logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 2

"Lizzie, hija? Gising na! Maaga ka pang papasok, ‘di ba?"
Nagising ako sa malakas na katok ng Imeldang 'to. Hindi ko namalayang umaga na pala dahil late na ako nakatulog kagabi. Hindi ako sumagot dahil wala akong tiyaga na makipagplastikan sa imp*ktang 'yon. Tama nang siya at ang mga anak lang nito ang plastic sa bahay na 'to. Tumayo na ako upang maligo, maya-maya lang ay lumabas na ako ng nakabihis na. Nakita kong kumakain na sila kaya naman nagdire-diretso na lang ako palabas ng bahay. 
Wala pa ako sa school nang marining kong may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran, nang makita ko kung sino 'yon ay nagdire-diretso lang ako sa paglalakad at hindi ito pinansin. Binilisan ko na rin ang paglalakad ko dahil mukhang mababadtrip ako sa buong maghapon. 
Napapitlag ako ng biglang may humawak sa braso ko at bigla ako nitong niyakap. Nagulat ako sa ginawa nito kaya dali-dali ko itong tinulak ng malakas. Masama naman ang tingin na pinukol nito sa akin at saka nagsalita. 
"Walang anuman." blangkong ekspresyon ang pinakita sa akin at saka ito naglakad na paalis.
"Tss. Problema mo?!" napairap na lang ako sa kawalan, naglalakad na rin ako nang bigla ako nito hinarang at may ini-abot sa akin. 
"Ano 'to?" tanong ko.
"Tinapay." tipid niyang sagot. 
"Oo nga, anong gagawin ko dito?" pabalang kong sagot. 
"Malabo lang ba mata mo o talagang gusto mo lang ako makausap dahil kahit alam mo na kung ano yan ay itatanong mo pa? Malamang kakainin mo, alangan namang ipamigay mo." masungit nitong sabi. 
"Tss, sungit." tumango-tango naman ako at saka nagtingintingin sa paligid. "Pwede rin." saad ko. 
May nakita akong dalawang batang nakaupo sa gilid. Inabot ko sa kanila ang tinapay na binigay sa'kin ng lalakeng 'to. Hindi naman ako gutom at isa pa ay nakaka-awa silang pagmasdan, mas okay nang pagkain ang ibigay ko sa kanila kaysa pera hindi naman natin masisiguradong sa pagkain nila 'yon ginagastos. 
Ngumiti sila sa akin at sumimangot naman ang lalaking 'to. Naglakad na ako para pumasok na dahil baka malate na 'kong tuluyan. Naramdaman ko namang sumusunod sa akin ang anak ng Imeladang imp*kta kaya huminto ako at humarap  sa kanya. 
"Papasok ako, ikaw saan mo balak pumunta?" 
Malamig niya akong tiningnan at nilampasan ako. "Wala ka na ron."
Napa what-the-kingin*-look na lang ako. Hinihiyawan ko siya pero ang g*go hindi manlang lumingon at itinaas lang nito ang kanang kamay sa ere at kumaway ng patalikod habang patuloy sa paglalakad.
*****
Nagtakbuhan ang mga kaklase ko dahil paparating na ang prof namin. Pumasok ito at dire-diretso sa harapan. 
"Listen. May bago kayong magiging kaklase. So, be friendly mga anak, okay?" nakataas ang nitong tinawag ang nasabing transferee sa labas ng pinto. 
Namilog ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang lalaking pumasok sa room namin.
"Ikaw!?"
Takang tanong ko at napatayo sa gulat. Nagtinginan at nagbulungan ang mga kaklase ko pero ang isang 'to ay hindi manlang ako nagawang tapunan ng tingin.
Tumingin sa akin si Sir Perez at nagtanong. "Do you know him, Ms. Davis?"
Nanatili lang akong nakatayo, iniisip kung anong binabalak ni Imelda kung bakit niya pinasok ang anak sa school na pinapasukan ko. 
"N-No, Sir. Not y-yet.."
"Hmm. Is that so?" tumikhim ito at tumingin sa Tyron na 'yon. 
"Mr. Transferee, can you introduce yourself?"
Saglit itong tumingin kay Sir. Perez at nag-umpisa ng magpakilala. 
"I'm Tyron, Tyron Avery Trillano."
Wala nang ibang sinabi ang j*rk na 'to kung hindi ang pangalan niya lang. 
Nag tinginan naman ang mga kaklase ko pati na rin ang teacher namin, nagtataka kung bakit ganoong ugali ang pinakitang bungad nito sa lahat gayong bago at magiging kaklase pa lang naman namin siya at mahaba-habang taon rin ang pagsasamahan namin. 
'Tss. What a j*rk!'
Tyron's POV
Gustuhin ko mang tumanggi sa gusto ng babaeng ito ay hindi puwede. Siya ang nasusunod sa lahat ng oras pagdating sa buhay ko. Pinakikisamahan ko lang ito dahil ako ang nagbabayad sa nagawang kasalanan ng ibang tao sa babaeng 'to.
Iniintay ko na lang ang panahon na mabayaran ko lahat ng nagawa ng taong 'yon sa pamilyang 'to. Naghihintay lang ako ng tamang oras at tiyempo upang makawala sa puder nila. Hindi ko alam kung kailan sasabog 'tong bigat ng nararamdaman ko. 
Alam kong isang araw, magtatagpong muli ang mga landas natin. At sa pagkakataong 'yon, sisiguraduhin kong pagsisi-sihan mo ang mga nagawa mo.
Lizzie's POV
"Anong ginagawa mo rito!?" tanong ko kay Tyron pagtapos ng unang klase namin sa English. 
Dinala ko siya sa likod ng school namin, walang gaanong nagpupunta rito dahil nga masyado na 'tong tago.
Tiningnan niya ako sa mata ng walang buhay. "Nag-aaral." tipid niyang sagot. 
Tumaas ang kanang kilay ko. "Oo nga, what I mean is bakit ka nandito!?"
"Tanga ka ba? Malamang para mag-aral. Bakit ikaw ba? Bakit ka nandito?" blangko ang mukha nito. 
Napapikit na lang ako sa inis. "Sa dami ng school bakit dito mo pa naisipang mag-aral!?"
Sumandal ito sa pader habang nakapamulsa at ang isa naman nitong paa ay nakataas habang nakasandal rin sa pader. "Tingin mo ba gusto ko ring makasama ka sa iisang eskwelahan?" mayabang nitong tanong sa akin. 
Napapikit ako sa inis. Ilang segundo kong pinakalma ang sarili ko. "Fine. Sana lang ay huwag itong malaman ng mga kaklase natin. Huwag na huwag mo akong kakausapin kapag magkikita tay-"
"Panong hindi kita kakausapin, eh, magkaklase lang naman tayo. Tanga ka ba?"
Lalong nag-init ang punong tainga ko dahil sa sinabi nito. 
'Talagang sinasagad mo ako?'
Sa inis ko ay padabog kong sinandal ang palad ko sa tabi ni Tyron na pinagsasandalan nito at nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. 
"Yun na nga, let's pretend na lang na hindi tayo magkakilala. Ayokong malaman ng mga kaibigan ko at kaklase natin ang relasyon natin. Siguro naman ay sapat na tong explanation ko para maunawaan mo ibig kong iparating?"
Lalo namang nilapit nito ang mukha sa akin. 
"Na? Na step-bro mo ako at step-sis kita?"
Namilog ang mga ko sa gulat, hinawakan ko ang bibig niya dahil baka may masabi pa itong hindi dapat. Tumingin sa kaliwa't kanan ko, baka may taong nakarinig ng sinabi nito. 
"Ano ba! Baka may makarinig sayo!" 
Tinabig niya ang kamay kong nakahawak sa bibig nito at kinabig niya ako para ako naman ang masandal sa pader. Nagkapalit na kami ngayon ng posisyon. 
"Ayaw mong may maka-alam na isa na tayong pamilya ngayon?" bahagya itong yumuko at inilapit ang mukha sa akin, nakakatakot ang mga titig nito, sobrang lamig sa pakiramdam. "Ako ba, natanong mo ba kung gusto kong maging miyembro ka ng pamilya ninyo?" nilapit niya ang bibig niya malapit sa tainga ko. 
"Siyempre hindi…" he whispered. 
Dahan-dahan naman niyang nilayo ang sariling mukha sa mukha ko. 
Mabilis na itong tumalikod at lumakad palayo sa kinaroroonan ko. Mainit ang tingin kong pinagmasdan ang likod nitong papalayo sa gawi ko. 
Hindi ko maiwasang hindi maikunot ang noo ko, halos magsalubong na ang kilay ko sa pagka-inis sa lalaking 'yon.
'Lalake ka? Ano ngayon!? Akala mo ba ay uurungan kita?'
*****
Pauwi na ako at nasa unahan ko lang 'tong Tyron na 'to. Natatawa pa akong umiiling nang makita kung paano siya titigan ng mga estudyante sa school namin. 
"Psh! Mapagtripan ka sana ng mga siga rito.." mahinang sambit ko habang pinagmamasdan ko lang ang likod nito. 
Medyo malapit lang ang bahay sa school, kaya't matiwasay naman kaming nakauwi. 
Pagkapasok na pagkasok ko ay naghahanda na ang bagong asawa ng tatay ko ng pagkain. Dire-diretso lang akong pumasok ng bahay, hindi ko sila binati kahit sila naman ay binati ako. 
Naamoy ko ang lutong ulam na nanggagaling sa kusina. Nagsimula nang kumalam ang tiyan ko pero kahit nagugutom ako ay hindi ko maatim na kumain kaharap sila. 
Nagbihis na lang ako ng pambahay na damit at kinuha ko na lang ang notebook sa bag ko. Gagawa na lang ako ng assignment. 
Nakakailang sagot pa lang ako ay nakarinig na ako ng mahihinang katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Kasunod niyon ay ang boses ni tatay. 
"Anak, kanin muna tayo." 
"Hindi ako gutom, tay." pagkukunwari ko pero ang totoo ay kaninang tanghali pa ako huling kumain, sa canteen pa ng school namin. 
"Ganoon ba, sige pag nagutom ka lumabas ka lang, ha? Hihintayin kita rito sa kusina." 
Hindi na ako sumagot at narinig ko naman ang mga yabag ng paa nitong palayo sa kwarto ko. Nagsimula na ako magsulat ulit pero hindi ako makapagfocus dahil kalam nang kalam ang tiyan ko. 
Mahina ko itong sinuntok at ako lang rin ang nasaktan. 
'Hihintayin ko na lang na makatapos sila, at saka ako maghahanap ng pagkain sa kusina.'
Pero mukhang hindi ako nito aabot ng mamaya pa, hindi ko na talaga kayang pigilan itong gutom ko. Nagsisimula na akong pagpawisan sa katawan man at sa palad ko, nagsisimula na rin akong manginig at pakiramdam ko ay ano mang oras masusuka ako dahil sa pagkagutom ko. 
Tiniis ko pa rin ang sarili kong huwag lumabas sa kusina dahil alam kong nandoon pa sila sa kusina at masayang kumakain. Ilang minuto lang ay magsisitulog na rin sila at puwede na akong makakain. 
Hinang hina na ako at hilong hilo na, nagsisimula na ring manginig ang kamay ko kaya't hindi na muna ako nagsulat. Dinukdok ko na lang ang ulo ko sa table. 
Napatitig ako sa kawalan. Bakit kailangan ko pang magtiis ng gutom? Gayong bahay ko naman ito, at sila lang naman itong nakikitira. 
Kung hindi lang kami iniwan noon ni nanay, sana'y hindi ko ito nararamdaman ngayon. Nasaan ka na ba kasi nanay, bakit hindi mo manlang magawang magparamdam, kahit sa akin manlang. Bakit kailangan mo pa kaming iwan ni tatay. Hindi ba't masaya naman tayo? Bakit kailangan mo pang gawin iyon. 
Sa sandali ring 'yon ay napapikit ako kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata ko. 
Tyron's POV
Nagising ako ng 1:00 am dahil sa pagkalam ng tiyan ko. Hindi ako kumain kanina dahil wala akong tiyagang magpakita sa mag-amang iyon na isa kaming masayang pamilya na kahit ang totoo naman ay hindi.
Bumangon ako sa higaan ko at pumunta na akong kusina, naghalungkat ako ng makakain pero wala akong makita sa lamesa na pagkain kaya't tinungo ko ang ref. Ang rami ng pagkain, halos walang wala ito sa kalingkingan noon sa dati naming tinitrhan. 
Ang daming mga juice at milk sa ibaba ng ref nila at sa freezer naman ay ang mga pwedeng ma-ulam katulad ng mga longganisa, manok, isda at mga maliliit na tipak ng baboy. Walang tirang ulam sa lamesa pero mayroon pa namang kanin sa kaldero. Napansin ko rin ang lababong punong-puno ng mga maruruming pinggan. 
Napagpasyahan ko nang kuhanin ang isang longganisa at binabad ko muna iyon sa tubig habang hinuhugasan ang mga maruruming pinggan na nakatambak lang sa lababo. 
Nabilang ko ang platong marurumi na iyon at alam kong hindi kumain ang anak ng bagong asawa ni Imelda dahil tatlo lamang 'yon. Kaya't sinimulan ko nang magprito at pagtapos ay nagsimula na akong kumain. Nagtira rin ako ng kanin para sa anak ng nakatira rito at hinugasan ko na rin ang pinggan na ginamit ko, pagkatapos ay pumasok na ako ulit sa kwarto para magbihis, kailangan ko nang pumasok sa trabaho. 
Lizzie's POV
Nagising ako ng muling kumalam ang sikmura ko. Nakaamoy ako ng ulam mula sa kusina kaya't lalo akong naglaway. Tiningnan ko ang oras sa cell phone ko, 2:00 am na pala, pero nagugutom pa rin talaga ako kaya napagpasyahan ko nang tumayo at pumunta sa kusina. 
May nakita akong may nakataob na plato sa lamesa at nang buksan ko iyon ay isang longganisaang nakita ko. Tamang tama ito dahil takam na takam na ako.
Sinimulan ko nang lantakan ang pagkain, bagong luto lang ito, marahil ay naisip ni tatay na hindi pa ako kumakain kaya't pinagprito niya ako ng ulam. 
Habang ngumunguya ay masaya ako dahil pinagluto pa rin ako ni tatay ng pagkain. Hindi niya pa rin ako nalilimutan kahit na mayroon na itong bagong asawa. 
Sana lang ay hindi ito sa umpisa lang…
Itutuloy…

Komentar Buku (6)

  • avatar
    Ma Rebecca Vedas Geslaga

    next episode pls

    20/02

      0
  • avatar
    Felipe Brito

    O amor da minha mãe está bem se você está chorando amor eu te amoo demais meu amor maravilhosa incrível diva deusa coisa mais linda desse jeito que você está com você e o que eu não vou amor e carinho e a senhora sabe o quanto é o amor da minha vida eu te amo dmsss minha princesa mais linda desse mundo meu aprendendo com você é muito grande e o meu lar e o amor da minha vida e a gente já está vindo aqui amor e a senhora sabe que não é o amor da minha vida eu te amo muito e eu te eu vou fazer um

    19/11/2022

      0
  • avatar
    SueltoGlyn

    greatful

    11/07/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru