logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 5

Tyron's POV
Hindi ako nakapagpalit ng uniform dahil naiwan ko 'yon sa higaan ko. Babalikan ko sana 'yon kanina pero nakalocked na ang pinto kaya wala na akong ibang choice kung hindi ang pumasok sa school na naka white t-shirt lang. 
Mabilis namang lumipas ang mga oras at break time na. Hindi na lang ulit ako kakain at matutulog na lang. Kulang na kulang ako sa tulog dahil sa work ko. Ayoko rin namang pabayaan ang pag-aaral ko dahil lang sa work ko, hindi ko naman ito madadala habang buhay- hanggang sa pagtanda ko. Pero ang pag-aaral ay dala-dala ko na 'to, ikamatay ko pa. 
Nakaduktok ako ngayon sa desk ko nang may naramdaman kong may tumapik sa likod ko. Napaangat ang mukha ko at nakita ko si Franz, siya ang tumapik sa likod ko. 
"Bakit?" tanong ko.
"Sabay ka na sa amin, merienda tayo sa canteen." pag-aalok nito sa akin.
Umiling ako. “Hindi na, hindi naman ako gutom.” 
Pagkasabi ko non ay bumalik na ko ulit sa pagtulog. Mas gugustuhin ko pang matulog na lang kaysa kumain, tulog ang kailangan ko ngayon hindi pagkain.
"Tara na, huwag na pilitin ang ayaw. Masyadong pabebe." ani boses ng anak ng bagong asawa ni Imelda. 
Hindi ko na lang ito pinansin at pinatulan pa, wala akong panahon para makipag-asaran pa sa kanya, dahil tulad nga ng sabi ko ay tulog ang kailangan ko, hindi ibang bagay lalo na't kung wala namang kwenta. 
Hindi ko na naramdaman pa ang pagkalabit sa akin ni Franz, siguro ay umalis na sila. 
Hindi naman nagtagal ay nilamon na ako ng antok. 
Lizzie's POV
Papasok na kami sa canteen nang may naabutan kaming isang kumpol ng mga kalalakihan at kababaihan. Nakakumpok sila sa isang babaeng nakaupo, dahil nakatalikod ito sa entrance ng canteen ay hindi namin maaninag kung sino ang babaeng pinagkakaguluhan ng mga estudyante rito.
"Sino 'yon? Tara tingnan natin!" pag-aaya ni Floryn sa amin ni Franz.
Agad naman kaming sumunod kay Floryn na pumunta agad sa harapan. 
"So, kailan ka pa rito? Mukhang bago ka lang, ah? Taga saan ka?" tanong ng isang lalaki sa babaeng katabi nito. Hindi ko makita ang babaeng nakaupo dahil maliit ako at nahaharangan iyon ng katawan ng mga kalalakihang nasa unahan ko. 
Tumawa ng mal*ndi ang babae. "Bakit? Gusto mo bang sumama sa bahay ko?" sabi nito sa malanding tono.
Nangunot ang noo ko, parang pamilyar sa akin ang boses.
Gusto kong alamin kung sino 'yon, sana'y nagkakamali lang ako. Dahan dahan akong lumakad, hinahawi ko ang mga estudyanteng nasa unahan ko pero dahil nga mga lalaki ito ay nahirapan akong hawiin sila, mabibigat kasi ang mga katawan nila at tutok na tutok pa sila sa babaeng naka-upo. 
Napagmasdan ko ang katawan nito. Makinis ito, maputi at kakaunti lamang ang nakikita kong balahibo nito sa binti. Kitang kita ang kaputian niya dahil sa sobrang hikli ng palda nito. Dahan dahan kong tinataas ang paningin ko, payat ito, kasing katawan nito si Mika. 
Nangunot ang noo ko nang makita ang mukha nito. 
"Mika?" mahinang tanong ko.
Hindi nila iyon narinig, at patuloy lang sila sa pagpapantasya sa katawan ni Mika. Napailing ako, ang lakas ng loob niyang gawin ito, hindi siya nahihiya kahit na pinagpiyestahan na ng mga lalaki ang katawan niya ay ayos lang. 
'Huh! Ang tindi mo talaga, 'tay! Napapayag ka ng babaeng 'to? Magiging sunud-sunuran ka na lang ba sa kanila!?'
Tyron's POV
"Good morning, class!" 
Automatic na umangat ang ulo ko sa harapan. Pero wala naman akong nakitang teacher na pumasok, napalingon ako sa likod ko. 
"Good morning, class!" pag-uulit ng anak ng bagong asawa ni Imelda. 
"Ano? Matutulog ka na lang ba dyan? Hindi ka na ba kakain?" tanong niya habang magkakrus ang mga braso.
Hindi ko siya pinansin at idinukdok ko lang ulit ang ulo ko sa desk.
"Tyron!" pangungulit nito.
"Ano bang pake mo?" malamig kong saad.
"Oh!" Inabot niya sa akin ang isang sandwich at isang mineral. 
"Anong gagawin ko dyan?" tanong ko habang nakadukdok pa rin ang mukha sa desk.
"Titigan mo." pasaring na sabi ng anak ng bagong asawa ni Imelda.
Hindi ko iyon kinukuha kahit pa alam kong nangangalay na ang braso nito, nakatitig lang ako dito.
"Bakit ayaw mo pang kuhanin? Gusto mo ba subuan pa kita?" mataray na tanong ko. 
"Hindi ba sabi mo ay titigan ko? Ayan, ginagawa ko na." 
Sa inis nito ay pinatong nito ang pagkain sa ulo ko. Ako naman ay hindi nakagalaw dahil kapag ginalaw ko ang ulo ko ay alam kong malalaglag ito sa sahig. Sayang ang pera.
Pinipilit kong bawiin ang kamay ko sa ibabaw ng desk ay hindi ko ito magawa, nag-uumpisa na akong magpanic dahil nababasa na ang buhok ko dala ng lamig mula sa inumin. Nakita ko namang nagpipigil ng tawa ang babaeng 'to habang ako ay hirap na hirap na sa ginagawa.
"Kukuhanin mo ba 'to o pagtatawanan mo na lang ako?" malamig kong tanong.
Hindi na niya napigilan ang kanina pang pinipigil na pagtawa. Bumulalas na ito ng tawa kaya naman nagtinginan na ang mga kaklase namin na nasa room na. Naramdaman ko na lang na may kumuha non mula sa gilid ko. 
Pag-angat ko ay nakita ko si Franz na hawak ang sandwich at bottle ng mineral water. Nakangiti itong nilapag iyon sa desk ko at kinurot niya ang pisngi ni Lizzie na sumama naman bigla ang mukha. 
"Merienda ka muna hanggat hindi pa nauubos ang break time natin." ani Franz.
Hindi ako kumibo at kinain na lang ang sandwich. 
Maya-maya naman ay dumating na ang teacher namin. Kailangan kong i-focus ang sarili ko sa goal ko, wag hahayaang madistract ng ibang tao.
Lizzie’s POV
After ng klase ay dumiretso akong muli sa dati naming bahay. Magbabakasakali na makita ko roon si Nanay. Katulad nang kinaggawian ay naroon pa rin ang notes na iniwan ko last time. Nagsulat ako ulit sa bagong papel, pinagsama-sama ko ang lahat ng mga naisulat kong notes sa tuwing pupunta ako roon. Nakakarami na pala ako, pero ni-isa manlang ay mukhang hindi ito nakita ni Nanay. 
Mabigat ang loob kong nagsusulat sa papel. 
Nanay, si Lizzie ‘to. Anak niyo ni Lucio. Pag nakita mo ang sulat na ‘to ay tawagan o i-text mo lang ako sa number na ‘to. 09065672***. Hihintayin ko ang text mo. I miss you, nanay. 
Lumabas na ako sa dati naming bahay. Dala-dala ko pa rin ang pag-asang mahahanap ko si Nanay. Hindi man siguro sa ngayon, pero naniniwala akong darating din ang panahon na magkikita at magkakasama muli kami. Naniniwala akong babalik muli ang dating saya ng pamilya namin, na kung saan kami ay kuntento na kahit pa tatlo lang kami sa isang bahay. 
Itutuloy...

Komentar Buku (6)

  • avatar
    Ma Rebecca Vedas Geslaga

    next episode pls

    20/02

      0
  • avatar
    Felipe Brito

    O amor da minha mãe está bem se você está chorando amor eu te amoo demais meu amor maravilhosa incrível diva deusa coisa mais linda desse jeito que você está com você e o que eu não vou amor e carinho e a senhora sabe o quanto é o amor da minha vida eu te amo dmsss minha princesa mais linda desse mundo meu aprendendo com você é muito grande e o meu lar e o amor da minha vida e a gente já está vindo aqui amor e a senhora sabe que não é o amor da minha vida eu te amo muito e eu te eu vou fazer um

    19/11/2022

      0
  • avatar
    SueltoGlyn

    greatful

    11/07/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru