logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

"Hello?"
[Hoy babae!] Gandang bungad.
"Problema mo?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
[Asan ka? Nandito kami sa bahay niyo pero wala ka naman]
"Mall.”
[Anong ginagawa mo riyan? Sinong kasama mo?]
Secret walang clue.
"Naliligo," Pilosopo kong sabi.
[May bahay naman kayo, bakit dyan ka naliligo?]
Ay tanga.
"Gaga! Ano bang ginagawa sa mall? Sige na mamaya pa ako uuwi. Pakisabi na lang kila mama tutal nandiyan naman kayo sa bahay.”
In-end call ko na at baka kung ano pa sasabihin ulit nun. Hindi ko naman alam na pupunta sila sa bahay at biglaan na lang na pumunta. Walang pasabi porket welcome sila palagi na pumunta roon.
"Sino ‘yon?"
Nagtatakang tanong nitong katabi ko. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakakunot ang noo niya na parang naguluhan sa mga pinagsasabi ko kanina.
"Si Feya. Nandoon daw sila sa bahay."
"Uwi na ba tayo?"
Umiling ako, "Ayoko pa. Laro tayo sa timezone tapos kain tayo. Libre kita," Pag-aaya ko sa kanya.
"Huwag na,” Pagtanggi niya. Ayaw ng libre?!
Sinamaan ko siya nang tingin, "Lilibre kita dahil na rin ito sa pagtulong mo sa akin."
"Sige na nga," Halatang napilitan siyang pumayag ah.
Hindi ko pa rin tinatanggal yung tingin ko sa kaniya kaya bigla siyang ngumiti sa’kin. Fuck! Huwag kang ngumiti sa akin please! Marupok itong puso ko!
Pagkatapos namin maglaro sa timezone, nag-aya na siya na ihahatid niya na raw ako sa bahay.
"Malas," Ka.
Napatingin ako sa katabi ko kasi bigla bigla na lang magsasalita.
"Problema mo?" Tanong ko sa kanya.
"May payong ka ba?" Umiling lang ako sa tanong niya, "Wala rin akong payong. Paano tayo pupunta sa sasakyan ko?"
Edi maglalakad. Alangan namang gumapang tayo.
"Ano ban---"
Napatigil ako sa pagsasalita. Kaya pala siya nagtatanong kung may payong ako kasi umuulan. Kailan ba ako huling naligo sa ulan? Nakatingin lang ako roon. Pwede kaya?
"Mamaya pa tayo makakauwi kapag tumigil na yung ulan."
"Huwag na. Tara na!"
Kumunot ang noo niya, "Anong ibig mong sabihin? Maliligo tayo sa ulan?" Baka hindi.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Nababaliw ka na ba? Baka magkasakit ka pa."
"Hindi ‘yan. Tara na!"
Hinila ko na siya pero hindi siya natinag.
"Huwag kang makulit!"
Sumeryoso ako nang tingin sa kanya, "Minsan lang tayo magiging ganito kaya dapat natin sulitin."
Nagtatakang tumingin siya sa akin ngunit ngumiti lang ulit ako sa kanya at hinila na ang kamay niya. Laking tao kailangan ko pa siyang hilain para mapilit ko.
"Ang kulit! Nabasa na tayo!!!" Pikon niyang sabi.
"Kaya nga! Huwag ka na rin makulit at maging masaya na lang tayo sa oras na ‘to. Wala kang magagawa kundi maligo sa ulan,” Tumakbo ako na parang bata na naliligo sa ulan.
Ang sarap kaya sa pakiramdam kapag naliligo sa ulan. Ang huli kong ligo sa ulan ay noong 10 years old ako. Mula noon, pinagbabawalan na ako ni mama. Hindi dahil sa nagkakasakit ako kundi masyado lang siyang strikto sa’kin. Ngayon lang ako sasaway sa sinabi niya sa akin kaya ihahanda ko na yung sarili ko sa sermon niya mamaya.
Gusto ko lang na maging masaya sa oras na ‘to kahit ngayon lang at damdamin itong pagkakataon na ito. Gusto kong kalimutan kahit sandal yung iniisip ko. Gusto kong makalimutan kahit ngayon lang yung problema ko.
NAGTATAKANG nakatingin si mama sa amin ni Green noong nakauwi kami sa sa bahay. Basang basa kami dahil niyaya ko nga siya na maligo sa ulan. Hinatid niya ako sa bahay at pinapasok ko siya sa loob para yayain siyang kumain bago umalis.
"Jusko! Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni mama.
"Magandang gabi po!” Magalang na sabi ni Green.
Tumingin si papa sa amin, “Nagpaulan ba kayo?” Tanong niya kahit na obvious naman na nagpaulan nga talaga kami.
“Basang basa sila alangan naman naligo lang sila sa cr,” Pilosopong sabi ni mama.
"Ma ito nga po pala si---"
Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil itong kasama ko na ang nagsalita.
"Ako po si Green Rhett Carvajal. Kaibigan po ni Tayla," Pakilala niya sa kanila.
"Anak, punta ka muna sa kwarto mo maligo ka. Kukuha lang ako ng damit ng papa mo para dito sa kasama mo at para makaligo rin siya."
Sumunod ako sa sinabi ni mama. Mahirap na baka hampasin niya ako sa harap ni Green kapag hindi ako sumunod. Pagkaakyat ko sa kwarto ko, kumuha muna ako ng damit at pumunta na sa banyo para maligo.
Tumango naman ako kay mama at umakyat na sa kwarto ko. Pagkaakyat ko kumuha agad ako ng damit at pumunta sa banyo para maligo. Mahirap na baka magkasakit pa ako edi mas lalo akong papagalitan ni mama.
NAPAHAWAK ako sa dibdib ko nang makalabas ako ng banyo. Hindi k aba magugulat kapag bigla mong nakita na may nakatayo sa tapat ng kama mo?
"Ano ba naman, Ma? Nanggugulat ka ba?"
Masamang nakatingin si mama sa akin, “Diba sabi ko sayo na huwag kang magpapaulan?!” Oh diba? Sabi ko sa inyo magagalit ‘yan eh.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Sa ganitong paraan, alam kong kakalma si mama.
“Ma, ngayon na lang ako nagpaulan tsaka masama bang maranasan ko ang ginagawa ng pang-karaniwan na tao?”
Hinawakan ni mama ang mukha ko, “Anak, sa tingin mo ba hindi ka tao?” Malambing na tanong ni mama.
“Funny ‘yan, Ma?” Umirap ako sa kaniya at natawa naman siya, “Hindi ako nakikipaglokohan, Ma! Kung hindi ako tao, hindi ka rin tao. Sayo ako galing eh,” Nakatanggap ako ng malakas na hampas galing sa kaniya.
“Nagbibiro lang ako! Alam mo naman na inaalala lang kita. Ayokong magkasakit ka.”
Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. Ang sarap sa pakiramdam kapag alam mong mahal ka nila. Alam kong inaalala lang nila ako at ayaw nilang may mangyaring masama sa akin kaya ganiyan si mama ngayon.
Humiwalay si mama sa pagkakayakap sa akin, “Boyfri---“
“Ma naman!” Pinigilan ko na siya dahil alam ko kung anong tatanungin niya. Pagkakamalan niya pang boyfriend ko si Green.
“Bakit magkasama kayong dalawa?” Mapang-asar na tanong ni mama.
“Ma-issue ka, Ma! Porket ba magkasama kami, jowa ko na agad? Tinulungan niya lang ako sa audition kanina kaya nilibre ko siya sa kabila ng pagtulong niya sa akin. Huwag mong bigyan ng malisya, Ma!”
“Oo na, anak. Kalmahan mo lang,” Ginamit niya pa ang kamay niya para sabihin na kumalma ako. Inirapan ko lang si mama at tinawanan niya lang ako. Magkaroon ka ba naman ng ganitong nanay.
May mangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahan. Minsan yung sana hindi mangyari biglang mangyayari sayo pero kapag gusto mo naman na mangyari sa buhay mo, minsan hindi mangyayari. Ang gulo noh? Kaya dapat pagsikapin mo. Magdasal ka. Ipagdasal mo sana hindi mangyari yung kinakatakutan mo baka---
"Anak!"
Napatingin ako kay mama na nasa harapan ko pa. As in sobrang lapit niya sa akin. Pinalo niya ako sa braso ko eh ang bigat ng kamay niya! Akala niya ba magaan lang kamay niya? Hindi!
“Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka. Anong iniisip mo? Ay mali, sino iniisip mo? Huwag mo na isipin ‘yon, nasa baba lang siya.”
Nagtataka ako nung una kung anong tinutukoy niya pero ngayon nanlaki na mata ko dahil si Green lang pala tinutukoy niya. Magsasalita na sana ako pero inunahan niya na ako.
“Tara na sa baba. Kumain na tayo,” Yaya niya sa’kin at lumabas na sa kwarto.
Ganoon lang ‘yon? Hindi man lang ako pinasalita. Napailing na lang ako. Makababa na nga lang. Pangit kabonding ni mama. Kumakain na sila nang pagkababa ko. Hindi talaga ako hinintay parang others eh. Umupo ako sa tabi ni Green at kumuha ng pagkain.
“Huminto  na yung ulan, ‘nak. Sabi ng KAIBIGAN mo, uuwi raw siya pagkatapos niyang kumain,” Sabin i mama. Pinagdiinan talaga niya ‘yong ‘kaibigan’. Nako naman!
“Sige po, Ma.”
"Ano nga pala trababo ng magulang mo, Green?" Tanong ni papa.
"Parehas pong lawyer sina mama at papa," Magalang na sagot ni Green.
Wow! Ang galang. Nakakahiya naman. Char!
"Goals!" Sabi ni mama.
"Ma!" Sita ko sa kanya.
Nakakahiya!
“Ano pala gusto mong kunin sa kolehiyo?”
“Yung anak niyo po.”
Napaubo ako sa sinabi ni Green. Kinuha ko agad yung tubig ko at ininom. Hinampas ko siya sa baso pagkatapos kong uminom ng tubig. Tutuksuhin ako nila mama dahil sa sinabi niya!
"Okay ka lang ba, anak?" Tanong ni papa sa akin.
"Okay lang po," Sagot ko habang masamang nakatingin kay Green kaso hindi man lang siya natakot sa tingin ko at ngumisi pa sa akin!
“Masyado ka atang kinilig, anak,” Mapang-asar na sabi ni mama kaya nabaling ako sa kaniya.
Nakangisi na rin siya sa akin!
“Ma!” Irita kong sabi sa kaniya kaso tumawa lang siya pati si papa.
Pinagkakaisahan nila ako ha. Parang others ako ah!
“Biro lang po ‘yon. Lawyer din po sana ang gusto kong kunin sa college.”
Gusto ka ba? Hindi ka naman gusto.
“Gusto nga rin namin na maglawyer itong si Tayla pagkatapos niyang mag-aral ng accountancy sa college. Kung hindi siya papalarin, pwede naman siyang mag-asawa na lang ng lawyer,” Sabi ni mama.
Ah talaga ba, Ma? Napatampal ako sa noo ko. Jusko lord! Nakakahiya pinagsasabi ni mama!
“Pwede rin po,” Panggagatong ni Green.
Siniko nga siya sa braso, “Pinagsasabi mo riyan?” Mataray kong tanong sakaniya kaso ngumiti lang siya sa akin. Hindi ka ba pwedeng magsalita kapag sa akin huh?!
“Sige na. Ubusin mo na pagkain niyo para makaalis na itong si Green. Baka bumuhos na naman yung ulan.”
Nang matapos kaming kumain, nagpaalam na si Green kina mama at ako naman ay hinatid si Green sa may gate.
“May mga tinanong o sinabi ba sila mama kanina nung wala pa ako?” Curious kong tanong sa kaniya.
Baka may sinabi sila habang wala ako. Madaldal pa naman si mama kaya panigurado may nachismis na ‘yan kay Green. Kung kanina nga habang kumakain kung ano ano pinagsasabi, ano pa kya nung hindi pa ako bumababa diba?
“Wala, meron ba dapat?” Nagtatakang tanong niya.
Inirapan ko siya, “Ewan ko sayo! Nagtatanong lang ako baka fake news sinasabi ni mama sayo. Ikaw nga itong kung ano anong sinasabi sa kanila kanina. Umalis ka na! Baka umulan ulit, maabutan ka pa sa daan. Ingat ka!” Pagtataboy ko sa kaniya.
Napansin kong napataas yung isang kilay niya at ngumiti siya sa’kin.
“Problema mo?” Mataray na tanong ko sa kaniya.
“Nag-aalala ka na niyan?”
“Huwag ka na lang mag-ingat! Lahat na lang binibigyan ng meaning. Epal!”
Tinulan ko pa siya sa kotse niya para lang makaalis na siya. Nakasamid ako sa papalayong kotse niya. Napag-isipan ko na hindi na ako magmamahal ulit. Naisip ko kasi na ayokong masaktan yung taong mahal ko kapag iniwan ko na siya. Ayokong maging makasarili kaya hangga’t maaari kapag mahuhulog man ako sa taong ‘yon, pipigilan ko ang sarili ko na hindi tuluyang mahulog.
Pumasok na ako sa loob at dumerecho na sa kwarto. Umupo ako sa kama ko at nakatulala sa script na ginawa ko. Tama ba ‘tong ginawa ko? Bakit pakiramdam ko mangyayari itong mga eksena na ginawa ko sa totoong buhay?
“Hindi,” Umiling ako, “Hindi mangyayari ‘to,” Bulong ko sa sarili ko.
Kinuha ko na yung pencil at notebook ko para isulat sa maayos na papel yung tungkol sa performance task namin. Kailangan kong ayusin at asikasuhin ito habang maaga pa para hindi kami magagahol sa oras.
Sumagi bigla sa isipan ko yung titig at ngiti ni Green sa’kin. Bakit naman kasi nakaka-attract mga ngiti at titig niya?! Nakakainlove pero hindi pa rin pwede.

Komentar Buku (90)

  • avatar
    April Jhoy Boribor

    ang lungkot naman ng story nato😥😥pinatawa at pinakilig ako😥😥tas biglang pinaiyak😭😭

    5h

      0
  • avatar
    Princess Aretaño Torecillo

    stories are so nice

    27/07

      0
  • avatar
    Alfonso Jr.Marlon

    so beautiful

    08/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru