Sapphire's POV Nasa sala kami ngayon ni Mama habang si Papa naman ay nasa bakuran at nagdidilig ng halaman. Napatitig ako sa kaniya habang siya ay busy sa panonood. Sasabihin ko na ba? "Anong iniisip mo at nakatitig ka sakin?" Agad kong binawi ang tingin ko at napayuko. "Ma, kilala mo ba kung sino ang tunay kong magulang?"tanong ko kay mama habang nakayuko. Ramdam kong tumitig siya sakin kaya lalo akong nahiya at napakagat ng labi. Mali ba ang tanong ko? "M-ma hindi po sa..."naputol ko ang sasabihin ko ng pumasok si Papa. "Oh anong pinag-uusapan niyo bakit ang seryoso niyo naman ata?"natatawang tanong niya kaya nagangat na ako ng tingin. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mama. "Tinatanong niya kung sino ang totoong magulang niya,"nakangiting sabi ni mama na nagpatawa kay Papa. "Yun lang ba?"baling ni papa sakin na parang simpleng bagay lang ang tinatanong ko. Tumango ako kaya umupo siya sa harapan ko at tumabi naman si mama sa kaniya. Kinakabahan ako. "Kilala namin sila at alam rin namin kung saan ka nagmula,"sabi ni papa. "Kung ganon sino at nasaan po sila?"parang bata na tanong ko. "Sigurado ka na ba na gusto mo nang malaman ngayon anak?"seryosong sambit ni Mama kaya napalunok ako. Kinakabahan ako pero kailangan. Alam kong may kakaiba sakin. Bata pa lang ako alam ko na sa sarili ko na may mali,na hindi ako katulad ng iba. Siguro ito na nga ang tamang panahon para malaman ko ang totoo. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako tumango. "Opo ma,pa handa na po ako." "Alam mo namang may kakaiba sayo hindi ba?"tumango ako sa sinabi ni Papa. "Pa tao pa rin namang ako diba?"tanong ko kaya napatawa sila ni Mama. Medyo napahiya ako sa part na 'yon. "Siguro,pero sabihin na nating mas mataas ka sa tao,"sagot ni Papa "Anong ibig sabihin nun?" Napangiti naman ulit si papa. "Sa isang malayong malayong lugar may isang pamayanan na nabuo, isang lugar kung saan ang mga nakatira ay hindi ordinaryong tao. Lahat sila ay may kapangyarihan,may angking kakayahan sa iba't ibang aspeto. At doon ka sa lugar na iyon nagmula anak,doon nakatira ang mga magulang mo at doon ka rin nabibilang anak." "Kung ganon may kapangyarihan din ako?"sambit ko. Alam kong weird pero di na ako nagulat dahil ilang beses ko nang naramdaman ang mga kakaibang bagay at isa pa noong nandito pa si Lolo ko ay lagi niyang sinasabi na totoo ang mahika. "Oo sigurado akong may kapangyarihan ka pero hindi ko alam kung ano,"sagot ni Mama "Alam niyo ang mga bagay nato ibig sabihin po ba...?"nagtatakang tanong ko "Yes anak katulad mo rin kami," sagot ni Papa at nagulat ako ng biglang may lumabas na tubig sa kamay niya. Ganon din si Mama pero parang ipo ipo ang nasa palad niya. "Wow...pero sino ang magulang ko?"bigla silang tumigil kaya nawala na rin ang nasa kamay nila. "Anak isa kang prinsesa, ang magulang mo ang namumuno sa isang distrito, pero dahil sa isang pagkakamali ay nasira ang pangalan nila at gusto silang patayin ng lahat ng naninirahan doon. Kaya bago pa sila sumabak sa digmaan ay sinigurado muna ng mama mo na ligtas ka at yun ang dahilan kung bakit nasa amin ka ngayon". Biglang bumigat ang dibdib ko sa narinig ko. Kung ganoon naman pala bakit gusto akong dalhin pabalik ni Ms. Aster sa lugar na iyon?Gusto niya rin ba akong mamatay? Bigla akong napatawa ng pagak. "Kung ganon wala na po pala akong babalikan dun. Wala na rin po palang kwenta yung plano kong sumama sa teacher ko papunta don,"agad kong pinalis ang luhang namumuo sa mata ko. "Hindi anak kailangan mong bumalik doon dahil nararamdaman kong may naghihintay pa sayo,"hinawakan ni mama ang kamay ko "Pero ma...natatakot na po ako" "Pero dapat mong sundin ang nakatakda anak...Wag mo kaming intindihin alam kong malakas ka kaya bumalik ka," nakangiting sambit ni papa kaya napatango nalang ako. Ang kailangan ko lang talaga ay lakas ng loob para makayanan ko silang iwan. Lalo na at simula ng magkaisip ako ay hindi na ako umalis sa tabi nila. Siguro nga hindi sila ang tunay kong magulang pero wala akong natatandaan na pinaramdam nila sa akin ang katotohanang iyon. Palagi nilang sinasabi kung gaano nila ako kamahal at sobrang swerte nila na naging anak nila ako. Pero ngayong sila na mismo ang nagsasabi sa akin na kailangan ko nang bumalik sa tunay kong mundo ay hindi ko na magawang tumanggi. Sana nga lang talaga ay kayanin ko. Nang gabing iyon ay todo lambing na ako sa kanilang dalawa. Habang kumakain ay todo asikaso kami sa isa't-isa. Kulang na lang ay magsubuan kami. Tinulungan ko din si Mama na mag-ayos ng kinainan at maglinis ng bahay kahit gabing-gabi na. Pagkatapos noon ay pinuntahan ko si Papa sa garahe na busy sa paglilinis ng paborito niyang kotse. "Bakit gising ka pa?"nagtatakang tanong niya. Ngumiti naman ako sa kaniya. "Ikaw din naman eh. Ang lamig na kaya Papa. Anong trip mo at naglilinis ka pa dito?" tumaas pa ang kilay ko sa kaniya. Hindi na ako naghintay ng sagot niya dahil kumuha rin ako ng panglinis at tinulungan siya. Habang ginagawa ko iyon ay nakatitig lang sa akin si Papa. "Ang laki-laki mo na,"natatawang sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "Excuse me, Pa? I'm just seventeen," Inirapan ko siya pero inilingan niya lang ako. Sigurado akong balak niyang magdrama. "Alam mo ba noong wala ka pa sa amin ng Mama mo ayaw na ayaw ko sa mga bata?" Tinignan ko siya na parang hindi naniniwala sa sinasabi niya. Ang alam ko ay mahilig siya sa bata. Gustong-gusto niya ngang nakikipag-laro sa bata eh. "Totoo 'yon. Kaya nga nang una kitang makita napakamot nalang ako ng ulo eh. Wala naman akong magagawa kasi nakapag desisyon na si Mama mo,"pareho kaming napangiwi ni Papa. "Tapos isang beses iniwan ka niya sa akin eh hindi ko naman alam kung paano ka patahanin. Ayon, sinabayan na lang kita umiyak." Tumawa si Papa na parang naalala niya pa lahat ng ginawa niya sa akin. Kahit ako ay tumawa na rin. Maloko at makulit si Papa kaya naman hindi na ako magtataka kung talagang ginawa niya iyon. Mas magugulat pa nga ako kung sobrang tino niya sa akin eh. "Kaya ikaw, mag-iingat ka doon ha? At kung mag-boyfriend ka man dapat yung aalagaan ka at mamahalin," taas-baba ang kilay ni Papa kaya inirapan ko siya at tinuloy na lang ang ginagawa ko. Marami pa siyang kwento sa akin na natuwa naman akong pakinggan kahit na karamihan doon ay kalokohang ginawa niya sa akin nang baby pa lang ako na laging nagpapa-init ng ulo ni Mama. Nang matapos kami ay niyakap ko siya sa likod ng sobrang higpit. "Pa, pagbalik ko gawin ulit natin ito ha? Hintayin niyo po ako. Promy babalik po ako," lumuluhang sabi ko bago bumalik sa kwarto. Babalik ako.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 26 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (82)
RoseteJamby D.
woooooow, the intro is so interesting, as reader na hook agad yun atensyon ko and babasahin ko talaga ito. so paano ba iyan babasahin ko na yun mga susunod na chapter. continue lang sa pagsulat ng mga magagandang sulat.💕
19/01/2022
0
Quirino Gonzales Jr.
wala naman masama kung makikinig at magtitiwala sapagkat .may alam sya sa pagkataon mo .
woooooow, the intro is so interesting, as reader na hook agad yun atensyon ko and babasahin ko talaga ito. so paano ba iyan babasahin ko na yun mga susunod na chapter. continue lang sa pagsulat ng mga magagandang sulat.💕
19/01/2022
0wala naman masama kung makikinig at magtitiwala sapagkat .may alam sya sa pagkataon mo .
19/01/2022
0Thanks
11/06/2025
0Lihat Semua