logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

“Sino ang mauuna? Tanong ko sa kanila.
Time na kasi ni Ms. Angeline kaya uumpisahan na namin yung audition. Nailagay na rin sa tabi yung mga upuan para malawak yung space na gagamitin para sa kanila.
“Kami na lang muna ni mahal,” Pagprisinta ni Edvin.
Napakunot ako sa sinabi niya, “Sinong mahal? Parang alam ko naman kung sinong tinutukoy mo.”
“Sino ba kapartner ko?” Tanong niya pabalik sa’kin.
“Buang. Si Adaly diba?”
"Kaya nga si mahal," Nakangiting sabi niya.
Dami niyang sinasabi. Pwede naman niyang direktang sabihin na sila na mauna ni Adaly. Malay ko ba kung sinong mahal ‘yong sinasabi niya.
“Ewan ko sayo. Pumunta na lang kayo sa harapan habang nagtitimpi pa ako sa demonyo ka,” Humarap muna ako sa mga kaklase kong nasa likod, “Paalala lang ha? Yung mga hindi pa sasalang dito ay huwag kayong maingay para makapag-concentrate rin sila at hindi sila ma-distract. Salamat!”
Umupo na ako sa upuan na nasa gitna at tumami sa akin si Green. Nginitian niya lang ako na para bang sinasabi niya na kalmahan ko lang.
“Kung ready na kayo, pwede na kayong magsimula para matapos na agad kayo,” Sabi ko sa kanila.
Hinahanda na muna nila iyong mga sarili nila kaya uminom muna ako ng tubig. Pakiramdam ko magiging busy ako ngayong araw at mapapagod ako. Ang dami atang ganap ngayon!
“Humihingi ako ng tawad,” Sabi ni Adaly.
“Bakit? Para saan?” Nagtatakang tanong ni Edvin.
“Hindi kita kayang sagutin,” Nakayukong sagot ni Adaly.
Napakunot naman ang noo ni Edvin dahil sa sagot ni Adaly, “Bakit? Dahil ba natatakot kang magmahal ulit? Natatakot ka na baka maiwan ka ulit?”
“Oo!” Sigaw ni Adaly sa kaniya, “Natatakot akong maiwan ulit! Kapag nagmahal ulit ako tapos iiwan lang pala ako baka hindi ko na kayanin pa. Ikakamatay ko pa kung masasaktan ako ulit.”
Mas lalong naguluhan si Edvin sa sinabi ni Adaly, “Ikakamatay? Bakit magpapakamatay ka ba? May sakit ka ba?”
"Wala akong sakit."
“Eh ano?! Ipaintindi mo sa’kin dahil kahit anong gawin ko hindi ko maintindihan!”
Huwag mo na lang intindihin. Charot lang.
“Ayokong mahalin ka dahil hindi ko alam kung anong posibleng mangyari. Hindi ko alam kung may ibang tao na kokontrolin ‘yang utak mo at bigla mo akong iwan.”
Biglang tumalikod si Adaly ngunit niyakap agad siya ni Edvin mula sa likuran. Nagulat si Adaly sa ginawa ni Edvin. Dapat kasi hahawakan lang ni Edvin si Adaly sa kamay para pigilan siya pero bigla siyang niyakap sa likuran kaya sino ba naman hindi magugulat doon diba?
"Hindi ako magpapa-apekto at maniniwala sa sasabihin nila. Una pa lang, ikaw na ang mahal ko.”
“Cut!” Sigaw ko. Pinalakpakan ko sila at gumaya yung iba sa ginawa ko. Gaya gaya ah char, “Ang galing niyo! Bagay kayo sa isa’t isa. Wala sa script pero ayon ang ginawa ha!” Tukso ko sa kanila.
“Thanks,” Inakbayan ni Edvin yung malandi kong kaibigan kaya namula yung pisngi niya.
“Ang pagkakaalam ko wala sa script iyoon ah?” Panggagatong ni Green sa kanila.
“Nadala lang kami!” Pangangatwiran ni Adaly.
“Lumayas na lang kayo riyan,” Pagtataboy ko sa kanila, “Sinong susunod? Pumunta na kayo sa harapan at sayang ang oras.”
Busy ako sa pagbabasa ng mga linya na sasabihin nila. Ang dami rin pala.
“My princess, sina Grant at Feya na ang susunod na sasalang,” Bulong sa akin ni Green.
Lumingon ako sa kaniya pero hindi ko alam na masyado pala siyang malapit sa akin. Ang lapit ng mukha niya sa’kin parang kulang na lang halikan niya ako! Nakatingin lang ako sa mga mata niya nang bigla siyang ngumiti. Ay jusme! Bigla pa itong ngumiti edi mas lalo akong nadistract! Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti niya at napangiti na rin ako.
“Itutuloy pa ba natin ‘to o mangingitian at magtititigan kayo riyan?”
Lumayo ako sa kaniya nang narinig ko ‘yon at tumingin sa harapan. Nandoon na pala yung dalawa at mapanuksong ngiti ang binibigay nila sa amin. Epal nitong dalawang ‘to.
“Ready na ba kayo?” Tanong ko kahit halatang ready na sila.
“Kanina pa kaso nagngingitian kayo. Nakakahiya sa inyo eh,” Sinamaan ko ng tingin itong si Feya.
“Magsimula na lang kayo,” Mataray kong sabi.
“Ano ba kasing meron sayo? Bakit mo ako iniiwasan?” Tanong ni Grant sa kaniya.
Infairness sa kaniya ha. Kaya pala niyang umarte kasi akala ko hindi eh.
“Dahil ayokong masaktan ka sa huli!” Singhal sa kaniya ni Feya.
"Masaktan? Bakit? Ano ba ‘yang tinatago m--"
"May sakit ako! Hindi lagnat, sipon, ubo o kung anoman! Mamamatay na ako at ayokong masaktan ka sa huli. Ayokong mahalin mo ang katulad ko na mamamatay din naman sa huli!"
"Ano ngayon? Gusto kitang alagaan. Gusto kitang protektahan. Bakit mo ba pinagdadamot iyon sa akin?"
"Dahil nga ayokong masaktan ka sa h--"
"Wala akong pake kung masaktan ako sa huli! Basta kasama kita masaya na ako," Kinuha ni Grant yung dalawang kamay ni Feya at tinitigan siya sa mga mata, “Sayo ako sasaya. Masasaktan ako pero wala na akong pakialam doon basta magiging masaya ako kapag ikaw na ang kasama ko,” Nginitian ni Feya si Grant.
"Cut!"
Parang ibang Grant ‘yong nasa harapan ko ngayon kasi hindi suplado yung mukha niya.
Inunat ko ang aking mga kamay dahil kanina pa ako nakaupo kaya parang nangalay itong likod ko. Nakakapagod din umupo ha! Tumayo ako at tinignan ko ang mga kaklase ko.
“Tapos na rin ang audition at masasabi ko ay ang gagaling niyo pero hindi lahat magkakaroon ng role rito. Hindi naman pwedeng lahat kayo ay aarte. Paano na lang sa props diba? Yung iba, sa props at costumes sila mapupunta. Dapat syempre magaganda mga gawa niyo. Dapat maganda at galingan nating lahat dahil nalaman ko kay Ms. Angeline na maglalaban daw kada section kaya galingan natin.”
Kinuha ko yung script, “Hindi ako magaling gumawa ng script pero kung sinong papalarin na mapili ay bibigyan agad nito.”
"Ano ba yung kwento na nagawa mo?" Tanong ni Zoey, kaklase namin.
"Ito ay tungkol sa babae na naghahanap ng kasintahan para may katuwang siya hanggang sa huling hininga niya," Binigyan naman ako ng kakaibang tingin nina Adaly at Feya, "May lalaking dumating sa buhay niya ngunit parang ayaw niya na magmahal ulit. Ayun yung isa sa mga linya kanina. Ayun lang ang sasabihin ko dahil malalaman niyo na lang sa susunod kung anong mangyayari."
Nagreklamo ang iba kasi  parang gusto talaga nilang malaman kung anong kwento yung nagawa ko.
"Yung gaganap na bida rito sa kwento na ito ay si Edvin at Adaly," Nanlaki ang mga mata ni Adaly, "Hindi dahil sa kaibigan ko kayo kaya ko kayo napili. Napili ko kayo dahil pakiramdam ko bagay kayong gumanap na bida. Alam kong kaya niyo ‘yan."
Malaki ang tiwala ko sa kanila na maayos nilang magagampanan itong role na binigay ko sa kanila kaya sila rin napili ko.
Abala ako sa pagbibigay ng mga role sa mga kaklase namin pero ramdam ko yung tingin ni Green. Hindi ko man nakikita pero alam kong nakatingin siya sa akin. Alam kong maganda ako pero huwag naman ganiyan baka matunaw ako.
"Baka naman matunaw siya."
"Yung ngiti abot sa labas oh."
"May sarili siyang mundo hindi niya tayo naririnig."
"Yung mundo niya na kay Tayla lang."
Inaasar na naman si Green kaya inalis na niya ‘yong tingin sa akin. Napansin kong tumingin siya sa apat na epal.
"Anong problema niyo?" Rinig kong tanong ni Green sa kanila.
“Kanina pa kasi kami nakatingin sayo,” Saad ni Feya.
“Hindi mo kami napapansin kasi…”
Kasi nakatingin siya sa’kin, Adaly!
"Kasi?" Tanong ni Green.
"Sa kanya ka lang nakatingin!" Sabay sabay nilang sinabi.
“Hoy! Ano ‘yan?” Pag-iintriga ko sa kanila. Kunwari hindi ko naririnig mga pinagsasabi nila. Tumingin ako kay Green at nginitian siya, “Salamat ha? Kung hindi dahil sayo baka mahirapan ako.”
"Nako, Tayla. Huwag kang ngumiti masyado," Pang-aasar ni Edvin.
Masamang tumingin si Green sa kaniya pero tumawa lang ang apat, “Bakit naman?” Kunwari hindi ko alam yung dahilan.
“Baka kasi may mahimatay dito,” Panunukso ni Grant.
“Lumayas nga kayo rito!” Pangtataboy ni Green sa kanila.
Wala pa sa alas kwatro ay umalis na nga sila sa harapan namin kaso naiwan si Grant. Wow! Hindi nagpatinag kay Green.
“Bakit nandito ka pa?” Supladong tanong ni Green sa kaniyang kaibigan.
Nginitian niya lang si Green, tumayo naman na siya at tumingin sa akin, “Sa sobrang ganda ng ngiti mo, kawawa kaibigan namin na si Green. Mahihimatay dahil sa ngiti mo,” Akmang hahampasin na ni Green si Grant kaso bigla itong naglakad papalayo sa amin.
“Anong pinagsasabi nila?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Pwede na ba akong maging artista nito?  Shocks! Ang galing ko lang umarte char.
Umiling ito sa’kin tsaka ngumiti, “Wala po. Wala silang magawa at inaasar na naman ako. Tara na. Uwian na rin kaya libre na lang kita para matanggal ‘yang pagod mo.”
Pumayag naman na ako agad sa alok niya. Aba! Libre na rin ‘yon noh. Hindi ko tatanggihan iyong libre niya.

Komentar Buku (90)

  • avatar
    April Jhoy Boribor

    ang lungkot naman ng story nato😥😥pinatawa at pinakilig ako😥😥tas biglang pinaiyak😭😭

    7h

      0
  • avatar
    Princess Aretaño Torecillo

    stories are so nice

    27/07

      0
  • avatar
    Alfonso Jr.Marlon

    so beautiful

    08/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru