jones."
My eyes widened in shock and my heart just skipped a beat. I felt like someone just splashed cold water on my face.
By the way, I'm Marcus, Marcus Jones.
I was panicking and didn't know exactly what to do. Should I stay? Should I run away?
No, I can't!
I groaned and messed up with my hair in frustration, closing my eyes.
My real name is Venus, Venus Sta. Maria. Ngunit nang itakwil ako sa pamilya namin ay inalis ko na rin ang apelyidong Sta. Maria. Nanggaling ako sa pamilyang may maayos at marangal na pamumuhay, ngunit nang mamatay ang aking Ama ay itinakwil na ako ng madrasta niya.
Ang nanay ko naman ay hindi ko na nakita simula nang iwan kami nito noong bata pa ako. Wala na akong mapuntahan kaya't palakad-lakad nalang ako sa lansangan hanggang sa mapunta ako sa isang liblib na lugar.
Jones Street...
My eyes widening slowly when I realize something. Ibig bang sabihin nito pagmamay-ari nila ang lugar na ito?
I almost jumped in the air when the telephone suddenly rang. I clutched my chest. Akala ko ay aatakihin na ako sa puso!
Inis ko iyong dinampot. "Fix yourself. I'll introduce you to my brotherhood," he said. Obviously, it's Marcus Jones.
Ang lalaking pumayag na gamitin ko ang apeylido niya.
Ayoko sanang kumilos at umalis sa kama nang maalala ko ang nakakatakot niyang tingin. Kung nakakamatay lang siguro ang matatalim na tingin nito ay kanina pa ako nakahandusay sa sahig. Duguan.
Naglinis ako ng katawan ko nang maalala ko na naman ang nangyari sa 'kin. Agad kong kinusot ang aking katawan at pinigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Ang laki pala ng utang na loob ko sa kaniya, dahil kung hindi dahil kay Marcus, baka kung ano nang nangyari sa 'kin sa kamay ng mga lalaking iyon.
Ngunit bakit niya ako dinala rito at hinayaang gamitin ko ang apelyido niya? Don't tell me may kapalit lahat ng iyon?
Tila may pumitik sa utak ko at wala sa sariling napatango. "Madilim lang siguro ang aura niya pero mabait—"
Napahinto ako nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Agad kong binilisan ang paliligo ko at lumabas ng banyo. Napalingon ako sa mga paper bag na nasa kama. Mga damit ito nang buklatin ko.
Napangiti ako habang nakatingin sa salamin. Sinukat ko ang itim na dress. Kasyang-kasya ito sa 'kin. "Mukha naman akong aalis nito," bulong ko at hinubad iyon. Nagsuot na lamang ako ng short at oversized na black shirt.
Nakakapagtaka lang at panay itim na damit ang nasa loob no'n.
Matapos kong suklayin ang maiksi kong buhok ay agad kong pinuntahan ang closet na nasa kaliwa ko at binuksan ito.
My lips parted. Sobrang daming damit! Mukhang mas malaki pa ito sa closet ko roon sa 'min. Ngunit nakakapagtaka lang, bakit kaya puro kulay itim ang kulay?
Tiningnan ko iyon isa-isa. Maging ang mga nandoon, karamihan sa mga damit ay kulay itim. "Kanino kaya ang mga 'to? Ibig sabihin sa kaniya itong kwarto—"
"What are you doing?"
I yelled when I heard a voice behind me. At nang humarap ako rito ay halos magdikit ang aming mga noo sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Lahat ng inis ko ay napalitan ng kaba at takot.
I took a step backward. "A-Anong ginagawa mo?" naiilang na tanong ko rito. Humakbang pa ito palapit sa 'kin kaya muli akong umatras hanggang sa maramdaman kong wala na 'kong aatrasan.
Kinulong niya ako gamit ang mga kamay niya, nakaharang ang mga iyon sa magkabilang gilid ko. "This?" Napatingin ako sa hawak nitong mga damit galing sa closet. "All of this are yours."
I blinked my eyes three times and looked at him. "This is mine?" I asked, shocked yet confused.
"Kailangan ko pa bang ulitin, Venus?" tanong nito habang magkasalubong ang dalawang kilay.
Umiling ako. "P-Pero... b-b-bakit?"
Lumayo na siya sa 'kin. Nakahinga ako ng maluwag doon. "Simple, starting today, you will be my queen."
His tone has become more chilling and I felt goosebumps all over my body.
Damn. Anong ginagawa sa 'kin ng lalaking ito?
"You're mine now, Venus. And remember, what's mine is mine," he went on.
I looked at him with disbelief."A-Ano—"
"I don't need your response, you're already mine," he cut me off.
Napanganga na lamang ako sa mga sinasabi nito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil gwapo ito o matatakot ako dahil ngayon ko lang ito nakilala at inaangkin na agad ako.
Kinuha niya ang isang kamay ko."Let's go, ipapakilala kita sa kanila—"
"P-Pero bakit nga?" I halted him, pulling my arms away. His brows drew together. "B-Bakit mo sinabing sa 'yo na 'ko?"
His lips formed a smirk. "Dahil ito ang kapalit ng lahat ng 'to," sagot niya habang nililibot ang paningin sa buong kwarto.
My lips parted as I stared at him with wide eyes. "H-Hindi ko kailangan nito, aalis nalang ako—"
"Okay," sagot niya bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Pumayag talaga siya kaagad?
"Tingnan natin kung may maliligtas pa sa 'yo. Delikado sa lugar na 'to, Venus. Tingan ko lang kung makalabas ka pa ng buhay."
I tried my very best to look cool. Hindi dapat ako magpakita ng takot sa kaniya. "Wala akong pakialam, mas pipiliin ko nang mamatay kaysa maging sa 'yo," sagot ko at kinuha ang gamit ko na nakapatong sa coffee table. "Tapos ano? Gagawin mo akong utusan? O-Or worse..."
My voice trailed off as I examined him from head to toe.
"Or worse, what?" he echoed, raising an eyebrow at me.
I averted my gaze at him and bit my lips before answering."S-Sex s-slave."
A long fall of silence swallowed the whole room. Napakagat ako ng ibabang labi ko. Dang, what did I—
Marcus started laughing. Nagulat pa ako roon dahil ito ang unang beses na makita ko siyang tumawa. Sa sobrang gwapo niyang tingnan sa ganoong hitsura, tila gusto ko siyang i-video at panoorin iyon nang paulit-ulit. Para kasing once in a blue moon lang niya iyong gawin.
"P-Pwede rin kung gusto mo," he uttered in between his laughs.
My eyes widened. "Bastos!" sigaw ko rito matapos siyang sampalin.
I saw how he clenched his jaw and licked his lips. Bigla nalang nagdilim ang aura niya matapos nang ginawa ko."I'll kill you."
I gulped as my hands started fidgeting. "I-I'm s-sorry—"
Damn, kill me raw!
Naglabas na siya ng baril kaya hindi ko na naitago pa ang takot na nararamdaman ko. "I'll shoot your head."
Sh*t.
"I-Ito naman, joke lang po! Payag na nga ako, e. Sa 'yo na nga ako... po," I said, trying to be polite.
He scratched his nose a bit before clicking his tongue against the teeth. "Let's go before I can't control myself anymore and kill you," sambit nito at naunang lumabas ng kwarto.
I rolled my eyes. "Let's go before I can't control myself anymore and kill you," I mocked, making a face.
"What?!"
"W-Wala! Ang sabi ko, ito na!" I said, forcing a smile ngunit inirapan lang ako ng loko. Ang sama ng ugali!
Sumunod ako rito at nanatiling nasa likuran niya habang pababa kami ng hagdan. May pinindot pa siyang switch sa gilid ng hagdan at ilang segundo lang ang lumipas ay isang malakas na tunog ang bumalabog sa tahimik na bahay ni Marcus.
"Para saan 'yon?" I asked, confused.
"To get their attention," he answered without looking at me.
Muli akong napairap. "Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko pa ngunit sa halip na sagutin ako nito ay nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad.
Napahinto ako. Sayang ang kagwapuhan ng lalaking ito kung patuloy niya akong susungitan.
Nakarating kami sa isang malaking pintuan. Tiningnan pa muna ako ni Marcus bago niya i-swipe ang keycard na hawak.
"State the password."
I almost jumped in the air when I heard a voice. Ang high-tech naman pala rito. Narinig ko pa ang pagtawa ng mahina ni Marcus bago magsalita.
"Deemon until my last breath."
My lips parted, trying to process what was said. Did he just say Demon? Demonyo?
I felt my heart took a sudden leap. Kung demonyo siya... i-ibig sabihin 'yung mga kasamahan niya ay—
"Our master is here. Let's all rise."
My eyes grew bigger when I saw one, two, three, four, five... sixteen, seventeen, eighteen, nineteen... I lost count! Sobrang dami nila at ang hindi ko matanggap, lahat sila ay lalaki.
"W-What the freaking—"
"Words," Marcus cut my words short. He went inside the meeting room (ayon sa kaniya) and sat on his swivel chair.
I looked at them once again. There were five long table and each table consist of six chairs. Ang napansin ko lang ay ang limang table na nasa unahan pwera pa ang table kung saan naroroon si Marcus.
He told me that he will intorduce me to his brotherhood. Bakit hindi ko man lang na-realize na lalaki silang lahat? The key word is there!
BROTHERHOOD.
I turned my gaze at Marcus. He was looking at me, too, raising a brow."Come here."
I stood frozen on the ground and stared blankly at the group of men before him. My eyes were blinking. "Puro kayo lalaki? N-No way, hindi ako sasama sa inyo!" I said and turned my back against them.
"Don't you dare—"
I halted him and gave him a sharp look."Are you crazy? Dinala mo 'ko rito sa high-tech mong bahay na puro lalaki naman ang nakatira! Aalis na 'ko!" I yelled and started walking away.
Napahinto ako nang makarinig ako nang pagkasa ng baril. "Subukan mong ihakbang pa 'yang mga paa mo," rinig kong saad nito kaya agad akong humarap sa kaniya.
I squinted my eyes at him. "Are you threatening me?" I asked him.
The side of his lips rose up when he glanced at me. "What if I am?" paghahamon niya.
"I'm threatened, then," I said and walked towards him. Pumuwesto ako sa gilid niya.
Mukha akong sekretarya niya.
Marcus cleared his throat to get their attention, and he succeed. All eyes are on him. "Deemons, this girl right here is Venus Jones. The new queen of this brotherhood."
I looked around, biting my lips, feeling a little awkward. Kailangan straight forward talaga? Hindi pa pwedeng tanungin muna sila o magbotohan kung papayag silang maging queen ang magandang tulad ko?
Sana naman naisip niya iyon para may pagkakataon akong tumakas kung sakaling hindi sila pumayag.
"Master, seryoso ka ba?" tanong ng lalaking kulay brown ang buhok at mayroong number two sa damit.
"Master, siya ba 'yung dinala mo rito kahapon?" singit naman nu'ng lalaking singkit na may number one sa damit.
Ano 'to by number? Bakit 'yung iba wala namang number sa damit nila?
"Oo, siya nga." Marcus tossed me a glance. I just rolled him my eyes. "May problema ba?"
They all shook their heads. Dapat sinabi niyo mayroon!
"W-Wala naman, Master. Welcome, Ms. Venus!" sagot ng lalaking may number three naman sa damit.
"Good," he simply said and stood up from his seat.
"T-Teka... saan ka pupunta?" I asked him.
"Kilangan ko nang umalis. Kayo na ang bahala sa kaniya. Tell her about our hood, our rules, and the punishment," he reminded them, ignoring my question.
He left me with his brotherhood. I bit my lower lip as I met everyone's eyes, not knowing what to say. Should I greet them or what?
Okay, isang hi nalang.
"H-Hi—"
"Welcome, Queen Venus!" they all greeted me.
I was taken a back, not knowing what to do. Lahat sila ay nag-bow sa 'kin at nanatili sila sa ganoong posisyon. Sa pagkataranta ko ay nag-bow rin ako sa kanila.
"Back to work!" sigaw nu'ng lalaking may number 5 sa damit. Gwapo ito at mukhang bata pa. Ganoon din naman ang iba sa kanila pero ang isang ito... parang may dugong bughaw. Iba rin ang pakiramdam ko sa kaniya, hindi ko ma-explain.
Lumapit sa akin ang limang lalaki na may mga numero sa kani-kanilang suot na damit. Nakalagay iyon sa kaliwang dibdib nila. Napansin ko rin na lahat sila ay naka-itim at mayroong Deemon na nakalagay sa laylayan ng damit nila. Akala ko Demon, double e pala.
Hindi ko alam kung anong ire-react ko."A-Anong ginagawa—"
"Welcome to Deemon Brotherhood," they greeted me in unison.
My forehead creased."Deemon Brotherhood?" I echoed. Ano ba kasi iyon?
"Lahat sila ay member ng DB, Queen. Mayroong limang section ang Deemons, ang Abnormal, Semi-normal, Mortal, Immortal at ang Devils." sagot sa 'kin ng lalaking may number five sa damit.
"At bawat section may namumuno. Ako si Uno Deemon, ang boss ng Abnormal Section. Mga abnormal man kami, gwapo't malalakas naman!"
"Dos Deemon, Semi-normal."
"I'm Tres Deemon, leader ng Mortal."
"Kwatro Deemon from Immortal."
"And I'm Singko Deemon, ang hari ng mga demonyo."
Sunud-sunod nilang pagpalakilala. Kaya pala may mga numero sa damit nila. But I felt goosebumps all over my body as my eyes laid on Singko's sinister grin. They way he uttered those words... I don't know. Ayoko nang isipin pa. Doon naman sa Dos ay parang peke lang ang mga ngiti niya—wait, am I being judgemental?
"H-Hello sa inyo," naiilang na bati ko. Ningitian naman nila ako at ipinakilala pa sa ibang mga member nila.
Each group consist of six members. Ang grupo ni Uno ay hango sa kulay ang mga pangalan. Semi-normal at Mortals naman ay hango sa zodiac sign. Ang Immortals at Devils naman ay may kaniya-kaniyang code names.
May ipinakita sila sa 'king list at information tungkol sa grupo nila. Abnormals are known for making advanced technologies or simply inventors. They considered the Deemon's Mansion as the most secure house because of their inventions. They are also a bomb specialist, has the ability to make or defuse even the most dangerous bombs.
Semi-normal, on the other hand, mastered all the tactic and combat skills. Lahat sila ay marurunong makipaglaban, including sword fight. Ang sabi pa ni Dos ay may mga snipper sa mga member niya.
Tres Deemon's group which is Mortal are silent killer. Uno told me that they are the dangerous one. Malinis silang trumabaho at walang palya.
Immortals are the computer expert, also known as hackers. Kaya nilang i-hack ang kahit anong system. Tres, the leader of the Mortals told me that Kwatro once got caught but instead of throwing him to hail, the authorities offered him a job at the NBI Cybercrime Division. Sadly, he declined it. Masyado pa raw siyang bata sabi ng ilan sa mga officer ng NBI at mas gusto rin niyang mag-stay kay Marcus.
Anong mayroon ang lalaking 'yon, ha?
Last but not the least, the Devils. They are all Detective Conan's fans, meaning lahat sila ay mahihilig sa mystery. Ang mga members ng Devils ay mga detective.
"W-Wait a minute." I turned my gaze at Singko after reading their information. "So lahat kayo gusto talagang maging detective or what? I mean, pwede naman kasing isa or dalawa lang, 'di ba? Ang dami niyo kasi, pito kayo."
"Walo sila, Queen," ani Uno. Kumunot ang noo ko at napatingin muli sa folder na hawak ako.
Masama ko siyang tiningnan. Pinagloloko ba ako nitong si Uno? Malinaw na malinaw, pito silang detective rito.
"Master is the other one, the real one to be exact," said Tres.
My eyes slowly widened. Si Marcus?
Dos and Uno suddenly laughed. "Hindi naniniwala si Queen!" Dos said in between his laughs.
"Mukhang criminal kasi si Master!" Uno said which made them laughed even more. Sobrang lakas niyang tumawa, nakakahawa pa.
"Hindi naman sa gano'n," sambit ko nanag matigil kami sa pagtatawanan. "N-Nagulat lang ako, okay?"
They all nodded.
"Fan na fan ni Detective Conan 'yon, Queen. Nahahawa na nga niya 'yung iba lalo na 'yung Devils," ani Dos.
My eyebrows knitted. "I was just wondering, is there a term for Detective Conan Fans? I mean, Harry Potter fans are called Potterheads, and Sailor Moon fans are called Moonatics, how about them?" I asked curiously.
"Sa pagkakaalam ko, wala naman." Singko shook his head.
* * *
Nasa sala ako ngayon habang ang iba ay may kaniya-kaniyang ginagawa. Mayroong naglalaro ng cellphone nila, may gumagamit ng computer, may nag-e-exercise at may nanonood ng TV.
"Okay ka lang ba, Queen?" tanong ni Uno na nasa kaliwa ko. Tumango naman ako rito at pilit na ngumiti.
"A-Ah, oo. Lahat ba kayo rito nakatira?" tanong ko pa at humarap sa kaniya. Sobrang laki ng bahay na mayroon sila. Deemon's Mansion nga ang tawag nila rito. Sa tantya ko, kasya rito ang halos limangpung katao. Pwede kang maligaw sa rami ng pinto at pasikot-sikot sa lugar.
"Oo, halos kasi lahat sa 'min wala ng pamilya. Itong brotherhood nalang ang pamilya namin," he said, staring at Deemons. I could see the glint of happiness in his eyes. "Halos lahat sila ay inampon ni Master."
Astounded, I looked at him. That guy... adopted them? Is he serious? Well, siguro hindi ko pa siya ganoon kakilala. I mean, silang lahat. Siguro nga mabait talaga ang lalaking 'yon... kapag tulog.
"Gaano na kayo katagal?" tanong ko pa. Mukha kasing matagal na silang magkakasama. Wala na akong awkwardness na nakikita.
"7 years and 5 months."
There was a slight hint of surprise on my face. "Ang tagal niyo na pala."
Napangiti naman ito at tumango. "Since highschool, 'yung iba elementary palang kasama na namin." He let out a short laugh. "Sa ngayon, karamihan sa 'min nag-aaral."
Tumango-tango naman ako at saglit na nanood ng TV nang biglang dumating si Dos at Kwatro. "Nasabi mo na bro 'yung pinapasabi ni Master?" tanong ni Dos kay Uno.
"Oo nga pala, 'yung rules ng brotherhood!" aniya at may kinuhang black folder. Sa lakas ng sigaw niya, halos lahat ng Deemons ay napatingin sa gawi namin.
"Pagpasensyahan mo na si Uno, Queen. Malakas talaga ang boses niya kaya nga microphone ang nickname niya," ani Dos.
"Nakalunok siya," said by Kwatro. Yes, those were only words that he said. I thought he would say something along the lines of Uno being a loud and talkative person, but he did not dare to elaborate.
Ang tahimik siguro talaga ng taong 'to.
Nang makabalik si Uno ay agad niyang iniabot sa 'kin ang itim na folder. "Deemon Brotherhood Files. Lahat kami rito ay gangster," panimula nito. "At dahil ipinakilala ka ni Master bilang queen, you have to be a gangster like us."
My eyebrows furrowed. "A gangster?" I echoed and they all nodded. "Paano ba maging gangster?"
"You have to understand one thing about being gangster. It's a life-long commitment," sagot ni Singko sa 'kin. Sa kanilang lima, mukhang sila ni Kwatro ang palaging seryoso. Lamang nga lang siya ng konti dahil malapit na siyang maging si Marcus. Parehong nakakatakot ang aura.
"Nadyan lahat ng rules and regulation namin, Queen. Kung gusto mo ng kopya, I can ask Black to hand you a copy," Uno told me.
Napatango naman ako kahit hindi ko sila masyadong naintindihan. Kinuha ko na lamag ang itim na folder at binuksan. Buong akala ko ay napakaraming rules ang babasahin ko, pero sampu lamang ang nakasulat doon. Napakunot pa ako ng noo nang mabasa ang mga iyon.
'Respect your Master.'
'Never backstab each other especially your Master.'
'Serve your Master.'
'Do what I want as your Master.'
'Once you join, there's no turning back because you'll die.'
'Treat your Master like a God.'
'Kill those who betrayed us.'
'Fear NOTHING.'
'All types of crime are allowed.'
'Kill as many as you can.'
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanilang lima. "Ito ang rules and regulations niyo?" I asked them in disbelief.
"Yes, Queen!" masiglang sagot ni Dos at Uno.
I gestured for them to follow me. I guess this will be my first task. Marcus wants me to be his—their queen anyway.
"All of you follow me!"
***
The Lost Princess Series II
by: thesweetest_thing

Komentar Buku (49)

  • avatar
    Ronielyn Arguelles

    it's so very nice story, 😊 I like it🥰

    27/07

      0
  • avatar
    mark angelo

    Angelo

    08/07

      0
  • avatar
    DudoyanJessie

    so beautiful story

    08/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru