logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 07: Blurry

SHANE'S POINT OF VIEW
See? Tama ako!
Ang akala ko rin, hindi niya i-e-end ang tawag pero in-end niya na. Aba . . . lokong May talaga.
ANDREI'S POINT OF VIEW
"Hindi niya maalala," sabi ni May pagkasagot na pagkasagot ko pa lang ng tawag niya.
Hindi niya ako naaalala. Kung sabagay, bata pa kami noon at matagal na rin iyon.
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin na ikaw 'yung childhood friend niya? Ganoon ba talaga kahirap sabihin?" tanong ng kausap ko sa kabilang linya.
"Hindi ko alam," sagot ko . . . which is true. Hindi ko alam. Puwede naman akong magpakilala sa kaniya na ako 'yung childhood friend niya ngunit malay ko ba sa sarili ko, hindi ko magawa. Siguro, dahil gusto kong marinig mula sa kaniyang naaalala niya ako. Uh, it's so . . . gay.
"Hindi mo alam? Mauunahan ka pa ni Zy kung magpapatumpik-tumpik ka pa."
Bigla akong naguluhan sa sinabi niya. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Gosh, Andrei, may gusto si Zy sa kaniya."
"Eh? Nagbibiro ka ba?" Seryoso? Hayung Zy na iyon? May gusto siya kay Shane? Hindi halata. Masiyado kasing seryoso ang mukha n'on.
"Hindi, malamang. You must make your first move. Bahala ka. Napakatagal mo siyang hinanap tapos makukuha lang pala ng iba."
"Wait, 'di ba, hindi pa siya nakakapag-move-on sa first boyfriend niyang si Charles?"
"Um . . . hindi pa."
Noong marinig ko iyon, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Kung matutuwa ba dahil hindi muna siya magpapapasok ng kung sino ulit sa puso niya para makapaghanda pa ako o kung malulungkot ba dahil baka hindi na siya magmahal ulit. Uh, napakagulo ko.
"Well, I'll help her para hindi na siya masaktan pa."
"Be careful."
"Careful? Saan?"
"Baka may masabi kang mali tungkol kay Charles. Alam mo naman, si Shane, sa situwasyon niya ngayon, sensitive siya."
"Got it." Alam ko na iyon.
"Go, Team Andrei!" masayang cheer niya.
Napangiti na lang ako. "Thanks. Just keep me updated tungkol sa kaniya, ah?"
"Oo. Ako na ang bahala. Ako pa ba?"
"Thanks!" Inilapag ko ang phone sa desk ko at napaupo sa upuan.
Shane, natupad ko na ang mga pangarap ko. Doctor na ako ngayon. Sayang lang dahil hindi ko nagamot si Dad. Nahuli na ako.
Bata pa ako noon nang may isang bagong lipat sa lugar namin. Pumunta ako sa harap ng bahay nila.
Nakita ko ang isang cute na batang babae. Tinutulungan niya ang mama at papa niyang magbuhat ng mga gamit mula sa kotse. Nang mag-isa niya na, lumapit ako sa kaniya upang makipagkaibigan ngunit alam ba ninyo ang ginawa niya? Tinaasan niya ako ng kilay.
"Sino ka?" mataray niyang tanong.
"Andrei Williams. Ikaw?"
"Shane Smith."
"Welcome sa lugar namin."
Unti-unting bumaba ang kilay niya at ngumiti. "Salamat."
"Gusto mo bang pumunta sa park? Ganda ro'n!"
"Talaga? Mayroong park dito?"
Tumango ako. "Gusto mong pumunta?"
"Sana," biglang lumungkot ang mukha niya, "pero marami pa kaming gagawin nina Mama, eh. Marami pa kaming aayusin."
"Gano'n ba? Hmmm . . . bukas na lang kung gusto mo. Sunduin kita rito."
Ngumiti siya ulit. "Sige!"
Kinabukasan, pumunta ako ulit sa harap ng bahay nila.
Nagtago ako sa gilid ng pader nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Lumabas dito si Shane. Nagpalinga-linga siya sa paligid na parang may hinahanap. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tinakpan ko ang mga mata niya gamit ang dalawang kamay ko.
"Sino ito?" Hindi ako sumagot. "Andrei?" Tinanggal ko ang pagkakatakip ng mga kamay ko sa mga mata niya kaya malaya siyang humarap sa akin.
"Tara?"
"Siyempre!"
Hinila ko ang kamay niya sabay takbo papunta sa park.
"Let's play."
"Okay."
Naglaro kami ng habulan. Pagkatapos naming maglaro, umupo kami sa isang bench habang pawis na pawis.
"Nakapapagod," sabi ko.
"Oo nga, eh," pagsang-ayon niya naman habang hinihingal din.
"I have a question. Ano ang gusto mong maging paglaki mo?" biglang tanong ko sa kaniya. Basta, ang alam ko lang, biglang sumagi sa isipan ko iyon.
"Ewan."
"Gano'n ba?" Tumango siya. "Kung ako naman ang tatanungin, gusto kong maging isang doctor," wika ko.
"Nice. Bakit mo naman gustong maging doctor?"
"I want to cure my dad." Naging malungkot ang tono ng boses ko nang sabihin ko iyon.
"Bakit? Ano'ng nangyari?"
"May cancer siya."
Araw-araw kaming naglalaro ni Shane sa park hanggang sa isang araw, may nangyari.
"Manloloko ka!"
"Huwag mong isama ang anak ko! Kung aalis ka, umalis ka nang mag-isa mo!"
"Hindi ka karapat-dapat maging ama sa kaniya. Bad influence lang ang maibibigay mo!"
Hawak-hawak ng mama niya ang kaniyang kanang kamay at bitbit nito sa kabila ang isang itim na maleta. Nasulyapan ko ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ni Shane.
"Ma, Pa, tama na po!" Natigilan sila sa sinabi niya at pareho silang tumingin sa kaniya. "P-please po."
Lumuhod ang mama niya sa kaniyang harap at pinunasan ang kaniyang mga basang pisngi. "Sorry, Honey. I need to do this. Kung mananatili tayo rito, patuloy lang tayong lolokohin ng papa mo."
Napatingin siya sa papa niyang nag-iwas ng tingin. "Pa, is it true? Niloloko mo kami ni Mama?" Hindi siya nito sinagot.
Hinila na lang siya ng mama niya papasok sa loob ng puting kotse. Tumingin siya sa labas ng bintana para tanawin ang papa niya ngunit pumasok na ito sa loob ng bahay nila. Sakto namang nahagip ako ng paningin niya.
"Aalis na kayo?" tanong ko. Tinanguan niya lamang ako bilang sagot.
Kumaway na lang ako nang magsimulang umandar ang kotse. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makalayo na sila.
"See you. I will surely find you when I grow up."
Now, I finally found you . . . pero hindi mo na ako maalala, Shane.
SHANE'S POINT OF VIEW
Tatlong linggo na ang nakalilipas. Simula noon, hindi ko na napapaginipan si Charles kundi ang panaginip kung saan nakikipaglaro ako sa batang lalaking may malabong mukha.
Nandito na naman ako ngayon sa kuwarto, nakaupo sa kama at nakatitig sa labas ng bintanang nakabukas. Pumapasok ang malamig na ihip ng hangin.
Napalingon ako sa pinto nang may marinig akong kumakatok. "Miss Shane, may bisita po kayo," sabi ni Yaya.
"Sino po?"
"Hinihintay ka sa baba." Yaya naman. 'Sino' ang tanong ko, eh.
"Sino po?" ulit ko.
"Basta. Hinihintay ka sa baba."
Napahinga na lang ako nang malalim. "Alright." Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong yellow dress na may habang hanggang tuhod bago lumabas.
"Hi." Natigilan ako sa paglakad pababa ng stairs nang marinig ang boses na iyon. Napalingon ako sa nagsalita.

Komentar Buku (16)

  • avatar
    DiamanteKennkenn

    very good

    11/03

      0
  • avatar
    Mike Ablay

    hahaha about felings ☺️

    09/11

      0
  • avatar
    Judy Ann Caña

    ganda

    15/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru